You are on page 1of 22

ANO ANG KULTURA?

Ito ay ang  kabuoan ng mga tradisiyon, paniniwala,


selebrasyon, kagamitan, kasabihan, awit, sining, at kaugaliang
natutuhan ng tao mula sa kanyang pakikisalamuha sa
pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan. Ang kultura
rin ang humuhubog kung paano mamumuhay at
makikipagtulungan ang tao sa mundo.

Nabuo ito upang matugunan nag mga pangangailangan ng mga


tao sa pamayanan.
ANO ANG POPULAR?

Alam kong alam nyo na kung ano ang ibig sabihin ng popular,
ng sikat, ng uso, “in” ngayon – lahat ng salitang ito’y
nagpapahiwatig sa kasalukuyan.
ANO ANG KULTURANG POPULAR?

Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain,


kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-
samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao,
kumpanya at bansa.

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan


ng mga tao para maramdaman ang pagtanggap sakanila
ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular,
ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa
modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang
nagmumula sa mga modernong produkto
ng mgakumpanya at modernong mga bansa.
May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at
ito ang mga:
Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante.
Halimbawa:
• Mga bagay na ginagamit sa pagpapaganda kagaya ng mga make-up, kolorete at
marami pang iba.
• Maaari rin namang gamitin ito ng mga negosyante sa mga teknolohiya.

Latak
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak.Panghalili sa
mahal at sa orihinal. Sinasabing nangyayari ito dahilang masa ay hindi makabili
ng mga kustal at kasuotan namamahalin kaya sila ay nagkakasya na lamang sa
pagbili ng mgadamit at bag na mura hanggang sa ito na ang maging uso atgamit
na ng lahat.
May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at
ito ang mga:
Pangmasa o komersyal na kultura
Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa mamahaling mgagamit, ang mga
mumurahing gamit ay kadalasang sumasailalimsa maramihang produksyon o mass
production. Ang kulturang popular ngayon ay ang mga pagkakaparepareho ng
mgakagamitan na nabili ng mga tao sa murang halaga..

Ginagamit ng tao
Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagamit ang tao -
maaaring ng isang sikat na personalidad na nais tularan ng marami. Sa pag-gaya dito
ng mga tao, unti-unti itong napupunta sa mainstream. Ito ang tinatawag
na pagpapauso. Ito ay maaaring ginagamit pang hanapbuhay, pampasikat o tikis na
panlibangan lamang.
May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at
ito ang mga:
Larangan ng gahum
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensyang mataas na
tingin natin sa isang gahum na bansa. Kung ano ang mga gamit, damit, bag o kung
ano man na ginagamit sa kanilang bansa ay ating tinatangkilik dahil ito ang
maganda,nakahihigit at nakatataas para sa ating paningin.

Pagkalusaw ng mga hangganan
Sa tumitingding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mgakultura at
sibilisasyon sa buong mundo, hindi na nagiging hadlangang distansya ng mga bansa
para magkaroon ng iisang kulturangpopular. Nawawalan na ng distinksyon
ang mataas at mababangkultura, ang sariling kultura, komersyal at popular na
kultura. Lahat ng kultura ay nagkakasabay-sabay na ginagamit at nagiging isa.
May maraming ideyas na lumikha ang tinatawag naming ‘kulturang popular.’ Isa,
tumatakbo ang kulturang popular sa prospekto ng kita. Kung walang kita o potensyal
na negosyo mas maliit ang impluensya ang mga kompanya sa komunidad. Laging
nagdadala ang mga kompanya ng mga bagay na nakatingin nila may potensyal na
maging popular dahil ito ang paanong tumatakbo ang mga kompanya – nagdala ng
mga produkto na lilikha ng pinakamaraming kita. Dahil sa itong pananaw, karaniwan
maganda ang mga produkto na dinadala ng mga kompanya, katulad sa mga damit o
mga restawrans, at ito ay gumagawa ang trend na sinusundan naman ng masa.
Ideya ng sadomasokismo
Sa kabila ng kasiyahang dulot ng mga produkto ng kulturang popular may
“sakit” din itong kaakibat. Ang ideya ng sadomasokismo ay ang kagustuhan para
makukuha ng kasiyahan sa pagkuha ng mga bagay na tinatawag naming ‘kulturang
popular
Isang halimbawa ay ang kagustuhan ng bagong tatak ng Nike o Adidas na sapatos .
Kahit mataas ang presyo nila, ang pangangailangan ng mga bagay na ito ay lumamang
ng mas importanteng at mapakikinabangan na bagay. Ito ang negatibong aspekto ng
sado-masokism sa kultura namin. Ito ang dahilan kung bakit may mga bagay na may
pekeng tatak katulad sa mga bagay na binebenta sa Greenhills. Ang layunin ng mga ito
ay para lang matutupad ng kasiyahan sa pamamagitan ng kahulugan na binibigay ng
isang tatak.
Istatistikal na Pananaw
Ito ang mga kulturang nakabatay sa pagkagusto o sa pagtangkilik ng mga tao.
Makikita ito sa pamamagitan ng mga quantitative indicators tulad ng television
ratings, record scaless at ang kita sa takilya.
Politikal na pananaw

Sa kasaysayan ng Pilipinas, ipinasok ang K.P. ng mga kolonisador upang


gamitin sa pagpapasunod at pagpapatibay ng kanilang pananakop
Halimbawa: Pasyon, sinakulo, komedya, awit, korido
Sa kasalukuyan, ginagamit din ito, hindi lang para mapanatili ang politikal na
kapangyarihan ng elite, kundi pati ang ekonomikong aspekto nito
“Economic power begets political power”
Gawain: Sinetch Itey!

1. Siya ang kasalukuyang alkalde ng Maynila at dating may-tatlong-terminong


konsehal sa unang distrito ng lungsod. Kilala rin iya bilang isang actor.
2. nAng anak ng dating presidente ng Pilipinas na umupo sa senado ng pamahalaan ng
Pilipinas.
3. Isang Pilipinong abogado, pulitiko, at aktibista na ngayon ay tumatakbong president
na may programang “Gobyernong tapat, angat buhat ng lahat”
4. Kilala siya sa larangan ng boksing at itinanghal siya bilang sa mga tanyag na
boksingero sa Pilipinas. Siya ay nagsisilbing senado ng Pilipinas mula taong 2016.
5. Isang senado at dating Police General sa Pilipinas.
Elitistang Pananaw
Isang pananaw ay ang paghati ng itaas at ibaba o mga ibang estado ng buhay.
Maaring tingnan ang isang tao sa isang partikular na trend depende sa kapasidad sa
kanilang kakayahang makabili o sumabay sa uso.
ANO ANG AWIT?
Ang awit ay pangkalahatang tawag sa kanta o musikang
pamboses. Ginagamit ito sa pagpapahayag ng mga
damdamin, kwento, karanasan, kalungkutan, kasiyahan
at marami pang iba sa malikhaing paraan. Mula ito sa
salitang Griyego na mousike; "sining ng mga Musa")
Kabílang dito ang diyona (para sa kasal at iba pang pagdiriwang),
talingdaw (lumang awitin), indolanin (may malungkot na himig),
dolayanin (awit hábang nagsasagwan), hila (awit sa pamamangka),
soliranin (awit sa paglalakbay sa karagatan), holohorlo (awit sa
pagpapatulog sa sanggol), at iba pang anyong pampanitikang may
himig, na maihahambing ngayon sa ablon ng dumagat, bayok ng
Maranaw at Mansaka, darangan ng Maranaw, at ogayam ng Kalinga.
May awit sa pag-aalaga ng sanggol, may awit sa kasal, may awit sa
pagsasaka at pangingisda, may awit sa pangangaso, at may awit sa
patay.

May mga awit ding gaya ng pamatbat na pasalaysay tungkol sa


kaugalian at kasaysayan ng tribu. May awit na sagutang gaya ng
talingdaw at may awit na masaya, awit na malungkot at marami
pang iba.
ELEMENTO NG MUSIKA

1. Ang pitch / tono o tinis.


Ito ay ang mababa at mataas na tono na sumasabay sa harmoniya at melodiya.
2. Timbre o uri ng tono
Ito ay ang kalidad ng tunog.
3. Daynamiks
Ito ay ang paglakas at paghina o pagbaba ng himig, ito ay ang komposisyon na
malakas at mahina ay may malawakang daynamiks a t ang pagbabago ng paunti- unti at
pabigla-bigla; crescendo, decrescendo.
4. Melodiya o himig
Ito ang tema ng isang komposisyon, ito ang kombinasyong ng mga ritmo at tono.
Ang ritmo na may kaugnayan sa metro, tempo at artilulasyon.
ELEMENTO NG MUSIKA

5. Rhythm o ritmo
Ito ang elemento na naglalarawan sa tiyempo o kumpas ng musika. Ito ay naiuugnay sa pulso
o tempo na naisasaayos sa metro (o time signature).
KAHALAGAHAN NG MUSIKA

 Nakapagpapaganda ng mood ang musika.


 Nagbabalik ng mga alaala ang musika.
 Napagkakaisa ng musika ang mga tao
 Naipapahayag ang mga damdamin, saloobin, karanaan at marami
pang iba sa malikhaing paraan.

You might also like