You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9 Setyembre , 2022

I. Layunin:
Inaasahang maipamamalas ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. natutukoy ang mga pamantayan sa pamimili;
b. nakasasagot ng tsart ng katangian ng matalinong mamimili; at
c. nabibigyang halaga ang mga karapatan ng mamimili sa pamamagitan ng pagsagot sa checklist.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Pamantayan sa Pamimili
Learning Competency: Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang
isang mamimili (AP9MKE-Ih-18)
Sanggunian: Deped Learner’s Manual AP 9
Kagamitan: Chalk, Blackboard, Printed pictures, powerpoint presentation

III. Pamamaraan
A. Paunang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati sa mga mag-aaral
c. Pagtetsek ng liban at hindi liban
d. Pagsasaayos ng silid-aralan
B. Pagbabalik-aral/Pagganyak:
Ang guro ay magsasagawa ng larong “Pinoy Henyo”. Isang mag-aaral ang pupunta sa harap upang
hulaan ang salita na ibibigay ng guro. Tutulungan siya ng iba pang mag-aaral upang mahulaan ang salitang ito.

C. Aktibidad:
Ang guro ay magsasagawa ng aktibidad na “Pictionary”. Ang mga mag-aaral ay mahahati sa apat na
pangkat. Bawat miyembro ay guguhit sa papel ng kanilang ideya patungkol sa salitang binigay ng guro.
Pagkatapos gumuhit ng isang miyembro, ipapasa naman nya ang papel sa susunod na miyembro hanggang sa
umabot sa pinakahuling miyembro. Ang huling miyembro ang siyang manghuhula ng salita base sa mga
ginuhit ng kanyang mga kagrupo.
Mga kailangang iguhit:
1. Pangkat I - Namimili
2. Pangkat II - Pamilihan
3. Pangkat III - Produkto
4. Pangkat IV - Pera
D. Pag-analisa:
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napansin sa aktibidad?
2. Nasubukan mo na bang mamili o mag grocery?
3. Nasubukan mo na bang makabili ng sirang produkto?
4. Ano ang pamantayan mo sa pagpili ng iyong binibiling produkto?
E. Abstraksyon:
Ang guro at ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pagtatanong at pagtatalakay patungkol sa mga
sumusunod na konsepto:
 Mga Pamantayan sa Pamimili
o Mapanuri
o May Alternatibo o Pamalit
o Hindi Nagpapadaya
o Makatwiran
o Sumusunod sa Budget
o Hindi Nagpapanic-buying
o Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo
 Batas na Nangangalaga sa Kapakanan ng mga Mamimili
F. Aplikasyon:
Panuto: Ngayong alam mo na ang mga katangian ng isang matalinong konsyumer, surrin mo naman
ang iyong sarili bilang isang konsyumer. Mahalagang sagutin mo ang tsart ng buong katapatan upang
magsilbi itong gabay sa pagpapaunlad ng iyong katangian bilang konsyumer
Markahan ang iyong sarili bilang konsyumer. Lagyan ng tsek (/) ang bawat pamilang.
1 – napakatalino 3 – di gaanong matalino
2 – matalino 4 – mahina
4 3 2 1
1. Madaling maniwala sa anunsiyo.
2. Mapagmasid
3. Alam kung ano ang gagawin sa oras na makabili ng
depektibong produkto.
4. Mahilig tumawad.
5. Matipid
6. Alam ang karapatan at pananagutan
7. May listahan ng bibilhan
8. Mabilis magdesisyon
9. Sumusunod sa badyet
10. Mahilig sa mura ngunit de kalidad na bilihin.

IV. PAGTATAYA:
Panuto:

V. KASUNDUAN:
Panuto: Unawain at isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel.
 Alin sa mga pamantayan ng pamimili ang iyong kalakasan? Kahinaan? Ipaliwanag.
 Paano mo ito mapapagbuti?

Inihanda ni:
ROY VINCENT Z. MORENO
Teacher I

You might also like