You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Oktubre 0, 2022

I. Layunin:
Inaasahang maipamamalas ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. nasasagot ang mga tanong sa pagsusulit na may 75% na pag-unawa;
b. naipapakita ang katapatan sa pagsagot ng mga tanong sa pagsusulit; at
c. naibibigay ang tamang sagot sa bawat tanong ng pagsusulit.

II. Paksang Aralin


Paksa: Ikatlong Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Learning Competency: Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili at
nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito (EsP7PS-Ic-2.2)
Sanggunian: Deped Learner’s Manual EsP 7
Kagamitan: papel ng pagsusulit, sagutang papel

III. Pamamaraan
A. Paunang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati sa mga mag-aaral
c. Pagtetsek ng liban at hindi liban
d. Pagsasaayos ng silid-aralan

B. Pagbabalik-aral/Pagganyak:
Ang mga mag-aaral ay pipili ng isa sa kanilang kamag-aral na kanilang kakapanayamin. Pagkatapos
makapanayam ay pipili ang guro ng magpepresenta sa harap ng klase.
Mga batay na katanungan:
1. Ano ang iyong kalakasan?
2. Paano mo ito napapaunlad?
3. Ano ang iyong kahinaan?
4. Ano ang ginagawa mong paraan upang mapaunlad ang kahinaan mo?

C. Aktibidad:
A. Paglalahad
a. Ipabasa sa mga bata ang Pamantayan sa Pagsusulit
B. Pagsagot ng mga bata sa mga tanong ng pagsusulit.

D. Pag-analisa:
Pamprosesong Tanong:
1. Nasagutan mo ba ng husto ang bawat katanungan?
2. Natukoy mo ba ang pagkakaiba ng talento at kakayahan?
3. Nakapagbigay ka ba ng paraan kung paano paunlarin ang kakayahan at kahinaan?

E. Abstraksyon:
Ang guro at ang mag-aaral ay magkakaroon ng pagtatanong at pagtatalakay sa mga tamang sagot sa
pagsusulit.
IV. PAGTATAYA:
Ang resulta ng kanilang pagsusulit ang magiging basehan ng kanilang pagtataya.

V. KASUNDUAN:
Panuto: Gumuhit ng hugis puso sa isang buong papel at sa loob ng puso ay isulat ang isang taong
nakatulong sa iyo upang mapaunlad ang iyong talento at kakayahan at sagutin ang katanungan sa ibaba. Isulat
ito sa ½ crosswise na papel.

Tinulungan ako ni
___________.

Ano ang nagawa niyang tulong?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Inihanda ni:
ROY VINCENT Z. MORENO
Teacher I

You might also like