You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO
MANGANGAN I ELEMENTARY SCHOOL
Mangangan I, Baco

Name of Teacher JOAN A. ARELLANO Section


Learning Area EPP Week 7
LESSON PLAN
Grade Level 5 Quarter 1

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng hayop bilang
Pangnilalaman gawaing mapagkakakitaan

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa nang may kawilihan ang pag-aalaga ng hayop bilang gawaing mapagkakakitaan

C. Mga Kasanayan sa 2.9.1 Natutukoy ang mga istratehiya sa pag-sasapamilihan, hal., pagbebenta sa palengke o sa
Pagkatuto (MELC) pamamagitan ng online selling. – (EPP5AG0j-18)

Istratehiya sa Pagsasapamilihan ng Alagang Hayop/Isda


II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng


Guro
2. Mga Pahina sa MELCs p. 405
Kagamitang Pang mag-
aaral
3. Mga Pahina sa Textbook

4. Karagdagang Kagamitan Grade 5 Module week 7


mula sa Portal ng Learning
Resources
B. Iba pang Kagamitang Larawan, laptop, tv, tarp papel
Panturo
Integration: ESP, MATH, MAPEH

IV. PAMAMARAAN
Bago ang Aralin
A. Balik-aral sa nakaraang Larong Pahulaan (Guessing Game) Ano ito?
aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin. Panuto: Hulaan kung anong hayop ito, ayon sa palatandaan ng hayop na maaari nang ipagbili.

1. Masarap ang karne nito kahit 10 linggo pa lamang ang gulang dahil hindi makunat. Ano ito?

2. Hayop na karaniwang nangingitlog pagkaraan ng 45 araw. Ano ito?

3. Pagkaraan ng 25 hanggang 30 araw ang hayop na ito ay maaari nang ipagbili. Ano ito?

4. Hayop na maaaring ipagbili agad sa loob ng 6 hanggang 7 linggo lamang. Ano ito?

5. Hayop naman na hindi na nangingitlog o mahina nang mangitlog at maaari ng ibenta sa mga
nagtitinda sa palengke.

B. Paghahabi ng Layunin ng Panuto: Tingnan ang larawan. Kilalanin ang lugar kung saan nagtitinda ng mga produkto.
Aralin
Ano-ano ang mga lugar na maaring pagtindahan?
Pamilyar ba kayo sa mga ito?
Naranasan mo na bang bumili sa mga lugar na ito? Bakit?
C. Pag-uugnay ng mga Paghihinuha ng mga salita gamit ang Jumble letter
halimbawa sa bagong
aralin Panuto: Ayusin ang ginulong letra upang mabuo ang salita na tinutukoy ng mga sumusunod na
pangungusap.

NGANBATIM 1. Ginagamit ito para malaman ang bigat at halaga ng isang paninda.

SYOPRE 2. Ito ay tumutukoy sa halaga ng isang produkto.

BEBETANPAG 3. Isang paraan ito ng pagsasapamilihan ng mga produkto.

DETINRA 4. Ito ay tumutukoy sa taong nagbebenta ng mga paninda o produkto.

PIALATI 5. Ito ay isang uri ng isdang tabang na karaniwang makikita sa Pilipinas.

D. Pagtalakay ng bagong Ano-ano ang mga salitang nabuo sa gawain?


konsepto at paglalahad ng Sa iyong palagay, saan madalas mapakinggan ang mga salitang ito?
bagong kasanayan #1
E. Pagtalakay ng bagong Istratehiya sa Pagsasapamilihan ng Alagang Hayop/Isda
konsepto at paglalahad ng 1. Pagbebenta sa palengke- ang mga produkto ay dadalhin sa palengke upang doon ito ibenta.
bagong kasanayan #2 a. Tingian na Pagtitinda
Sa pamamaraang tingian, paunti-unti ang pagtitinda sa mga mamimili. Maaaring mas malaki
ang nakukuhang tubo subalit mas matagal bago niya mahawakan ang buong pinagbilhan.
b. Pakyawan na Pagtitinda
Maramihan ang pagbibili ng pakyawan. Malaki-laki ang tinutubo ng mga bumubili ng
pakyawan dahil mabibili nila sa murang halaga ang mga produkto.
2. Online Selling - paraan ng pagbebenta kahit nasa bahay lamang gamit ang teknolohiya o internet.
3. Pamimigay ng mga Flyers - Paraan ng pagbebenta ng produkto gamit ang kapirasong papel na
nakasulat ang advertisement o patalastas na ipamimigay sa mga tao.
4. Pag- angkat - Tinatawag itong bigay tiwala, sapagkat ibinibigay ang produkto sa tingiang tindahan
kahit wala pang bayad sa kasunduang babayaran sa oras na maubos ang paninda.
5. Paglalako - Karaniwang nag-iikot o naglalakad sa kalye bitbit ang kanyang paninda at isinisigaw ang
pangalan nito.
6. Groseri - Malaking tindahan na karaniwang matatagpuan sa bayan o barangay kung saan kumpleto
lahat ng uri ng paninda.

F. Paglinang sa Ipasagot sa mga bata ang mga Pagsasanay (ICT)


Kabihasnan/Aplikasyon
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga larawan ang kagamitan sa pamimigay ng mga flyers?

a. b. c. d.
2. Ang mga produkto ay dadalhin sa palengke upang doon ito ibenta.
A. Groseri
B. Pag- angkat
C. Online Selling
D. Pagbebenta sa palengke

3. Tinatawag itong bigay tiwala.


A. Groseri
B. Pag- angkat
C. Pamimigay ng mga Flyers
D. Pagbebenta sa palengke
4. Karaniwang nag-iikot o naglalakad sa kalye bitbit ang kanyang paninda.
A. Groseri
B. Pag- angkat
C. Paglalako
D. Online Selling
5. Paraan ng pagbebenta ng produkto gamit ang kapirasong papel.
A. Groseri
B. Pag- angkat
C. Pamimigay ng mga Flyers
D. Pagbebenta sa palengke

Hatiin ang klase sa 3 pangkat. Bigyan sila ng mga gawain na naaayon sa kanilang kakayahan.
Maghahanda ang bawat grupo ng palakpak gamit ang pagsasabi ng mga produkto halimbawa:
123,123, “Tahooooo!”

Pangkat 1: (IP’s)

Panuto: Tukuyin ang angkop na estratehiya ng mga larawan. Idikit ang mga larawan sa angkop
na basket.

Pangkat 2:

Panuto: Iayos ang mga letra upang mabuo ang mga istratehiya ng pagtitinda. Isulat ang sagot sa
patlang. Pagkatapos isulat hanapin ang angkop na paglalarawan nito sa mga pahayag.
Idikit sa pisara ang inyong mga sagot.

Pangkat 3:

Panuto: Alamin kung saan angkop na estratehiya ang mga larawan sa loob ng envelop at
ipapakita ito sa klase gamit ang pagsasadula sa unahan.

G. Paglalapat ng Aralin sa Maraming alagang baboy ang tatay ni Robin na si Mang Manuel. Isang araw nalaman
Pang araw-araw na buhay niya na walang kukuha ng alaga nilang baboy na nasa hustong gulang na. Kaya naman
kinailangan ng mag-ama na umisip ng paraan. Dahil sa si Robin ay kilala sa kanilang
paaaralan na masipag at matulungin. Madali niyang naipagbili ang mga ito sa pamamagitan
ng pagbebenta ng kilo-kilo ng karne sa mga kaibigan o kapwa kamag-aral maging sa mga
guro. Samantalang ang ama naman ay isinakay sa kanyang motor ang produktong karne at
umikot sa mga barangay.
1. Ano ang istratehiya ang ginawa ng mag-ama?
2. Kung ikaw ay si Roberto gagawin mo rin ba ito?
3. Ano- anong mga katangian ang ipinakikita ni Roberto sa iyong binasa? Bakit?
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang iyong natutuhan sa aralin?

Ang natutunan ko sa araling ito ay tungkol sa ________.

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na istratehiya sa pag-sasapamilihan. Piliin sagot sa loob
ng kahon.

Online Selling Paglalako Tingian Groseri Pakyawan

1. Ito ay pagbili ng bultuhan o maramihan.


2. Pagtitinda gamit ang mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone.
3. Malaking tindahan na karaniwang matatagpuan sa bayan o barangay kung saan
kumpleto lahat ng uri ng paninda.
4. Karaniwang nag-iikot o naglalakad sa kalye bitbit ang kanyang paninda at isinisigaw
ang pangalan nito.
5. Istratehiya sa pagsasapamilihan kung saan paunti-unti ang pagtitinda sa mga mamimili.
J. Karagdagang Gawain para Gumuhit ng isang istratehiya sa pagsasapamilihan ng mga alagang hayop/isda.
sa Takdang Aralin at
Remedyesyon

Prepared by: Corrected by:

JOAN A. ARELLANO CRESLINA R. PANALIGAN


Teacher I Master Teacher I

Noted by:

JECELYN A. CASTILLO
Principal II

You might also like