You are on page 1of 15

Ang online shopping ay isa sa mga napakagandang imbensyon na nakakatulong sa mga tao na bumili

ng mga bagay sa sarili nilang mga bahay. Hindi na nila kailangan pang pumunta sa mga
establisyimento ng mga produkto, at makipagsiksikan at pumila sa napakahahabang linya sa tapat ng
bayaran (Mittal,2017). Gamit lamang ang kanilang mga selpon at laptop maari na silang makabili.
Madali, mabilis at isang click lamang (Ice Cube Digital, 2018).

Online shops, https://www.ebay.ph/ at https://www.lazada.com.ph/


Ayon kay Tarun Mittal (2017), ang online shopping ay nakakatulong sa mga tao na mamili ng
maayos at walang pagod habang nasa bahay lamang. Hindi na kailangan maghanap kung saan saan at
hindi na rin kailangan tumawad upang makakuha ng mababang presyo.
Mas pinipili na ng mga Filipino ang pagbili ng mga produkto gamit ang Online shopping dahil sa
mas madali, mas abot-kaya ang presyo at mas sigurado sila sa kalitasan ng kanilang pinamili (Manila
Times, 2014). Ang Online Shopping ay isa na ngayon sa paraan ng madaliang pagbili ng mga gamit
at damit para sa mga taong wala nang oras makalabas sa kanilang mga hektik na iskedyul (Ice Cube
Digital, 2018).

Online shops, https://www.zalora.com.ph/ at https://shopee.ph/


Ngunit bakit nga ba kahit maraming benepisyo ang pagbili sa internet ay mabagal pa rin ang
paglago ng e-commerce at online shopping sa bansa? Ayon sa “BUSINESS SPECIAL REPORT: The
State of E-commerce in the Philippines” (Vicente, 2016) isang malaking rason ay dahil sa ‘cash
mentality’ ng mga Filipino. Hindi binibitawan agad ng mga Pilipino ang kanilang pera nang wala
pang kapalit kaya Cash on Delivery ang kanilang paraan sa pag bayad ng kanilang binili kaysa sa
paggamit ng credit card o online based wallet. Isa pang problema ay ang madaming pulo ng
Pilipinas, may mga lugar na hindi madaling puntahan kaya mas mahal ang delivery
charge o shipping fee.

Datos tungkol sa numero ng online shopperssa Pilipinas.


https://www.eshopworld.com/blog-articles/philippines-ecommerce-insights-
2018/
Sa paglipas ng panahon dumarami na ang gumagamit ng online shopping dahil sa pagkakaroon
ng maraming oportunidad na binibigay nito. At dahil rin sa bagong henerasyon na nakasalalay sa
internet ang kanilang pamumuhay.
Ayon sa isang blog na may pamagat na “Problems Customers Face While Shopping Online”
(Ice Cube Digital, 2018) ang mga mamimili ay may sampung mabibigat na problema na hinaharap sa
makabagong teknolohiya. Ang mga suliranin na hinaharap ng mga mamimili ay ang paghahanap sa
dekalidad at walang depekto na produkto, inventory ng mga gamit na binebenta, pagpapadala ng
produkto mula sa seller patungo sa konsumer, paraan ng pagpapadala ng bayarin, mga nakatagong
dagdag bayad, di malinaw na mga polisiya, magulong website, at hindi atraktibong disenyo
sa websiteng produkto.
Isa ang post na ito sa maraming pagsubok na kinakaharap ng Online
Shopping dito sa Pilipinas. Kanyang pinapakita na hindi maayos ang
pagkakadeliver ng produkto sa kanya. https://www.facebook.com/reyesjanice
Hindi mawawalan ng panganib sa online world. Marami ang naloloko dahil hindi nila makikita
ng pisikal ang produkto at ang nagbebenta. Ang e-commerce ang nagpadali ng ating pamimili ngunit
ang online shopping ay hindi puro kagandahan ang mayroon. Ito raw ang ilan sa mga problema na
kailangang hanapin ng mga bumibili sa online: isyu sa kalidad, hindi mo nakikita kung maganda ba
talaga ang kalidad ng produktong iyong bibilhin; pagpapadala ng produkto, walang kasiguraduhan
kung kelan mo ito makukuha; problema sa pagbabayad online, maraming nagiging problema sa
pagbabayad dahil minsan ay may glitch na nagaganap habang ikaw ay nababayad na hindi agad
naaaksiyunan; dagdag na bayad, isang dahilan ay ang pagpapadala o tinatawag na shipping fee dahil
ito ay naka depende sa layo ng pagpapadala; hindi malinaw na patakaran sa pagkabalik, hindi nila
tinatanggap ang mga binabalik ng mga mamimili at ang panghuli, kakulangan sa seguridad, ang mga
impormasyon ng mamimili ay hindi ganoon ka ligtas lalo na kung walang magandang seguridad
ang website na iyon (Mittal,2017).
Mga problema na nakakasalubong ng mga mamimili online.
https://www.smartreviewsforlife.com/amp/know-common-problems-
associated-online-shopping/
Isa pang problema na nahaharap ng mga mamimili ay ang hindi pagintindi sa mga patakaran dahil
ang wika nito ay wikang dayuhan. Maaring hindi na ito nila basahin dahil sa tingin nila ay hindi na
ito imprtante sahil hindi nila maintindihan. Isa sa paraan na maiwasan ito ay ang pagsalin ng mga
patakaran sa ating wika. Pwede maging paraan ang wika upang mas maraming pang gumamit ng
online shopping o mabawasan ang mga takot ng mga mamimili (Ice Cube Digital, 2018).

Mga problema na nakakasalubong ng mga mamimili online.


https://www.smartreviewsforlife.com/amp/know-common-problems-
associated-online-shopping/
Ayon sa isang artikulo na may pamagat na “The Importance of Language in Global E-Commerce”,
(Dimery, 2015) United States ang leading destination ng online shoppers sa pamimilihan across
borders na sinundan ng China, United Kingdom at Germany.
Maraming bansa ang mas gusto pa magkipag-usap online gamit ang kanilang sariling wika. tulad ng
mga bansang China at Brazil na maaring maging hadlang upang mas lalo pang lumaki ang
kanilang market dahit walang paraan upang magkaintindihan kung isang banyaga ang mamimili.
Kung may iisang wika upang magkaunawaan online, mas mapapadali at magiging komportable sa
mamimili at nagbebenta ang kanilang transaksyon. (Dimery, 2015)
Datos sa paglaki ng digital community at kung ilan ang mga myembro nito.
https://wearesocial.com/special-reports/digital-southeast-asia-2017
https://www.huffingtonpost.com/entry/philippines-a-digital-lif_1_b_7199924
Sa isang pag-aaral na ginawa ng PayPal na may pamagat na “PayPal study reveals more Filipinos
are now shopping online” (2018) sinasabing inaasahan na mas dadami pa ang bilang ng mga online
shopper sa Pilipinas. Ang mga nakalap na datos ay mula sa 34,000 na tao sa 31 bansa kasama na ang
Pilipinas, 1,006 ang mga 18 ang edad pataas.
Noong taong 2017 sinasabi na PhP 92.5 billion ang halaga ng mga pinamili ng mga Pilipino online.
At inaasahan na tataas ito sa PhP 122 billion ngayong taong 2018. At magiging 185 billion pa sa
2020 (PayPal 2018).
Sinasabi din na pangatlo ang bansang Pilipinas sa Asia Pacific na namimili online ng mga produkto
sa iba’t ibang bansa. Inaasahan na mula sa 38.4 billion sa taong 2017 ay magiging 55.7 billion ang e-
commerce sa bansa sa taong 2018 (PayPal 2018).
Sa pagtaas ng mga gumagamit ng teknolohiya sa pagbili kailangan natin alamin ang mga ugali ng
mga consumers upang ito ay mabantayan at makahanap ng paraan upang matulungan sila. Ayon sa
“What is the buying behavior of Filipinos online?” ng MoneyMax.ph (2014) ang mga Pilipino ay isa
sa mga Asia Pacific’s most active Internet users at isa rin sa mga masiyasat ng mga produkto. Sinabi
sa artikulo na mahilig suriin ng mga Pilipino ang mga produkto kung kaya naman 34 pursyento
lamang ng online searches ang nagiging sales ng mga kumpanya. Ilan sa mga tinitignan ng mga
Pilipino sa produkto bago bumili ay ang presyo, reviews ng mga nakabili na at naghahanap pa ng
best deal sa iba’t ibang sites.
http://www.techfreetricks.com/category/electronics/
Ang E-commerce ay isang komplikado na mundo na bagaman ay bata pa ay marami nang
pagbabago at problema dulot ng teknolohiya na pabago-bago din sa paglipas ng panahon. Ang
paggamit ng teknolohiya sa makabagong paraan ng pamimili ay tiyak na nakakahumaling subalit
kapalit nito ay walang kasiguraduhang mga transaksyon sa isang estranghero o online shopping na sa
pamamagitan lamang ng internetnakakapag-transasyon. Maaaring delikado at kulang sa seguridad
ang paggamit ng E-commerce para sa iba ay iba naman ang kagandahang epekto nito kapalit ng
pagbabad sa walang hupas na trapiko sa lansangan at ang pag-aaksaya ng oras na pwede pang
magamit sa mas makabuluhang trabaho.
Sa dami ng mga suliraning hinaharap sa sektor ng E-commerce ay layunin ng mga namamahala dito
na mas pagtibayin at palaguin ang sistema sa pagpapatakbo dito. Una na dito ang paraan ng
pagbabayad at pagpapadala ng produktong binibili mula sa seller at ang malinaw na komunikasyon
sa pagitan ng dalawang panig upang mas maging epektibo ang pagpapatakbo ng komersiyo sa
makabagong teknolohiya. Ikalawa ay ang wikang ginagamit ng mga website bilang midyum ng
transaction ay di magkakatugma. Mas mapapaganda ito kung ang bawat online shop na pupuntahan
ng isang mamimili ay may barayti ng wika na maaaring gamitin ng isang local na konsyumer pati na
rin ang using dayuhan sapagkat kanilang mas maiintindihan ang mga naka-postkung ito ay nasa
lenggwahe na sila ay pamilyar. Pati na rin ang pagpapakita ng maayos at
detalyadong specifications upang mas masuri ng isang konsyumer kung talagang mapapakinabangan
nila ang bagay na kanilang bibilhin.

https://insideretail.ph/online-retail-sales-growth-lags-in-philippines/
Gayunpaman, anuman ang mga suliranin na ating nakikita at hinaharap sa bawat transaksyon na
dinadaanan ng mamimili ay mabuting huwag kalimutan ang kapakanan na kung saan parehong
makikinabang ang mga nagbebenta at ang konsyumer nito. Tanging paigtingin ang integridad ng
mga online stores at huwag magkubli ng impormasyon na nararapat malaman ng nakararami.
Ilang halimbawa ng transaksyon online
Paglalarawan ng isang bag sa website na Shopee. Litrato ni Karl Dailisan
Pagpapakita ng produkto at ang feedback ng bumili. Litrato ni Karl Dailisan
Mensahe sa pagitan ng nagbebenta at isang interesadong customer.
Litrato ni Karl Dailisan
Litrato ng mga nabiling produkto. Litrato ni Karl Dailisan
Isang transaksyon ng aming kagrupo na umorder online at nagging
matagumpay ang kanilang transaksyon. Kuha ni Mia Bucalen

You might also like