You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO
MANGANGAN I ELEMENTARY SCHOOL
Mangangan I, Baco

Name of Teacher JOAN A. ARELLANO Section Moonstone


Learning Area EPP Week 8
LESSON PLAN
Grade Level 5 Quarter 3

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kaalaman at kasanayan na gamitin ang computer at internet sa
Pangnilalaman pangangalap at pagsasaayos ng impormasyon.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagamit ng computer at internet sa pagngangalap at pagsasaayos ng impormasyon.

C. Mga Kasanayan sa 1.2 natutukoy ang angkop na search engine sa pangangalap ng impormasyo.
Pagkatuto (MELC) 1.3 naisasagawa ang pangangalap ng impormasyon gamit ang search engine (EPP5IE-0d-
11)

Mga Angkop na Search Engine sa Pangangalap ng Impormasyon


II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng


Guro
2. Mga Pahina sa MELCs p. 404
Kagamitang Pang mag-
aaral
3. Mga Pahina sa Textbook

4. Karagdagang Kagamitan Grade 5 Module 13


mula sa Portal ng Learning
Resources
B. Iba pang Kagamitang Larawan, laptop, tv, tarp papel
Panturo
Integration: Science, AP, Mathematics

IV. PAMAMARAAN
Bago ang Aralin
A. Balik-aral sa nakaraang Spin the Wheel
aralin at/o pagsisimula ng Panuto: Sa pag-ikot ng wheel ang pangalan na matatapatan ng arrow ay siya ang sasagot sa
bagong aralin. katungan. Pindutin ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad ng mga panuntunan sa
pagsali sa discussion forum at chat at Mali naman kung di-wasto.

1. Ang administrator ay nagtatakda ng panuntunan sa isang discussion group o chat.


2. Maaaring magpost ng mga advertisement at endorsement sa discussion group.
3. Ang discussion group ay isang grupo kung saan pwedeng magpost o mag-iwan ng
anumang mensahe o tanong.
4. Maaaring magpost ng mga pahayag na nakakasira ng ibang tao.
5. Walang responsibilidad ang may ari ng account sa kaniyang mga ipinopost sa discussion
forum.
B. Paghahabi ng Layunin ng "Choose the Icon”
Aralin Panuto: Piliin ang tamang letra ng larawan na tumutukoy sa salitang ipapakita.
1. Google
2. Youtube
3. Yahoo
4. Bing
5. Aol
Pamilyar ba kayo sa mga ito?
Naranasan mo na bang gamitin ang mga ito? Saan mo ito ginamit o ginagamit?
C. Pag-uugnay ng mga Jumble letter
halimbawa sa bagong Panuto: Buuin ang salita.
aralin
EAHSRC IGNNEE
Ano ang salitang inyong nabuo?
D. Pagtalakay ng bagong Search Engine
konsepto at paglalahad ng Ito ay isang software system o isang kagamitan mula sa internet na kung saan ginagamit
bagong kasanayan #1 upang mapabilis ang paghahanap ng mga impormasyon.
Napapadali ng mga ito ang pagkuha ng tekstwal at audio-biswal na mga impormasyon sa
malawak na mundo ng internet.

Mga Halimbawa ng Search Engine


Google – ito ang pinakasikat na search engine ngayon at madalas na ginagamit ng mga tao sa buong
mundo. 91.62 %
Maliban sa search engine, marami pa itong mga serbisyo gaya ng mail, drive at marami pang
iba.
Bing - Ito ay isang search engine ng Microsoft na kumakatawan sa 3.31% ng mga paghahanap sa
internet.
Yahoo – ito ang ikatlong pinakasikat na search engine sa buong mundo na umaabot ng halos 1.08%
ang mga gumagamit nito.
- Ito ay kilalang dating yellow page directory at mas kilala ito bilang isang email provider
site.
- Ito rin ay may kakayahang maghanap ng mga local na resulta dahil mayroon itong
lokalisadong bersyon.
Ask - Ito ang ika-apat na pinakasikat na search engine sa buong mundo na mayroong 0.42% ng mga
paghahanap sa internet.
- Ang site ay itinatag noong 1996 at sa simula ay kilala bilang Assk Jeeves.
- Ang pangalan ay pinaikli noong 2005.
AOL Search - ito ay tinatayang may 1% ng mga paghahanap sa internet sa buong mundo.
- Inilunsad sa America Online ang search engine na ito noong 1999.
- Sa kabila ng ilang muling paglulunsad at pagbabago, pinanatili nito ang parehong pangalan.

E. Pagtalakay ng bagong Paano nga ba ginagamit ang Search Engine?


konsepto at paglalahad ng 1. Magbukas ng web browser na gagamitin.
bagong kasanayan #2 2. I-tye sa address bar ang search engine na gagamitin.
3. Sa search box, i-type ang salita, parirala o pangungusap na nais mong malaman.
4. I-click ang alinman sa mga websites na magbibigay kasagutan sa iyong nais malaman

F. Paglinang sa Ipasagot sa mga bata ang mga Pagsasanay (ICT)


Kabihasnan/Aplikasyon
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa tulong ng search engines.

1. Ito ay salitang Español na pinagmulan ng salitang Mindoro at nangangahulugang “mina


ng ginto”.
A. Migo de Oro B. Miño de Oro C. Mina de Oro D. Mino do oro
2. Sino ang ika-pitong president ng Pilipinas?
A. Gloria Arroyo B. Rodrigo Duterte C. Joseph Estrada D. Ramon Magsaysay Sr.
3. Ano ang ibig sabihin ng DSWD?
A. Department of Society and Drugs
B. Department of Science and Ways
C. Department of Social Welfare and Development
D. Department of Social Ways and Development
4. Saan matatagpuan ang Tamaraw?
A. Marinduque B. Mindoro C. Laguna D. Manila
5. Sino ang unang tao na nakapunta sa buwan?
A. Alan Bean B. Apollo 11 C. Neil Armstrong D. Yuri Gagarin

Hatiin ang klase sa 3 pangkat. Bigyan sila ng mga gawain na naaayon sa kanilang kakayahan.
Gumawa ng naaayon sa mga pamantayan sa pangkatang gawain.

Pangkat 1: (IP’s)

Panuto: Buuin ang larawan. Gamit ang search engine bigyan ng paliwanag o pakahulugan
ang nabuong larawan. Isulat ito sa Manila paper at ipaliwanag sa unahan.

Pangkat 2:

Panuto: Gamit ang search engine pagtambalin ang mga salita mula sa hanay A sa mga
larawan na nasa Hanay B.

Pangkat 3:

Panuto: Sa pamamagitan ng search engine pagsunod-sunurin at tukuyin ang mga


sumusunod na larawan. Ipaliwanag ito sa unahan.
Pamantayan sa Pangkatang Gawain

G. Paglalapat ng Aralin sa Si Ashley ay mag-aaral sa ikalimang baitang. Nagkasakit siya ng dalawang araw kaya
Pang araw-araw na buhay nahuli siya sa mga aralin. Binigyan siya ng takdang aralin ng kanyang guro na maghanap ng
limang (5) tanyag na produkto sa lugar ng Mangangan I, Baco. Kung ikaw si Ashley, ano
kaya ang iyong gagawin upang mapadali ang paghahanap ng impormasyon?
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang maaari nating gamitin para makakuha ng mga impormasyon na nais nating
malaman? Ano ang mga angkop na search engine ang maaari nating gamitin?

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na search engine sa bawat pahayag. Piliin ang sagot sa
unahan at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ito ang ikalawang pinakasikat na search engine, ang mga gumagamit ay nagsasagawa ng
halos 15% ng lahat ng mgaa paghahanap sa internet sa pamamagitan ng site na ito.
2. Tinatayang 1% ng mga paghahanap sa internet ang ginawa sa pamamagitan ng search
engine na ito. Inilunsad sa America Online ang search engine na ito noong 1999.
3. Ito ang serach engine ng Microsoft na kumakatawan sa 10%. Gumagamit ng crawls o
web spider o automatic na pagscan ng index internet kung anu ang hinahanap natin.
4. Ito ang pinakasikat na search engine ngayon sa mundo ng internet. Maliban sa search
engine, marami pa itong mga serbisyo na gaya ng mail, drive at marami pang iba.
5. Ito ang ikaapat na pinakasikat na search engie na mayroong 2% ng mga paghahanap sa
internet. Ang site ay itinatag noong 1996 at sa simula ay kilala bilang Ask Jeeves.
J. Karagdagang Gawain para Gamit ang search engine, ipaliwanag kung ano ang electronic spreadsheet at word processing
sa Takdang Aralin at tool.
Remedyesyon

Prepared by: Corrected by:

JOAN A. ARELLANO CRESLINA R. PANALIGAN


Teacher I Master Teacher I

Noted by:

JECELYN A. CASTILLO
Principal II

You might also like