You are on page 1of 11

BANGHAY ARALIN

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI

IKALAWANG MARKAHAN

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag- unawa sa kahalagahan ng pakikipag kapwa-tao
na may kaakibat na paggalang at responsibilidad CG pahina 82

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasabuhay ang pagkakaroon ng bukas na isipan at kahinahunan sa
pagpapasiya para sa kapayapaan ng sarili at kapwa CG pahina 82

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestyon ng kapwa (Kamag-
aral at kaibigan) - ESP 6 P – IId-i-31

II. NILALAMAN
ARALIN 6: Ang pakikinig ay paggalang sa kamag-aral o kaibigan
Batayang Pagpapahalaga : Pagmamalasakit sa Kapwa

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk: Likas na Pag-uugaling Pilipino 6 mp. 110-111
EdukasyongPagpapahalaga 6 P. 158
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo: kwento, metacards, tula, rubrics,
graphic organizer.

III. PAMAMARAAN

UNANG ARAW

Alamin Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Pasagutan ang puzzle: Hanap Salita
Lakip Blg. 1
HANAP SALITA
paggalang opinyon ideya pananaw igalang
isaalang – alang damdamin matanggap gabay kapwa

A P B V N K X Z W Q R
D D A M D A M I N Y U
E J L G O P I S Y Q X
O X G W G W A A Ñ Y F
Z P H T A A S A K C K
I T I B B K L L W S A
G Y M N A R D A E A I
A I D E Y A F N N M W
L U O K W O G G T G A
A P E P I W N A H E N
N Q X L K E H L U J A
G W D T M U J A X T N
S M R R X C L N Z D A
E P M A T A N G G A P

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ang paggalang o respeto ay araw araw na nararanasan sa maraming
pagkakataon.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salitang nahanap sa puzzle
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #1
Naranasan na ba ninyong magbigay ng inyong suhestyon o ideya minsan
sa inyong pangkatang Gawain?
Ibahagi ito sa klase.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Itanong:
Ano ang iyong naramdaman ng tanggapin ang inyong suhestyon?
Ano naman kaya ang iyong naramdaman kung hindi ito napagbigyan?

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Kung sakaling hindi pinakinggan ang iyong suhestyon o ideya, ano ang
kasunod na hakbang ang iyong gagawin?
H. Paglalahat ng aralin
Anong pagpapahalaga ang iyong natutunan sa ating aralin?
I. Pagtataya ng Aralin
Makatuwiran bang ipagwalang bahala ang suhestyon ng kaklase o
kaibigan?
J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at Remediation
IKALAWANG ARAW

Isagawa Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin


Ilahad sa isang pangungusap ang iyong natutunan kahapon.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ang paggalang sa suhestyon ng iba ay maaring ikumpara sa pagtawid
sa isang tulay

E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan #2
Ipa panood ang video presentation na nasa link
na:https://www.youtube.com/watch?v=YNOnFsnjYhY
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assesment)
Itanong:
Ano ang ipinahahayag ng video clip na inyong napanood?

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Kung ikaw ang isa sa mga tauhan sa videoclip na inyong
napanood, gagawin mo rin ba ang ginawa ng isa sa kanila? Bakit? Bakit
hindi?

H. Paglalahat ng aralin
Sino ang dapat tularan sa dalawang tauhan?
Bakit?
I. Pagtataya ng Aralin
Maari bang ikumpara sa pakikinig ng ideya/suhestyon ng iba sa
pagtawid sa isang tulay?Paano ninyo ito nasabi?

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at Remediation

IKATLONG ARAW

Isapuso Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin


Magbalik tanaw sapinanood na videoclip, ilahad ang mabuting aral na ipinahayag
nito

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ang pakikinig sa panig ng bawat isa ay nagiging daan upang mabuo, matupad
ang proyekto ng walang atubili.
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assesment)
Ilahad ang kwentong Proyekto ng Samahan sa pamamagitan ng isang scroll

Lakip Blg. 2.

PROYEKTO NG SAMAHAN

Samahan ng Munting Mamamayan ang itinatag ng mga mag-aaral


sa Araling Panlipunan. Marami silang iniiisip na proyekto na maaring makatulong
sa kanilang pamayanan. Bilang pangulo, tinawag ni Dante ang kanyang mga
kasapi upang pag – usapan ang kanilang binabalak na gagawin.

“Bilang pasimula, iminumungkahi ko sa mga kasapi natayo’y


magkaroon ng butaw o isang halagang magsisislbing pondo ng ating samahan.
Doon natin kukunin ang halagang maaring kailanganin sa binabalak nating proyekto”,
ang wika ni wika ni Dante.
Sumang-ayon ang lahat maliban kay Manalo.
“Sa palagay ko ay hindi sapat ang perang manggagaling sa atin upang
isakatuparan ang binabalak nating proyekto. Bakit hindi tayo humingi ng tulong
sa ating mga kanayon? Sa palagay ko ay hindi naman sila magkakait,” ang paliwanag
ni Manalo.
“Nagtinginan ang ibang mga kasapi. “Maganda ang mungkahing iyan”,
wika ng lahat.
Tila isang taong kumilos ang mga kasapi ng samahan.
Matapos makalikom ng sapat na salapi, sinimulan na nila ang kanilang
proyekto. Unang ipinagawa nila nag isang maliit na aklatansa may panulukan ng daan.
Madaling nagawa ang nasabing proyekto. Tuwang-tuwa ang mga batang mahilig sa
pagbabasa.
Kung bakasyon at walang pasok ang mga bata, karamihan sa kanila’y
doon nagpapalipas ng mga sandali. Ang matatanda’y labis na pumuri sa ginawang
iyon ng samahan nina Dante. Maging ang mga lingguhang pagpupulong ng samahan
ay doon nila idina-raos sa munting aklatang iyon.

Itanong:
Sino ang lider ng samahan?
Sino sino ang nagbigay ng suhestyon para sa kanilang proyekto?
Napagbigyan ba ang ideya ng bawat myembro?
Ano ang naging bunga ng kanilang proyekto?

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Paano mo maipakita ang paggalang sa suhestyon ng kamag aral kung hindi
mo ito nais?
H. Paglalahat ng aralin
Dapat nating tandaan na ano mang ideya / opinyon ng bawat isa ay dapat
nating isaalang – alang at igalang upang hindi pagmulan ng ano mang
kaguluhan
I. Pagtataya ng Aralin
Magkaroon ng maikling pagtataya tungkol sa konseptong napg aralan.

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at Remediation

IKAAPAT NA ARAW

Isabuhay Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin


Anong naging resulta ng pakikinig at paggalang sa suhestyon ng myembro
samahan nina Dante?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Bilang isang kamag aral at kaibigan, paano ninyo maipahayag ang paggalang
sa suhestyon ng ibang kagrupo?

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Pangkatin sa apat ang mga mag-aaral.
Ipagamit sa mga mag aaral ang lakip blg. 3

Lakip Blg. 3

Unang Pangkat
Sumulat ng isang tugma na Ikalawang Pangkat
nagpapakita ng paggalang sa Gumawa ng isang comic strip na
ideya ng kamag aral. Ipaliwanag nagpapakita ng paggalang sa
sa klase ang mensahe ng tugma. suhestyon ng kaibigan. Ipaliwanag

Ikatlong Pangkat Ikaapat na Pangkat


Sumulat ng bugtong na Magpamalas ngpaggalang
nagpapahayag ng paggalang sa suhestyon ng kaibigan sa
H. ng
sa ideya Paglalahat ngloob
kaklase sa aralin pamamagitan ng “ TABLEAU”
ng silid aralan.
Ang pakikinig at pagtanggap sa ideya/suhestyon ng kamag-aral ay
nagbubunsod upang maisakatuparan ng matagumpay ang mga proyektong
nais isagawa.

I. Pagtataya ng Aralin
Pag gamit ng rubrics para sa pangkatang Gawain.
Lakip Blg. 4

RUBRICS PARA SA PAGSULAT NG TUGMA/TULA

KULANG
SUPER
PAMANTAYA KAYANG- LANG SA Punto
GALING ANG GALING (8)
N KAYA (6) PRACTICE s
(10)
(4)
Lalim ng Napakalalim Malalim at Bahagyang Mababaw at
Kahulugan at makahulugan ang may Lalim ang literal ang
Tula/Tugma makahuluga kabuuan ng kabuuan ng kabuuan ng
n ang tugma/tula tugma/tula tula
kabuuan ng
tugma/tula
Paggamit ng Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng Wala ni isang
Simbolismo simbolismo/ simbolismo/pahiwati 1-2 pagtatangkan
pahiwatig na g na bahagyang simbolismo na g ginawwa
nakapag nagpa isip sa mga naklito sa mga upang
iisip sa mga mambabasa. May mambababsa. makagamit ng
mambabasa ilang piling salita at Ang mga simbolismo.
. Piling pili pariralang ginamit. salita ay di
ang mga gaanong pili.
salita at
pariralang
ginamit.
Sukat ng Tuma Gumamit ng May mga sukat at May Walang sukat
napakahusa tugma ngunit may pagtatangkan at tugma
y at angkop bahagyang di g gumamit ng kung may
na angkop pagkakaugnay- sukat at naisulat man.
na sukat at ugnay tugma ngunit
tugma halos walang
pagkakaugnay
-ugnay
Kabuuan
RUBRICS PARA SA PAGSULAT NG COMIC STRIP

KULANG
PAMANTAY SUPER GALING ANG GALING KAYANG- Punt
LANG SA
AN (10) (8) KAYA (6) os
PRACTICE (4)
Nilalaman Wasto ang lahat May isa o May tatlo Maraming
ng impormasyon dalawang datos hanggang apat datos ng
na nakapaloob sa ng na datos ng impormasyon
comic strip. impormasyon impormasyon na hindi
na hindi na hindi kaugnay at
kaugnay at kaugnay at nakapaloob sa
nakapaloob sa nakapaloob sa comic strip.
comic strip. comic strip.
Pagsulong Malinaw na Nakapagpakita Nakapagpakita Hindi
ng malinaw na ng malinaw na ng di-gaanong nakapagpakita
pagbabago naipakita sa layunin sa malinaw na ng malinaw na
comic strip ang comic strip. layunin sa layunin sa
pangunahing Nakapanghihik comic strip. comic strip.
layunin.Nakahihik ayat ang mga Bahagyang Hindi
ayat ng lubos ang ginamit na nakapanghihik nakapanghihik
mga ginamit na salita, ayat ang mga ayat ang mga
salita, sitwasyon sitwasyon at ginamit na ginamit na
at larawan upang larawan na salita, salita,
ipakita ang nagpapakita ng sitwasyon at sitwasyon at
pagbabago pagbabago. larawan na larawan na
nagpapakita ng nagpapakita ng
pagbabago. pagbabago.
Daloy ng Organisado, Bahagyang Di- gaanong Di-organisado,
Pangyayari malinaw at simple oraganisado, organisado, di- di-malinaw at
ang malinaw at gaanong kumplikado
pagkakalahad ng simple ang malinaw at ang
mga pangyayari. pagkakalahad simple ang pagkakalahad
Madaling ng mga pagkakalahad ng mga
maunawaan dahil pangyayari. ng mga pangyayari. Di-
sa tamang May mga pangyayari. Di- maunawaan
pagkakasunod- bahaging gaanong dahil sa hindi
sunod madaling maunawaan pagkakasunod-
maunawaan dahil sa sunod ng
dahil sa tamang pangyayari.
tamang pagkakasunod-
pagkakasunod- sunod
sunod
Pagkamalikh Malinis na malinis Malinis ang Di-gaanong Marumi ang
ain ang nabuong nabuong comic alinis ang nabuong comic
comic strip. strip. Maayos nabuong comic strip. Magulo
Maayos na ang strip. Di- ang
maayos ang pagkakaguhit gaanong pagkakaguhit
pagkakaguhit upang mas maayos ang dahilan upang
upang mas maging kaaya- pagkakaguhit di-maging
maging kaaya- aya sa mga dahilan upang kaaya-aya sa
aya sa mga mambabasa. di maging mga
mambabasa. kaaya-aya sa mambabasa.
mga
mambabasa.
Kabuuan
RUBRICS PARA SA PAGSULAT NG BUGTONG

KULANG
SUPER
ANG KAYANG- LANG SA Punto
PAMANTAYAN GALING
GALING (8) KAYA (6) PRACTICE s
(10)
(4)
Nilalaman Lubos na Naipahayag di-gaanong Walang
naipahayag nang naipahayag naipahayag
nang maayos ang nang ang
maayos ang ugnayan ng maayos ang ugnayan ng
ugnayan ng lahat ng ugnayan ng lahat ng
lahat ng konsepto sa lahat ng konsepto sa
konsepto sa paggawa ng konsepto sa paggawa ng
paggawa ng bugtong paggawa ng bugtong
bugtong bugtong
Kaangkupan ng Konsepto Maliwanag maliwanag di-gaanong Di-
na at angkop maliwanag maunawaan
maliwanag ang at di- at walang
at angkop mensahe sa gaanong angkop na
na angkop paglalarawa angkop ang mensahe sa
ang n ng mensahe sa paglalarawa
mensahe sa konsepto. paglalarawa n ng
paglalarawa n ng konsepto.
n ng konsepto.
konsepto.
Pagkamapanlikha(originalit Orihinal ang Gumamit ng Gumamit ng Kinopya
y) ideya sa isa tatlo ang mga
pagbuo ng hanggang hanggang bugtong sa
bugtong. dalwang apat na mga
sanggunian sanggunian nabasang
para sa para sa sanggunian.
ideya ng ideya ng
pagbuo ng pagbuo ng
bugtong. bugtong.
Kabuuan
RUBRICS PARA SA TABLEAU

KULANG
PAMANTAYA SUPER ANG GALING KAYANG- Punto
LANG SA
N GALING (10) (8) KAYA (6) s
PRACTICE (4)
Nilalaman at Lubos na Naipahayag Di-gaanong Walang
Organisayon naipahahayag ang nilalaman naipahayag naipahayag na
ng mga ang nilalaman o kaisipan na ang nilalaman nilalaman o
kaisipan o o kaisipan na nais iparating o kaisipan na kaisipan na
mensahe nais iparating sa manonood nais iparating nais iparating
sa mga sa manonood. sa manonood
manonood
Kaugnayan sa Nakapaglalaha Nakapagbibiga Nakapagbibiga Walang
pangunahing d ng 3 hangang y ng 2 na y ng 1 na naibigay na
pagpapahalag 4 na pagpapahalaga pagpapahalaga pagpapahalag
a ang pagpapahalaga na may na may a na walang
paggalang sa na may kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa
ideya ng kaugnayan sa paggalang sa paggalang sa paggalang sa
kamag-aral o paggalang sa ideya o ideya o ideya o
kaibigan ideya o suhestyon ng suhestyon ng suhestyon ng
suhestyon ng kamag-aral o kamag-aral o kamag-aral o
kamag-aral o kaibigan. kaibigan. kaibigan.
kaibigan.
Istilo at Lubos na Kinakikitaan ng Di-gaanong Walang
pamamaraan kinakitaan ng iba’t-ibang istilo kinakitaan ng ipinakitang
paggamit ng at iba’t-ibang istilo iba’t-ibang
iba,t-ibang istilo pamamaraan at istilo at
at ang pangkat pamamaraan pamamaraan
pamamaraan ang pangkat sang pangkat.
ang pangkat
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Walang
Pangkat nagpamalas ng ng kaisahan nagpamalas ng ipinamalas na
kaisahan ang ang bawat kaisahan ng kaisahan ang
bawat miyembro sa bawat miyembro ng
myembro sa pangkat miyembro sa bawat sa
pangkat pangkat. pangkat.
Kabuuan

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at Remediation


Gawin ang lakip blg 5 para sa pagninilay
Lakip Blg. 5: Pagninilay

Bilang kamag-aral Bilang kamag-aral


at kaibigan at kaibigan
natutunan kong natutunan kong

-------------------------- --------------------------
-------------------------- --------------------------
-------------------------- --------------------------
-------------------------- --------------------------
-------------------------- --------------------------
--------- ---------
_______________ ________________
_______________ ________________
_______
IKALIMANG ARAW

Subukin Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin


Ibahagi ang pagninilay na ginawa kahapon.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ipahayag na sa araw na ito natutuhan ng mga bata sa aralin ay susukatin.

H. Paglalahat ng aralin
Para naman sa ating sarili, mas makabubuti na pakinggan natin ang ideya /
opinyon ng iba upang magamit natin bilang gabay at pamantayan natin sa
ating pang araw araw na pamumuhay.

I. Pagtataya ng Aralin
Magpasiya ka! Magbigay ng pamamaraan kung paano mo maipapakita ang
paggalang sa ideya / opinyon ng kamag aral at kaibigan ayon sa mga
sitwasyon sa ibaba Gamitin ang Lakip Blg. 6
1. Isang araw habang papasok ka ng paaralan ay nakita mo ang iyong
kaibigan sa computer shop. Ano ang isasagot mo sa ideya niya ng di
pagpasok sa paaralan?
2. Si Ella ang inyong pangulo ay nagsabi na bawal ng lumabas tuwing recess,
anong masasabi mo dito?
3. Sa kasalukuyan ay talamak na ang polusyon saan man dako, bilang mag-
aaral nagbigay ka ng suhestyon na hindi pinakinggan ng mga opisyal ng
inyong klase
4. Tuwing recess inaakit ka ng kaibigan mong bumili ng softdrinks, paano
sasabihin sa kanya na bawa ito?
5. Anong gagawin mo sa kamag aral mong ayaw tumanggap ng suhestyon
ng iba?

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at Remediation

You might also like