You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9 Oktubre , 2022

I. Layunin:
Inaasahang maipamamalas ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. natutukoy ang mga karapatan ng mamimili;
b. nakagagawa ng letter of complaint; at
c. nabibigyang halaga ang karapatn ng mamimili.

II. Paksang Aralin


Paksa: Karapatan ng Mamimili
Learning Competency: Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang
mamimili (AP9MKE-Ih-18)
Sanggunian: Deped Learner’s Manual AP 9
Kagamitan: Chalk, Blackboard, Printed pictures, powerpoint presentation

III. Pamamaraan
A. Paunang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati sa mga mag-aaral
c. Pagtetsek ng liban at hindi liban
d. Pagsasaayos ng silid-aralan

B. Pagbabalik-aral/Pagganyak:
Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng larong charades. Isa sa kanilang mga kamag-aral ang
magpapahula sa iba nitong mga kaklase. Ang mga pahuhulaan ay patungkol sa mga pamantayan sa pamimili.

C. Aktibidad:
Ang mga mag-aaral ay mahahati sa walo na pangkat. bawat pangkat ay bibigyan ng puzzle na
kanilang bubuoin. Makakabuo sila ng larawan na nagpapakita ng mga karapatan ng mamimili. Kapag nabuo
na ang puzzle, kailangan nilang sigaw ang salita na mababasa nila sa likod ng larawan na kanilang mabubuo.
Puzzle:

D. Pag-analisa:
Pamprosesong Tanong:
1. Ano sa palagay ninyo ang mga nasa larawan?
2. Alam mo ba ang mga karapatan mo bilang mamimili?
3. Nasubukan mo na bang ipaglaban ang iyong karapatan kapag may nabibili kang
nadektibong produkto?
4. Paano mo naipaglalaban ang iyong karapatan bilang mamimili?
E. Abstraksyon:
Ang guro at ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pagtatanong at pagtatalakay patungkol sa mga
sumusunod na konsepto:
 Walong Karapatan ng Mamimili
o Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
o Karapatan sa kaligtasan
o Karapatan sa patalastasan
o Karapatang pumili
o Karapatang dinggin
o Karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalan
o Karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili
o Karapatan sa isang malinis na kapaligiran
 Limang Pananagutan ng mga Mamimili
o Mapanuring kamalayan
o Pagkilos
o Pagmamalasakit na panlipunan
o Kamalayan sa kapaligiran
o Pagkakaisa
F. Aplikasyon:
Panuto: Ipagpalagay na ikaw ay nakabili o nakagamit ng produkto o serbisyo na binabanggit sa
ibaba. Gumawa ng kaukulang letter of complaint na ipararating sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.
Mamili lang ng isang sitwasyon.
1. Depektibong cellphone
2. Lip Balm na naging sanhi ng pamamaga ng iyong labi
3. Double dead na karne ng manok
4. Maling timbang ng asukal
5. Serbisyong hair rebonding na naging sanhi ng pagkasunog ng iyong buhok

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Hanapin sa kolum B ang sagot sa kolum A.
Hanay A Hanay B
1. Mapanuring Kamalayan a. Ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at
kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.
2. Pangkilos b. Ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga
kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan.
3. Pagmamalasakit na Panlipunan c. Ang tungkuling maging listo at mausisa.
4. Kamalayan sa Kapaligiran d. Ang karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na nagbuhat sa
produkto na binili mo.
5. Pagkakaisa e. Ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa
makatarungang pakikitungo.
f. Ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi
wastong pagkonsumo.

V. KASUNDUAN:
Panuto: Gamit ang ¼ illustration board, gumawa ng poster na nagpapakita ng mga Karapatan ng Mamimili.
Pamantayan Puntos
Kaangkupan ng konsepto 15
Pagkamalikhain 10
Kabuuang presentasyon 5
KABUUAN: 30

Inihanda ni:
ROY VINCENT Z. MORENO
Teacher I

You might also like