You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN

(AGRICULTURE V)

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng 50 minutong talakayan, ang mga mag-aral ay inaasahang:

K: Natutukoy ang mga paraan ng pag akit sa mga mamimili ng mga inaaning
gulay
S: Naipakita ang paraan ng pag-akit sa mga mamimili ng mga inaaning gulay
A: Nabatid ang wastong kaugalian sapag-akit ng mga mamimili

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Mga Paraan sa Pag-akit ng Mamimili
B. Pamantayan sa pagkatuto: Napapahalagahan ang pagiging matapat at magalang
sa mga mamimili
C. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide 1.9.6,( EPP5AG0e-9) Batayang Aklat sa
EPP V pahina 78-79
D. Kagamitan: Mga larawan at visual aids,pentelpen, manila paper

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pampasigla
4. Pagtala kung sino ang lumiban sa klase
5. Pagwawasto sa takdang-aralin
6. Pagbabalik-aral sa nakaraang leksyon
B. Mga Gawain o estratehiya
Basahin ang sanaysay
Ang paglagay ng mga paninda sa bahaging makikita ng mamimili, pagpakitang-
tuto sa paggamit ng paninda at pagbibigay ng impormasyon. Ukol dito, ang ilan lamang sa mga
paraan upang makalikha ng hangarin sa mga mamimili upang bumili ng produkto o gulay. Mga
kailangan sa pagtitinda at paghanda sa pagtitinda. Bago humarap sa mamimili ay tiyakin na
malinis at maayos na kaanyuan at pananamit. Tiyakin na lagging may nakahandang ngiti upang
maeenganyo ang mamimili na lumapit at bumili, batiin ang mamimili ng magandang umaga,
tanghali o gabi. Kailangan na may kaalaman ang magtitinda sa kanilang produkto o gulay.
Laging maging handa sa tanong ng mamimili. Ang nagtitinda ay kailangan taos-pusong
pasasalamat sa mamimili upang bumalik sa pagsasabi ng “Thank you” “Please come again” o
Maraming Salamat, balik po kayo.
C. Pagtatalakay
Pagkakaroon ng maikling talakayan patungkol sa mga paraan ng pag akit
ng mga mamimili.
D. Pagsusuri
Magbigay ng katanungan upang malinang nang husto ang kaalaman ng
bawat isa at tumawag ng isa o higit pang bata na magbibigay ng
kaukulang paliwanag.
Itanong: Bakit kailangan akitin ang mga mamimili?

E. Paglalahat
Magbigay ng katanungan sa klase upang malinang husto ang kanilang
kaalaman.
Itanong: Anu-ano ang mga kaugalian na dapat taglaying isang magtitinda
upang maakit ang mamimili?
F. Paglalapat
Pagkakaroon ng pangkatang Gawain. Bigyan ng activity sheets ang bawat
pangkat at bigyan sila ng kaukulang oras upang gawin ang Gawain
patungkol sa paraan ng pag-akit ng mamimili.
( Ang pamantayan sa Pagkakaroon ng Pangkatang Gawain ay inilahad
muna sa mga bata bago mag-umpisa ang Gawain)
G. Paglalagom o Panapos na Gawain
Tatawag ng isa o dalawa o dalawang mag-aaral at ipasabi kung anong
wastong kaugalian ang natutunan nila sa araling ito.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang (S) kung sang-ayon ka na maakit ng mamimili ang sumusunod
na pangungusap at (DS) kung di-sangayon.

_____1. Ihanda ng maayos ang mga paninda ayon sa mga pangkat nito.
_____2. Humarap sa mamimili na may maayos na kaanyuan.
_____3. Batiin ang mamimili ng “magandang umaga po!”
_____4. Huwag pansinin ang mga mamimili kung may itanong sila ukol sa produkto.
_____5. Laging magsabi ng “Salamat po” sa mamimili, bumili man itoo hindi ng
paninda sa iyo.
V. TAKDANG-ARALIN
Kasunduan: Magdala kayo ng calculator at pentelpen bukas para sa ating
pangkatan Gawain sa patungkol sa bagong paksa bukas.

Inihanda ni : Marianne Nicole Pastor


BEED II-A
Negros College Inc.
LESSON PLAN
IN
AGRICULTURE V
(T.L.E. 1)

Submitted by:
Marianne Nicole Pastor
Submitted by:
Mrs. Helena B. Parreno

You might also like