You are on page 1of 3

Ang bawat Pilipino ay natutunan ang ating kultura

sa tulong ng Wikang Filipino, bawat bata ay


nabubuksan ang diwa at kamalayan nila sa
pagiging isang Pilipino, kaya kung inyong
mapapansin ay may bata sa bandang kaliwa ng
poster. Habang tumatanda ay kailangan mas
magkaroon tayo ng kamalayan sa ating paligid,
ang Wikang Filipino ay ang daan upang mas
matuto pa ang mga tao ukol sa ating kultura,
nabibigyan ang mga tao ng lubos na kaalaman
para maipakita ang pagpapahalaga sa kultura at
bilang resulta, matatamasa natin ang kaginhawaan
at kaliwanagan ng ating buhay. At ang huli ay ang
ating kultura kasama ng ating wika ay pinaglaban
ng ating mga natatanging bayani, inalay nila ang
kanilang buhay at ngayon tayo ay malaya. Sa
tulong ng Wikang Filipino ay naipapakita natin ang
ating pagpapahalaga sa ating kultura at ang
kultura iyon ay ang ating pagkakakilanlan saan
man dako ng mundo tayo pumunta, at
ipinagmamalaking PILIPINO AKO!

You might also like