You are on page 1of 5

KABANATA 1: SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASANAYAN

PANIMULA……………………………………2
LAYUNIN……………………………………..3
PAGPAPALAGAY……………………………3
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL……......4
SAKLAW AT DELIMITASYON……………..4
KAHULUGAN NG MGA SALITA …………5

1
KABANATA 1

SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASANAYAN

PANIMULA

Sa Paglipas ng panahon, tila ba naging masayadong makapangyarihan na ang


sistema at kakayahan ng pera sa ating mundo. Na kung saan, kung di ka maingat sa
paghawak nito ay maaring ngayon milyonaryo ka pagdating naman bukas pulubi ayi ka
ulit. Ganyan ka importante Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan
pagdating sa paghawak at paggamit nito, dapat marunong tayo sa tinatawag na
financial literacy. Ngunit ano nga ba ito?

Ayon kay Lusardi (2017) "ang financial literacy daw ay Isang kaalaman na kung
saan may aim(goal) itong kaginhawaan". Lalo na sa panahon natin ngayon, na kung
saan mas kailangan natin maghanda sa mga isyu na hatid ng Globalisasyon. Kaya
nararapat lang na marunong tayo humawak, gumamit, at magpaikot sa sistema ng
kaperahan kahit na tayo'y estudyante pa lamang.

Ang kahusayan sa "financial management" ay ang kaalaman at pag-uugali na may


kaugnayan sa pamamahala ng iyong pera. Ito ay kinabibilangan ng pag-unawa kung
paano bayaran ang mga bill, bumili o umutang, at magtipid ng pera nang may
responsibilidad, at gumawa ng mga desisyon tungkol sa mga pag-iinvest.

Ayon sa 2014 S&P Global Financial Literacy Survey, lamang 57 porsyento ng mga
matatandan ang may kahusayan sa pananalapi, samantalang Ang mga libro tulad ng
Dummies Guide to Financial Literacy, mga magasin tulad ng Kiplinger, at iba pang mga
mapagkukunan ay maaaring tumulong para mapalakas ang kahusayan sa sa pera.

2
Ang kahusayan sa financial management ay tinatawag din na isang pundasyon para
sa indibidwal na kabutihan sa ekonomiya.

Ayon naman Kay Huston (2010) "Ang financial literacy daw ay nangyayari kung ang
Isang indivibidwal ay nagkakaroon ng skills at abilities (Kakayahan) na mapanatili o
magamit ng maayos Ang mga resources na meron siya patungo sa kanyang mithiin at
tagumpay. Sa madaling salita, ang financial literacy ay Isang kakayahan na maaring
magdala sa ating sa kahit anong tagumpay na ating mimithiin.

Kaya ang pag-aaral na ito ay maaaring maging dahilan o paunang hakbang upang
magkaroon at magpalawak Ng sapat na kaalaman ang mga tao Lalo na Ang mga
mag-aaral ukol sa tamang paghawak ng pera, hindi lamang sa paaralang ito kundi pati
na rin sa ibang panig ng ating bansa.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag aaral na ito ay naglalayon na makakalap ng impormasyon ukol sa


kaalaman ng mga estudyante pagdating sa pangangalaga at tamang paggamit ng pera
sa Golden Success College Manila.

Specifically, ang pag-aaral na ito ay may layuning sagutin ang tatlong katanungan;
1. Ano ang epekto ng "level of Financial literacy" ng mga estudyante sa
kani-kanilang mga buhay?
2. Ano Ang pinakamabisang paraan upang mapalago Ang kaalaman ng mga
estudyante ukol sa paghawak ng pera?
3. Gaano nakaapekto ang kanilang kultura at paniniwala pagdating sa kanilang
kaalaman sa tinatawag na "Financial literacy"?

PAGPAPALAGAY(Assumption)

Ang mga Mananaliksik/Researcher ay gumamit ng mga sumusunod na


PAGPAPALAGAY;
1. Ang mga makukuhang impormasyon ay tama at mapagkakatiwalaan.
2. May kaunting kaalaman ang mga estudyante ukol sa financial literacy.

3
3. Ang mga guro at estudyante ay alam kung gaano kahalaga ang kaalaman sa
paghawak ng pera.
4. Ang eskwelahan ay nagkakaroon ng mga gawain/activities ukol sa edukasyong
pang pinansyal.
5. Ang mga mag-aaral ay may alam sa salitang savings, deposit, wages, tax, loans,
assets, at liabilities na sadyang importanteng malaman sa kasalukuyang
panahon.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga sumusunod;

Students. Isa sa mga beneficiaries ng pag-aaral na ito ay ang mga estudyante, na


kung saan magkakaroon Sila ng tinatawag na "awareness" pagdating sa kung papaano
nga ba ang tamang pagbudget, paggasta, at paggamit ng pera. Nang sa gayon ay mas
maging epektibo bilang indibidwal at myembro ng lipunan.

School Administrators. Hindi lang estudyante ang maaaring matulungan nito, kundi
pati na rin ang mga guro, school personnel's at mga stuff nito.

Government Agencies. Ang mga government Agencies ay makakakuha Ng


impormasyon kung gaano nga ba ka "literate" ang mga estudyante pagdating sa
tamang paghawak ng salapi.

DepEd. Kung papalarin, maaaring ito ang maging basehan ng Gobyerno at DepEd
kung ano Ang kanilang sunod na hakbang ukol sa mga impormasyong ituturo sa mga
estudyante Lalo na sa usaping pinansyal.

Future Researcher. Panghuli ay ang mga Future Researchers, maari silang kumuha
ng ideya dito bilang parte Ng kanilang pag-aaral at maari rin nilang gawing basehan ang
bawat laman nito. Maari nila itong gawing reference kung sakaling kailangan nila o
maghanap sila Ng isang source na valid at mapagkakatiwalaan.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay nakabase lamang sa impormasyong makukuha sa mga


piling estudyante sa nasabing paaralan. Ang mga Mananaliksik ay pipili ng mga
estudyante na maaring maging respondents sa nasabing pag-aaral.

4
At ang pangunahing layunin nito ay malaman kung gaano nga ba kataas Ang level of
knowledge ng ating mga estudyante ukol o pagdating sa paghawak ng pera.
Kaya, ang mananaliksik ay hindi kukuha ng ano mang impormasyon at respondents sa
labas ng paaralan.

Ang pag-aaral na ito ay gagawin sa Golden Success College Manila, Senior High
Department Academic year 2023-2024. At ang pagpili ng respondents ay nakabasi sa
"random sampling" para sa mga Senior High School students lamang.

KAHULUGAN NG MGA SALITA

Ang mga salitang ito ay ginamit ng mga mananaliksik base sa kung papaano ito
bigyang kahulugan sa pag-aaral na ito;

● Financial literacy - Ang Financial Literacy ay ang kaalaman tungkol sa ating


buhay-pinansyal, o kaalaman sa tamang paghawak ng pera, tamang pag-iipon,
tamang paggastos, at kung paano mapapalago ang pera.

● Globalisasyon - Ito ay naglalarawan sa lumalawak na ugnayan ng mga


ekonomiya, kultura at populasyon ng mundo bunsod ng mabilis na palitan ng
mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa, pag-unlad ng teknolohiya,
daloy ng salapi, migrasyon at mabilis na palitan ng impormasyon.

● Mananaliksik/ Researchers- ang kahulugan ng mananaliksik o researcher sa


ingles ay isang tao kumakalap at naghahanap ng mga impormasyon at
mahahalagang detalye ukol sa isang paksa.

● Respondents - Ang mga indibidwal na magsasagot sa survey o interview na


gagawin Ng mga mananaliksik. Sa kanila makukuha ang impormasyong
hinahanap sa pag-aaral na ito.

You might also like