You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9 Oktubre 17, 2022

I. LAYUNIN:
Inaasahang maipamamalas ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. nasasagot ang mga tanong sa pagsusulit na may 75% na pag-unawa;
b. naipapakita ang katapatan sa pagsagot ng mga tanong sa pagsusulit; at
c. naibibigay ang tamang sagot sa bawat tanong ng pagsusulit.

II. Paksang Aralin


Paksa: Ikalimang Pagsusulit sa Araling Panlipunan
Learning Competency: Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang
isang mamimili (AP9MKE-Ih-18)
Sanggunian: Deped Learner’s Manual AP 9
Kagamitan: papel ng pagsusulit, sagutang papel

III. Pamamaraan

A. Paunang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati sa mga mag-aaral
c. Pagtetsek ng liban at hindi liban
d. Pagsasaayos ng silid-aralan

B. Pagbabalik-aral/Pagganyak:

The mag-aaral ay mahahati sa walong pangkat. bawat pangkat ay bibigyan ng jumbled words na

kanilang aayusin. Pagkatapos mabuo ang isang pahayag, kailangang ipaliwanag ng bawat pangkat ang ibig

sabihin ng pahayag na napunta sa kanila.

C. Aktibidad:
A. Paglalahad
a. Ipabasa sa mga bata ang Pamantayan sa Pagsusulit
B. Pagsagot ng mga bata sa mga tanong ng pagsusulit.

D. Pag-analisa:
Pamprosesong Tanong:
1. Nasagutan mo ba ng husto ang bawat katanungan?
2. Natukoy mo ba ang iba’t-ibang Karapatan ng mga mamimili?
3. Nakapagbigay at naipaliwanag mo ba ng husto ang kahalagahan ng iyong Karapatan bilang isang
mamimili?

E. Abstraksyon:
Ang guro at ang mag-aaral ay magkakaroon ng pagtatanong at pagtatalakay sa mga tamang sagot sa
pagsusulit.

IV. PAGTATAYA:
Ang resulta ng kanilang pagsusulit ang magiging basehan ng kanilang pagtataya.
V. KASUNDUAN:
Panuto: Gumawa ng poster sa sagutang papel na nagpapakita ng karapatan ng isang mamimili.

Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Kaangkupan ng konsepto (Relevance to the Topic) 5
Pagkamapanlikha (Originality) 5
Pagkamalikhain ( Creativity) 5
Kabuuang Presentasyon (Over-all Presentation) 5
KABUOANG PUNTOS 20

Inihanda ni:
ROY VINCENT Z. MORENO
Teacher I

You might also like