You are on page 1of 12

TOPIC: Impluwensya ng Digital Wallet (GCash) na magbunsod ng impulsibong pagbili ng

Senior High School Students


Rasyonal

Ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya sa larangan ng pananalapi at


pagbabangko ay lubusang makikita sa kasalukuyang panahon. Ang mga digital wallets,
mobile wallets, o e-wallet ay paraan ng pakikipag transaksyon sa internet bilang kapalit ng
mas tradisyunal na pakikipagpalitan ng papel na mga salapi. Sa ganitong paraan, ay mas
napadali at napabilis ang pakikipagpalitan ng pera. Dahil pa sa pagdating ng pandemya ng
COVID-19 ay mas naging lumaganap pa ang paggamit ng mga digital wallet, lalo na sa
Pilipinas.
Humigit kumulang Limangpu’t walong na milyong Pilipino ang gumagamit ng mga
digital wallets tulad ng GCash. Kung ikukumpara ang datos noong Disyembre 2018 sa
nakalap nitong Disyembre 2022, ay lumago ng 632% ang gumagamit ng Gcash sa ating
bansa. Madalas na ginagamit ng mga mamimili ang mga digital wallets para sa online
shopping, pagbili ng mga produkto, at sa mga restawran. Sinasabing mas pinipili ang mga
digital wallets na ito dahil sa kadalian ng paggawa ng account, mababang mga karagdagang
mga bayad o fees, at madali din magpasok ng pera sa nasabing account.
Dagdag pa rito, na ang mga digital wallets na ito ay walang “maintaining balance” na
kadalasang kinakailangan kung magbubukas ng bank account. Kung sususmahin, Ito ay
napakalaking ginhawa para sa mga kunsumer kung ikukumpara sa pagbubukas ng account sa
bangko. Idagdag pa dito na marami pa ring mga Pilipino ang wala pang naturang bank
account dahil sa napakaraming kinakailangang dokumento sa mga naturang bangko. Kaya ito
ang pinakamadaling paraan upang magkaroon ng access ang mga Pilipino sa kanilang mga
pinansyal na transaksyon at pangangailangan.
Ang pagkakaroon ng digital wallet ay lubhang makabuluhan at nakakatulong sa mga
Pilipino, ngunit sa pag-usbong at paglago nito sa mga nakaraang taon, naapektuhan nito ang
gawi ng mga tao sa pagbili. Ang kadalian ng paggamit ng digital wallet bilang aplikasyon at
pagbibigay nito ng maraming programang pang-promosyon sa pamamagitan ng kupon o
diskwento ay pinaghihinalaang dahilan ng impulsive buying ng mga tumatangkilik nito. Ang
impulsive buying ay tumutukoy sa biglaang at agarang pagbili na walang pagpaplano o
intensyon na bilhin ang partikular na produkto, o matupad ang isang partikular na gawain sa
pagbili. Ito ay ang hindi sinasadyang pagbili nang hindi kinikilala ang mga kalalabasan nito.
Ito ang pagbili na may kaunti o walang pagsasaalang-alang sa mga magagamit na alternatibo.
Sa panahon ngayon na laganap ang online shopping at digital wallet ay naging
laganap na din ang impulsibong pagbili, dahil mas madali at mabilis ang transaksyon ng
salapi. Ayon sa isang pag-aaral, ang mga estudyanteng nasa edad 18-25 taong gulang na
gumagamit ng digital money ay mayroong mas mataas na konsumo sa pagbili kumpara sa
mga taong nasa gulang na 20-25 na gumagamit ng cash dahil mas nagbibigay ito ng
convenience at sekyuridad. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng digital wallet ay nagdudulot
ng consumptive behavior sa mga gumagamit nito dahil mas nabibigyang importansiya ang
mga kagustuhan kaysa sa pangangailangan.
Maraming mga salik ang nakakaapekto sa impulsibong pagbili, at isa na dito ang
kaalaman sa pananalapi. Ang kaalaman sa pananalapi ay ang kakayahang maunawaan ang
iba't ibang konsepto, kasanayan, at produkto sa pananalapi, at epektibong gamitin ang mga
ito sa ekonomiya upang makamit ang parehong panandalian at pangmatagalang layunin sa
pananalapi.
Sa isang sarbey tungkol sa kaalaman sa pananalapi, ang Pilipinas ay nakakuha ng
mababang puntos na ika-tatlumpung ranko mula sa isang daan at apat na put apat na bansa.
Ipinapakita dito na ang Pilipinas ay nahuhuli sa larangan ng kaalaman sa pananalapi kumpara
sa ibang bansa. Dalawampu't limang porsento lamang ng mga mayor de edad na Pilipino ang
mayroong kaalaman sa mga pangunahing konsepto sa pananalapi. Ang mababang numero ng
mga Pilipino na may kaalaman sa paghawak at pamamahala ng pananalapi ang dahilan kung
bakit nagaganap ang impulsibong pagbili sa Pilipinas. Kung kaya't napakalaking epekto ang
pagkakaroon ng kaalaman sa pinansyal dahil hindi lamang ito makakatulong sa kasalukuyang
panahon kundi pati na rin sa pagsisigurado ng maayos na buhay sa hinaharap.
Hindi maitatangging karamihan sa mga estudyante ngayon ay gumagamit din ng
GCash upang mabili ang kinakailangan nilang mga kagamitan, maaaring pampaaralan man o
pambayad sa mga pagkain at iba pang mga bayarin. Bagama't nililimitahan ng GCash ang
edad upang makapag-verify ng kanilang mga account, maaari pa ring gamitin ng mga menor
de edad ang platapormang ito sa mga simpleng bayarin. Ngunit, mayroon pa ring paraan tulad
ng paggamit ng ganap na verified account ng kanilang magulang upang magamit ang lahat ng
serbisyo nito. Sa kasalukuyan, maaari nang tanggapin ang ID ng estudyante upang maging
ganap na verified na rin ang kanilang mga account.
Dahil sa napadaling pakikipagpalitan ng pera ng mga kabataan dahil sa GCash, ay
nalululong ang mga ito sa hindi malusog na mga gawi tulad ng impulsibong pagbili. Mas
lumalaganap pa ang ganitong gawi at pag-uugali noong kalagitnaan ng pandemya ng
COVID-19, kung saan lahat ng tao ay ginagawang mekanismo ng pagpawi ng stress ang
impulsibong pagbili. Sa ganitong paraan ay nakapagbibigay kasiyahan kahit sa maikling
panahon ang kanilang mga napamili.
Binibigyang tuon ng pananaliksik na ito ang impluwensiya ng digital wallet,
partikular ang GCash, sa pagbunsod ng impulsibong pagbili ng mga estudyante mula sa
Senior High School. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, matutukoy kung malaking salik ba
ang pagkakaroon ng digital wallet na nakakaimpluwensya sa impulsibong pagbili. Bukod pa
rito, nais ding malaman ng mga mananaliksik kung direkta ang impluwensiya nito at kung
mayroon pang ibang mga salik na nakakaimpluwensya sa impulsibong pagbili. Tinatalakay
ito sapagka't madaming gumagamit ng GCash sa buong bansa, at mas nagamit pa ito noong
panahon ng pandemya. Dagdag pa rito ang maaaring panganib sa hinaharap dulot ng
impulsibong pagbili ng mga bagay na hindi naman nakaplanong bilhin.
Ang mga mamamayan na gumagamit ng digitals wallets tulad ng GCash ay
nangangailangan ng financial literacy dahil ito ay makakatulong sa pag-iipon, pagbabadyet,
at pagpaplano ng mga pinansyal na gastusin. Maraming mga Pilipino, lalo na ang mga
kabataan, ang nakagawian ang impulsibong pagbili. Kahit hindi pasok sa kanilang naturang
badyet, ay impulsibong namimili upang mabigyang-kasiyahan ang sarili. Dahil dito ay
nagkakaroon ng hindi magandang gawi na nagdudulot ng hindi lamang pinansyal na pasan
para sa kanila, ngunit nagkaroon din nakapinpinsalang epekto sa pag-iisip ng mga kabataan.
Dagdag pa dito, sa pag-usbong ng GCash, madaming mga kriminal na natutong
gamitin ang GCash sa kanilang mga krimen. Dahil sa kakulangan sa financial literacy sa
digital wallets, madami ang naloloko sa internet. Maraming serbisyo ang maaaring mabibigay
ng digital wallets tulad ng E-Loans. Sa ganitong mga serbisyo din kumakapit ang iba upang
mapagbigyan lamang ang kanilang mga kagustuhan. Madaming ang nalulubog sa utang dahil
sa tuloy-tuloy na pagbili.
Ang papel na ito ay tumutulong suriin ang impluwensya ng digital wallet sa mga
senior high school students. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng mga impormasyon at
pananaw upang maunawaan kung paano nakaaapekto ang paggamit ng GCash sa mga
desisyong pinansyal ng mga mag-aaral. Ito ay magbibigay pansin sa mga mabuti at
masamang dulot ng paggamit ng GCash sa mga mag-aaral. Nais din ilantad ng pag-aaral na
ito ang mga dahilan kung bakit laganap ang impulsibong pagbili lalo na sa mga kabataan. Sa
dulo ng pananaliksik na ito ay naglalayon ding malaman ng mga mananaliksik kung anong
mga posibleng pamamagitan o intervention ang maaaring gawin bilang tugon sa hindi
malusog na pamimili ng mga kabataan.
Layunin
Malaki ang naging papel ng mga digital wallets applications bilang tulay sa mga
pangangailangan sa gitna ng pandemya ng COVID-19. Napadali nito ang buhay ng mga
konsyumer at naging daan ito upang mapanatili ng iba ang kanilang mga pangkabuhayan sa
pamamagitan ng digital wallets.
Ngunit kahit gayun pa man, ang tiwala sa digital wallet system bilang resulta ng
pandemya ay nagdulot ng malaking epekto sa impulsive buying decisions ng mga konsyumer.
Ayon sa pag-aaral, 40% ng paggastos ng mga mamimili ay binubuo ng mga impulsive buying
dahil sa presensiya ng digital money.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang impluwensiya ng Digital Wallet
(Gcash) na magbunsod ng impulsibong pagbili partikular sa mga estudyante ng Senior High
School .

Ang mga pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay ang sumusunod:


1.) Masiyasat ang epekto ng kaalaman sa pananalapi o financial literacy sa matalinong
pagbili at pagkokontrol ng sarili sa mga estudyante ng senior high school sa
pamamagitan ng paggawa ng talatanungan na nakasentro ang ideya sa pananalapi at
pagkuha ng datos nito;
2.) Malaman ang impluwensya at epekto ng pagkakaroon ng digital wallet sa
impulsibong pagbili gamit ang pagsasarbey;
3.) Mabatid ang iba pang salik na nakakaapekto sa impulsibong pagbili sa pamamagitan
ng pag-obserba sa mga gawi ng senior high school students at paglikom ng
impormasyon mula sa mga dating pag-aaral;
4.) Magbigay intervention kung ano ang maaaring gawin upang mabigyang lunas ang
impulsibong pagbili ng mga estudyante ng senior high school sa tulong ng
pangangalap ng mga mungkahi at opinyon mula sa mga nakaranas nito.
Metodolohiya
Teoretikal na Balangkas
Ang pag-aaral na ito ay hango mula sa pag-aaral nila Alshebami at Aldhyani (2022),
sa kanilang pananaliksik na “The Interplay of Social Influence, Financial Literacy, and
Saving Behaviour among Saudi Youth and the Moderating Effect of Self-Control.” Ginamit
ng pag-aaral na ito ang social learning theory ni Albert Bandura at ang behavioral life cycle
theory ni Franco Modigliani at Richard Brumberg.
Ayon sa social learning theory, ang pag-uugali at gawi ng mga tao ay naapektuhan ng
kanilang kapaligiran at ang mga taong nakapaligid rito. Ang behavioral life cycle theory
naman ay teoryang pinansyal kung saan ang framing, mental accounting, at self-control ay
mga salik upang mapabuti ang ugali ng mga tao sa pagtitipid. Malaki ang epekto ng
pagkontrol sa sarili upang makapag-ipon ang isang indibidwal. Kaya napakalaking salik ang
pamilya at mga taong nakapaligid mula pagkabata sa pinansyal na pag-uugali at mga gawi sa
paggastos ng isang indibidwal.

Konseptuwal na Balangkas

Pigura 1. Paradaym ng Pag-aaral


Ang konseptuwal na balangkas ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng modelong
stimulus, organism at response (SOR). Ang stimulus ay isang trigger na pumupukaw at
nagbubunsod ng impulsibong pagbili sa mga mamimili. Nakapaloob sa stimulus ang iba’t
ibang salik na nakaaapekto sa paggamit ng aplikasyon ng GCash, tulad ng perceived
interactivity, perceived risk, visual appeal at subjective norm. Ang organisms ay tumutukoy
sa mga emosyonal na estado ng mamimili (cognitive at affective reactions) na binubuo ng
mga proseso ng pag-iisip, damdamin, at perception. Ito ang nagsisilbing tulay para sa
pag-uugnay ng stimulus at pag-uugali, at kinokontrol ng isang organism ang huling
pag-uugali bilang tugon sa stimulus tulad na lamang ng satisfaction at perceived enjoyment.
Ang response ay ang kabuuang tugon sa stimulus at organism o ang nagbubunsod ng
impulsibong pagbili sa mga mag-aaral ng Senior High School.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng deskriptibong disenyo ng pananaliksik, partikular
ang survey research design. Ang disenyong ito ay ginamit upang maunawaan ang pananaw,
katangian, at pag-uugali ng napiling populasyon tungkol sa impluwensya ng pagkakaroon ng
e-wallet sa impulsibong paggastos. Ito rin ay makakatulong upang matiyak ang
pagkakapare-pareho sa mga kalahok at pinapaliit ang mga potensyal na bias na maaaring
magmula sa pagkakaiba-iba sa mga paraan ng pangongolekta ng datos. Pinapadali rin nito
ang paghahambing at pagsusuri ng mga nakolektang datos, na nagbibigay-daan sa mga
makabuluhang insight at konklusyon.

Mga Kalahok ng Pag-aaral


Ang paggamit ng e-wallet ay laganap sa mga user na marunong sa teknolohiya na
binubuo ng mga Pilipinong kabilang sa Henerasyon Z. Dahil hinihigpitan ng ilang aplikasyon
ng e-wallet ang ilang partikular na gamit para sa mga user na wala pang 18 taong gulang, ang
napiling kalahok para sa pananaliksik na ito ay ang mga 18 taong gulang na mag-aaral sa
baitang 11 at 12 ng Quezon City Science High School ng taong 2022-2023 na gumagamit ng
GCash. Ang mga kalahok ay pipiliin sa pamamagitan ng stratified random sampling.

Ang basehan ng stratified sampling ay ang edad ng GCash account. Ang bawat
mag-aaral ay nakapangkat batay sa tagal ng kanilang paggamit ng digital wallet kada buwan
(hal. kung sa loob ng buwan, isa hanggang tatlong buwan, at higit ng limang buwan).

Instrumento ng Pananaliksik
Ang instrumentong gagamitin sa pangangalap ng mga datos ay talatanungan o
pagsasarbey na makakatulong sa pagtukoy ng epekto ng pagkakaroon ng digital wallet sa
tuwing ang mga mag-aaral sa baitang 11 at 12 ay bumibili, partikular na sa online. Ang mga
tanong na nakapaloob sa talatanungan ay dadaan sa maingat na pagsusuri ng mga validator o
eksperto sa larangan ng wika at pananaliksik upang matiyak na angkop at wasto ang
pagkakagawa ng mga katanungan sa pag-aaral na ito. Bukod pa rito, ang Google Forms ay
nilagyan ng mga parameter upang maiwasan ng mga kalahok ng sarbey ang paglaktaw sa
mga tanong. Ang talatanungan na ito ay mabubuksan lamang ng mga mag-aaral gamit ang
kanilang mga school email o DepEd email upang masiguro na ang mga mag-aaral lamang ng
Quezon City Science High School ang tanging makakasagot nito.

Etika ng Pananaliksik
Titiyakin sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito na boluntaryo ang pagsagot ng sarbey.
Dagdag pa rito, ang makakalap na mga personal na impormasyon ay tiyak na kumpidensiyal
at hindi mailalabas sa publiko dahil isa itong karapatan ng kalahok na nakabatay sa Data
Privacy Act of 2012.

Pangongolekta ng Datos
Mangangalap ng datos ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng paggawa ng mga
talatanungan o questionnaire para sa isasagawang sarbey. Ang nasabing sarbey ay
maglalaman ng mga nalikha at aprubadong mga tanong na may relasyon sa paggamit ng
digital wallet at online shopping sa internet. Isasagawa ang nasabing sarbey sa online na
pamamaraan upang maiwasan na makaabala sa takdang oras ng mga klase. Ang talatanungan
na sarbey ay ipapamahagi sa mga social networking sites tulad ng Facebook, gamit ang
Google Forms.
Ang mga datos na makukuha mula sa Google Forms patungkol sa demograpiko ay
ililipat sa isang talahanayan. Iaayos ang mga datos na makukuha sa paraang tekstwal, tabular,
at grapikal upang mas mabigyang linaw ang kahulugan ng mga datos.

Pagsusuri ng mga Datos


Susuriin ang datos sa pamamagitan ng deskriptibong istatistika. Gagawin ito sa tulong
ng mga kagamitan sa istatistika: percentage frequency distribution at average weighted mean.
Ang isang data-analysis computer software na pinangalanang Statistical Package for the
Social Sciences (SPSS) ay gagamitin upang pag-aralan ang datos. Ang mga kalahok ay
magsisilbing antas ng pagsusuri, at pagkatapos ay magsasagawa ng frequency,
cross-tabulation, at reliability analysis. Gagamitin din ang Cronbach's Alpha bilang
pagsusuri sa inaasahan ng istatistika. Ang pamamaraang ito ng pagsusuri ay ginamit nina
Tessa M. Johnson at Ashley A. Greeley at inaprubahan ni Gina Masequesmay, isang propesor
sa California State University, Northridge.
Inaasahang Bunga
Sa dulo ng pag-aaral na ito ay inaasahang makakakuha ang mga mananaliksik ng
kapaki-pakinabang na impormasyon ukol sa digital wallet at naturang relasyon nito sa
impulsibong pagbili ng mga mag-aaral sa Senior High School ng Quezon City Science High
School. Nais din malaman ng pananaliksik na ito kung mayroon pang mga salik na
nakakaapekto sa impulsibong pagbili ng mga mag-aaral tulad ng stress, family customs, at
availability.
Magiging malaking tulong ang resulta ng pag-aaral na ito sa mga susunod na
mananaliksik na maaaring gumamit sa paksang tinalakay dito. Magiging malaking tulong din
ito sa mga sikolohiya upang malaman ang nagiging ugat ng hindi makatarungan at
makatwirang paggastos ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Quezon City Science
High School, at konsesyoner na nagpapatakbo ng mga digital wallets upang mas mapabuti
ang pagpapatakbo ng mga ito.
Inaasahan na ang mga digital wallets ay maaaring magkaroon ng malaking
impluwensya sa mapusok na pag-uugali sa pagbili ng mga mag-aaral sa Senior High School.
Ang kaginhawaan at accessibility na inaalok ng mga digital wallet ay maaaring magpababa
ng mga hadlang at magsulong sa mga pabigla-bigla na pagbili ng mga produkto, dahil ang
mga mag-aaral ay madaling gumawa ng mga transaksyon sa ilang pindot lamang sa kanilang
mga smartphone. Inaasahan na ang mga mag-aaral na madalas na gumagamit ng mga digital
wallet ay maaaring magpakita ng mas mataas na antas ng impulsibong pagbili kumpara sa
mga hindi gumagamit ng mga digital wallet nang husto.
Ang pag-aaral na ito ay nagnanais na mapansin ang isang ugnayan sa pagitan ng
madalas na paggamit ng mga digital wallet at mas mataas na antas ng impulsive buying
tendencies sa mga mag-aaral sa Senior High School. Kung mas madalas na gumagamit ang
mga mag-aaral ng mga digital wallet, mas mataas ang posibilidad na maipakita ang ugali ng
impulsibong pagbili. Ang likas na katangian ng mga digital wallet na idinisenyo upang
pasimplehin ang proseso ng pagbili, at ang pag-uugnay ng digital wallet na nagbigay ng
paraang magbayad na hindi kailangang dalhin ang perang pambayad, ay dumagdag sa
pagpapadali ng proseso nito at maaaring magsulong ng pakiramdam ng impulsivity at
hikayatin ang kusang paggawa ng desisyon sa mga mag-aaral, na humahantong sa mga
impulsibong pagbili.
Ang mga kinalabasan ng pag-aaral na ito ay maaaring magbigay ng liwanag sa
pinagbabatayan na mga salik na humuhubog sa mapusok na pag-uugali sa pagbili sa mga
mag-aaral sa Senior High School. Ang impluwensya ng peer pressure, na kinikilala bilang
isang malaking salik, ay maaaring mag-ambag sa pagtaas ng mga impulsive tendencies ng
mga mag-aaral na gumagamit ng digital wallet. Higit pa rito, ang panghihikayat ay maaaring
gumanap ng isang mahalagang papel sa pag-impluwensya sa mga impulsibong desisyon sa
pagbili, dahil ang diskarte sa pagmemerkado ay lalong iniakma upang hikayatin ang mga
mag-aaral na gumagamit ng mga digital wallet. Panghuli, ang mga personal na salik, gaya ng
mga impulsivity traits at financial literacy, ay maaaring may malaking epekto sa impulsive
buying behavior ng mga mag-aaral na gumagamit ng mga digital wallet, na nagbibigay ng
mga mahalagang pananaw para sa hinaharap na mga interbensyon at mga programa na
pang-edukasyon.
Sa konklusyon ng pag-aaral na ito, naglalayong tuklasin ang malalim na epekto ng
mga digital wallet sa mapusok na pag-uugali sa pagbili ng mga mag-aaral sa senior high
school. Sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa kaginhawaan ng mga digital wallet, ang
pananaliksik ay naglalayong tumuklas ng mga potensyal na ugnayan sa pagitan ng kanilang
paggamit at mas mataas na antas ng impulsive buying tendencies.
Samakatuwid, magiging hakbang ang pag-aaral na ito upang matuklasan ng mga
kabataan ang mga hakbang upang maiwasan ang impulsibong pagbili ng mga produkto. Ito
rin ay magbibigay ng pansin at ideya sa mga nakakatanda ang mga posibleng sanhi ng
impulsibong pagbili para malunasan at maayos ang hindi malusog na gawi ng kanilang mga
anak o nakababatang mga kamag-anak ukol sa biglang pagbili dahil sa kadalian ng paggamit
ng mga digital wallet.
Inaasahan din ng naturang pananaliksik na ito ang magkaroon ng panimulang mga
aralin tungkol sa financial literacy sa mga lugar tulad ng paaralan at komunidad upang mas
matuto ang mga kabataan sa matalinong paggamit ng kanilang mga salapi. Sa pagpapatibay
nito, hindi agad-agarang mahihikayat bumili ang mga kabataan ng mga kagamitang labas sa
kanilang badyet. At huli, upang maiwasan gawing coping mechanism ng mga kabataan ang
impulsibong pagbili at paghahanap ng mas nakakabuting at positibong mga gawain para
malagpasan ang stress na nadarama ng mga kabataan.
Umaasa ang mga mananaliksik na makakapagbigay ng mga solusyon sa impulsibong
pagbili upang ang mga susunod na henerasyon ay mas matalino at wais na konsyumer. Sa
ganitong paraan ay hindi laging nakadepende sa pagbili ng mga kagamitang hindi naman
kailangan.
Sources
Cacas, Alyssa, Mariel Bea Alecar Diongson, and Glenda Mica Olita. "Influencing Factors on
Mobile Wallet Adoption in the Philippines: Generation X’s Behavioral Intention to
Use GCash Services." Journal of Business and Management Studies 4.1 (2022):
149-156.
Foster, B.; Sukono; Johansyah, M.D. Analysis of the Effect of Financial Literacy,
Practicality, and Consumer Lifestyle on the Use of Chip-Based Electronic Money
Using SEM. Sustainability 2022, 14, 32. https://doi.org/ 10.3390/su14010032
Hidajat, Taofik, and Nadiyatul Lutfiyah. "E-WALLET: MAKE USERS MORE
CONSUMPTIVE?." ECONBANK: Journal of Economics and Banking 4.1 (2022):
15-22.
Legaspi, Jose Luis, Ireene Leoncio Oliver Galgana, and Clare Hormachuelos. "Impulsive
buying behavior of millennials on online shopping." 4th National Business and
Management Conference, Ateneo de Davao University.
2016.https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/6808
Marquez, Marc Kenneth. “Filipinos’ Financial Literacy: What Numbers Say and Why It
Matters.” Signed MARCO, Mar. 2023,
www.signedmarco.com/filipinos-financial-literacy-philippines.
Medalla, F. M. Strengthening Financial Health through Financial Literacy. Bangko Sentral ng
Pilipinas. (2022).
https://www.bsp.gov.ph/SitePages/MediaAndResearch/SpeechesDisp.aspx?ItemId=99
3
Mercurio, Richmond. "The Rise of Digital Wallets in Phl." Philippine Star 2019.
Moreno, Donn Enrique, et al. "The Impact of COVID-19 Pandemic on Consumer Usage
Intention of Electronic Wallets in the Philippines." Journal of Business and
Management Studies 4.3 (2022): 28-35.
Nita, O., Baraba, S. M., Wong, L. C., Carmelita, E., & Anh, N. Q. D. Examining the
Comfortability and Security Concerns of e-Wallet Users in five ASEAN Countries
During the COVID-19 Pandemic: A Gender Perspective.
“Report: 58-M Filipinos Spent 4.4 Million Hours Using E-wallets in 2022.” Philstar.com, 10
Apr. 2023,
www.philstar.com/business/2023/04/10/2257834/report-58-m-filipinos-spent-44-milli
on-hours-using-e-wallets-2022.
Sangalang, Romeen Anne, Jocelyn Siochi, and Melody Plaza. "Factors influencing
consumers’ impulse buying behavior in the fifth district of Cavite." DLSU Research
Congress. 2017.
Sari, Risca Kurnia, Satria Putra Utama, and Anisa Zairina. "The Effect of Online Shopping
and E-Wallet on Consumer Impulse Buying." APMBA (Asia Pacific Management and
Business Application) 9.3 (2021): 231-242.

Taherdoost, Hamed. "What is the best response scale for survey and questionnaire design;
review of different lengths of rating scale/attitude scale/Likert scale." Hamed
Taherdoost (2019): 1-10.‌

Wei, Qing, et al. "Adoption of digital money (e-wallet) in the post COVID-19 era: The
moderating role of low distribution charges and low transit time in impulsive buying:
A developing country perspective." Frontiers in Environmental Science (2023).

Zhao, Yang, et al. "A meta-analysis of online impulsive buying and the moderating effect of
economic development level." Information Systems Frontiers 24.5 (2022):
1667-1688.

You might also like