You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Oktubre , 2022

I. Layunin:
Inaasahang maipamamalas ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. natutukoy ang anim na code ng mga hilig;
b. nakakagagawa ng imbentaryo patungkol sa mga code ng hilig; at
c. nabibigyang halaga ang hilig sa pagpili ng track o kurso.

II. Paksang Aralin


Paksa: Job/Work/Career Environment-John Holland
Learning Competency: Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong
akademiko o teknikal, bokasyonal, negosyo o hanapbuhay (EsP7PS-Ie-3.1)
Sanggunian: Deped Learner’s Manual ESP 7
Kagamitan: Chalk, Blackboard, powerpoint presentation

III. Pamamaraan

A. Paunang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati sa mga mag-aaral
c. Pagtetsek ng liban at hindi liban
d. Pagsasaayos ng silid-aralan

B. Pagbabalik-aral/Pagganyak:
Ang guro ay magsasagawa ng aktibidad na “Party Time”.
Panuto: Ipagpalagay nating ikaw ay nasa isang party o salu-salo, at ito ay dinaluhan ng iba’t-ibang pangkat o
grupo ng mga taong may kanya-kanyang interes. Sa iyong pagpasok, alin sa mga grupong ito ang nais mong
samahan? At ipaliwanag kung bakit ito ang napili.

C. Aktibidad:
Panuto:
 Gamit ang panukat (scale) mula sa 5 (pinakagusto), hanggang sa 1 (hindi masyadong gusto),
lagyan ng tsek (/) ang kolum na may bilang na nagpapahayag ng antas ng iyong pagkagusto
sa asignatura.

Mga Asignatura 5 4 3 2 1
1. Pilipino
2. Ingles
3. Matematika
4. Agham
5. Araling Panlipunan
6. Technology and Livelihood Education
7. Musika
8. Sining
9. Pisikal na Edukasyon
10. Edukasyon sa Pagpapalatao

D. Pag-analisa:
Mga pamprosesong tanong na sasagutin ng mga mag-aaral.
1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili? Ipaliwanag.
2. Nahirapan ka ba sa pagranggo ng mga asignatura batay sa iyong hilig? Ipaliwanag.
3. May koneksiyon ba ang iyong mga personal na hilig sa kung paano mo ginagawa ang mga gawain sa
paaralan?
4. Sa mga asigntaura na binigyan mo ng mababang ranggo (1), paano mo mapauunlad ang iyong sarili
sa mga asignaturang ito?
5. Sa mga asignatura naman na binigyan mo ng mataas na ranggo, ano ang gagawin mo upang lalo
mong mapaghusayan ang pag-aaral sa mga ito?

E. Abstraksyon:
Ang guro at ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pagtatanong at pagtatalakay patungkol sa mga
sumusunod na konsepto:
A. Ang Code ng mga aking Hilig
a. Realistic
b. Investigative
c. Artistic
d. Social
e. Enterprising
f. Conventional

E. Aplikasyon:
Panuto: Batay sa ginawang matrix sa aktibidad, isulat sa unang kolum ng matrix sa ibaba ang tatlong
asignatura na pinakahihiligan. Pagkatapos, lagyan ng tsek ang kolim na naglalarawan ng bawat asignatura
ayon sa RIASEC Inventory.
Maaring sa isang asignatura ay may dalawa o tatlong kategorya ng RIASEC Inventory.
RIASEC Inventory
Mga Asignatura Realistic Investigative Artistic Social Enterprising Conventional
1.
2.
3.

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga gawain na tumutukoy sa iba’t ibang larangan sa Hanay A. Piliin ang
letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Realistic A. Ang mga nasa ganitong kategorya ay mas gustong magtrabaho sa
organisasyong may istraktura.
2. Investigative B. Ang mga nasa ganitong kategorya ay palakaibigan, popular at
mapanagutan.
3. Artistic C. Sila ay mayaman sa ideya at malikhain sa mga larangang pang-agham,
tulad ng pananaliksik.
4. Social D. Sila ay madalas na masigla, nangunguna, at kung minsan ay madaling
mawalan ng pagtitimpi at pasensya.
5. Conventional E. Nasisisyahan sila sa mga sitwasyong nagbibigay-daan sa kanilang pagbuo
ng mga orihinal na likha.
F. Ang mga taong nakabilang sa kategoryang ito ay mas nasisiyahan sa
paglikha ng mga bagay gamit ang kanilang kamay at mga kagamitan.

V. KASUNDUAN:
Panuto: Ibigay kung anong Code ng mga Hilig ang tinutukoy. Isulat ang sagot sa ¼ na papel.

1. Banker
2. Drama coach
3. Pagtuturo
4. Economist
5. Mechanical Engineer

Inihanda ni:

ROY VINCENT Z. MORENO


Teacher I

You might also like