You are on page 1of 65

BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy, metal,
kawayan at iba pang lokal na materyales sa pamayanan. (L.C 1.1)2 days

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Kaalaman at Kasanayan sa gawaing kahoy, metal, kawayan at iba pang lokal na
materyales sa pamayanan.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 1.1
Makabuluhang Gawaing Pantahan at Pangkabuhayan 5, pp. 157-160.
Umunlad sa Paggawa 5, pp. 153-158
C. Kagamitan: aktwal namga materyales tulad ng kahoy, metal at kawayan, mga
katutubongmateryales, larawan ng iba’t-ibang gawaing pang-industriya, activity cards
D. Balyu: Pagpapahalaga sa mga katutubong materyales

III. Pamamaraan:
A. Panlinang na Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga katutubong materyales na matatagpuan sa ating pamayanan?

2. Pagganyak:
Tingnan ang nasa larawan, ano ang nakikita niyo dito?

B. Panimulang Gawain:
1. Paglalahad:
Sino sa inyo ang gustong matuto ng ganitong mgagawain?

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat.

Unang Pangkat Pangalawang Pangkat


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na
tanong. tanong.

1. Sa pagkukumpuni ng sirang ng upuan, 1. Sa paggawa ng laruang gawa sametal,


anong kasanayan ang nililinang nito? anong kasanayan ang nililinang nito?
2. Anong pangunahing materyales ang iyong 2. Anong pangunahing materyales ang iyong
ginagamit dito? ginagamit dito?
3. Magbigay ng isa pang gawain na naglili- 3. Magbigay ng isa pang gawain na naglili-
nang sa gawaing kahoy? nang sa gawaing metal?
Pangatlong Pangkat Pang-apat na Pangkat
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na
tanong. tanong

1. Sa paggawa ng bahay, anong kasanayan 1. Sa pagkumpuni ng sirang kawad ng kur-


ang nililinang nito? yente, anong kasanayan ang nililinang nito?
2. Anong pangunahing materyales ang iyong 2. Anong pangunahing materyales ang iyong
ginagamit dito? ginagamit dito?
3. Magbigay ng isa pang gawain na naglili- 3. Anong hanapbuhay ang maidudulot ng
nang sa gawaing kawayan? taong may kaalaman dito?

3. Pagtatalakay:
Batay sa inyong pangkatang gawain, anong gawain ang may kinalaman sa
pagkukumpuni ng sirang upuan?
- Gawaing Kahoy
Anong kasanayan ang matutuhan sa gawaing kahoy?
-Pagkakarpentero
Magbigay pa ng mga kasanayan na maaaring matutuhan sa gawaing kamay.
Anong gawain naman ang may kinalaman sa paggwa ng laruan gawa sa metal?
- Gawaing metal
Anong kasanayan naman ang matutuhan niyo sa gawaing metal?
- Pagiging latero
Magbigay pa ng mga kasanayan sa gawaing metal.
Ano naman ang gawain na may kinalaman sa paggawa ng bahay?
-Gawaing kawayan
Sa anong uri ng Gawaing Pang-industriya napabilang ang Gawaing Kawayan?
-Gawaing Kamay
Magbigay pa ng ibang gawain ang napabilang sa gawaing kamay.
Anong gawain ang may kinalaman sa kuryente?
-Gawaing elektrisidad
Anong kasanayan ang nalilinang kapag ang tao ay may kaalaman sa elektrisidad?
- Pagiging Elektrisyan

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga kasanayan at kaalaman sa Gawaing Pang-Industriya?
- Ang mga kasanayan at kaalaman sa Gawaing Pang-Industriya ay
- Pagkakarpentero - Pagiging Elektrisyan
- Pagiging latero - Gawaing Kamay

2. Pagpapahalaga:
Ano ang dapat nating gawin sa mga katutubong materyales na ginagamit sa mga
gawaing pang-industriya??

2. Paglalapat:
Magpakita ng larawan ng iba’t-ibang gawain sa sining pang-industriya tulad ng pag-
uukit, pag eelektrisyan at iba pa. Ipatukoy sa mga bata ang mga gawain.

IV. Pagtataya:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang kaalaman at kasanayan na may kaugnayan sa pagkukumpuni ng sirang kahoy.


A. Pagiging latero B. Pagkakarpentero C. Pagiging elektrisyan
2. Isang lawak sa gawaing pang-industriya na may kaugnayan sa handicrafts.
A. Gawaing Kahoy B. Gawaing Metal C. Gawaing Kamay
3. Taong may kaalaman at kasanayan sa paggawa kaugnay ng kuryente.
A. Pagiging latero B. Pagkakarpentero C. Pagiging elektrisyan
4. Ang mga gawaing may kaugnayan sa iba’t-ibang uri ng metal ay ______.
A. Pagiging latero B. Pagkakarpentero C. Pagiging elektrisyan
5. Alin sa mga sumusunod na gawain ang mas nangangailangan ng ibayong pag-iingat?
A. Gawaing Kamay B. Gawaing Metal C. Gawaing Elektrisidad

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Magsaliksik ng karagdagang impormasyon sa iba’t-ibang lawak ng sining pang-
industriya. Isulat ito sa sagutang papel.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Nakagagawa ng mga malikhaing proyekto na gawa sa kahoy, metal, kawayan at iba
pang materyales na makikita sa kumunidad. (L.C 2.1)2 days

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Paggawa ng malikhaing proyekto na gawa sa kahoy, metal, kawayan at iba
pang materyales na makikita sa kumunidad.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 2.1
Umunlad sa Paggawa 5, pp. 153-158
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, pp. 145-147
C. Kagamitan: katad, pandikit, plastic cord, lata, gunting, malyete, tsart, activity cards,
larawan ng mga proyektong gawa sa mga katutubong materyales
D. Balyu: Pagtitiwala sa sarili

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga kaalaman at kasanayan sa Gawaing Pang-industriya?
- Pagkakarpentero - Pagiging Elektrisyan
- Pagiging latero - Gawaing Kamay

2. Pagganyak:
Anu-anong mga proyektong gawa sa katutubong materyales ang nasa larawan?
( Pagpapakita ng larawan )

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Alam niyo ba kung paano gagawin ang mga proyektong ito?

2. Pangkatang Gawain:
Pagpapangkat sa dalawang pangkat.

Unang Pangkat
Panuto: Sundin ang mga hakbang sa paggawa ng Coin Purse.

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Ihanda ang mga kagamitan, materyales at kasangkapang gagamitin sa pagbuo ngproyekto.
2. Gumawa ng padron ng proyekto.
2. Bakatin ang padron sa ibabaw ng katad.
3. Markahan ang bahaging lalagyan ng pandikit o rugby.
4. Pagdikitin ang dalawang piraso ng katad sa pamamagitan ng rugby.
5. Pagkaraan ng ilang minuto, lagyan ng butas ang gilig ng 1/8” ang layo sa bawat isa.
6. Tahiin ang gilid sa pamamagitan ng plastic cord nang katamtamang higpit.
7. Kabitan ng snap button ang bukasan ng natapos na proyekto.
Pangalawang Pangkat
Panuto: Sundin ang mga hakbang sa paggawa ng Kahon ng Resipe.

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Ihanda ang mga kagamitan, materyales at kasangkapang gagamitin sa pagbuo ng
proyekto.
2. Markahan ang lata ng hugis na ibig.
3. Butasan ang lata malapit sa marka na ang dulo ng gunting ay maaaring maisingit
upang magupit.
4. Matapos na gupitin ay itupi nang nang paloob upang ang gilid ay hindi maging matalas
Sa pamamagitan ng tipak na kahoy at malyete.
5. Kung isasabit sa dingding, lagyan ng dalawang butas sa likod.
6. Pakinisin ang lata sa pamamagitan ng steel wool na pino.
7. Barnisan at lagyan ng mga palamuting bulaklak o prutas na ginupit sa magasin.
3. Pagtatalakay:
Batay sa ginawang pangkatang gawain, paano kayo makagawa ng isang
proyekto?
- Ihanda ang mga kagamitan at kasangkapang gagamitin.
- Sundin ang mga hakbang sa paggawa ng proyekto.
Bakit kailangang sundin ang mga hakbang sa paggawa ng proyekto?
-Upang maiwasan ang anumang sakuna.
-Upang magawa nang tama ang proyekto.
Bakit kailangang mayroong hakabang sa paggawa ng proyekto?
-Upang makatipid sa oras, materyales at lakas sa paggawa.
Ano ang tawag natin sa mga materyales na inyong ginamit sa paggawa ng
proyekto?
- Mga katutubong materyales

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano tayo makagagawa ng mga proyektong gawa sa kahoy, metal, kawayan at
iba pa?
- Makagagawa tayo ng ganitong mga proyekto sa pamamagitan ng paggamit
ng mga katutubong materyales na matatagpuan sa ating pamayanan.

2. Pagpapahalaga:
Nakaya ba ninyo ang ipinagawang proyekto sa bawat pangkat?
Anong kaugalian ang dapat ninyong isaisip upang magawa ang isang proyekto?
- Pagtitiwala sa sarili

2. Paglalapat:
Gawin ang pagsusuri at pagtatala ng mga hakbang sa paggawa ng isang
proyekto tulad ng “Laundry stool” o upuan sa paglalaba.

IV. Pagtataya:
Panuto: Bigyang marka ang bawat mag-aaral batay sa tseklis sa ibaba.

Mga Pamantayan sa Pagmamarka Takdang Marka Marka ng Bata


1. Nasunod ba ang mga hakbang sa pagsasagawa ng 20%
proyekto?
2. Tumulong ba sa iyong pangkat sa pagsasagawa ng 20%
proyekto?
3. Naging maingat ba sa pagsasagawa ng proyekto? 20%

4. Natapos ba ang pagsasagawa ng proyekto sa 20%


takdang panahon?
5. Nilinis ba ang lugar na pingagawaan pagkatapos ng 20%
gawain?
Kabuuan 100%

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Isulat sa papel ang mga hakbang sa paggawa ng proyektong “Walis Tingting”.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Natutukoy ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy, metal,
kawayan at iba pa. (L.C 2.1.1) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Mga kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy, metal, kawayan at iba pa.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 2.1.1
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5, pp. 167-169
Umunlad sa Paggawa 5, pp. 158-161
C. Kagamitan: tunay na kagamitan, kasangkapan at materyales sa paggawa, larawan,
tsart, activity cards
D. Balyu: Pagiging Maingat

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Magbigay ng isang proyektong nagawa na sa klase.
Ano ang dapat gawin upang magawa ito nang mabuti?
-Sundin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng proyekto.

2. Pagganyak:
Hanapin sa puzzle ang mga salita na may kinalaman sa pagsasagawa ng
proyekto.

G K W Z B A R E N K
A A Q P R R F L O I
T T G L B T H M K K
O A P A N U K A T I
I M P I R P K R U L
K R G S N I R T T P
L F X I M O E I R M
E V M O T A W L E K
H M Y T K L T Y W G
I S K W A L A P Q T
P A I T J K A T A M

Martilyo Panukat Lagari Pait Katam


Iskwala Kikil Plais Barena Gato

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ano ang tawag natin sa mga salitang nahanap ninyo sa puzzle?
- Mga Kagamitan at kasangkapan sa paggawa
Gusto nyo bang malaman kung anu-ano ang mga gamit nito?

2. Pangkatang Gawaian:
Pagpapangkat sa mga bata sa tatlong pangkat.

Unang Pangkat
Panuto: Hanapin at ipakita ang mgasumusunod na kasangkapan.
1. Kasangkapang ginagamit sa pagsusukat ng maikling distansya, pagtiyak sa lapad
at kapal ng tabla at kung nais tandaan kung iskwalado ang bawat bahagi ng kahoy.
2. Kasangkapang ginagamit na pambaluktot, pamukpok ng metal at pambaon ng
pait at pako.
3. Kagamitang mukhang martilyo ngunit ang ulo ay yari sa kahoy.
4. Kagamitang ginagamit sa pagsukat ng gagawing proyekto na may 12 pulgada
ang laki.
. Pangalawang Pangkat:
Panuto: Hanapin at ipakita ang mga sumusunod na kasangkapan.

1. Kasangkapang ginagamit sa paggawa ng maliit na butas.


2. Barenang dekuryente na mainam gamiting pambutas sa semento at bakal.
3. Kasangkapang ginagamit na pang-ipit sa mga materyales tulad ng kahoy at bakal
kung ito ay bubutasan, puputulin o kakatamin.
4. Kasangkapang ginagamit na panghasa sa mga ngipin ng lagari.

Pangatlong Pangkat:
Panuto: Hanapin at ipakita ang mga sumusunod na kasangkapan.

1. Kasangkapang ginagamit upang higpitan o luwagan ang mga turnilyo.


2. Kasangkapang ginagamit pgpihit ng mga tuwerka o nut upang higpitan o
luwagan ito.
3. Kasangkapang ginagamit na pamputol nang pahilatsa ng kahoy.
4. Kasangkapang ginagamit sa pagputol ng yero.

3. Pagtatalakay:
Batay sa ginawang pangkatang gawain, anong mga kasangkapan ang tinukoy ng
unang pangkat?
- Kasangkapang Panukat at Pamukpok
Anong uri ng kasangkapan naman ang tinukoy ng pangalawang pangkat?
- Kasangkapang Pambutas at Pang-ipit
Ano pa?
- Kasangkapang Panghasa
Ano naman ang kasangkapang napabilang sa ikatlong pangkat?
- Kasangkapang Pamputol at Pang-ipit

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga uri ng kasangkapan at kagamitan ang ginagamit sa gawaing
kahoy, gawaing metal, gawaing kamay at gawaing elektrisidad?
- Ang mga uri ng kasangkapan at kagamitan na ginagamit sa gawaing kahoy,
gawaing metal, gawaing kamay at gawaing elektrisidad ay:
- Kasangkapang Panukat - Kasangkapang Pambutas
- Kasangkapang Pamukpok - Kasangkapang Pang-ipit
- Kasangkapang Pamputol - Kasangkapang Panghasa
- Kasangkapang Pampihit

2. Pagpapahalaga:
Kapag gumagamit ng mga kasangkapan at kagamitan sa paggawa, ano ang dapat
nating tandaan para makaiwas sa anumang sakuna?
- Maging Maingat

3. Paglalapat:
Hawakan ng guro isa-isa ang mga kasangkapan at ipatukoy kung anong
kasangkapan o kagamitan ang mga ito.

IV. Pagtataya:
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng kasangkapan at kagamitan ang mga sumusunod.

1. lagari
2. katam
3. martilyo
4. barena
5. disturnilyador

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Magdala ng mga kasangkapan at kagamitan sa paggawa ng proyekto.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Natatalakay ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy, metal,
kawayan at iba pa. (L.C 2.1.2) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Mga kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy, metal, kawayan at iba pa.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 2.1.2
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5, pp. 167-169
Umunlad sa Paggawa 5, pp. 158-161
C. Kagamitan: tunay na kagamitan, kasangkapan at materyales sa paggawa, larawan,
tsart, activity cards
D. Balyu: Pagiging Maingat

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Tukuyin ang mga uri ng kasangkapan at kagamitan sa paggawa ng proyekto na
nasa larawan.
- Kasangkapang Panukat - Kasangkapang Pambutas
- Kasangkapang Pamukpok - Kasangkapang Pang-ipit
- Kasangkapang Pamputol

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan.
Ano ang makikita niyo sa larawan?
- (larawan ng batang naglalagari)
- (larawan ng batang nagsusukat)
- (larawan ng batang ngbubutas gamit ang barena)
- (larawan ng batang nagkakatam)

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Pagpapakita ng mga aktwal na kasangkapan at kagamitan sa paggawa.
Alam niyo ba kung paano gamitin ang mga ito?

2. Pangkatang Gawain:
Pagpapangkat sa mga bata sa dalawang pangkat.
Unang Pangkat:
Panuto: Isulat sa ilalim ng bawat larawan ang pangalan ng mga kasangkapan
at kagamitan na ginamit at ang gamit ng bawat isa.

1. 2.

3. 4.
Pangalawang Pangkat:
Panuto: Isulat sa ilalim ng bawat larawan ang pangalan ng mga kasangkapan at
kagamitan na ginamit at ang gamit ng bawat isa.

1.
2.

3. 4.

3. Pagtatalakay:
Batay sa ginawa ng unang pangkat, anong mga kasangkapan at kagamitan ang
kanilang naitala?
Anu-ano ang mga gamit nito?
Sa pangalawang pangkat naman, anu-anong mga kasangkapan at kagamitan ang
kanilang nailarawan?
Sa pangatlong pangkat naman, ibigay ang mga kagamitan at kasangkapan na
kanilang tinalakay.
Ibigay ang gamit ng bawat isa.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga kagamitan at kasangkapang ginagamit sa gawaing kahoy,
metal, kawayan at iba pa?
-Ang mga kagamitan at kasangkapang ginamit sa gawaing kahoy, metal,
kawayan at iba pa ay medidang asero, ruler, martilyo, iskwala, plais, lagari,
katam, barena at iba pang kasangkapang pantulong.

2. Pagpapahalaga:
Si Mang Arnold ay isang elektrisyan, kinumkumpuni niya ang mga sirang kawad
ng kuryente sa kanilang pamayanan. Ano ang dapat tandaan ni Mang Arnold
kapag siya ay gumagawa para maiwasan ang anumang sakuna?

3. Paglalapat:
Buuin ang mga salita nang naaayon sa gamit nito.

1. m t y 2. k t

- gamit sa pagbabaon ng pako - gamit sa pagpapakinis

3. a a r 4. d s u y o r

- gamit sa pagputol ng kahoy -gamit sa pampahigpit o pampaluwag sa turnilyo

3. p t

- gamit sa pagkorte, pagbabawas at paggawa ng butas sa kahoy


IV. Pagtataya:
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa gamit nito na nasa Hanay B. Titik lamang ang isulat.

Hanay A Hanay B

1. Katam A. Kasangkapang ginagamit sa pagputol ng kahoy


2. Martilyo B. Kasangkapang ginagamit sa pagbubutas
3. Barena C. Kasangkapang ginagamit sa pagpakinis ng ibabaw ng kahoy
4. Lagari D. Kasangkapang ginagamit sa pagputol ng kawad ng kuryente
5. Plais E. Kasangkapang ginagamit sa pagbaon ng pako.

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Gumuhit sa malinis na papel ng 5 kasangkapan at kagamitan sa paggawa.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Nasusunod ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa.


(L.C 2.1.3) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 2.1.3
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5, pp. 170-171
C. Kagamitan: tsart, activity cards, larawan
D. Balyu: Pagkamasunurin

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-anong mga kagamitan at kasangkapan sa paggawa ang natalakay na?

2. Pagganyak:
Tingnang mabuti ang larawan.
Ano ang masasabi niyo sa larawan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ano ang gagawin niyo habang gumagawa upang mapalayo o makaiwas sa
sakuna?

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin sa tatlong pangkat ang mga bata.

Unang Pangkat:
Panuto: Tingnang mabuti ang larawan. Ano ang ginagawa ng tao sa
larawan? Ilarawan ito.

Pangalawang Pangkat:
Panuto: Tingnang mabuti ang larawan. Ano ang ginagawa ng tao sa
larawan? Ilarawan ito.
Pangatlong Pangkat:
Panuto: Tingnang mabuti ang larawan. Ano ang ginagawa ng tao sa
larawan? Ilarawan ito.

3. Pagtatalakay:
Batay sa larawan sa unang pangkat, ano ang ginagawa ng tao pagkatapos ng
isang gawain?
Ano naman ang ginagawa ng tao na nasa pangalawang larawan?
Sa pangatlong larawan?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ano ang tawag natin sa mga gawaing nasa larawan?
Anu-ano ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa?
- Maglaan ng lugar, kahon o kabinet para sa mga kasangkapan at kagamitan sa
paggawa.
- Gamitin nang buong ingat ang mga ksangkapang dekuryente at kagamitang
matatalim.
- Tiyakin na ang mga kasangkapang gagamitin ay nasa maayos na kondisyon.
- Ibigay ang buong atensyon sa ginagawa.
- Basahin ang mga tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapang dekuryente
bago gamitin ang mga ito.
- Maglagay ng panakip sa mata, ilong o bibig kung gagamit ng mga
kasangkapan.
-Gumamit ng damit pantrabaho at magpalit kaagad ng kasuotan matapos
gumawa.
- Maghugas nang mabuti ng mga kamay pagkatapos gumawa.

2. Pagpapahalaga:
Ano ang dapat nating gawin sa mga panuntunang pangkalusugan at
pangkaligtasan sa paggawa?

3. Paglalapat:
Si Roberto ay gumagawa ng kanyang proyekto sa EPP. Pagkatapos niya sa
kanyang gawain, ano ang kanyang gagawin sa mga kasangkapan at kagamitang
ginamit?

IV. Pagtataya:
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI naman kung hindi
wasto.

1. Pababayaan lamang ang mga kagamitang ginamit sa mesang pinaggawaan.


2. Takpan ang ilong kung gagamit ng barnis sa pagtatapos ng proyekto.
3. Pagsabayin ang pagkain at paggawa ng proyekto upang matapos agad.
4. Linisin ang lugar na pinaggawaan pagkatapos gumawa.
5. Gumamit ng damit pantrabaho habang gumagawa.
Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Magsaliksik sa internet ng mga larawan nagpapakita ng panuntunang pangkalusugan at
pangkaligtasan sa paggawa at idikit ito sa bondpaper.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Nakakagawa ng proyekto na ginagamitan ng elektrisidad. (L.C.3.1) 2 days

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Paggawa ng proyekto na ginagamitan ng elektrisidad (extension cord)
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 3.1
C. Kagamitan: modelong extension cord, electrical plier, long nose, cutter plier,
disturnilyador, kawad, outlet (3gangs), electrical tape.
D. Balyu: Pagiging Maingat

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-anong mga kasanayan ang natutuhan na ninyo upang maisagawa nang
matagumpay ang pagbuo ng napiling proyekto?
-Pagsusukat, pagpuputol, pagpupukpok, pagbubutas

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng modelong extension cord sa mga bata.
Alam niyo ba kung paano ang paggawa nito? Pag-aralan natin ngayon ang mga
hakbang kng paano ito gagawin.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipaskil sa pisara ang mga hakbang sa pagsasagawa ng proyekto.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Extension Cord

1. Ihanda ang kawad. Paghiwalayin ang magkatabing kawad ng mag-


Kabilangdulo at balatan ang mga ito ng 10 sentimetro.
2. Luwagan ang mga turnilyo ng outlet at ibukas. Iikot ang isang
Binalatangdulo ng kawad sa kaliwang bahagi at ang isa sa kanang bahagi.
Ipaikot sa turnilyo at ipitin ng mahigpit.
3. Buksan ang male plug. Makikita ang dalawang turnilyo. Luwagan ng
bahagya at iikot sa magkabilang turnilyo ang magkahiwalay na kawad
gamit ang underwriters knot upang makatiyak na dadaluyan ng
kuryente ang terminal.
4. Higpitan muli ang turnilyo upang maipit ang kawad.
5. Isama muli ang plug at subukan sa paggamit ng tester.

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa dalawang pangkat.
Isagawa ng bawat pangkat ang extension cord batay sa pamantayan sa
paggawa.

3. Pagtatalakay:
Ibigay ang mga hakbang sa paggawa ng extension cord.
Talakayin ang bawat hakbang sa paggawa.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano gumawa ng isang extensiyon cord?

2. Pagpapahalaga:
Bakit kailangang sundin ang mga hakbang sa paggawa ng proyekto?
Ano ang turing natin sa isang taong maingat sa gawain?

3. Paglalapat:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.

1. Si Mang Andrew ay gagawa ng ekstensiyon cord, ano ang una niyang dapat
gawin?
2. Ano ang gagamitin niyang kagamitan para malaman kung gumagana ang
ekstensiyon cord?
3. Ilang sentimetro ang haba ng gagawing pagbabalat sa kawad ng kuryente?
4. Ano ang panghuling gawain sa pagsasagawa ng ekstensiyon cord?

IV. Pagtataya:
Panuto: Ayusin ang mga hakbang sa paggawa ng extension cord. Isulat ang bilang sa unahan.

_____1. Higpitan muli ang turnilyo upang maipit ang kawad.


_____2. Isama muli ang plug at subukan sa paggamit ng tester.
_____3. Buksan ang male plug. Makikita ang dalawang turnilyo. Luwagan ng bahagya at iikot sa
magkabilang turnilyo ang magkahiwalay na kawad gamit ang underwriters knot upang
makatiyak na dadaluyan ng kuryente ang terminal.
_____4. Luwagan ang mga turnilyo ng outlet at ibukas. Iikot ang isang binalatang dulo ng kawad
sa kaliwang bahagi at ang isa sa kanang bahagi. Ipaikot sa turnilyo at ipitin ng mahigpit.
_____5. Ihanda ang kawad. Paghiwalayin ang magkatabing kawad ng magkabilang dulo. Balatan
ang mga ito ng 10 sentimetro.

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Magsaliksik sa internet ng mga larawang nagpapakita ng kasanayan sa gawaing pang-
elektrisidad. Idikit ito sa bondpaper.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Natatalakay ang mga kaalaman at kasanayan sa gawaing elektrisidad. (L.C.3.1.1) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Kaalaman at kasanayan sa pagkukumpuni ng sirang switch, sirang kordon ng
palntsa at sirang piyus
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 3.1.1
Agap at Sikap 6 p.154-157
C. Kagamitan: disturnilyador, plais, sirang switch, kawad, turnilyo, sirang kordon ng
plantsa, male plug na bilog, teyp, piyus, tester, long nose, tsart, iskor kard
D. Balyu: Pagkamaingat

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga hakbang sa paggawa ng ekstensiyon cord?

2. Pagganyak:
Ipakita ang larawan ng batang ngkukumpuni ng sirang switch, sirang kordon ng
plantsa at sirang piyus.
Ano ang masasabi niyo sa larawan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipabasa sa mga bata ang mga hakbang sa pagkukumpuni ng sirang switch, sirang
kordon ng plantsa at sirang piyus.

Mga Hakbang sa Pagkukumpuni ng sirang switch

1. Patayin ang linya ng kuryente na nakaugnay sa switch.


2. Luwagan at alisin ang mga turnilyo sa takip ng switch.
3. Luwagan ang mga turnilyo sa loob ng switch na pumipigil sa mga
Kawad.
4. Alisin ang turnilyo na pumipigil sa katawan ng switch.
5. Ilagay nang paikot sa kanan ang dalawang kawad sa loob.
6. Ibalik ang mga turnilyo sa dating ayos at lugar at takpan ang
switch.

Pagkakabit ng Kawad ng Kordon ng Plantsa sa Male Plug

1. Balatan ng kalahating pulgada ang dalawang dulo ng kordon.


2. Bahagyang luwagan ang terminal ng plag sa tulong ng
disturnilyador.
3. Gumawa ng underwriters knot sa kordon at ikabit sa terminal.
4. Ikutin sa clockwise na direksiyon ang dalawang dulo ng wire at
Ipasok sa terminal ng plag.
5. Higpitan ang terminal
Mga hakbang sa Pagpapalit ng pumutok na Piyus

1. Patayin ang linya ng kuryente sa pangunahing switch.


2. Buksan ang takip ng pangunahing switch.
3. Suriin sa pamamagitan ng tester kung alin ang piyus na hindi
gumagana.
4. Alisin sa pamamagitan ng longnose ang piyus na hindi na gumagana
at palitan ng bago.
5. Isara ang takip ng pangunahing switch.
6. Buksan ang pangunahing switch upang magkaroon muli ng daloy
ng kuryente.

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa tatlong pangkat.

Unang Pangkat: Pangalawang Pangkat:


Panuto: Basahin ang mga hakbang sa Panuto: Basahin ang mga hakbang sa
pagkukumpuni ng sirang switch at pagkukumpuni ng sirang switch at
sagutin ang sumusunod na tanong. sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Bakit kailangang patayin ang linya 1. Ilang pulgada ang gagawing


ng kuryente kapag nagkukumpuni ng pagbabalat sa dalawang dulo ng
sirang switch? kurdon?
2. Ano ang gagamitin kapag 2. Ano ang gagamitin para luwagan
luluwagan ang turnilyo sa loob ng ang terminal ng plag?
switch? 3. Anong uri ng knot ang kailangan sa
3. Pagkatapos na ilagay ang kawad pagkabit ng kordon sa terminal?
ng kuryente sa loob ng switch, ano 4. Sa anong direksiyon ang pag-ikot
ang sunod na gagawin? ng dalawang dulo ng wire sa terminal
4. Ano ang huling hakbang sa ng plag?
pagkukumpuni ng sirang switch?

Pangatlong Pangkat:
Panuto: Basahin ang mga hakbang sa
pagkukumpuni ng sirang switch at
sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang unang dapat gawin sa linya


ng kuryente kapag nagkukumpuni?
2. Ano ang gagamitin para masuri kung
aling piyus ang hindi na gumagana?
3. Paano ialis ang piyus na hindi na
gumagana?
4. Ano ang huling hakbang sa
pagkukumpuni ng sirang piyus?
3. Pagtatalakay:
Talakayin sa loob ng klase ang mga hakbang sa pagkukumpuni ng sirang switch,
sirang kordon ng plantsa at sirang piyus.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga batayang hakbang sa pagkukumpuni ng srang switch, sirang
kordon ng plantsa at sirang piyus?

2. Pagpapahalaga:
Kapag nagkukumpuni ng sirang switch, sirang kordon ng plantsa at sirang piyus,
ano ang dapat isaisip habang gumagawa?

3. Paglalapat:
Sagutin ang mga sumusunod.
1. Ano ang unang dapat gawin kapag magkukumpuni ng sirang switch at piyus?
2. Bakit kailangang patayin muna ang linya ng kuryente bagao isagawa ang
pagkukumpuni?
3. Ano naman ang unang gawin sa pagkukumpuni ng sirang kordon ng plantsa?
4. Ano ang panghuling hakbang sa pagkukumpuni ng sirang kordon ng plantsa?
5. Ano ang gagamitin para masuri kung aling piyus ang hindi gumagan?

IV. Pagtataya:
Panuto: Gamitin ang iskor kard sa pagpapahalaga sa ginawa ng mga bata sa pagkukumpuni ng
sirang switch, sirang kordon ng plantsa at sirang piyus.

Iskor kard sa Pagmamarka

Pamantayan sa Paggawa Kaukulang Marka


5 4 3 2 1
1. Kumpleto ang mga kasangkapan at materyales na
gagamitin sa pagkukumpuni .
2. Ginamit ang wastong kasangkapan sa pagkukumpuni.
3. Sinunod ang wastong hakbang sa pagkukumpuni.
4. Naging maingat at tahimik habang gumagawa.
5. Sinunod ang tuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan
habang gumagawa.
6. Natapos ang gawain sa takdang oras
Kabuuang Marka

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Magdala ng mga materyales at kagamitan na kakailanganin sa gawing elektrisidad.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Natutukoy ang mga materyales at kagamitan na ginagamit sa gawaing elektrisidad.


(L.C.3.1.2) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagtukoy sa mga materyales at kagamitan na ginagamit sa gawaing
elektrisidad.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 3.1.2
Agap at Sikap 6 p.154-155
C. Kagamitan: disturnilyador, plais, tester, long nose, teyp, tsart
D. Balyu: Pagiging Maayos

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga hakbang sa pagkukumpuni ng sirang switch, sirang kordon ng
plantsa at sirang piyus?

2. Pagganyak:
Sino sa inyo ang may de-kuryenteng kagamitan sa bahay? Alam niyo ba kung
paano ito kukumpunihin kapag nasira?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipakita sa mga bata ang mga materyales na gagamitin sa gawaing elektrisidad.

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa dalawang pangkat at isagawa ang pangkatang
gawain.

Unang Pangkat Pangalawang Pangkat


Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod
na kasangkapan at kagamiitan na na kasangkapan at kagamiitan na
ginagamit sa gawaing elektrisidad. ginagamit sa gawaing elektrisidad.

1. Larawan ng plais 1. Larawan ng plais


2. Larawan ng disturnilyador 2. Larawan ng disturnilyador
3. Larawan ng tester 3. Larawan ng tester
4. Larawan ng teyp 4. Larawan ng teyp
5. Larawan ng long nose 5. Larawan ng long nose

3. Pagtatalakay:
Talakayin sa loob ng klase ang gamit ng bawat kasangkapan at kagamitan sa
gawaing elektrisidad.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga kasangkapan at kagamitan sa gawaing elektrisidad?

2. Pagpapahalaga:
Ano ang dapat gawin sa mga kasangkapan at kagamitan pagkatapos itong
gamitin?
3. Paglalapat:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Gusto ni Allan na luwagan ang terminal ng plag, ano ang kanyang gagamitin?
2. Nagkukumpuni si Mang Gabriel ng sirang kordon ng plantsa, gusto niyang
idugtong ang dalawang kawad ng kuryente, ano ang kanyang gagamitin para ito
ay maidugtong?
3. Anong uri ng kagamitan ang kakailanganin para malaman kung aling piyus ang
may sira?
4. Si Daniel ay ngsusukat ng kawad ng kuryente na kanyang gagamitin, ano ang
gagamitin niya para ito ay maputol?

IV. Pagtataya:
Panuto: Tukuyin ang sumusunod na kagamitan at materyales sa gawaing elektrisidad.

1. Ginagamit na pampahigpit o pampaluwag sa turnilyo.


2. Ginagamit na pamutol ng alambre o kawad ng kuryente.
3. Ginagamit upang idugtong ang dalawang kawad ng kuryente.
4. Ginagamit upang malaman kung may depektibo ang isang kagamitang de-kuryente.
5. Ginagamit upang mahigpit na maikabit ang kawad ng kuryente sa turnilyo.

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Magdala ng sirang switch at sirang kordon ng plantsa bukas.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Nagagamit ang mga materyales at kagamitan sa gawaing elektrisidad. (L.C.3.1.3) 2


days

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Paggamit sa mga materyales at kagamitan na ginagamit sa gawaing
elektrisidad.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 3.1.3
Agap at Sikap 6 p.154-155
C. Kagamitan: disturnilyador, plais, tester, long nose, teyp, sirang switch, kordon ng
plantsa, tsart, lawaran
D. Balyu: Pagiging Maingat

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ibigay ang mga materyales at kagamitan na ginagamit sa gawaing elektrisidad?

2. Pagganyak:
Ipakita ang larawan ng batang nagkukumpuni ng sirang switch at sirang kordon
ng plantsa. Ipalarawan sa kanila kung ano ang kanilang nakita sa larawan.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipakita sa mga bata ang mga materyales na gagamitin sa gawaing elektrisidad.
(pgkukumpuni ng sirang switch at sirang kordon ng plantsa)

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa dalawang pangkat at isagawa ang pangkatang
gawain.

Unang Pangkat Pangalawang Pangkat


Panuto: Basahin ang mga hakbang sa Panuto: Basahin ang mga hakbang sa
pagkukumpuni ng sirang switch at pagkukumpuni ng sirang kordon ng
isagawa ito. plantsa at isagawa ito.

Mga Hakbang sa Pagkukumpuni ng Mga Hakbang sa Pagkukumpuni ng


Sirang switch. sirang kordon ng plantsa.
1. Patayin ang linya ng kuryente na 1. Balatan ng kalahating pulgada ang
nakaugnay sa switch. dalawang dulo ng kordon.
2. Luwagan at alisin ang mga turnilyo sa 2. Bahagyang luwagan ang terminal ng
takip ng switch. plag sa tulong ng disturnilyador.
3. Luwagan ang mga turnilyo sa loob ng 3. Gumawa ng underwriters knot sa
switch na pumipigil sa mga Kawad. kordon at ikabit sa terminal.
4. Alisin ang turnilyo na pumipigil sa 4. Ikutin sa clockwise na direksiyon ang
katawan ng switch. dalawang dulo ng wire at Ipasok sa
5. Ilagay nang paikot sa kanan ang terminal ng plag.
dalawang kawad sa loob. 5. Higpitan ang terminal
6. Ibalik ang mga turnilyo sa dating
ayos at lugar at takpan ang
switch.
3. Pagtatalakay:
Talakayin ang mga kasangkapan at kagamitan na ginamit sa gawaing
elektrisidad.

C. Pangwakas na Gawin:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga kasangkapan at kagamitang ginamit sa gawaing elektrisidad?

2. Pagpapahalaga:
Ano ang dapat tandaan kapag nagkukumpuni ng mga sirang kagamitan na may
kinalaman sa gawaing elektrisidad?

3. Paglalapat:
Ipagamit sa mga bata ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin sa
pagkumkumpuni ng sirang piyus.

IV. Pagtataya:
Panuto: Pahalagahan ang ginawa ng mga bata sa pagsasanay gamit ang iskor kard sa paggawa.

Mga Pamantayan sa Paggawa Kaukulang Marka


5 4 3 2 1
1. Pinili ang angkop na kasangkapang gagamitin sa gawain.
2. Sinuri nang mabuti kung maayos ang kasangkapang
gagamitin.
3. Ginamit ang kasangkapan sa tamang paraan.
4. Nilinis, inaayos at isinauli ang mga kasangkapan sa tamang
lalagyan.
5. Tinapos ang gawain sa takdang oras.
Kabuuang Marka

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Kopyahin sa kwaderno ang mga hakbang sa pagkukumpuni ng sirang switch at kordon
ng plantsa.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Nakabubuo ng plano ng proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t-ibang materyales na


makikita sa pamayanan (hal. Kahoy, metal, kawayan at iba pa) na ginagamitan ng
elektrisidad na maaaring mapagkakakitaan . (L.C.3.2) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagbuo ng Plano ng proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t-ibang materyales
na makikita sa pamayanan na ginagaamitan ng elektrisidad na maaaring
mapagkakakitaan.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 3.2
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5, pp 164-165
C. Kagamitan: tsart, plano ng proyekto, lapis, bondpaper, ruler, eskwala
D. Balyu: Pagiging Masunurin

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga kasangkapan at kagamitang ginagamit sa gawaing
elektrisidad?

2. Pagganyak:
Sino sa inyo ang nakagawa na ng isang proyekto?
Paano ninyo ito ginawa?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ilahad ang tsart na may pormularyo ng isang karaniwang plano ng proyekto.

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa dalawang pangkat at ipagawa ang plano ng proyekto
gamit ang pormularyo.

Unang Pangkat Pangalawang Pangkat

Pangalan ng Proyekto: Pangalan ng Proyekto:


Ekstensiyon cord Lampshade na kawayan

3. Pagtatalakay:
Talakayin ang mga hakbang sa paggawa ng plano ng proyekto at ang mga bahagi
nito.
Bakit kailangan ang pagpaplano ng proyekto bago ito isagawa?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga bahagi ng plano ng proyekto?

2. Pagpapahalaga:
Paano natin magawa nang tama ang isang proyekto?

3. Paglalapat:
Maghanda ng isang plano ng proyekto at ipasuri sa mga bata kung tama ang
datos na nakasulat sa bawat bahagi ng plano ng proyekto at kung mali, ipatama ito sa mga bata.
IV. Pagtataya:
Panuto: Pahalagahan ang ginawa ng mga bata sa pagsasanay gamit ang iskor kard sa paggawa.

Mga Pamantayan sa Paggawa Kaukulang Marka


5 4 3 2 1
1. Sinunod nang wasto ang mga bahagi ng plano ng
proyekto.
2. Sinuri nang mabuti kung maayos ang kagamitang
gagamitin.
3. Naging maayos ang pagkagawa ng plano ng proyekto.
4. Nilinis at inaayos ang lugar na pinaggawaan pagkatapos ng
gawain.
5. Nakabuo ng plano ng proyekto sa takdang oras.
Kabuuang Marka

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Gumawa ng sariling plano ng proyekto.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Nakapagsasagawa ng survey gamit ang teknolohiya at ibang paraan ng pagkalap ng


datos upang malaman ang iba’t-ibang produktong mabibili gawa sa iba’t-ibang
materyales. (L.C.4.1/4.1.2) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagsasagawa ng survey gamit ang teknolohiya at ibang paraan ng pagkalap ng
datos upang malaman ang iba’t-ibang produkong mabibili gawa sa iba’t-ibang
materyales.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 4.1/4.1.2
C. Kagamitan: tsart, larawan, kompyuter
D. Balyu: Pagiging Mapagkaibigan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga bahagi ng plano ng proyekto?

2. Pagganyak:
Sino sa inyo ang marunong gumamit ng kompyuter sa pananalikisik ukol sa iba’t-
ibang produkto?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Dalhin ang mga bata sa computer room at gabayan sila sa paggamit nito

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa dalawang pangkat at bigyan sila ng activity card.
Maghanda ang guro ng isa-survey ng bawat pangkat upang maging matagumpay ang
pananaliksik gamit ang internet. Subaybayan ang bawat pangkat.

Activity Card
Panuto: Magsurvey ukol sa mga produktong mabibili na gawa sa iba’t-ibang
materyales gamit ang internet.

Produkto Gamit na materyales


1. alkansiya
2. placemat
3. pencil holder
4. bag
5. sombrero

3. Pagtatalakay:
Talakayin ang gawa ng mga bata. Paano sila nakakalap ng datos?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Batay sa activity ng mga bata, paano kayo nakakalap ng datos? Anong
pamamaraan ang ginamit niyo para malaman kung aling produkto ang mabibili gamit ang iba’t-
ibang materyales?

2. Pagpapahalaga:
Anong ugali ang ipinapakita ng batang maraming friends sa facebook?
3. Pagsasanay:
Magsagawa ng survey ukol sa mga produktong mabibili sa pamamagitan ng
tseklis.
IV. Pagtataya:
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang hanay sa naaayon sa antas ng pagsasagawa ng survey ng bawat
bata.

Kraytirya Antas ng Kahusayan


5 4 3 2 1
1. Nasunod ba nang maaayos ang panuto sa gawain?
2. Maayos ba ang pagsasagawa ng survey ng bawat pangkat?
3. Naisakatuparan ba ang nais nilang makuhang datos sa
kanilang survey?
4. Nagamit ba nang tama ang kompyuter sa pagsasagawa ng
survey?
Kabuuang Marka

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Mag log on muli sa inyong facebook account. Alamin kung aling produkto ang nakakuha
ng maraming like. Isulat ang bilang ng like sa bawat proyektong na ipost sa facebook.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Nakapagsasagawa ng survey gamit ang teknolohiya at ibang paraan ng pagkalap ng


datos upang malaman ang mga disenyong ginamit. (L.C.4.1.3) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagsasagawa ng survey gamit ang teknolohiya at ibang paraan ng pagkalap ng
datos upang malaman ang mga disenyong ginamit
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 4.1.3
C. Kagamitan: kompyuter
D. Balyu: Pagiging Malikhain

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Batay sa inyong survey na ginawa kahapon gamit ang facebook, aling produkto
ang may mas maraming like?

2. Pagganyak:
Kung kayo ang tatanungin, alin ang mas gusto niyong produkto at bakit?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Dalhin ang mga bata sa computer room at gabayan sila sa paggamit nito

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa dalawang pangkat at bigyan sila ng activity card.
Maghanda ang guro ng isa-survey ng bawat pangkat upang maging matagumpay ang
pananaliksik gamit ang internet. Subaybayan ang bawat pangkat.

Activity Card
Panuto: Magsurvey ukol sa mga produktong may iba’t-ibang disenyo na
mabibili sa pamilihan.

Produkto Uri ng disenyong ginamit


1. alkansiya
2. placemat
3. pencil holder
4. bag
5. sombrero

3. Pagtatalakay:
Talakayin ang gawa ng mga bata. Paano sila nakakalap ng datos?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Batay sa activity ng mga bata, paano kayo nakakalap ng datos? Ukol saan ang
ginawa nilang survey?

2. Pagpapahalaga:
Ano ang nalilinang sa inyong kakayahan kung kaya niyong makaisip ng mas
magandang disenyo para sa inyong proyekto?

3. Pagsasanay:
Magsagawa ng survey ukol sa mga produktong may iba’t-ibang disenyo gamit
ang survey form.
IV. Pagtataya:
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang hanay sa naaayon sa antas ng pagsasagawa ng survey ng bawat
bata.

Kraytirya Antas ng Kahusayan


5 4 3 2 1
1. Nasunod ba nang maaayos ang panuto sa gawain?
2. Maayos ba ang pagsasagawa ng survey ng bawat pangkat?
3. Naisakatuparan ba ang nais nilang makuhang datos sa
kanilang survey?
4. Nagamit ba nang tama ang kompyuter sa pagsasagawa ng
survey?
Kabuuang Marka

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Mag log on muli sa inyong facebook account. Alamin kung aling disenyo ang nakakuha
ng maraming like. Isulat ang bilang ng like sa bawat disenyong na ipost sa facebook.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Nakapagsasagawa ng survey gamit ang teknolohiya at ibang paraan ng pagkalap ng


datos upang malaman ang materyales, kagamitan at pamamaraaan sa pagbuo.
(L.C.4.1.4) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagsasagawa ng survey gamit ang teknolohiya at ibang paraan ng pagkalap ng
datos upang malaman ang materyales, kagamitan at pamamaraaan sa pagbuo.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 4.1.4
C. Kagamitan: kompyuter
D. Balyu: Pagiging Matulungin

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Batay sa inyong survey na ginawa kahapon gamit ang facebook, aling disenyo
ang may mas maraming like?

2. Pagganyak:
Kung kayo ang tatanungin, alin disenyo ang mas gusto niyong gamitin para sa
inyong proyekto at bakit?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Dalhin ang mga bata sa computer room at gabayan sila sa paggamit nito

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa dalawang pangkat at bigyan sila ng activity card.
Maghanda ang guro ng isa-survey ng bawat pangkat upang maging matagumpay ang
pananaliksik gamit ang internet. Subaybayan ang bawat pangkat.

. Activity Card
Panuto: Magsurvey ukol sa mga produktong may iba’t-ibang materyales,
kagamitan at pamamaraan sa pagbuo.

Produkto Materyales Kagamitang Pamamaraan


na ginamit ginamit sa Pagbuo
1. alkansiya
2. placemat
3. pencil holder
4. bag
5. sombrero

3. Pagtatalakay:
Magtalakayan tungkol sa ulat ng bawat pangkat.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Batay sa inyong activity, paano kayo nakakalap ng datos? Tungkol saan ang
ginawa niyong survey?

2. Pagpapahalaga:
Kapag nagsasagawa ng pangkatang gawain, ano ang dapat gawin ng bawat
kasapi ng pangkat?
3. Pagsasanay:
Magpakita ng isang produkto. Maghanda ng survey form ukol sa materyales,
kagamitan at pamamaraan sa pagbuo nito.

IV. Pagtataya:
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang hanay sa naaayon sa antas ng pagsasagawa ng survey ng bawat
bata.

Kraytirya Antas ng Kahusayan


5 4 3 2 1
1. Nasunod ba nang maaayos ang panuto sa gawain?
2. Maayos ba ang pagsasagawa ng survey ng bawat pangkat?
3. Naisakatuparan ba ang nais nilang makuhang datos sa
kanilang survey?
4. Nagamit ba nang tama ang kompyuter sa pagsasagawa ng
survey?
Kabuuang Marka

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Maghanap ng isang proyekto sa internet. Alamin kung anong materyales, kagamitan at
pamamaraan sa pagbuo nito.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Nakapagsasagawa ng survey gamit ang teknolohiya at ibang paraan ng pagkalap ng


datos upang malaman ang pangangailangan sa pamilihan (market demands).
(L.C.4.1.5) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagsasagawa ng survey gamit ang teknolohiya at ibang paraan ng pagkalap ng
datos upang malaman ang pangangailangan sa pamilihan.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 4.1.5
C. Kagamitan: kompyuter
D. Balyu: Pagiging Matipid

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Tungkol saan ang tinalakay na aralin kahapon?

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng isang proyekto, alamin kung anong materyales, kagamitan at
pamamaraan sa pagbuo nito.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Dalhin ang mga bata sa computer room at gabayan sila sa paggamit nito

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa dalawang pangkat at bigyan sila ng activity card.
Maghanda ang guro ng isa-survey ng bawat pangkat upang maging matagumpay ang
pananaliksik gamit ang internet. Subaybayan ang bawat pangkat.
.
Activity Card
Panuto: Magsurvey ukol sa mga produktong in demand sa market.

Uri ng Produkto Pangangailangan sa Pamilihan


5 4 3 2 1
1. Gawa sa seramika
2. Gawa sa kawayan
3. Gawa sa kahoy
4. Gawa sa kabibe
5. Gawa sa niyog

3. Pagtatalakay:
Talakayin ang ulat ng bawat pangkat.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Batay sa inyong activity, paano kayo nakakalap ng datos? Anong produkto ang
mas in demand sa pamilihan?

2. Pagpapahalaga:
Sa pagsasagawa ng proyekto, bakit kadalasan gumagamit tayo ng mga
katutubong materyales?
3. Pagsasanay:
Maglista ng sampong produkto. Maghanda ng survey form at magsurvey sa
pamilihan para malaman kung aling produkto ang mas in demand sa pamilihan?

IV. Pagtataya:
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang hanay sa naaayon sa antas ng pagsasagawa ng survey ng bawat
bata.

Kraytirya Antas ng Kahusayan


5 4 3 2 1
1. Nasunod ba nang maaayos ang panuto sa gawain?
2. Maayos ba ang pagsasagawa ng survey ng bawat pangkat?
3. Naisakatuparan ba ang nais nilang makuhang datos sa
kanilang survey?
4. Nagamit ba nang tama ang kompyuter sa pagsasagawa ng
survey?
Kabuuang Marka

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Magdala ng mga materyales sa gawaing-kamay bukas.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Nakapagtatala ng iba pang disenyo at materyales na maaaring magamit o pagsama-


samahin upang makagawa ng malikhaing produkto batay sa nakalap na datos.
(L.C.4.2) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagtatala ng iba pang disenyo at materyales na maaaring magamit o pagsama-
samahin upang makagawa ng malikhaing produkto batay sa nakalap na datos.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 4.2
Umunlad sa Paggawa 5, pp.162-165
C. Kagamitan: larawan, tsart
D. Balyu: Pagkamalikhain

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anong produkto ang madalas mabenta sa pamilihan?

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan ng iba’t-ibang kagamitan at materyales sa Gawaing-
Kamay.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ilahad sa tsart ang mga materyales na maaaring gamitin sa paggawa ng iba’t-
ibang uri ng kagamitan at palamuting yari sa kamay.

2. Pangkatang Gawain:
Pagpapangkat sa mga bata sa dalawang pangkat at bigyan sila ng activity card.

Activity Card

Panuto: Gawin ang sumusunod.

1. Pumili ng isang proyektong nais gawin batay sa mga materyales


na nakahanda.
2. Isa-isahain ang mga materyales na gagamitin.
3. Maghanda ng talaan ng materyales sa napiling proyekto.
4. Lagyan ng disenyo ang natapos na proyekto.

3. Pagtatalakay:
Talakayin ang mga materyales na ginamit sa pagbuo ng proyekto at ang
disenyong ginamit.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-anong mga materyales ang maaaring gamitin sa pagbuo ng proyekto o
palamuting yari sa kamay?

2. Pagpapahalaga:
Si Ana ay nakagawa ng isang palamuting yari sa kawayan at kanya itong nilagyan
ng disenyo, anong kaugalian ang ipinakita ni Ana?
3. Pagsasanay:
Bigyan ng karagdagang gawain ang mga bata sa pagbuo ng palamuti gamit ang
mga materyales na tinalakay.

IV. Pagtataya:
Panuto: Tukuyin kung anong materyales ang ginamit sa pagbuo ng proyektong gawang-kamay sa
bawat bilang. Isulat ang titik ng wastong sagot.

1. Paggawa ng laruan
A. kahoy B. kawayan C. kabibe
2. Paggawa ng basket
A. anahaw B. niyog C. kawayan
3. Paggawa ng hikaw at kuwintas
A. anahaw B. kabibe C. abaka
4. Pamunasan ng paa
A. kabibe B. abaka C. kawayan
5. Paggawa ng lubid
A. niyog B. kawayan C. kahoy

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Kopyahin sa notebook ang mga kagamitan at materyales sa gawaing-kamay.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Nasusuri ang ginawang produkto at naisasaayos ito batay sa sarili at mungkahi ng iba
gamit ang rubrics. (L.C.5.1) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagsusuri sa ginawang produkto at naisasaayos ito batay sa sarili at mungkahi
ng iba gamit ang rubrics.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 5.1
C. Kagamitan: rubrics, lampshade
D. Balyu: Pagiging Mapanuri

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-anong mga disenyo at materyales ang ginamit sa pagbuo ng lampshade?

2. Pagganyak:
Sino sa inyo ang may lampshade sa kanilang bahay?
Gawa sa anong materyales ang inyong lampshade?

b. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Pagpapakita ng proyektong gawa sa kawayan tulad ng lampshade.

2. Pangkatang Gawain:
Hatiin sa dalawang pangkat ang klase. Ipasuri sa mga bata ang proyekto at
ipasagot ang mga tanong.

Activity Card
(kawayang lampshade)
Panuto: Suriin ang proyekto batay sa sumusunod na gabay na tanong. Gamitin ang
mga gabay na tanong sa pagsasagawa ng rubrics.

1. Ano ang pangalan ng proyekto?


2. Anu-anong materyales ang ginamit sa pagbuo ng proyekto?
3. Anu-anong kagamitan ang kakailanganin sa pagbuo ng proyekto?
4. Malinis ba ang pagkakagawa ng proyekto?
5. Maganda ba ang kinalalabasan ng proyekto?

3. Pagtatalakay:

Talakayin at suriin ang natapos na gawain ng mga bata.


Nakagawa ba ng wastong rubrics ang bawat pangkat?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Mahalaga ba ang rubrics sa pagsusuri ng natapos na proyekto? Bakit?

2. Pagpapahalaga:
Sa mga natapos na proyekto, ano ang dapat gawin upang malaman kung ito ay
matibay at maaaring maisapamilihan?

3. Pagsasanay:
Magpakita ng isang proyekto. Suriin ito batay sa rubrics.
( pencil holder )
Mga Pamantayan sa Pagmamarka Kaukulang Marka
5 4 3 2 1
1. Nakagamit ng katutubong materyales sa pagbuo ng
proyekto.
2. Nagamit ang angkop na mga kasangkapan at kagamitan sa
pagbuo ng proyekto.
3. Matibay ang pagkakagawa ng proyekto.
4. Nalagyan ng iba’t-ibang disenyo ang proyekto.
5. Malinis ang kinalalabasan ng proyekto.
Kabuuang Marka

IV. Pagtataya:
Panuto: Suriin ang proyektong “Placemat na Kawayan” sa pamamagitan ng rubrics sa ibaba.

Mga Pamantayan sa Pagmamarka Kaukulang Marka


5 4 3 2 1
1. Paggamit ng katutubong mga materyales.
2. Paggamit ng angkop na kasangkapan at kagamitan.
3. Matibay ang pagkagawa ng proyekto.
4. Paglagay ng iba’t-ibang disenyo sa proyekto.
5. Malinis ang kinalalabasan ng proyekto.
Kabuuang Marka

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Maghanap ng inyong bahay ng isang proyektong gawa sa katutubong materyales at ito
ay inyong suriin. Maghanda ng rubrics para dito.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Nalalapatan ng angkop na panghuling ayos (finishing) ang nabuong proyekto.


(L.C.5.1.1) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Paglapat ng angkop na panghuling ayos (finishing) ang nabuong proyekto.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 5.1.1
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, pp. 155-156
C. Kagamitan: brotsa, papel de liha, mga materyales na panapos , alkansiyang kawayan,
perncil holder
D. Balyu: Pagiging Malinis

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawaian:
1. Balik-aral:
Paano natin masusuri ang natapos na proyekto?
Ano ang ating ginagamit na gabay para ito ay masuri nang maayos?

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan ng proyektong walang panapos na kulay at isang
larawan ng proyektong may panapos na kulay. Alin dito ang mas kaaya-ayang tingnan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ilahad ang mga panapos na materyales na kakailanganin.
Anu-anong mga materyales ito?

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatan sa dalawang pangkat ang klase at bigyan ng activity card.

Unang Pangkat: Pangalawang Pangkat:

Panuto: Lagyan ng panatapos na Panuto: Lagyan ng panatapos na


materyales (varnish o shellac) ang materyales (pintura) ang pencil
alkansiyang kawayan. holder.

3. Pagtatalakay:
Isa-isang talakayin ang mga hakbang sa paglalagay ng panapos.
Ano ang dapat tandaan sa paglalagay ng panapos na materyales upang lalong
gumanda ang natapos na proyekto?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Bakit dapat lagyan ng panapos ang proyektong nagawa? Paano ang tamang
paglalagay ng panapos na materyales tulad ng varnish, shellac at pintura?

2. Pagpapahalaga:
Ano ang dapat gawin sa mga kalat pagkatapos ng gawain?

3. Pagsasanay:
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Si Marie ay gagawa ng alkansiyang kawayan, anong angkop na panapos na
materyales ang kanyang gagamitin?
2. Balak gumawa ni Dante ng pandekorasyon gawa sa kahoy, anong panapos na
materyales ang kanyang gagamitin?
IV. Pagtataya:
Panuto: Pahalagahan ang ginawa ng mga bata sa pagsasanay sa paggamit ng iskor kard sa
paggawa.

Pamantayan sa Paggawa Kaukulang Marka


5 4 3 2 1
1. Gumamit ng angkop na kasangkapan sa paglalagay ng
panapos na materyales.
2. Sinunod ag wastong hakbang sa paglalagay ng panapos na
materyales.
3. Sinunod ang tagubiling pangkalusugan at pangkaigtasan sa
paggawa.
4. Nilinis ang lugar na pinaggawaan.
5. Nilinis at itinago ang kasangkapan pagkatapos gamitin sa
tamang lalagyan.
Kabuuang Marka

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Pag-aralang mabuti ang ating leksiyon sa inyong bahay.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Natutukoy ang iba’t-ibang paraan ng panghuling ayos (pagliha, pagpipintura at


pagbabarnis). (L.C.5.1.2) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Iba't-ibang paraan ng panghuling ayos (pagliha, pagpipintura at pagbabarnis)
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 5.1.2
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, pp. 155-156
C. Kagamitan: brotsa, papel de liha, mga materyales na panapos , alkansiyang kawayan,
pencil holder
D. Balyu: Pagkamalinis

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Kahapon ay napag-aralan natin ang mga hakbang sa pagtatapos ng proyekto.
Anu-ano ang isaisip niyo habang ginagawa ito?

2. Pagganyak:
Pagkatapos gawin ang pagbuo ng proyekto, ano sa palagay niyo ang mabuting
gawin upang lalo itong mapabuti at mapaganda?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. Bawat pangkat ay magsasagawa ng iba’t-
ibang paraan ng panghuling ayos sa iba’t-ibang proyekto.

Unang Pangkat Unang Pangkat


(Pagliliha) (Pagpipintura)

Panuto: Sundin ang sumusunod na Panuto: Sundin ang sumusunod na


gawain. gawain.

1. Kumuha ng papel de liha. 1. Ihanda ang mga materyales na


2. Gamitin itong pangkinis sa gagamitin.
panlabas na anyo ng proyekto. 2. Ihalo nang mabuti ang pintura.
3. Gawin ang pagkikiskis hanggang 3. Ipinta ito sa proyektong natapos.
ito ay makinis na. 4. Ulitin ang pagpipintura hanggang
sa tumingkad ang kulay.

Unang Pangkat
(Pagbabarnis)

Panuto: Sundin ang sumusunod na


gawain.

1. Ihanda ang mga materyales na


gagamitin.
2. Ihalo nang mabuti ang barnis.
3. Ibarnis ito sa proyektong natapos.
4. Ulitin ang pagbabarnis hanggang
sa kumintab ito.
3. Pagtatalakay:
Talakayin ang iba’t-ibang paraan ng panghuling ayos.
Pagliliha, Pagpipintura at Pagbabarnis

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang iba’t-ibang paraan ng panghuling ayos?

2. Pagpapahalaga:
Ano ang dapat tandaan pagkatapos ng gawain?

3. Pagsasanay:
Bigyan ng karagdang gawain ang mga bata. Maghanda ng isang proyekto at
lagyan ito ng panghuling ayos.

IV. Pagtataya:
Panuto: Sagutin ang mga sumsunod na tanong.

1. Panapos na materyales na mainam gamitin sa proyektong gawa sa kawayan.


2. Panapos na materyales na kadalasang ginagamit sa proyektong gawa sa kahoy.
3. Materyales na ginagamit upang gawing makinis ang isang proyekto.
4. Paraan ng panghuling ayos na nagbibigay kulay sa proyekto.
5. Paraan ng panghuling ayos na nagpapakinis ng proyekto.

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Magdala bukas ng papel de liha, brotsa, pintura at barnis.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Nasusundan ang wastong paraan ng pagliliha, pagpipintura o pagbabarnis..


(L.C.5.1.3) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagsunod sa wastong paraan ng pagliliha, pagpipintura o pagbabarnis.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 5.1.3
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, pp. 155-156
C. Kagamitan: brotsa, papel de liha, mga materyales na panapos , alkansiyang kawayan,
pencil holder
D. Balyu: Pagiging Masunurin

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang iba’t-ibang paraan ng panghuling ayos o panapos na gawain?

2. Pagganyak:
Lahat ng proyektong natapos ay dapat lagyan ng panapos upang lalo itong
gumanda. Alam niyo ba kung anong materyales ang inilalagay upang maging magandang tingnan
ang natapos na proyekto? Alam ba ninyo ang wastong hakbang sa pagtatapos?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipaskil sa pisara ang hakbang sa paglalagay ng panapos na materyales

Mga Hakbang sa Pagtatapos

1. Ihanda ang mga piniling materyales na panapos. Pintura man o


shellac.
2. Ihalo nang mabuti ang panapos.
3. Ilagay ang unang coating. Gumamit ng brotsa. Gawin ito ng manipis.
4. Kinisin sa pamamagitan ng papel de liha.
5. Ilagay ang panglawang coating.
6. Patuyuin ng 24 na oras.
7. Kinisin muli gamit ang liha.
8. Ilagay ang panghuling coating at patuyuin.

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin sa dalawang pangkat ang klase. Bigyan ng parehong materyales ang
bawat pangkat at sundin nila ang nakasaad sa activity card.

Activity Card

Panuto. Gawin ang mga sumusunod:

1. Ihanda ang mga materyales at kagamitang kakailanganin.


2. Sundin ang mga hakbang sa pagtatapos.
3. Gawin ng tahimik ang paglalagay ng panapos na materyales.
4. Ipasa sa guro ang natapos na gawain.
5. Linisin ang pinaggawaan pagkatapos ng gawain.
3. Pagtatalakay:
Talakayin ang mga hakbang sa pagtatapos.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga hakbang sa pagtatapos?

2. Pagpapalaga:
Ano ang dapat gawin sa mga hakbang sa pagtatapos upang maging maganda
ang kalalabasan ng proyekto?

3. Pagsasanay:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang unang hakbang sa paglalagay na panapos na materyales?
2. Ano ang dapat gawin sa pintura o varnish bago ito ilapat sa proyekto?
3. Bakit kailangang gumamit ng papel de liha bago pinturahan ang proyekto?
4. Ano ang huling hakbang sa paglalagay ng panapos na materyales?

IV. Pagtataya:
Panuto: Pahalagahan ang ginawa ng mga bata sa pagsasanay sa paggamit ng iskor kard sa
paggawa.

Pamantayan sa Paggawa Kaukulang Marka


5 4 3 2 1
1. Gumamit ng angkop na kasangkapan sa paglalagay ng
panapos na materyales.
2. Sinunod ag wastong hakbang sa paglalagay ng panapos na
materyales.
3. Sinunod ang tagubiling pangkalusugan at pangkaigtasan sa
paggawa.
4. Nilinis ang lugar na pinaggawaan.
5. Nilinis at itinago ang kasangkapan pagkatapos gamitin sa
tamang lalagyan.
Kabuuang Marka

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Kopyahin sa notebook ang mga hakbang sa pagtatapos at pag-aralan ito sa inyong
bahay.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Naisasapamilihan ang mga nagawang produkto gamit ang natutunang productivity
tools. (L.C.5.2) 1 day

II. Paksang Aralin:


A.Paksa: Pagsasapamilihan ng mga nagawang produkto gamit ang natutunang
productivity tools.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 5.2
C. Kagamitan: tsart, iba’t-ibang uri ng productivity tools
D. Balyu: Pagiging Maparaan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-anong mga productivity tools ang inyong natutunan?

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng produktong may disenyong ginamitan ng iba’t-ibang
productivity tools.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ilahad ang mga paraan ng pagsasapamilihan ng produkto.

Mga paraan sa Pagsasapamlihan ng produkto

1. Planuhin ang tamang lugar kung saan ibebenta ang mga produkto.
2. Maglagay ng mesa at balutan ito ng tela upang magandang tingnan.
3. Ilatag sa ibabaw ng mesa ang mga produktong ibebenta.
4. Lagyan ng mga palatandaan ang bawat uri ng produkto.
5. Maging magiliw sa mga mamimili ng iyong produkto.

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa dalawang pangkat at bigyan sila ng activity card.

Activity Card

Panuto: Bigyan ang mga bata ng mga produkto at sundin nila ang mga
hakbang sa pagsasapamilihan nito.

3. Pagtatalakay:
Talakayin ang ginawang gawain ng mga bata.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano isasapamilihan ang mga nagawang produktong may disenyong iba’t-
ibang productivity tools?

2. Pagpapahalaga:
Kung ikaw ay magbebenta ng iyong produkto, ano ang dapat mong linangin para
mabenta lahat ng inyong produkto?
3. Pagsasanay:
Bigyan ng karagdagang kasanayan ang mga bata ukol sa pagsasapimilihan ng
produkto.

IV. Pagtataya:
Panuto: Sagutin ng Tama o Mali.

1. Sa pagsasapamilihan ng iyong produkto, kailangang magiliw ka sa mga mamimili.


2. Ibenta ang produkto ng mababa sa gastos mo.
3. Kailangang lagyan ng palatandaan ang bawat uri ng produkto para hindi malito ang mamimili.
4. Isapamilihan ang produkto at hayaan na lamang kung may bibili nito o wala.
5. Para madaling makita ng mamimili ang iyong produkto, kailangan mo itong ilatag sa ibabaw
ng mesa.

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Kopyahin sa notebook ang mga hakbang sa pagsasapamilihan ng produkto.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Naipapakete ang nabuong proyekto bago ipagbili. (L.C.5.2.1) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagpapakete ng nabuong proyekto bago ipagbili.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 5.2.1
C. Kagamitan: mga larawan ng produktong nakaayos sa lalagyan, larawan ng mga
pamilihan ng mga iba’t-ibang produkto.
D. Balyu: Pagiging Maayos

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang wastong paraan sa pag-aayos ng produktong ipagbibili at pagbebenta
nito?

2. Pagganyak:
Anu-anong mga produkto ang makikita sa mga pamilihan sa inyong
pamayanan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ilahad ang tsart na nakasulat ang mga Paraan sa Pag-aayos ng Produktong
Ipagbibili.

Mga Paraan sa Pag-aayos ng Produktong Ipagbibili.

1. Ihanda ang mga kailangan sa pag-aayos ng mga produktong


ipagbibili.
2. Linising mabuti ang produktong ipagbibili.
3. Ilagay sa tamang lagayan ang mga produktong ipagbibili; tulad ng
plastik, kahon, at iba pang lalagyan. Maaaring maglagay ng disenyo sa
mga kahon, karton o plastik na gagamitin.
4. Isalansan nang maayos sa loob ng lalagyan.
5. Lagyan ng etiketa ang produkto kung magkano ang presyo.

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa dalawang pangkat at biigyan sila ng activity card.

Activity Card
Panuto: Basahing mabuti ang mga paraan sa pag-aayos ng
produktong ipagbibili at sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang unang gawin sa pag-aayos ng produktong


ipagbibili?
2. Ano ang dapat gawin sa produktong ipagbibili?
3. Saan dapat ilagay ang produktong nasi ipagbibili?
4. Ano ang dapat ilagay sa produkto upang malaman ang
presyo nito?
3. Pagtatalakay:
Talakayin ang ginawang gawain ng mga bata.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ipaunawa sa mga mag-aaral ang kabutihang naidudulot ng wastong paraan sa
pag-aayos ng produktong ipagbibili at tamang paraan ng pagbebenta nito.

2. Pagpapahalaga:
Ano ang dapat gawin sa mga produktong nais ipasapamilihan?

3. Pagsasanay:
Maghanda ng isang dula-dulaan at ipakita ang mga natutunan sa aralin.

IV. Pagtataya:
Panuto: Sagutin ng Tama o Mali.

1. Bago ipakete ang produktong ipagbili, kailangan muna itong linisin.


2. Ang etiketa ang siyang magiging gabay para malaman kung magkano ang presyo ng
produktong ipinagbibili.
3. Ipakete ang mga produkto nang maayos upang maiwasan ang pagkasira nito.
4. Ang produkto ay maaaring ilagay sa kahon o plastik.
5. Kailangang nakapakete ang mga produkto bago ito isapamilihan.

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Ipaliwanag ang inyong karanasan sa pagbebenta ng inyong produkto.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Napapamahalaan ang kinita. (L.C.5.2.2) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagpapamahala ng kinita.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 5.2.2
C. Kagamitan: larawan, tsart
D. Balyu: Pagiging Masipag

III. Pamamaran:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang dapat gawin sa produkto bago ito isapamilihan?

2. Pagganyak:
Tingnan ang nasa larawan, ano ang ginagawa ng bata sa larawan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ilahad sa tsart ang talaan ng gastos at kita sa proyektong flower vase.

Proyekto: Flower vase

Parte ng niyog: Php 28.00


Pandikit: Php 15.00
Barnis: Php 25.00
Mga palamuti: Php 23.00

Kabuuang Halaga: ________


+ 15%
Halaga ng pagbebenta ________
Halaga ng Kinita ________

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin sa dalawang pangkat ang klase at bigyan ng activity card.

Activity Card
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang pangalan ng proyekto?


2. Anu-ano ang mga materyales na ginamit?
3. Magkano ang halaga ng kabuuang materyales?
4. Magkano ang halaga ng pagbebenta?
5. Magkano ang halaga ng kinita?

3. Pagtatalakay:
Pagtatalakay sa ginawang gawain ng mga bata.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano mapamahalaan ang kinita sa isang proyekto?
2. Pagpapahalaga:
Anong ugali ang ipinapakita ng taong maraming gustong gawing proyekto na
maaaring maipagbili sa pamilihan?

3. Pagsasanay:
Si Trishia ay gumawa ng proyekto na nagkakahalaga ng kabuuang gastos na
Php 85.00. Nagdagdag siya ng 15% para sa halaga ng pagbebenta. Magkano ang kanyang kinita
mula dito?

IV. Pagtataya:
Panuto: Sagutin ng Tama o Mali.

1. Sa pagbebenta ng proyekto/produkto, kailangan munang kwentahin lahat ng nagastos.


2. 25%-50% ang kailangang idagdag sa halaga ng pagbebenta para makabawi sa gastos.
3. Sa pagbebenta, kailangang mayroong kita para may magamit pa sa planong gawing bagong
produkto.
4. Ang halaga sa pagbebenta ay mahalaga upang malaman kung may kinita sa produkto o wala.
5. Ang paggawa ng produkto at ang pagbenta nito ay isang paraan para makatulong sa pamilya.

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Mag panayam sa kilalang may-ari ng isang tindahan kung sapat ba ang kanilang kita sa
kanilang paninda. Iulat ito bukas.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Natutuos ang puhunan at kita. (L.C.5.2.3) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagtutuos ng puhunan at kita.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 5.2.3
C. Kagamitan: halimbawa ng imbentaryo ng paninda o produkto, tsart
D. Balyu: Pagkamalikhain

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga pamamaraan sa pag-ayos ng produktong ipagbibili?

2. Pagganyak:
Ipakita sa mga mag-aaral ang mga nagawa nilang proyekto. Ipasabi sa kanila
kung magkano ang kanilang ginastos sa mga materyales na ginamit sa kanilang proyekto.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ilahad ang seleksiyon na nasa tsart.

Si Anton Maabilidad

Si Anton ay isang mag-aaral sa ikalimang baitang sa Masagana Elementary


School. Sa lahat ng kaniyang mga proyektong ginagawa sa paaralan sa EPP ay
hinihingi lamang niya ang mga materyales sa kapitbahay o di kaya’y sa mga
kaibigan. Minsan, ang kanilang proyekto ay flower vase. Kailangan niya ng mga bao
ng niyog at pandikit para sa kanyang proyekto. Pumunta siya sa palengke at nang-
hingi ng mga bao sa mga nagtitinda ng niyog at binigyan naman siya. Sa palagay
niya ang halaga ng bao na kanyang nahingi ay mga Php 25.00. Nakiambag na
lamang siya ng pandikit sa mga klase sa halagang Php 15.00. Natapos ni Anton ang
kanyang proyekto nang matiwasay at maganda. Napuri siya ng kanyang guro at
sinabi nitong maaaring ibenta ang kanyang proyekto sa mga kasamahan niyang
guro sa halagang Php 46.00. Magkano kaya ang tinubo ni Fred sa kanyang flower
vase?

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa dalawang pangkat at bigyan sila ng acivity card.

Activity Card

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa binasang


seleksiyon.

1. Nasa anong baitang si Anton?


2. Magkano ang halaga ng bao na kanyang nahingi sa palengke?
3. Magkano ang halaga ng pandikit na naiambag sa kanya ng
kanyang mga kaklase?
4. Magkano niya ibinenta ang kanyang proyekto?
5. Magkano ang kanyang tubo?

3. Pagtatalakay:
Talakayin ang ginawang acivity ng mga bata.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Batay sa tinalakay, kung ikaw ay kikita sa mga ibinenta mong proyekto, paano
mo pahahalagahan ang perang kinita mo?

2. Pagpapahalaga:
Anong ugali ang ipinakita ni Anton?

3. Pagsasanay:
Tuusin ang kinita:

Proyekto: Pamaypay

Puhunan:
Tela Php 10.00
Frame na kawayan Php 12.00
Panikit Php 5.00

Magkano ang kinita mo sa paroyekto mong pamaypay?

IV. Pagtataya:
Panuto: Kompyutin kung magkano ang tinubo.

Aytem Puhunan kinita Tubo


1. Pencil holder Php 25.00 Php 28.75
2. Dust pan Php 50.00 Php 57.50
3. Extension cord Php 65.00 Php 74.75
4. Placemat Php 35.00 Php 40.25
5. Alkansiya Php 22.00 Php 25.25

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Sumulat ng talata na may sampung pangungusap batay sa mga karanasan sa mga
gawain nila sa araling ito.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Nakagagawa ng plano ng bagong produktong gagawin mula sa kinita (L.C.5.2.4) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagpaplano ng bagong produktong gagawin mula sa kinita.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 5.2.4
C. Kagamitan: larawan ng iba’t-ibang proyekto, bondpaper, lapis, tsart
D. Balyu: Pagiging Matiyaga

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Bakit kailangang gumagawa ng plano ng proyekto?

2. Pagganyak:
Pagpapakita ng larawang maaaring mapagkakitaan tulad alkansiya, pamaypay at
iba pa.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng planong pamproyekto sa
pamamagitan ng sumusunod na balangkas.
I. Pangalan ng Proyekto
II. Layunin
III. Mga Kagamitan
IV. Pamamaraan sa Paggawa

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga mag-aaral ayon sa kanilang napiling proyekto. Ipaunawa sa
kanila ang kahalagahan ng plano ng proyekto.

Activity Card

Panuto: Gamit ang hakbang sa pagbuo ng plano ng proyekto, planuhin


ang proyekto gamit ang unang kinita sa pagtitinda. Sagutan ang
sumusunod na talaan.

Pangalan: ___________________ Baitang: _____________


Pangalan ng Proyekto: ________________________________
Petsa: __________________________
I. Proyekto Bilang
II. Layunin
III.Sketch
IV.Talaan ng Materyales
V.Hakbang sa Paggawa
VI.Talaan ng kasangkapan

3. Pagtatalakay:
Talakayin ang ginawang activity ng mga bata.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ano ang dapat tandaan sa pagbuo ng plano ng proyekto?
2. Pagpapahalaga:
Pagkakaroon ng moralidad sa paggawa.

3. Pagsasanay:
Bigyan ng karagdagang kasanayan ang mga bata.

IV. Pagtataya:
Panuto: Ibigay ang tamang sagot.

_____1. Dito makikita ang halaga na kakailanganin sa pagbuo ng proyekto.


_____2. Nagsasabi kung ano ang pangalan ng proyekto.
_____3. Ito ang itsura ng natapos na proyekto.
_____4. Dito makikita ang kagamitan sa pagbuo ng proyekto.
_____5. Nagsasabi ng sunud-sunod na paraan sa pagbuo ng plano ng proyekto.

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Magsagawa ng sariling plano ng proyekto at ipasa ito bukas.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Naisasagawa ang payak na pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan at kasangkapan


sa tahanan o sa paaralan. (L.C.5.3) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagsasagawa ng payak na pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan at
kasangkapan sa tahanan o paaralan.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 5.3
Umunlad sa Paggawa 5, pp. 89-92
C. Kagamitan: aktuwal na kasangkapang may sira, mga materyales, larawan, tsart
D. Balyu: Pagiging Maingat

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ipasabi sa mga bata ang mga kagamiitan sa pagkukumpuni ng sirang
kasangkapan.

2. Pagganyak:
Ipakita ang dalawang bagay na kukumpunihin (ang isa ay maayos ang
pagkukumpuni at ang isa naman ay di-maayos)
Alin ang maayos na pagkakagawa? Bakit kaya maayos?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipakita ang sumusunod na hakbang sa pagkukumpuni ng sirang kagamitan.
a. pagtukoy sa sirang bahagi
b. paghahanda ng materyales at kasangkapan na kakailanganin sa
pagkukumpuni.
c. gawin ang pagkukumpuni sa pamamagitan ng pagsusukat, pagpuputol,
pagpapakinis, pagdurugtong at pagkabit ng bahagi ng sirang gamit.

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin sa tatlong pangkat ang klase at bigyan ng activity card ang bawat
pangkat.

Activity Card

Panuto: Suriin ang sira ng kagamitan at kumpunihin ang sira ayon sa


naitala niyong hakbang. Mag-ingat sa paggamit ng mga kasangkapan.

3. Pagtatalakay:
Anu-ano ang dapat nating tandaan kung tayo ay nagkukumpuni?
Ipaliwanag nang mahusay ang bawat hakbang habanh ipapakitang-turo sa mga
bata kung paano ito ginagawa.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga hakbang sa pagkukumpuni ng sirang kagamitan?

2. Pagpapahalaga:
Ano ang dapat nating sundin sa mga hakbang sa pagkukumpuni ng sirang
kagamitan?
3. Paglalapat:
Bigyan ng karagdagang pagsasanay ang mga bata sa pagkukumpuni.

IV. Pagtataya:
Panuto: Kopyahin at sagutin ang tseklis sa pagsasagawa.

Mga Sukatan Mga Sagot


Oo Di-gaano Hindi
1. Sinusuri ko ang sira ng kagamitang kukumpunihin.
2. Inihahanda ko ang mga kasangkapan at materyales
na kakailanganin.
3. Sinusunod ko ang mga hakbang sa pag-aayos sa
isang bagay.
4. Tinapos ko ang aking gawain sa takdang oras.

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Maghanap sa inyong bahay ng kagamitang mayroon sirang bahagi at ito ay inyong
kukumpunihin sa tulong ng inyong tatay.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Natatalakay ang kahalagahan ng kaalaman at kasanayan sa pagkukumpuni ng mga


sirang kagamitan sa tahanan o paaralan. (L.C.5.3.1) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Kahalagahan ng kaalaman at kasanayan sa pagkukumpuni ng mga sirang
kagamitan sa tahanan o paaralan.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 5.3.1
Umunlad sa Paggawa 5, pp. 89-92
C. Kagamitan: aktuwal na kasangkapang may sira, mga materyales, larawan, tsart
D. Balyu: Pagtitiwala sa sarili

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga hakbang sa pagkukumpuni ng sirang kagamitan?

2. Pagganyak:
Tingnan ang larawan. Ano ang ginagawa ng bata sa larawan? (nagkukumpuni ng
sirang upuan).

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Bakit kailangan ang wastong paraan ng pagkukumpuni ng sirang kasangkapan?
Sino sa inyo ang may kaalaman at kasanayan sa pagkukumpuni ng sirang kagamitan

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang klase sa tatlong pangkat. Bigyan sila ng activity card.

Activity Card
(larawan ng sirang mesa)
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang sira ng kagamitang nasa larawan?


2. Anong kasangkapan ang kakailanganin sa pagkukumpuni ng sira?
3. Ano ang unang gagawin sa pagkukumpuni ng sirang mesa?
4. Ano ang dapat gawin sa mga materylaes pagkatapos ng
pagkukumpuni?

3. Pagtatalakay:
Ano ang mga kailangang gawin upang makumpuni nang maayos ang sirang
kagamitan?
Maaari bang kumpunihin ang sirang bagay kung wala kang kasanayan at
kaalaman ukol dito?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Bakit mahalaga ang kaalaman at kasanayan sa pagkukumpuni ng sirang
kagamitan?

2. Pagpapahalaga:
Ano ang dapat taglayin ng isang tao upang makaya niyang kumpunihin ang
sirang kagamitan?
3. Pagsasanay:
Bigyan ng larawan ng mga kagamitan na may sira at ipatukoy sa mga bata kung
ano ang sira ng bawat kagamitan.

IV. Pagtataya:
Panuto: Sagutin ng TAMA o MAL.

1. Sa pagkukumpuni, unang suriin bago ang sirang bahagi bago ito kumpunihin.
2. Kahit sinong tao ay makaya ang pagkukumpuni ng sirang kagamitan.
3. Dapat may kasanayan ang isang tao sa pagkukumpuni upang magawa niya nang maayos ang
pagkukumpuni.
4. Ang taong may kaalaman at kasanayan sa pagkukumpuni ay maaaring makadagdag sa kita ng
mag-anak.
5. Kapag mayroon sira ang bahagi ng isang upuan, itapon na lamang ito o di kaya’y pabayaan na
lamang.

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Pag-aralan ang mga bahagi ng gripo, Agap at Sikap 6, p 158.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Naipapaliwanag ang mga hakbang sa pagkukumpuni (sirang silya, bintana, door knob,
sirang gripo, maluwang/natanggal na screw ng takip, extensiyon cord, lamp shade at iba
pa). (L.C.5.3.2) 2 days

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagpapaliwanag ang mga hakbang sa pagkukumpuni (sirang silya, bintana,
door knob, sirang gripo, maluwang/natanggal na screw ng takip, extensiyon cord, lamp
shade at iba pa)
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 5.3.2
Agap at Sikap 6, pp. 157-158
C. Kagamitan: liyabe de tubo, disturnilyador, tapelon tape, gunting, sirang gripo, iskor
kard
D. Balyu: Pagiging Masunurin

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pampasiglang Gawain:
Ipaawit ang awitin sa himig ng “Leron Leron Sinta”
Mga Sirang gripo
Dapat kumpunihin
Para di masayang
Mga tubig natin
Lyabeng pantubo
Ang dapat gamitin
Gomang sapatilya
At saka gunting

2. Balik-aral:
Anu-ano ang bahagi ng gripo?

3. Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan ng bata na nagsasara ng gripo ngunit tumutulo pa rin
ito.
Alam niyo ba kung paano ayusin ito?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ano ang nakita at masasabi niyo sa larawan?
Bakit kaya tumutulo pa rin ito kahit na nakasara na?
Ipakilala sa mga bata ang kasangkapang gagamitin sa pagkukumpuni at
ipaliwanag sa kanila ang gamit ng bawat kasangkapan.
Ipaskil sa pisara ang hakbang sa pagkukumpuni ng sirang gripo.

Hakbang sa Pagkukumpuni ng Sirang Gripo

1. Isara ang balbula (gate valve) na malapit sa kuntador upang tumigil


ang pagdaloy ng tubig.
2. Bahagyang buksan ang gripo bago kalasin sa pamamagitan ng liyabe
de tubo.
3. Pihitin ang liyabe de tubo hanggang sa kumalas ang packing nut sa
gripo.
4. Tanggalin ang gate valve stem ng gripo. Gumamit ng disturnilyador
upang lumuwag ang turnilyo sa ilalim ng valve na pinagkabitan ng
sapatilya.
5. Palitan ng bago ang gastadong sapatilya. Tiyaking angkop ang
sukat ng sapatilyang ipalit bago ito higpitan ng turnilyo. Ibalik ang
valve stem at packing nut.
6. Ikabit ang nakumpuning gripo at buksan ang balbula malapit sa
kuntador. Ibukas sara ang nakumpuning gripo.

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin sa tatlong pangkat ang klase. Bigyan ng activity card ang bawat
pangkat.

Activity Card

Panuto: Basahing mabuti ang mga hakbang sa pagkukumpuni ng


sirang gripo at sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang unang hakbang sa pagkukumpuni ng sirang gripo?


2. Anong kasangkapan ang gagamitin para buksan ang gripo?
3. Anong kasangkapan ang gagamitin upang luwagan ang turnilyo
sa ilalim ng valve?
4. Ano ang kadalasang sira ng gripo?
5. Ano ang huling hakbang sa pagkukumpuni ng gripo?

3. Pagtatalakay:
Talakayin ang bawat hakbang sa pagkukumpuni ng sirang gripo.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ipaliwanag ang hakbang sa pagkukumpuni ng sirang gripo.

2. Pagpapahalaga:
Ano ang dapat gawin sa mga hakbang sa pagkukumpuni ng sirang gripo?

3. Pagsasanay:
Ilahad sa mga bata ang mga hakbang sa pagkukumpuni ng sirang silya at
ipaliwanag ang bawat hakbang.

IV. Pagtataya:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang kadalasang sira ng gripo?


2-3. Paano kumpunihin ang sirang gripo?
4-5. Ipaliwang ang bawat hakbang sa pagkukumpuni.

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Magdala ng martilyo, lagari, disturnilyador, liyabe de tubo, eskwala at iba pang
kasangkapan at kagamitan sa pagkukumpuni.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Natutukoy ang mga kasangkapan/kagamitan sa pagkukumpuni at ang wastong


paraan ng paggamit nito. (L.C.5.3.3) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Mga kasangkapan/kagamitan sa pagkukumpuni at ang wastong paraan ng
paggamit nito.
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 5.3.3
Umunlad sa Paggawa 5, pp. 158-161
C. Kagamitan: lagari, pait, martilyo, panukat, lapis, pako, katam at iba pang
kasangkapan/ kagamitan, larawan
D. Balyu: Pagiging Maingat

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-anong mga kagamitan ang inyong nakumpuni noong nakaraang araw?
Paano niyo ito nakumpuni?
Ibigay ang mga hakbang sa pagkukumpuni ng isang silya.

2. Pagganyak:
Ipakita ang larawan ng batang gumagamit ng kasangkapan sa pagkukumpuni.
Anong kasangkapan ang kanyang ginagamit?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipakita ang mga aktuwal na kasangkapan at kagamitang gagamitin.
Alin sa mga kasangkapang ito ang alam niyong gamitin?
Alam niyo bang gamitin ang iba pang kasangkapan?

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa tatlong pangkat at bigyan ng Activity card ang bawat
pangkat.

Activity Card

Panuto: Tukuyin ang mga kasangkapang nasa larawan at isulat


ang paraan ng paggamit nito.

1. lagari
2. katam
3. lapis
4. martilyo
5. medidang asero

3. Pagtatalakay:
Talakayin ang iba’t-ibang kasangkapan/kagamitan at ang paraan ng paggamit
nito.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-anong mga kasangkapan/kagamitan ang tinalakay natin?
Paano gagamitin ang bawat isa?
2. Pagpapahalaga:
Sa paggamit ng mga kasangkapan/kagamitan, ano ang dapat tandaan palagi?

3. Pagsasanay:
Hawakan isa-isa ang mga kasangkapan/kaagamitan at ipatukoy ito sa mga bata.

IV. Pagtataya:
Panuto: Tukuyin kung anong kasangkapan/kagamitan ang tinutukoy sa bawat gawain.

1. Gustong putulin ni Christopher ang kahoy na kanyang gagamiting pamalit sa nasirang paa ng
silya.
2. Matapos gawin ni Larry ang kanyang proyekto, gusto niya itong gawing makinis bago
pinturahan.
3. Si Roberto ay nagsusukat ng kahoy na kanyang gagamitin sa pagkukumpuni.
4. Nais ni Paul na ibaon ang pako sa ipinagdugtong niyang dalawang kahoy sa upuan.
5. Si Lito ay nagkukumpuni ng sirang switch, gusto niyang luwagan ang turnilyo nito.

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Pag-aralan sa bahay ang natalakay na aralin.
BANGHAY ARALIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA 5

I. Layunin: Naipakikita ang pagpapahalaga sa pagkukumpuni ng sirang kasangkapan sa tahanan o


paaralan. (L.C.5.4) 1 day

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: Pagpapahalaga sa pagkukumpuni ng sirang kasangkapan sa tahanan o tahanan
B. Sanggunian: K to 12 CG L.C. 5.4
Agap at Sikap 6, pp. 154-164
C. Kagamitan: tsart, larawan, tunay na kagamitan o kasangkapan
D. Balyu: Pagkamatipid

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Tukuyin ang sumusunod na mga kasangkapan.
- kasangkapang ginagamit sa pagpatag at pagpapakinis ng kahoy
- kasangkapang pang-ukit ng kahoy
- kasangkapang pamukpok at pambaon ng pako
- kasangkapang pambutas ng kahoy

2. Pagganyak:
Anong mga proyekto ang napili ninyong kumpunihin?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ngayon ay magkukumpuni tayo ng iba’t-ibang sirang bagay na gusto niyong
kumpunihin.

2. Pangkatang Gawain:
Pangkatin sa dalawang pangkat ang mga bata ayon sa kanilang napiling
kumpunihing sirang kagamitan sa loob ng silid aralan. Bigyan sila ng activity card.

Activity Card

Panuto: Gawin ang sumusunod.

1. Isasagawa ang napiling kumpunihin.


2. Magtulung-tulong ang bawat kasapi ng pangkat sa
paggawa.
3. Isaisip ang mga tagubiling pangkaligtasan at
pangkalusugan sa paggawa upang makaiwas sa aksidente.
4. Gawin ng tahimik ang Gawain.
5. Tapusin ang Gawain sa takdang oras na ibinigay.

3. Pagtatalakay:
Talakayin ang ginawa ng bawat pangkat.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Batay sa inyong ginawa, natapos ba ninyo ang gawain sa takdang oras?
Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa pagkukumpuni ng sirang
kasangkapan?

2. Pagpapahalaga:
Kapag marunong kang magkumpuni ng sirang kasangkapan, ano ang
maitutulong nito sa iyo?
3. Pagsasanay:
Suriin ang natapos na gawain ng bawat pangkat at bigyang puna ang kanilang
gawain.

IV. Pagtataya:
Panuto: Gamitin ang iskor kard sa pagpapahalaga ng ginawa ng mga bata.

Mga Batayan sa Pagmamarka Kaukulang Marka


5 4 3 2 1
1. Kumpleto at angkop ang mga kagamitang kailangan sa
napiling proyektong kumpunihin.
2. Gumamit ng angkop na kasangkapan ayon sa napiling
kumpunihin.
3. Sumunod sa tamang hakbang sa paggawa.
4. Naging maingat sa paggamit ng mga kasangkapan at
kagamitan sa paggawa.
5. Sumunod sa mga tuntuning pangkalusugan at
pangkaligtasan sa paggawa.
6. Nakikiisa sa gawaing pangkat.
7. Tinapos ang gawain sa takdang oras.
8. Pinahalagahan ang pagkukumpuni .
Kabuuang Marka

Antas ng Pagkatuto:
Pasya sa Pagtuturo:

V. Takdang Aralin:
Tingnan ang mga kagamitan sa inyong bahay at kumpunihin kung mayroong sira. Dalhin
sa paaralan ang natapos na gawain upang pahalagahan.
SINING PANG-INDUSTRIYA
LEARNING COMPETENCIES

LC NO. LEARNING COMPETENCIES NO. OF


DAYS
1.1 Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing 2
kahoy, metal, kawayan at iba pang lokal na materyales sa pamayanan.
2.1 Nakagagawa ng mga malikhaing proyekto na gawa sa kahoy, metal, 2
kawayan at iba pang materyales na makikita sa kumunidad.
2.1.1 Natutukoy ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy, 1
metal, kawayan at iba pa.
2.1.2 Natatalakay ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy, 1
metal, kawayan at iba pa.
2.1.3 Nasusunod ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa 1
paggawa.
3.1 Nakakagawa ng proyekto na ginagamitan ng elektrisidad. 1
3.1.1 Natatalakay ang mga kaalaman at kasanayan sa gawaing elektrisidad. 1
3.1.2 Natutukoy ang mga materyales at kagamitan na ginagamit sa gawaing 1
elektrisidad.
3.1.3 Nagagamit ang mga materyales at kagamitan sa gawaing elektrisidad. 2
3.2 Nakabubuo ng plano ng proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t-ibang 1
materyales na makikita sa pamayanan (hal. Kahoy, metal, kawayan at iba
pa) na ginagamitan ng elektrisidad na maaaring mapagkakakitaan.
4.1 Nakapagsasagawa ng survey gamit ang teknolohiya at ibang paraan ng 1
4.1.2 pagkalap ng datos upang malaman ang iba’t-ibang produktong mabibili
gawa sa iba’t-ibang materyales.
4.1.3 Nakapagsasagawa ng survey gamit ang teknolohiya at ibang paraan ng 1
pagkalap ng datos upang malaman ang mga disenyong ginamit.
4.1.4 Nakapagsasagawa ng survey gamit ang teknolohiya at ibang paraan ng 1
pagkalap ng datos upang malaman ang materyales, kagamitan at
pamamaraaan sa pagbuo.
4.1.5 Nakapagsasagawa ng survey gamit ang teknolohiya at ibang paraan ng 1
pagkalap ng datos upang malaman ang pangangailangan sa pamilihan
(market demands).
4.2 Nakapagtatala ng iba pang disenyo at materyales na maaaring magamit 1
o pagsama-samahin upang makagawa ng malikhaing produkto batay sa
nakalap na datos.
5.1 Nasusuri ang ginawang produkto at naisasaayos ito batay sa sarili at 1
mungkahi ng iba gamit ang rubrics.
5.1.1 Nalalapatan ng angkop na panghuling ayos (finishing) ang nabuong 1
proyekto.
5.1.2 Natutukoy ang iba’t-ibang paraan ng panghuling ayos (pagliha, 1
pagpipintura at pagbabarnis).
5.1.3 Nasusundan ang wastong paraan ng pagliliha, pagpipintura o 1
pagbabarnis..
5.2 Naisasapamilihan ang mga nagawang produkto gamit ang natutunang 1
productivity tools.
5.2.1 Naipapakete ang nabuong proyekto bago ipagbili. 1
5.2.2 Napapamahalaan ang kinita. 1
5.2.3 Natutuos ang puhunan at kita. 1
5.2.4 Nakagagawa ng plano ng bagong produktong gagawin mula sa kinita . 1
5.3 Naisasagawa ang payak na pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan at 1
kasangkapan sa tahanan o sa paaralan.
5.3.1 Natatalakay ang kahalagahan ng kaalaman at kasanayan sa 1
pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan o paaralan.
5.3.2 Naipapaliwanag ang mga hakbang sa pagkukumpuni (sirang silya, 2
bintana, door knob, sirang gripo, maluwang/natanggal na screw ng takip,
extensiyon cord, lamp shade at iba pa).
5.3.3 Natutukoy ang mga kasangkapan/kagamitan sa pagkukumpuni at ang 1
wastong paraan ng paggamit nito.
5.4.1 Naipakikita ang pagpapahalaga sa pagkukumpuni ng sirang kasangkapan 1
sa tahanan o paaralan.

You might also like