You are on page 1of 3

November 7, 2022 Lunes

Edukasyon sa Pagpapakatao 6
SSES – 11:20 – 11:50
Emerald – 1:50 – 2:20
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa tao na
may kaakibat na paggalang at responsibilidad.
B. Pamantayan sa Pagganap:
Naisasabuhay ang pagkakaroon ng bukas na isipan at kahinahunan sa
pagpapasya para sa kapayapaan ng sarili at kapwa.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
Naipapakita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa:
Pangako o pinagkasunduan
EsP6P-IIa-c-30

II. Paksang Aralin:


“Pangako, hindi dapat mapapako.”
Pagkamapanagutan (responsibility)

III. Mga Kagamitang Panturo


A. Sangguninan:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro - EsP - K to 12 CG d. 82
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo
powerpoint presention/tarpapel, metacards, at masking tape

IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Magbigay ng 5 halimbawa na pinagkukunan ng impormasyon
2. Balik-aral
Ano- ano ang mga paraan ng pagkalap ng impormasyon?
Ano ang mahalagang balita nakalap Ninyo kahapon
B. Panlinang na Gawain
A. Pagganyak
- Pagpapakita ng larawan ng kamay na nangangako
B. Gawain
Pagmasdan ang mga larawan.
Ano-ano ang ipinapakita ng bawat larawan

C. Pagsusuri
Ano ang ipinapakita ng larawan sa itaas?
Sila ba ay nagpapakita ng pagiging responsible sa kapwa?
Paano nila ito ipinapakita?

D. Paghahalaw
Base sa iyong nakitang mga larawan, Sa inyong palagay, ano kaya ang
ipinapahiwatig na mensahe nito?

E. Pagsasanay
Bumuo ng apat na pangkat
Bawat pangkat ay bubunot ng isang numero na may nakatakdang
Gawain.
Ayusin ang mga titik ng bawat salita upang mabuo ang tamang
konsepto.
 Koganpa
 Andusunka
 Nanapatangu
 Biliresdadponsi

F. Paglalahat
Ano ang pangako
Ano ang dapat gawin sa mga pangakong binibitawan?

G. Pagtataya
Ipaliwanag sa sariling salita ang salitang PANGAKO
V. Kasunduan
Bumuo ng Akrostik sa salitang PANGAKO

Rubrics sa Pagmamarka sa Pagtataya

Index of Mastery
SSES Emerald
5x
4x
3x
2x
1x
0x

You might also like