You are on page 1of 75

“SIMULA AT

PAG-UNLAD
NG WIKANG
FILIPINO”
layunin
Mailahad ang mga bagay kung paano umunlad ang
wikang filipino.
.Maibahagi ang mga kautusan at probisyong
pangwika kaugnay sa pagsulong ng wikang filipino.
.Natutukoy ang kahalagahan ng Ebulosyon ng Wika.
.Makapagbahagi ng kaalaman ukol sa mga nasabing
paksa.
PAGGAGANYAK
(HULA-SALITA)
BAALITA
HONPANA GN UTUTBOKA
kangwi nofilifi
yongsprobi awik-pang
losebuyon gn kangwi pinofili
Panahon ng Katutubo
“ ALIBATA “
• Tawag sa katutubong
paraan / sistema ng
pagsulat.
• Binubuo ng 17 na titik ( 3
patinig at 14 katinig )
Ang kanilang panitikan ay nakasulat sa
mga balat ng puno, kawayan o dahon.
Gumamit sila ng anumang matulis na
bagay bilang pang-ukit o pagsulat ng
mga simbolo
PANAHON NG KASTILA

• Sa pag dating ng mga


kastila pinalitan nila ang
Alibata ng Alpabetong
Romano na sya namang
pinagbatayan ng
ABAKADANG Tagalog.
Nagsagawa ng maraming pag-aaral sa
wika . Ang mga prayle ang unang
nagsulat ng diksunaryo at gramatiko
tungkol sa ibat-ibang wika ng
Pilipinas.
PANAHON NG PROPAGANDA AT
HIMAGSIKAN
● Wikang Kastila ang ginamit ng mga
propagandista sa pagpapahayag ng
damdamin at mga hinaing laban sa mga
Kastila.
● Tagalog naman ang ginamit ng mga
manghihimagsik sa pag likha ng
tula,sanaysay , liham at talumapati
●Nagpapahayag ng mga sariling pananaw
ang marami hinggil sa kung anong wika
ang midyum ng pagtuturo. Subalit sa
kabila ng lahat, wikang Ingles pa rin ang
nanatiling wikang panturo, at pantlong
naman ang mga wikang rehiyunal.
PANAHON NG AMERIKANO

Wikang Ingles ang


ginamit na midyum sa
pagtuturo at ang mga
aklat sa pagtuturo ay
nasa wikang Ingles din.
PANAHON NG KOMONWELT /
MALASARILING PAMAHALAAN
• ltinatag noong 1936 ang Suriian ng
Wikang Pambansa at ang pamunuan
nito sa pamamagitan ng Batas
Komonwelt Blg. 184.
Nagsimula nang gumawa ng pag-aaral
ng mga wika sa Pilipinas upang makapili
ng wikang pambansa.
Simula noong Hulyo 4, 1940, sa
pamamagitan ng batas Komonwelt
Blg.570, pormal nang kinilala ang
wikang pambansa bilang isa sa mga
opisyal na wika ng Pilipinas
PANAHON NG HAPON
● Sapilitang pinaturo ang wikang Hapon at inalis
ang wikang Ingles.
● Pinagamit ang mga katutubong wika lalo na ang
Tagalog.
● Naging masigla ang mga Pilipino at umunlad nang
malaki ang mga panitikang rehiyunal gayundin
angsirkulasyon ng mga lokal publikasyontulad ng
pahayagan at magasin.
PANAHON NG
REPUBLIKA
●Pinagtibay ng Kongreso ang
Batas Komonwelt Blg.570 na
nagtatadhana na ang wikang
pambansa ay maging isa sa mga
wikang opisyal ng Pilipinas.
Marami ang pag-aaral na isinagawa
sa wika upang magamit itong
panturo. Blg. 7, na nagsasaad na
kailanma‘t tutukuyin ang wikang
pambansa, ang salitang Pilipino ang
siyang gagamitin.
PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
●Noong Hunyo 19, 1940,
nilagdaan ng Kalihim Juan L.
Manuel ng Edukasyon at
Kultura ang Kautusang Blg.25
na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad
ng patakarang Edukasyon Bilingwal sa mga paaralan
na magsisimula sa taong aralan 1974-975. Ang
kautusang ito ay alinsunod sa mga tadhana ng
Saligang-Batas ng 1972. Sa panahong ito sumusulong
at umuunlad nang malaki ang wikang pambansa
PANAHON NG DEMOKRASYA

●Itinadhana ng Konstitusyon ng
1987 ang Probisyong pang
Wika.
●Sumigla ang pamamahayag.
“ MGA KAUTUSAN AT
PROBISYONG PANGWIKA
KAUGNAY SA PAGSULONG NG
WIKANG FILIPINO “
MGA PROBISYONG
PANGWIKA SALIGANG
BATAS
● Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang
wikang panturo.
● Nang sakupin ng mga Amerikano ang
Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang
ginamit ng mga mananakop sa kautusan at
proklamasyon, Ingles at Espanyol.
●■ 1935
●“ halos lahat ng kautusan,
proklamasyon at mga batas ay nasa
wikang Ingles.” (Boras-Vega 2010)
Saligang Batas ng Biyak-na-
Bato(1896)
Ang Wikang Tagalog ang magiging
opisyal na wika ng Pilipinas.
■ Sa Konstitusyon ng Malolos (Enero 21, 1899),
itinadhanang pansamantalang gamitin ang Espanyol
bilang opisyal na wika bagama’t noon pa ay nakita na
ng mga bumuo ng konstitusyong ito ang maaaring
maging papel ng Ingles sa bansa.
■ Marso 24, 1934,
Ipinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng
Estados Unidos ang Batas Tydings-McDuffie.
■ Pebrero 8, 1935,
pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang
Konstitusyon ng Pilipinas na naritipika ng
sambayanan noong Mayo 14, 1935.
■Ang probisyong pangwika ay nasa Seksyon 3,
Artikulo XIII “ Ang pambansang Asemblea ay gagawa
ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang pagkalahatang pambansang
wika na batay sa mga umiiral na katutubong wika.
■Wenceslao Q. Vinzons,
Ang nanguna sa paggawa ng resolusyon
tungkol sa wikang pambansa
kinatawan mula sa Camarines Norte.
■Ayon sa orihinal na resolusyon,
“ Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na
katutubong wika.”
■ Style Committee
• ang nagbibigay ng huling pasiya sa
borador ng Konstitusyon.
• Binago ng nasabing Komite ang
resolusyon at naging probisyon ito sa
Seksyon 3, Artikulo IX ng Konstitusyon
ng 1935.
■Manuel L. Quezon
nanawagan ang Pangulo sa Pambansang
Asemblea na magtatag ng isang ahensiya na
magsasagawa ng mga pag-aaral sa paglinang
ng wikang pambansa.
■ Nobyembre 13, 1936
Na nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP
na naging Linangan ng mga Wika sa Pilipinas o
LWP, at ngayo’y Komisyon sa Wikang Filipino o
KWF).
■ Noong Enero 12, 1937, hinirang ng Pangulong Quezon
ang mga sumusunod na Lupon ng Surian ng Wikang
Pambansa:
● Pangulo: Jaime C. de Veyra
● Kagawad: Santiago A.Fonacier (Ilocano)
● Kagawad: Filemon Sotto (Cebuano) Kagawad: Casimiro
Perfecto (Bicolano) Kagawad: Felix S. Rodriguez
(Bisaya, Panay)
● Kagawad: Hadji Butu (Mindanao) Kagawad: Cecilio
Lopez (Tagalog)
■ Noong Nobyembre 7, 1937, pagkaraan ng halos
sampung buwan inilabas ng Surian ang resolusyon
na Tagalog ang gawing batayan ng pambansang
wika. Ipinahayag ng Surian na ang wikang Tagalog
ang halos tumugon sa hinihingi ng Batas
Komonwelt Blg. 184.
Kabilang sa mga pamantayang iyon ay
• wikang sinasalita ng nakararaming Pilipino
• wikang ginagamit sa sentro ng kalakalan, edukasyon
at sibilisasyon
• wikang ginagamit sa higit na nakararaming aklat na
nasulat
(8) pangunahing wika ng bansa –
1. Tagalog
2. Ilokano
3. Cebuano
4. Hiligaynon
5. Bikol
6. Waray
7. Pangasinense
8. Kapampangan
■ Noong anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal,
lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng
Pambansang Wika ng Pilipinas.

■ Noong 1959, inilabas ni Kalihim Jose E. Romero ng


Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang “ kailanma’t
tutukuyin ang Wikang Pambansa, ito ay tatawaging
Pilipino.”
■Nagkaroon ng digmaang pangwika.
• Naghari sa damdamin ng mga di Tagalog ang
rehiyonalismo.
• Nakadarama sila ng damdaming kakulangan, na
sila’y kinokolonya o napasailalim ng mga Tagalog.
• Para sa kanila, ang katawagang Pilipino ay
pagbabagong-bihis lamang ng wikang Tagalog.
■ Sa ginanap na 1971 Kombensyong
Konstitusyunal, bilang tugon sa
nangyayaring digmaang pangwika na
nagaganap sa panahong iyon, binuo ang
isang sab- komite – Komite sa Wikang
Pambansa na siyang namahala tungkol sa
isyu sa Wikang Pambansa at nagsagawa ng
mga rekomendasyon sa palisi na susundin.
■ Inirekomenda ng Komite na alisin ang
Pilipino atpalitan ng isang bagong
“komon na wikang pambansang tatawaging
FILIPINO batay sa mga katutubong wika sa
bansa at maging ang
asimilasyon ng mga salita mula sa mga
dayuhang wika” (Tupaz 1973 sa Llamzon,
1977).
■ Konstitusyon, Art. XIV, Sek. 3:
Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at formal na pagpapatibay
ng isang panlahat na wikang pambansa na kikilalaning Filipino.

■ Noong Oktubre 12, 1986, pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng Filipino bilang pambansang
wika, gaya ng isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas (Artikulo XIV, Seksyon 6)

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa batay sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.

Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa mga maaaring ipasya ng kongreso, dapat magsagawa
ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo ng sistemang pang-edukasyon.”
■Samantalang noong Marso 12, 1987, sa isang Order
Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987, sinasabing gagamitin ang
Filipino sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas.
Kasunod ng pagpapatibay sa Konstitusyon ng 1987 na
nagsasaad na ang pambansang wika ay Filipino.

■ Saligang-Batas ng 1987
Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at
sa iba pang mga wika.
■ Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: WIKA

○ SEK.6.Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

SEK.7.Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo,ang mga wikang opisyal ng


Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinadhana ang batas,Ingles.

○ SEK.8.Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin


sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.-

○ SEK.9.Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na


binubuo ng mga kinatawan ng iba’t- ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika
MGA BATAS, KAUTUSAN, MEMORANDUM AT SIRKULAR NA MAY
KINALAMAN SA WIKANG PAMBANSA

● 1. Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas (1935) “…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na katutubong
wika…”

● 2. Batas Komonwelt bilang 184 (1936) Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan
nito kabilang na rito ang pagpili ng isang katutubong wika na siyang pagbabatayan ng wikang
pambansa.

● 3. Kautusang tagapagpalaganap blg. 134 (1937) Ipinahayag na ang tagalog ay siyang magiging
batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas. 4. Kautusang Tagapagpalaganap blg. 263 (1940)
Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at balarila ng wikang pambansa, at
itinatagubilin din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan,pambayan man o pribado.
● . Batas Komonwelt blg. 570 (1946) Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging isa sa mga
wikang opisyal ng Pilipinas.

● 6. Proklama blg. 12 (1954) Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang


ng Linggo ng Wika sa Marso 29 hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa.

● 7. Kautusang Pangkagawaran blg. 7,s.1959. Nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero at itinatagubilin na


kailaman at ang tinutukoy ay ang wikang pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang itatawag.

● 8. Kautusang Pangkagawaran blg.24,s.1962 Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na


simulan sa taong –aralan 1963-1964. Ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag na sa
wikang Filipino.

● 9. Kautusang Tagapagpaganap blg. 60 s. 1963 Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos


na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.
● 10. Kautusang Tagapagpaganap blg. 96 s. 1967 Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at
nagtatadhana na ang lahat ng edipisyo,gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa
Filipino.

● 11. Memorandum Sirkular blg. 172 (1968) Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas
at ipinag- uutos na ang mga ”letterheads” ng mga tanggapan ng pamamahalan ay isulat sa
Filipino. Kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-uutos din na ang pormularyo sa
panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Filipino gagawin.

● 12. Memorandum Sirkular blg. 199 (1968) Itinatagubilin ang pagdalo sa seminar sa Filipino ng
mga kawani ng pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba‟t
ibang purok linggwistika ng kapuluan.
● 13. Kautusang Tagapagpaganap blg. 187 (1969) Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-
uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan,tanggapan at iba pang sangay ng pamahalan na
gamitin ang wikang Fillipino hanga‟t maari sa Linggo ng Wikang pambansa at pagkaraan
man nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon.

● 14. Memorandum Sirkular blg. 384 (1969) Pinalabas ni Kalihim tagapagpaganap Alejandro
Melchor na nagtatalaga ng mga may kakayahang tauhan upang mamahala ng lahat ng
komunikasyon sa Filipino sa lahat ng kagawan, kawanihan ,tanggapan at iba pang sangay
ng pamahalaan kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan.

● 15. Kautusang Tagapagpaganap blg. 304 (1971) nilagdaan ng Pangulong Marcos na


nagpapanauli sa dating kayarian ng Surian ngwikang pambansa at nililiwanag ang mga
kapangyarihan at tungkulin nito.
● 16. Atas ng Pangulo blg. 73. (1972) Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-aatas sa
Surian ng Wikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga wikang sinasalita
ng maylimapung libong (50,000) mamamayan alinsunod sa probisyon ng Saligang
Batas Artikulo XV Pangkat 3.

● 17. Kautusang Pangkagawaran blg. 25 (1974) Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel


ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, na nagtatakda ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng patakarang edukasyong baylingwal.

● 18. Memorandum Pangkagawaran blg. 194 (1976) Nilagdaan ni Kalihim Juan


Manuel na itinatagubilin sa mga guro Ang mga bagong tuntunin sa ortogapiyang
Pilipino.
● 19. Memorandum ng MECS blg. 203 (1978) Accelerating the Attainment of
the Goals of Bilinggual Education.

● 20. Kautusang Pangkagawaran blg. 203 (1978) Paggamit ng katagang


“Filipino” sa pagtukoy sa wikang Pambansang Pilipinas. Nilagdaan ni
Kalihim Lourdes Quisumbing ng kagawaran ng Edukasyon, Kultura at
Isports.

● 21. Kautusang blg. 52 (1987) Ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal ng


1987 22. Kautusang Pangkagawaran blg. 54 (1987) Panuntunan ng
Implementasyon ng Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987.
● 23. Kautusang Pangkagawaran blg. 81 (1987) Ang Alpabeto at patnubay sa
ispeling ng Wikang Filipino.
Saligang Batas ng 1935
Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika
Saligang Batas ng 1937
Ang Batasang Pambansa ay dapat
gumawa ng mga hakbang tungo
sa paglinang at pormal na
adopsiyon ng isang panlahat na
wikang pambansa na tatawaging
Filipino.
Artikulo XIV ng
Saligang Batas 1987:
WIKA
SEK.9
Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang
pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t- ibang mga
rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga
wika.
“ EBOLUSYON
NG WIKANG
FILIPINO “
•wika ang tagapagpadala ng ideya tungkol sa
mabisang pakikiag-ugnayan.
•tulay ang pambansang wika sa pagkakaisa at pag-
unlad ng bansa
Dr. Aurora Batnag (Kabayan 2001)

- nabubuklod ng Wikang Filipino ang watak


watak na isla ng bansa kahit pa ito ay
multilinggwal at multicultural
"Wikang Filipino: Kasangkapan sa
Pagpapahayag ng Ideolohiyang
Filipino"
●sariling wika ang Tagalog sa
mahigit na isandaang taon.
●opisyal na wika ng Konstitusyon ng
Malolos.
Jose Villa Panganiban (1994)
"Bago pa man dumating ang mga Kastila
gumagamit na ang mga ninuno natin ng
Baybayin o Alibata."
Alibata (1300) - Luzon at Visayas
Mga Epiko:
Bisaya, Tagalog, Iluko, Ipugaw, Bikol

Sanskrito - Mindanao at Sulu


Epiko:
Magindanaw
(Kabayan: Agosto 17, 2001)
Sen. Blas Ople
"Mahalagang parte ng kasaysayan ng Pilipinas a
noong 1898."ng naging ebolusyon ng ating
Pambansang Wika mula ng itatag ang unang
konstitusyon
Dr. Pamela Constantino
"Tagalog Pilipino / Filipino: Do They Differ?"

Executive Order No. 134 (Dec. 30,1937)


• Tagalog ang basehan ng Wikang
Pambansa1940 - Tagalog was taught in
all public and private schools.
• 1943 - Filipino National Language (Pilipino) based on
Tagalog (1959) (Department order no. 7) passed by
DepEd Sec. Jose Romero.
• 1959 - Language for teaching and subject national
language (Pilipino).
• Stopped when Filipino was the national language (1987
Constitution)
"Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga
Pilipino?"
Bob Ong (2000)
• Iba-iba ang sinasabi ng mga dyaryo, magazine, at libro ukol sa
Wikang Pambansa.
• Governor Osmeña: "Hindi patas kung pipiliting mag-Tagalog ang
mga hindi Katagalugan."
• 1987 - Binago ng Komisyon ng Wikang Pambansa ang
pagbabaybay ng mga pantig sa wikang Filipino halaw
sa alpabetong English.
• Modernong Alpabetong Filipino: 28 na letra kasama
ang "ñ" (Kastila) at "ng" (Alibata)
• 2001 - pamantayan sa wastong paggamit
ng mga hiram na titik pagsasalin ng mga
salita mula sa ibang bansa.
• 2007 - muling ipinahinto ang mga
pamantayang ito
paglalahat
(Bolima,james jupet)
Paglalagom
-Magbahagi ng iyong
natutuhan sa aralin
ngayong araw na
talakayan.
“ MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG !! “
Taga pag ulat ;
BALANE, ROZELA MAE
BOLIMA, JAMES JUPET
CAJAN, RUSIAN MAE
YANELA, HANA MAE

You might also like