You are on page 1of 33

Kabanata 1

PANIMULA

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang Libertad National High School ay isa sa mga pampublikong paaralan

sa bayan ng Suraallah. Isa ito sa paaralang may pinakamalaking bilang ng mga

mag-aaral sa South Cotabato. Pagdating sa Senior High School, wala nang

bayad ang mga mag-aaral katulad sa iba pang pampublikong paaralan

alinsunod sa patakaran ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang K to 12 Kurriculum

ay isang sistema kung saan may karagdagang dalawang taon sa High School.

Meron itong tatlong track: Academic Track; Technical-Vocational Track; at GAS.

May tatlong strand na nakapaloob sa Academic Track, ang STEM o Science,

Techonology, Engineering, and Mathematics, ABM o Accountancy, Business,

Management, at HUMSS o Humanities and Social Sciences.

Isang paraan ang pagnenegosyo sa pagpapa-usbong ng pamumuhay

sa bawat mamamayan.Ang ABM o Accountancy, Business, and Management

ay isa sa mga strand na inaalok sa Academic Track ng Senior High School.

Layunin nitong mabigyan ng sapat na kaalaman ang bawat mag-aaral na

kukuha ng Accountancy, Business, Management at iba pang business-related

na mga kurso sa kolehiyo.

Alam naman natin na ang pagnenegosyo ay isa sa mga pinakamaraming

trabaho sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Nakakatulong ito sa

pagpapalago ng isang bansa, lalong-lalo na sa pang-ekonomikong kalagayan

ng bansa.
Isinagawa ang pananaliksik na ito upang ipaunawa sa mga mambabasa

ang antas ng kaalaman sa pagnenegosyo ng mga mag-aaral ng Grade 10 sa

Libertad National High School. Layunin nitong mahikayat ang mga mag-aaral

na kumuha ng ABM Strand at malaman kung ano ang kanilang interes sa

buhay. Ang pag-aaral na ito ay may ginagampanang mahalagang tungkulin

sapagkat ito ay magsisilbing gabay at patnubay sa pagkamit ng landas na

gustong tahakin ng isang mag-aaral. Nakakatulong ito upang mamulat at

mapalawak ang kanilang kaisipan at kagustuhan tungkol sa pagnenegosyo,

mabigyang linaw ang kanilang mga katanungan, mabatid nila ang kanilang

tunay na ninanais na maging trabaho balang araw para makamit nila ang

landas tungo sa magandang kinabukasan.

Paglalahad ng Suliranin

Ang mga mananaliksik ay naglalayong sukatin ang antas ng kaalaman ng

mga mag-aaral sa pagnenegosyo sa Libertad National High School. Ang

pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapin na bigyang kasagutan:

1.Ano-ano ang kaalaman ng mag-aaral ng sa pagnenegosyo?

2.Ano-ano ang maaaring idulot ng pagnenegosyo?

1.1 Kabutihang dulot

1.2 Di kabutihang dulot

2. Ano-ano ang mga karanasan ng mga mag-aaral sa pagnenegosyo?

Kahalagahan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral at

magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang

magkaroon ng karagdagang impormasyon at kaalaman ang mga mag-aaral, at

pamulatin ang pag-iisip ng estudyanteng may interes sa pagnenegosyo. Sa

pamamagitan nito ay maagang mamumulat ang bawat isa sa kahalagahan ng

pagmamahal sa ginagawa tungo sa magandang kinabukasan at mabuksan ang

bawat kamalayan sa mga bagay-bagay at mabigyang linaw at kasagutan ang

kanilang mga katanungan tungkol sa pagnenegosyo.

Sa mga Guro. Ito ay makatutulong upang malaman kung ano ba ang

antas ng kaalaman ng kanilang estudyante sa pagnenegosyo nang sa ganoon

ay mabigyan ng sapat na patnubay at masubaybayan nila ito sa tamang landas.

Sa mga Magulang. Ang magiging resulta ng pag-aaral na ito ay

makakatulong upang malaman nila ang nais sa buhay ng kanilang anak. Sa

pamamagitan nito, mabibigyan nila ng sapat na atensyon at suporta ang

kanilang anak sa nais nitong kuning strand sa Senior High School.

Sa Paaralan. Ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay magsisilbing

gabay at batayan upang mas mapaunlad pa ang pamamahala sa loob ng

paaralan. Sa pamamagitan nito, mas matutuunan ng atensyon ang mga dapat

gawin upang magkaroon ng kaalaman ang mga estudyante sa pagnenegosyo.

Sa mga susunod pang henerasyon. Ito ay makakatulong upang sila ay

magkaroon ng malawak na karunungan at mapalawak ang kanilang kaisipan sa

pagnenegosyo.
Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa antas ng kaalaman ng mga piling

mag-aaral ng Grade 10 sa pagnenegosyo sa Libertad National High School. Ito

ay gagawin sa loob ng isang semester lamang taong 2018-2019

Operasyunal na Kahulugan ng mga Termino

Ang mga sumusunod na mga salita, parirala o katawagan ay binigyan ng

katuturan para sa ikadadali ng pag-unawa sa pag-aaral na ito.

ABM – Ang ABM o Accountancy, Business and Management ay isa sa mga

strand na inaalok sa Academic Track ng Senior High School. Layunin nitong

mabigyan ng sapat na kaalaman ang bawat mag-aaral na kukuha ng

Accountancy, Management at iba pang business-related na mga kurso sa

kolehiyo. Bukod sa pagkakaroon nito ng mga espesyal na mga asignatura gaya

ng Fundamentals of Accounting, Organization and Management, Business

Math at iba pa. Nakakatulong din ito sa mga mag-aaral upang malaman ang

iba’t ibang kakailanganin kung ipagpapatuloy pa itong kurso pagdating ng

kolehiyo.

NEGOSYO – Ang negosyo ay isang paraan kung saan ka kikita ng salapi

kapalit ng magandang serbisyo na ibinibigay mo sa tao, customer o mga

mamimili. Ito ay maaaring makatulong sa iyo upang maging matagumpay sa

hinaharap.

ENTREPRENYUR – Ito ay tawag sa isang indibidwal na nagsasaayos,

nangangasiwa, at nakikipagsapalaran sa isang negosyo.


ENTREPRENYURSYIP – Ito ay ang kakayahan ng isang indibidwal na mabatid

ang kalakal at serbisyo na kailangan ng tao at maihatid ang mga ito sa tamang

panahon, tamang lugar at tamang madla at maibenta sa tamang halaga.

KITA – Ito ay ang halaga na katumbas ng ginawang produkto at serbisyo.

MAMIMILI – Ito ay ang mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at

serbisyo upang magkaroon ng kasiyahan at matugunan ang pangangailangan

at kagustuhan.

MICRO ENTERPRISE – Ito ay tumutukoy sa isang maliit na negosyo na

binubuo ng siyam o mas mababa na empleyado.

PHILIPPINE INSTITUTE FOR DEVELOPMENT STUDIES (PIDS)-Ito ay isang

pag-aari ng gobyerno at kontroladong korporasyon ng Philippine National

Government.

REPUTASYON – Ito ay isang paniniwala o opinyon na kadalasang ibinabatay

sa isang tao o bagay. Ito ang kapurihan at kadangalan ng isang tao.

PRANGKISA – Ito ay isang permiso na ibinibigay ng gobyerno o kumpanya sa

isang indibidwal o grupo na nagpapahintulot sa kanila na makapagnegosyo.


Batayang Konseptwal

Profile
 Mag-aaral
-kasarian Antas ng Kaalaman
-edad ng mag-aaral sa
-antas ng pagnenegosyo
grado

Epekto sa
Accountancy,
Business, and
Management Strand

Figure 1. Iskema ng Pag-aaral


Makikita sa Figure 1 ang profile ng mag-aaral, kasarian, edad, at antas

ng grado. Ipinapakita din dito ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa

pagnenegosyo upang magabayan sila kung anong strand sa Senior High

School at kurso sa kolehiyo ang dapat nilang kunin. Ipinapakita din dito ang

epekto nito sa ABM strand kung may positibo o negatibong epekto ba ito. Sa

pamamagitan nito, mahihikayat at madadagdagan ang kaalaman ng mga mag-

aaral na kukuha ng ABM strand dahil magagabayan sila sa kanilang tunay na

ninanais.
Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Makikita sa kabanatang ito ang mga publikasyong may kinalaman sa

pananaliksik na ito, kasama na ang mga pahayagan, aklat, web page, gayundin

ang ibang kaugnay na pag-aaral tulad ng tesis at disertasyon at iba pang

sanggunian na magagamit na batayan sa pagsusuri.

Kaugnay na Literatura

Ayon sa libro ni Shaw at Kay (1945), ang pagtatayo ng sariling negosyo

ay maganda lalo na kung may sapat na pera. Makabibili ang negosyante ng

sariling lugar para sa negosyo kadalasan sa nagbabalak magtayo ng negosyo,

mas pinipiling magprangkisa dahil sa kasiguraduhan na mayroong tiyak na

tumangkilik kumpara sa pagtatayo ng negosyo na di pa kilala. Mahirap man

makakuha ng mga mamimili ang bagong negosyo, mas mahirap ang

kinahaharap ng mga nagpaprangkisa ng isang negosyong may masamang

reputasyon. Kinakailangan pang bawiin ulit ang tiwala ng mga mamimili ng

nasabing negosyo at iparamdam sa mga mamimili ng mapagkakatiwalaan ang

negosyong pinaprangkisa.

Ayon sa aklat nina Megginson, et.al., (1987), ang pagtatayo ng sariling

negosyo ay magandang pagkakataon para sa negosyante upang makamit ang

kanyang personal na tagumpay sabay sa tagumpay ng negosyo. Nagkakaroon

ang negosyante ng kalayaan sa pagdedesisyon. Nakapagbibigay ng

oportunidad para makahilom ng malaking halaga ng pera. Malaking bahagi din


ang pamilya kaya nagtatayo ng sariling negosyo sapagkat marami ang

nagnanais mamahala ng sariling negosyo kaysa mamasukan.

Ayon sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS

(2011), mahigit pa sa 90% ng mga business enterprises sa bansa ay micro

enterprises, habang 8% dito ay SMEs. Hindi makakaila na napakalaki ng

kontrribusyon ng mga maliliit na negosyante sa ating ekonomiya.

Ayon kay Fr. Anton Pascual (2015), sa ating bansa bago ka makautang

sa mga financial institutions, maraming kahingian na kailangang punan. Ito ang

pangamba ng mga maliliit na negosyante o Small and Medium Enterprises

(SMEs) ang inaakala nilang maraming documentary requirements. Ang balakid

na ito ang pumipigil sa marami na magsimula ng ligal na negosyo o kumuha ng

karagdagang tauhan.

Ayon naman kay Scarborough N. at Zimmerrer T. (2000), sa loob ng

limang taon na pamamalakad ay 85% ng mga prangkisang negosyo ay

nagtatagal sa industriya kumpara sa 50% ng mga “independent” o sariling

negosyo. Ngunit hindi ito nangangahulugang kapag mas piniling magprangkisa

ang negosyante ay nagiging maunlad at tagumpay. Ang maayos na takbo ng

negosyo ay nakasalalay parin sa magandang pamamahala ng nagmamay-ari

nito.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Bartolome, A. (2008), ang pagpaprangkisa

ay mas praktikal kaysa sa pagtayo ng sariling negosyo sapagkat hindi na nito

masyadong kailangan ng malawakang pagpapakilala o “advertising” sa mga

konsyumer. Nang dahil sa ang pangalan ng negosyo ay naglalaro na sa


industriya, subok na ang kalidad ng kanilang produkto at serbisyo kaya mas

nahihikayat ang mga mamimili na tangkilin ang kanilang negosyong prangkisa.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon pa kay Magbaguio, N. (2008), sa pamaraang paggamit ng ads

kung saan ang pangunahing layunin ay ang akitin ang mga mamimili na

tangkilikin at bilhin ang mga produktong isinusulong. Makakatulong sa

pagpapalaki ng negosyo ang pamamaraan ng paggamit ng advertising. Isa ito

sa importanteng makakaapekto sa pag-unlad ng negosyo dahil ito ay

humihikayat sa mga mamimili.

Ayon kay Cabria (2016), sa makabagong panahon hindi ka lang dapat

nakaasa sa iisang paraan ng pagkita ng ikabubuhay gaya ng pagiging

empleyado. Di na kaila sa ating mga Pilipino na kapos o minsan naman ay

sakto lamang ang ating kinikita sa pamamasukan sa ating mga trabaho. Marami

ang nagsasabi na gusto nila mag negosyo, siyempre para kumita ng pera.

Totoo naman na sa pagnenegosyo kikita ka talaga ng pera.

Ayon naman kay David (2016), sa pag-aaral ng negosyo, malalaman mo

kung paano gamitin at sang-ayunan ang negosyo sa matagumpay na paraan.

Sa nabanggit, napakahalaga talaga na pag-aralan ang isang negosyo bago pa

man ito sisimulan. Napakaraming negosyo ang napalya dahil sa hindi maayos

na pagkaplano. Kung ganyan man ang pamamaraan hindi lalago ang isang

negosyo at parang nag-aaksaya kalang ng iyong pera.

Madalas naririnig na ang negosyo at ekonomiya ay magkasama. Ayon

David A. Eichenbaum (2007), ito ay dahil ang negosyo ang nagpapatakbo at


nagpapaunlad sa ekonomiya. Sinasabi rin dito na kadalasan, ang kaunlaran ng

isang bansa ay ibinabatay sa ekonomiya nito. Kaya naman, sa panahon

ngayon, napakalaking parte sa lipunan ang dalawang salitang ito. Masasabi na

kapag ang ekonomiya ay maunlad, ang pamumuhay ng mga taong napapaloob

ditto ay magaan.

Makikita sa The Worlds Billionaire Rank ng Forbes, karamihan sa mga

pinakamayayaman sa buong mundo ay mga negosyante o entreprenyur. Sila

ay mga karaniwang tao lamang na mayroong di pangkaraniwang mga ideya.

Ayon kay William Heinecke at Jonathan Marsh (2003), isa sa mga nagtutulak sa

mga negosyante na tahakin ang landas ng pagnenegosyo ay sa kadahilanang

sila ay mayroong mga magagandang ideya, ngunit sila’y nananatiling

nagtatatrabaho lamang para sa iba. Ayon pa kina Heinecke, ang mga

negosyanteng ito ay handang gumawa ng sakripisyo upang mapaunlad ang

sarili.
Kabanata III

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang disenyo ng pag-aaral, intsrumentong

gagamitin at pamamaraan sa pangangalap ng mga datos o impormasyon pati

na rin ang bilang ng mga respondente na makikilahok sa pag-aaral.

Nakapaloob dito ang mga gagamiting tagatugon sa paksang sinisiyasat.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang disenyo ng pag-aaral o pananaliksik ay deskriptib-kwestyuner

sapagkat naaangkop ito sa mga estudyanteng may pananaw tungkol sa

pagnenegosyo. Marami itong epekto sa pag-aaral nila, sa karunungan sa

pagnenegosyo at pakikipag-ugnayan nila sa ibang tao. Susuriin ng pag-aaral na

ito ang kasalukuyang kaalaman, damdamin, kaisipan, at pananaw ng mga mag-

aaral sa mga maaaring maging epekto ng pag-aaral sa pagnenegosyo sa

Accountancy, Business, and Management Strand.

Respondente ng Pag-aaral

Ang mga kalahok sa pananaliksik ay mga piling mag-aaral na nagmula sa

Grade 10 ng Libertad National High School. Ang mga respondente ay limitado

sa tatlumpung mag-aaral lamang na maaaring sumagot sa bawat talatanungan

na ipapamahagi ng mga mananaliksik.


Lokal na Pag-aaral

Ang pag-aaral ay isinagawa lamang sa Libertad National High School na

matatagpuan sa Brgy. Libertad, Surallah, South Cotabato.

Teknik sa Pagpili ng mga Respondente

Ang ginamit bilang teknik sa pagpili ng mga respondente ay Convenience

Sampling. Ito ay sapagkat ang mga respondenteng pipiliin ay limitado lamang

sa 30 na mag-aaral at hindi buong populasyon ng Grade 10. Ang populasyon

ay masyadong malaki at imposibleng isama ang bawat indibidwal. Ito ang

piniling teknik ng mga mananaliksik sapagkat ang mga pipiliing respondente ay

batay sa kanilang availability at easy access .

Instrumento sa Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay deskriptib-

kwestyuner o talatanungan na sariling gawa ng mga mananaliksik at

ipinavaledeyt sa tagapayo na si Gng. Mercedita G. Antenor. Ipamumudmod ito

sa 30 na mag-aaral sa Libertad National High School.

Ang talatanungan ay binubuo ng labing-isang katanungan at ipinasagot

sa mga respondente. Sinagot ng mga kalahok ang bawat tanong sa

pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa kanilang kasagutan.

Sa kabuuan, ang instrumentong gagamitin ay siyang magiging daan

upang makakuha ng mga datos na susuporta sa pag-aaral na ito.


Hakbang sa Paglikom ng mga Datos

Ang pamamaraan at hakbang ng pangangalap o paglilikom ng mga datos

ay nagsisimula sa paggawa ng talatanungan at susundan ng pag-eedit sa

instrumento para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at upang matiyak ang

kaangkupan ng mga tanong sa mga problemang nais lutasin ng mga

mananaliksik

Ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ang susunod. Personal na

pinamamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng mga talatanungan sa

bawat kalahok at ibibgay ang tamang panuto sa pagsagot upang makuha ang

nararapat na tugon. Ililikom ang mga instrumento at ihahambing ang mga sagot

ng bawat kalahok at bigyan ng kabuuan at konklusyon.


Kabanata IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN


NG MGA DATOS

Paglalahad at Pagsusuri ng mga Datos

Sa kabanatang ito inilalahad ang pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga

datos na nakalap mula sa mga respondenteng mag-aaral ng Libertad National

High School sa Surallah, Timog Kutabato. Ang suliranin ng mga mag-aaral ay

nabigyan ng kasagutan sa bahaging ito.

Talahanayan 1. Strand na Gustong Kunin ng mga Mag-aaral sa

Pagnenegosyo

Tanong STEM ABM HUMSS Wala sa mga


nabanggit
1.Anong 5 2 20 3
strand ang
gusto mong
kunin
pagdating sa
Senior High
School?

Makikita sa talahayan 1 na 5 mag-aaral lamang ang gustong kumuha ng

Science, Technology, Engineering and Mathematics Strand. Samantala, 2 mag-

aaral lang ang gustong kumuha ng Accountancy, Business, and Management

Strand na mayroong pinakamababang bilang. Ang gustong kumuha ng

Humanities and Social Sciences Strand ay 20 mag-aaral na mayroong


pinakamataas na bilang at 3 mag-aaral lamang ang sumagot nang wala sa mga

nabanggit na strand ang kanilang kukunin. Maaaring sa ilalim ng Technical-

Vocational Livelihood na mga strand ang kanilang kukunin pagdating sa Senior

High School.

Talahanayan 2. Kagustuhan, Karanasan at Kaalaman ng mga Mag-aaral sa

Pagnenegosyo

TANONG OO HINDI
Negosyante ba ang 7 23
iyong magulang?

Naranasan mo na 15 15
bang magbenta o
magtinda ng mga
produkto?
May kabutihang 28 2
dulot ba ang
pagnenegosyo?

Gusto mo ba ang 8 22
asignaturang
Ekonomiks?
Alam mo ba kung 3 27
paano gumawa ng
business plan?
Alam mo ba ang 5 25
ginagampanan ng
demand at supply sa
negosyo?
Madali ba ang 5 25
pagnenegosyo?

Marunong ka bang 6 24
magkompyut ng kita
ng isang negosyo?

Makikita sa talahayan 2 na 7 mag-aaral lamang ang negosyante ang

magulang at 15 mag-aaral naman ang may karanasan na sa pagtitinda o

pagbebenta ng mga produkto. Lahat ng mga respondenteng mag-aaral ay


nagsasabing may kabutihang dulot ang pagnenegosyo. Ang mga mag-aaral na

may gusto sa asignaturang Ekonomiks ay 8 lamang. Samantala, 3 lamang ang

may alam kung paano gumawa ng isang business plan at 10 naman ang may

alam kung ano ba ang ginagampanan ng demand at supply sa negosyo.

Limang mag-aaral ang nagsasabing madali ang pagnenegosyo at 6 naman ang

marunong magkompyut ng kita ng isang negosyo. Masasabing mababa ang

kaalaman ng mga mag-aaral sa pagnenegosyo.

Talahanayan 3. Kabutihang Dulot at Di Kabutihang Dulot ng

Pagnenegosyo ayon sa Kaalaman ng mga Mag-aaral

Tanong Maginhawang Kompetisyon Pagtaas Nagbibigay ng


buhay sa pangangailang
pambansa an at
ng kita kagustuhan ng
tao
Ano ang
kabutihang
5 0 7 18
dulot ng
pagnenegosyo?
Ano ang di
kabutihang
0 30 0 0
dulot ng
pagnenegosyo?

Makikita sa talahayan 3 na 5 mag-aaral lamang ang nagsasabing ang

kabutihang dulot ng pagnenegosyo ay maginhawang buhay at 7 ang

nagsasabing pagtaas ng pambansang kita. Samantala, 18 naman ang

nagsasabing nagbibigay ng pangangailangan at kagustuhan ng tao ang

kabutihang dulot ng pagnenegosyo na may pinakamataas na bilang. Sa


kabilang dako, makikita sa talahanayan na 30 mag-aaral ang nagsasabing

kompetisyon ang di kabutihang dulot ng pagnenegosyo.

Upang matukoy kung mataas o mababa ang puntos na nakuha ng mag-

aaral sa kaalaman sa pagnenegosyo, ginamit ng mga mananaliksik ng rating

scale mula sa pag-aaral nina (Dema-ala,et.al,2015)

Porsiyento Pagpapakahulugan

90-100% Mataas

80-89% Katamtaman

79 pababa Mababa

Ang talahayan 4 ay naglalahad ng antas ng kaalaman ng mga

respondenteng mag-aaral sa pagnenegosyo na kasangkot sa pag-aaral na ito.

Talahayan 4. Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa Pagnenegosyo ng

Libertad National High School, Surallah, Timog Kutabato

Bilang ng Porsiyento Pagpapakahulugan


Mag-aaral
2 6.67% Mataas

19 70% Katamtaman

9 23.33% Mababa

Makikita sa talahayan na dalawang mag-aaral lamang ang mag-aaral

na nakakuha ng mataas na ibig sabihin mayroong maraming alam sa

pagnenegosyo na katumbas ng 6.67% . Samantala, 19 na mag-aaral naman


ang may katamtamang kaalaman sa pagnenegosyo na may porsiyentong 70%

at may pinakamalaking bilang. Samantala, 9 na mag-aaral ang kaunti lamang

ang nalalaman sa pagnenegosyo na may porsiyentong 23.33 % at may

mababang resulta. Makikitang kunti sa mag-aaral ang may alam sa

pagnenegosyo. Katamtaman lamang sa mga mag-aaral ang may alam sa

pagnenegosyo.

KABANATA V
BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng buod ng pag-aaral, konklusyon

at rekomendasyon para ang solusyon sa problemang naitala sa pag-aaral na ito

ay maibigay.

Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang Accountancy, Business, and

Management: Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa Pagnenegosyo. Ang

pangunahing layunin ng mga mananaliksik ay matukoy ang antas ng kaalaman

ng mga mag-aaral sa pagnenegosyo ng Libertad National High School,

Surallah, South Cotabato.

Sa tulong ng mga piling respondente mas napadali ang pagkalap ng mga

datos at pagtukoy sa antas ng kaalaman sa pagnenegosyo ng mga mag-aaral.

Pinili ang respondenteng mag-aaral mula sa Libertad Natioanl High School

upang mapatunayan ang antas ng kaalaman nila sa pagnenegosyo at

makabubuo ng isang programa upang madagdagan ang kanilang kaalaman

ukol dito. Hinayaang sagutin ng mga respondente ang sarbey-kwestyoner o

talatanungan na naglalaman ng mga pahayag na makapagtukoy ng kanilang

kaalaman tungkol sa pagnenegosyo.

KONKLUSYON
Matapos ang pangangalap ng mga datos, ito’y masinsinang sinuri at

binigyang pagpakahulugan sa pamamagitan ng talahanayan at binigyang

kasagutan ang mga suliranin ng pag-aaral.

Matapos ang pangangalap ng mga kinakailangang datos at pag-aanalisa

sa resulta ng pananaliksik, ang mga suliranin ng pag-aaral ay nabigyang

kasagutan.

Sa kabuuang talumpung (30) respondente, 6.67% lamang ang nakakuha

ng mataas,samantala 70% naman ang nakakuha ng katamtaman na may

pinakamalaking porsiyento at 23.33% ang nakakuha ng mababa.

Sa kabuuan, nangangahulugang katamtaman ang antas ng kaalaman ng

mga mag-aaral sa pagnenegosyo ng Libertad National High School sa taong

panuruan 2018-2019, batayan ng mga mananaliksik sa pagbuo ng programa sa

pagnenegosyo.

REKOMENDASYON

Matapos ang masusing pangangalap ng kinakailangang datos, buong

pagkumbabang iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga taong may

katungkulan :

1. Punongguro - Iminumungkahi ang pagkakaroon ng mga programa na tungkol

sa pagnenegosyo sapagkat napatunayan ng pag-aaral na ito na mababa ang

porsiyento ng mag-aaral na may interes sa pagnenegosyo upang mahikayat


ang mga mag-aaral na kumuha ng ABM strand at magkaroon nang sapat na

kaalaman sa pagnenegosyo.

2. ABM Coordinator - Iminumungkahi ang pagkakaroon ng seminar workshop at

mag-imbita ng mga matagumpay na entreprenyur na maging tagapagsalita.

3. Guro – Inirerekomenda ang paghikayat sa estudyante na makilahok sa mga

programa ng ABM strand.

4. Magulang – Inirerekomenda ang pagbigay suporta at pahintulot sa mga

programa ng ABM at bigyang inspirasyon ang anak upang magkaroon ng

interes sa pagnenegosyo.

5. Mananaliksik - Maaaring gamitin ng iba pang mananaliksik ang pag-aaral na

ito bilang kaugnay ng pag-aaral at karagdagang gamit sa aklatan.


TALASANGGUNIAN

Mga Aklat

Bartolome, A. (2008). Overview of Franchising.USA:Golden


Morning Blessings Franchise Developers.

Byrd, M., Megginson, L.W. & Scott, C. (1997).Small Business


Management: An Entrepreneur’s Guide to Success (2 nd Edition).USA:
Richard D. Erwin, Inc.

Eichenbaum, D.A. (2007). The Business Rules:The Seven Irrefutable That


Determine All BusinessSuccess.Canada:Entrepreneur Press.

Heinecke, W.E. & Marsh, J. (2003).25 Golden Rules for the Global
Business Manager.USA:John Wiley and Sons.

Kay, E. & Shaw, W. (1945).How to Start Your Business.USA:Ziff-


Davis

Luecke, R. (2006). Marketer’s Toolkit:The 10 Strategies You Need


to Succeed.USA:Harvard Business School Press.

Scarborough, N. M. & Zimmerer, T. W. (2000).Effective Small


Business Management: An Entrepreneurial Appproach.USA:Prentice Hall,
Inc.

Website

David,Gaby (2016). Retrieved March 17, 2018,from


http://academictrackabm.blogspot.com/2017/03/abm-ang-strand-na-dapat-
kunin-ng-mga.html.

“The Worlds Billionaire Rank”. Retrieved February 2010 from


http://www.forbes.com/lists/2009/10/billionaires-2009-richest-people.The
Worlds-Billionaires_Rank.html
APENDIKS A

ACCOUNTANCY, BUSINESS, AND MANAGEMENT:ANTAS NG KAALAMAN

NG MGA MAG-AARAL SA PAGNENEGOSYO

Pangalan(Opsiyunal)_________________________________Kasarian:Babae
Edad: 14 15 16 17 18 Lalaki

Panuto: Piliin ang iyong sagot sa bawat tanong at lagyan ng tsek (/).

1.Anong strand ang gusto mong kunin pagdating sa Senior High

School?

STEM ABM HUMSS Wala sa mga nabanggit

2.Negosyante ba ang iyong magulang?

Oo Hindi

3.Naranasan mo na bang magbenta o magtinda ng mga produkto?

Oo Hindi

4.Ano ang kabutihang dulot ng pagnenegosyo?

Maginhawang buhay Pagtaas sa pambansang kita

Kompetisyon Nagbibigay ng pangangailangan at

kagustuhan ng tao

5.Ano ang di kabutihang dulot pagnenegosyo?

Maginhawang buhay Pagtaas sa pambansang kita

Kompetisyon Nagbibigay ng pangangailangan at

kagustuhan ng tao
6.Gusto mo ba ang Asignaturang Ekonomiks?

Oo Hindi

7.Alam mo na ba kung paano gumawa ng isang business plan?

Oo Hindi

8.Alam mo ba ang ginagampanan ng demand at supply sa

pagnenegosyo?

Oo Hindi

9.Para sa iyo,madali ba ang pagnenegosyo?

Oo Hindi

10.Marunong ka bang magkompyut ng kita ng isang negosyo?

Oo Hindi
Marso 08,2018

Enrique U. Dela Cruz, Jr.


Principal IV
Libertad National High School
Surallah, South Cotobato

Ginoo,

Isang malugod na pagbati!

Ang Grade 11 ABM group seven (7) ay magsasagawa ng pananaliksik


hinggil sa “Accountancy, Business, and Management: Antas ng Kaalaman ng
mga Mag-aaral sa Pagnenegosyo” bilang pagtugon sa mga pangangailangan
sa Asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik.

Kaugnay nito, hinihingi po namin na pagtibayin ang pananaliksik na ito

upang makabuo ng isang ganap na awtput sa asignaturang Filipino.

Inaasahan po naming ang iyong positibong pagtugon sa kahilingang ito.

Maraming salamat po.

Gumagalang:

JOHANNA ROSE B. ROXAS


Group 7 Leader
Pinagtibay ni:

MERCEDITA G. ANTENOR
Guro sa Filipino

Inaprubahan ni:
ENRIQUE U. DELA CRUZ JR.
Principal IV
PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Johanna Rose Bernal Roxas

Tirahan: Purok Sta. Cruz, Katipunan, Sto.Nino, South Cotabato

Edad: 17

Araw ng Kapanganakan: Setyembre 20, 20001

Lugar ng Kapanganakan: Centrala, Surallah, South Cotabato

Mga Paaralang Pinagtapusan:

Elementarya: Magsaysay Elementary School

Sekondarya: Katipunan National High School


PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Lyn May Canayonan

Calibayan

Tirahan: Little Baguio, Surallah, South Cotabato

Edad: 17

Araw ng Kapanganakan: Setyembre 4, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Little Baguio, Surallah, South Cotabato

Mga Paaralang Pinagtapusan:

Elementarya: Little Baguio Elementary School

Sekondarya: Talisay Integrated School


PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Honey Grace Sialza Regonel

Tirahan: Sitio Santa Rita, Centrala, Surallah, South Cotabato

Edad: 18

Araw ng Kapanganakan: Marso 2, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Centrala, Surallah, South Cotabato

Mga Paaarlang Pinagtapusan:

Elementarya: Centrala Central Elementary School

Sekondarya: Centrala National High School


PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Kathleen Joy Labadia Ombid

Tirahan: T’ boli Village, Poblacion, Lake Sebu, South Cotabato

Edad: 18

Araw ng Kapanganakan: Pebrero 10, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Surallah, South Cotabato

Mga Paaralang Pinagtapusan:

Elementarya: Lake Sebu Elementary School

Sekondarya: Lake Sebu National High School


PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Kristine Dela Cruz Tampus

Tirahan: Sitio F. Montano, Naci, Surallah, South Cotabato

Edad: 18

Aarw ng Kapanganakan: Setyembre 5, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Naci, Surallah, South Cotabato

Mga Paaralang Pinagtapusan:

Elementarya: A.G Monsale Elemeantary School

Sekondarya: B.E.S.T. College of Polomolok


PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Ariel Publico Antonio

Tirahan: Purok 5, Centrala, Surallah, South Cotabato

Edad: 18

Araw ng Kapanganakan: Nobyembre 15, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Purok 5, Centrala, Surallah, South

Cotabato

Mga Paaralang Pinagtapusan:

Elementarya: Centrala Central Elementary School

Sekondarya: Thelsan School Incorporated


PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Chris John Enriquez Federizo

Tirahan: Zone 1, Surallah, South Cotabato

Edad: 18

Araw ng Kapanganakan: Agosto 1, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Zone 1, Surallah, South Cotabato

Mga Paaaralang Pinagtapusan:

Elementarya: Koronadal Central Elementary School 1

Sekondarya: Libertad National High School

You might also like