You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9 Oktubre 19, 2022

I. Layunin:
Inaasahang maipamamalas ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. natutukoy ang mga agencies na nangangalaga sa mga mamimili;
b. nakagagawa ng idea web patungkol sa mga ahensya para sa mga mamimili; at
c. nabibigyang halaga ang mga ahensyang nangangalaga sa mga mamimili.

II. Paksang Aralin


Paksa: Consumer Protection Agencies
Learning Competency: Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang
isang mamimili (AP9MKE-Ih-18)
Sanggunian: Deped Learner’s Manual AP 9
Kagamitan: PowerPoint presentation

III. Pamamaraan

A. Paunang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati sa mga mag-aaral
c. Pagtetsek ng liban at hindi liban
d. Pagsasaayos ng silid-aralan

B. Pagbabalik-aral/Pagganyak:
Ang klase ay mahahati sa apat na pangkat. Magsasagawa ang guro ng maiksing “Quiz Bee”. Ang
bawat pangkat ay bibigyan ng white board at marker na siyang susulatan nila nang kanilang sagot. Babasahin
ng guro ang tanong ng dalawang beses. At bibigyan lamang ang mga mag-aaral ng sampug Segundo upang
sagutin ang bawat katanungan. Ang mga katanungang ito ay patungkol sa mga Karapatan ng mga Mamimili.

C. Aktibidad:
Ang mga mag-aaral ay mahahati sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng papel na may
laman na Acronym ng mga Ahensyang nangangalaga sa kapakanan ng mga mamimili. Kailangna nilang itala
ang mga ibig sabihin ng mga acronym na mabibigay sa kanila. Magpapaunahan ang bawat pangkat na matapos
sa pagsagot. Ang pangkat na may pinakamaraming tamang sagot ang siyang panalo.
DT
BFAD ERC FPA PRC SEC
I

D. Pag-analisa:
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napansin sa aktibidad?
2. Pamilyar ka ba sa mga ahensiya?
3. Saan mo madalas makita o marinig mga salitang iyan?
4. Ano sa tingin mo ang pinangangalagaan ng mga ahensiyang nasabi?
E. Abstraksyon:
Ang guro at ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pagtatanong at pagtatalakay patungkol sa mga
Consumer Protection Agencies.
 Bureau of Food and Drugs (BFAD)
 City/Provincial/MunicipalTreasurer
 Department of Trade and Industry (DTI)
 Energy Regulatory Commission (ERC)
 Environmental Management Bureau (DENR-EMB)
 Fertilizer and Pesticide Authority (FPA)
 Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB)
 Insurance Commission
 Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
 Professional Regulatory Commission (PRC)
 Securities and Exchange Commission (SEC)

F. Aplikasyon:
Panuto: Magtala ng apat na ahensiya at ibigay kung anong aspeto sila naka tuon.

Consumer Protection
Agencies

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Suriin ang pangayayari sa bawat bilang at isulat ang ahensiya na dapat lapitan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Kulang sa timbang ang nabiling karne ni Miya sa palengke ng Mangaldan.
2. Maling resita ang naibigay sa pasyenting si Balmond ng kanyang doktor.
3. Nakita ni Roger na nagtapon ng basura si Alucard sa ilog.
4. Namaga ang mukha ni Layla dahil sa make-up na benta ni Esmeralda.
5. Mabilis na naubos ang panindang LPG ni Saber, ngunit hindi alam ng kanyang mamimili na kulang ito sa
timbang.

V. KASUNDUAN:
Panuto: Gumawa ng isang maikling tulang pasasalamat para sa iba’t-ibang ahensiya na nangangalaga sa
kapakanan ng mga mamimili. Isulat ito sa short coupon bond.
PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman 10
Pagkamalikhain 5
Tema 5
KABUUAN: 20

Inihanda ni:
ROY VINCENT Z. MORENO
Teacher I

You might also like