You are on page 1of 2

Foreign

Ayon sa Ice Cube Digital(2018)Ang mga suliranin na hinaharap ng mga mamimili ay ang
paghahanap sa dekalidad at walang depekto na produkto, inventory ng mga gamit na binebenta,
pagpapadala ng produkto mula sa seller patungo sa konsumer, paraan ng pagpapadala ng bayarin,
mganakatagong dagdag bayad, di malinaw na mga polisiya, magulong website, at hindi atraktibong
disenyo sa website ng produkto.” Ayon naman kay Okumus and Bilgihan (2014) Isa pang problema
na nahaharap ng mga mamimili ay ang hindi pagintindi sa mga patakaran dahil ang wika nito ay
wikang dayuhan. Maaring hindi na ito nila basahin dahil sa tingin nila ay hindi na ito importante
dahil hindi nila maintindihan. Isa sa paraan na maiwasan ito ay ang pagsalin ng mga patakaran sa
ating wika. Pwede maging paraan ang wika upang mas maraming pang gumamit ng online shopping
o mabawasan ang mga takot ng mga mamimili.” Dahil karamihan samga online shop ay gumagamit
ng dayuhang wika, nagiging sanhi ito ng suliranin sa ibang mamimili dahil hindi nila ito lubos na
iniintindi.Sinasabing mas makakatulong kung ang mga patakaraan na ito’y isasalin sa ating wika
upang mas lalong ma enganyo ang mga mamimili na gumamit ng online shopping

Local

Ayon sa food and lifestyle promo app na Booky(2020) mas marami na ngang mga taong
nagpapa-deliver na lang ng pagkain sa bahay kaysa pumunta sa mga mall. Tumaas din nang 10
porsiyento ang dami ng mga gumagamit ng Booky app noong nakaraang 2 buwan, ayon sa founder
nito. Paliwanag niya, nagdagdag ang mga mall at tindahan ng mga promo sa Booky app para
makaakit ng mas maraming mamimili "Our numbers are growing over 80 percent in malls [as] more
people are discovering the app," ani Ben Wintle, founder ng Booky.  Ayon naman sa Philippine
Retailers Association, kung saan miyembro ang mga pinakamalaking mall at tindahan sa bansa,
nakikita rin nila ang paglipat ng mga tao sa online shopping sa gitna ng takot sa COVID-19. Nauna
nang sinabi ng grupo na halos nangalahati na ang benta ng iba’t ibang mga kainan at tindahan sa
bansa dahil sa COVID-19.

Ayon naman sa money max (2020) Ang mga Pilipino ay isa sa mga Asia Pacific’s most
active Internet users at isa rin sa mga masiyasat ng mga produkto. Sinabi sa artikulo na mahilig suriin
ng mga Pilipino ang mga produkto kung kaya naman 34 pursyento lamang ng online searches ang
nagiging sales ng mga kumpanya. Ilan sa mga tinitignan ng mga Pilipino sa produkto bago bumili ay
ang presyo, reviews ng mga nakabili na at naghahanap pa ng best deal sa iba’t ibang sites”. Ayon
naman sa paypal(2018) Sinasabi din na pangatlo ang bansang Pilipinas sa Asia Pacific na
namimili online ng mga produkto sa iba’t ibang bansa. Inaasahan na mula sa 38.4 billion sa taong
2017 ay magiging 55.7 billion ang e-commerce sa bansa sa taong 2018”

You might also like