You are on page 1of 3

Pangalan: Petsa: (kung kailan pinasa)

Baitang at Seksyon: Pangalan ng Guro:


Paksa ng Pananaliksik: Mini P. Task 2

Halimbawang Paksa: “Pag-aaral sa Bentahe at DisBentahe ng Pagtangkilik sa Online Shopping


Sa Pagbili ng Produkto ng mga Pilipino”

Kabanata 2: Kaugnay na Literatura


(Sipi o kopya ng literatura ingles man o tagalog) (Isinusulat ang pinaghanguan)

Halimbawa: (Unang Talata)

“Paggamit o Pagtangkilik sa Online Shopping ng mga Pilipino”


(https://onlineshoppingphotoblog.wordpress.com/)
Narito ang ilang bahagi ng nilalaman ng blog tungkol sa paksa.(Hango sa FILIPINO PHOTO BLOG)
“Ang online shopping ay isa sa mga napakagandang imbensyon na nakakatulong sa mga tao
na bumili ng mga bagay sa sarili nilang mga bahay. Hindi na nila kailangan pang pumunta sa mga
establisyimento ng mga produkto, at makipagsiksikan at pumila sa napakahahabang linya sa tapat ng
bayaran (Mittal,2017). Gamit lamang ang kanilang mga selpon at laptop maari na silang makabili.
Madali, mabilis at isang click lamang (Ice Cube Digital, 2018).
“Ayon kay Tarun Mittal (2017), ang online shopping ay nakakatulong sa mga tao na mamili ng
maayos at walang pagod habang nasa bahay lamang. Hindi na kailangan maghanap kung saan saan
at hindi na rin kailangan tumawad upang makakuha ng mababang presyo.”
“Mas pinipili na ng mga Filipino ang pagbili ng mga produkto gamit ang Online shopping dahil
sa mas madali, mas abot-kaya ang presyo at mas sigurado sila sa kalitasan ng kanilang pinamili
(Manila Times, 2014). Ang Online Shopping ay isa na ngayon sa paraan ng madaliang pagbili ng
mga gamit at damit para sa mga taong wala nang oras makalabas sa kanilang mga hektik na
iskedyul (Ice Cube Digital, 2018).”
“Ngunit bakit nga ba kahit maraming benepisyo ang pagbili sa internet ay mabagal pa rin ang
paglago ng e-commerce at online shopping sa bansa? Ayon sa “BUSINESS SPECIAL REPORT:
The State of E-commerce in the Philippines” (Vicente, 2016) isang malaking rason ay dahil sa ‘cash
mentality’ ng mga Filipino. Hindi binibitawan agad ng mga Pilipino ang kanilang pera nang wala pang
kapalit kaya Cash on Delivery ang kanilang paraan sa pag bayad ng kanilang binili kaysa sa
paggamit ng credit card o online based wallet. Isa pang problema ay ang madaming pulo ng
Pilipinas, may mga lugar na hindi madaling puntahan kaya mas mahal ang delivery
charge o shipping fee.”
“Sa paglipas ng panahon dumarami na ang gumagamit ng online shopping dahil sa
pagkakaroon ng maraming oportunidad na binibigay nito. At dahil rin sa bagong henerasyon na
nakasalalay sa internet ang kanilang pamumuhay.”
“Ayon sa isang blog na may pamagat na “Problems Customers Face While Shopping Online”
(Ice Cube Digital, 2018) ang mga mamimili ay may sampung mabibigat na problema na hinaharap sa
makabagong teknolohiya. Ang mga suliranin na hinaharap ng mga mamimili ay ang paghahanap sa
dekalidad at walang depekto na produkto, inventory ng mga gamit na binebenta, pagpapadala ng
produkto mula sa seller patungo sa konsumer, paraan ng pagpapadala ng bayarin, mga nakatagong
dagdag bayad, di malinaw na mga polisiya, magulong website, at hindi atraktibong disenyo
sa website ng produkto.”

(Halimbawa ng ikalawang talata)


Batay sa nilalaman nang nasabing blog, inilalahad sa simula ang mga benipisyong dulot
ng online shopping sa pamumuhay ng mga tao. Ilan sa mga benipisyong nabanggit ay: mas
napadadali ang paraan ng pamimili ng nakararami dahil hindi na nilakinakailangan pumunta sa mga
establisyemento at makipagsiksikan sa maraming tao at pumila nang pagkahaba-haba upang
bayaran ang produktong binili o nabili. Nakatutulong din sa mga tao ang online shopping upang hindi
sila mapagod at sa mga taong hektik ang iskedyul sa trabaho.
Ayon pa sa nasabing blog, Bagamat may mga benipisyo ito ay masasabing mabagal pa
rin ang paglago ng e-commerce at online shopping sa bansa ito ay dahil cash mentality ng mga
Filipino. Gayundin, inilahad din dito may mabibigat na suliraning kinakaharap ang mga Filipino
pagdating sa makabagong teknolohiya, kwalidad ng produkto, polisya ng mga online seller, magulong
website at ang dagdag na bayad.
(Halimbawa ng ikatlong talata)
Masasabi ng mga mananaliksik na ang nilalaman ng blog na ito ay may pagkakatulad
sa nais pagtuunan ng pansin ng pananaliksik (bentahe at dis bentahe sa Pagbili ng produktong
sa mga online) sapagkat inilahad dito ang mga benipisyong dulot ng online shopping na maaaring
maging tugon ng napiling tigatugon (respondents) ng mga mananaliksik bilang bentahe tulad ng
pagpapadali ng paraan ng pamimili, hindi pagpila upang bayaran ang produkto, at pagiging
kumbinyent. Gayundin, Malaki ang magiging kaugnayan nito sa pag-aaral na isasagawa ng
pananaliksik sapagkat inilahad din dito ang mga suliraning maaaring kaharapin ng mga taong bibili sa
online tulad ng usaping kwalidad ng produkto at dagdag na bayad maging ang magulong website
bilang dis-bentahe.
(Halimbawa ng ikaapat na talata)
Bagamat may pagkakatulad ang nasabing blog, masasalamin din na malawak ang
naging pagtalakay nito hinggil sa usaping online shopping, dahil dito, mapapansin ang pagkakaiba ng
nilalaman ng blog sa nais bigyang pansin sa pag-aaral na isasagawa ng mga mananaliksik partikular
na sa usaping komersyo. Hindi sakop ng pag-aaral na isasagawa ng pananaliksik ang pagtaas o
pagbaba ng komersyo sa online selling gayundin ang inbentaryo ng mga produkto maging ang
disensyo na gagamitin ng online seller sa kanyang website. Bagamat mahalaga ang polisya sa
konsyumer, ipinagpapalagay ng mga mananaliksik na hindi na ito parte ng kanilang pag-aaral. Hindi
rin kasama sa nais pagtuunan ng pag-aaral ang benipisyong hatid ng online shopping sa
pamumuhay ng mga Pilipino. Nakatuon lamang ang pag-aaral na isasagawa sa BENTAHE at
DISBENTAHE sa pagbili ng produkto sa online shopping.

You might also like