You are on page 1of 19

Republic of the Philippines

MARINDUQUE STATE COLLEGE


College of Business and Accountancy

EPEKTO NG PAGNENEGOSYO SA MGA BS-ENTREPRENEURSHIP 1-A


SA KANILANG PAGAARAL

Isang Sulating Pananaliksik


na Iniharap kay Gng. Nonah Bianca L. Lasac
ng Marinduque State College

Bilang Bahagi ng Pagtupad


Sa Pangangailangan ng Sabjek
na Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-Ibang Disiplina)

Nina:

GENNEVEB R. BAJADO
SEAN ALBERT D. LAUREL
WENCY M. MUSNIT
RHEA MARIE C. HIRONDO
ARVIN SEMILLA

Petsa

MAY, 15 2023

ABSTRAK
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

Ang pananaliksik na ito ay nag papahayag tungkol sa epekto ng pag


nenegosyo sa mga magaaral ng entrep 1-A habang sila ay nag aaral. Ang pag aaral na
ito ay nag lalayong alamin ang mga epekto ng pag nenegosyo at ang mabuti at
masamang dulot nito.
Ang Pagnenegosyo ay maaaring mahasa ang kakayahan at kaaalaman ng isang
mag-aaral tungkol sa aspekto ng mundo ng negosyo. Ang pananaliksik na ito ay
malaman ang mga epekto ng pag nenegosyo. Ito ay isa sa mga aktibidad na maaaring
pasukin ng mga mag-aaral upang magkaroon ng dagdag na kita habang sila ay nag-
aaral. Maraming mga mag-aaral ang nais na maging mga negosyante upang
maipagtanggol ang kanilang mga pangangailangan at magkaroon ng sariling
pinagkukunan na kita habang sila ay nag-aaral. Gayun pa man, kahit na may mga
potensyal na mga benepisyo ang pag nenegosyp para sa mga mag-aaral ito rin ay may
ilang mga epekto na maaring makaapekto sa kanilang mga akademikong pag ganap at
personal na buhay.
Ang pag nenegosyo ay maaring mag dulot ng ilang positibong epekto sa mga
mag-aaral, isa rito ay ang pagkakaroon ng praktikal na karanasan sa larangan ng
negosyo, na maaring magamit at sa hinaharap na karera. Ang pag nenegosyo ay
nagbibigay daan sa mga mag-aaral na malinang ang mga kakayahan tulad ng
pamamahala sa oras, pagpaplano at pag tutugma ng mga gawain

Kabanata 1
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

INTRODUKSYON

Ang entrepreneurship ay ang proseso ng pagpaplano, pagbuo, at pamamahala


ng isang negosyo hanggang sa ito ay handa nang tanggapin o tanggihan ang isang
kliyente. Kinakailangang tukuyin ang mga pangangailangan ng pamilihan, bumuo ng
mga ideya upang matukoy ang mga pangangailangan ng pamilihan, at kumuha ng
mga kalkuladong panganib upang makamit ang ninanais na resulta. Ang mga
matagumpay na entrepreneurs sa ibang kasanayan sa kabila ng pagiging malikhain,
adaptabilidad, pagtanggap ng risks, at pamumuno. Ang entrepreneurship ay mahirap
sa mga tuntunin ng paglikha ng trabaho, pag-unlad ng ekonomiya, at pagbabago. Ito
rin ay resulta ng maraming pagkakataon na lumitaw para sa akin na paunlarin ang
aking personal at propesyonal na mga kasanayan.

Subalit karamihan sa mga estudyante ng Entrepreneurship Ang maaaring


makaranas ng iba't ibang epekto sa kanilang pag-aaral. Iniisip ng karamihan na
nakakatulong ito pag nenegosyo ng mga entrep student para sa kanilang pag aaral
dahil mas nadadagdagan Ang kanilang kaalaman patungkol sa pag nenegosyo. Ang
pag nenegosyo ay hindi lamang nakatuon sa mga pangangailangan ng mga konsyumer
o ng mga mamimili sa pagkat ito ay nakatuon din sa paano nila mapapatakbo ng
maayos at ano ang mga estratehiya ang maaring magamit ng mga negosyante upang
epektibo at episyenteng maipagbili ang kanyang mga produkto.

Statement of the Problem


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang epekto ng pagnenegosyo ng


mag-aaral ng entrep 1-A

Partikular ang pag-aaral na ito ay naghahanap ng sagot sa mga sumusunod na


katanungan.

1. Isa ka ba sa nagnenegosyo habang nag aaral?

2. Masaya ba ang pag nenegosyo habang nag-aaral?

3. Mabuti ba ang epekto pagnenegosyo?

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral


Ang pokus ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang panganib ng pag
nenegosyo ng mga negosyo ng mga Entrep 1-A sa kanilang pag-aaral sa Marinduque
State College.
Nilimitahan din ng mga mananaliksik ang saklaw ng pagg nenegosyo ng mga
Entrep 1-A sa kanilang pag-aaral. Ang pag-aaral ay isinagawa din noong school year
2022-2023.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Depnisyon ng mga salitang ginamit

Negosyo
-Isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o o higit pang mangangalakal ng
kanilang pawis, pag iisip, at salapi upang kumita at mapalago ng higit pa.

Entrepreneurship
-Ay ang may-ari o ang namamahala sa isang negosyo kung saan ang paraan
upang kumita sya ay sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran ng may pagkukusa.

Konsyumer
-Isang tao o organisasyon na gumagamit ng serbisyong pang-ekonomiya o
paninda. Nagbabayad ang mamimili upang makagamit ng kalakal at serbisyong
nilikha.

Estudyante
-ay isang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talono. Ang estudyante ay
tinuturuan ng guro na mag-aaral at makadsiskubre ng mga bagay

Negosyante
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

-Tummutukoy sa taong namamahala sa isang negosyo. Sila rin ang nagmamay


ari ng negosyo.

Ekonomiya
-Ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang area.

Produkto
-Tumutukoy sa bagay na ginagawa para ipabili. Ito ay maaring isang bagay o
hindi kaya ay serbisyo

Kabanata II
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang mga pag-aaral na naisagawa na ay binabanggit kasama ang awtor,


disenyo ng pananaliksik, resulta at layunin.

Mahalagang gamitin ang pag-aaral at literaturang tutukuyin nab ago at hangga’t

maaari ay nalimbag sa loob ng huling limang taon.

Mga Kaugnay na Literatura

Young Entrepreneur

Ang sanaysay na ito ay nag lalayong ipakita ang lalong pag laki at pag taas ng
populasyon ng mga batang negosyante young entrepreneur. Sinasabi dito na ang
bagong henerasyon ang namulat sa mundo ng makabagong teknolohiya kung kayat
lalong lumalaki at napapadali ang pag sisimula ng isang negosyo ng mga batang
negosyante. Dahil nadin sa nasabing panahon madali nalang tayong makakita ng mga
oportunidad na mapapadali ang pag nenegosyo, katulad ng "online selling" kung saan
nagagawa natin ng madalian sa pamamagitan ng social media, Habang tumatagal
padami na ng padami ang mga kabataan na sumusubok mag simula ng isang negosyo,
marahil dahil nadin ito sa makabagong henerasyon na halos lahat ay makakaya mo.

Napakaraming uportinidad sa mundong ito kung paano kumita ng pera sa


murang edad pa lamang, lalo nat namulat tayo sa makabagong teknolohiya na isa sa
mga paraan upang makahikayat ka ng mambibili. Isa sa mga halimbawa nito ay ang
"buy & sell" kung saan mas mapapadali ang gagawin mo lalo na at umiikot ito sa
social media, dahilan upang makahikayat ka ng mambibili. Ngunit tandaan na ang pag
nenegosyo ay hindi lamang tungkol sa kinikita nyo kundi narin ang mga aral na
mapupulot habang isinasagawa ito.

Pagsisimula ng isang negosyong pwedeng pagkakitaan habang nag aaral pa lamang.


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

Ipinapakita dito ang maaring nadudulot sa pag sisimula ng maliit na negosyo


habang nag aaral. Ang pag sisimula ng maliit na negosyo habang nag aaral ay isa sa
mga paraan upang makatulong sa mga gastusin sa pag aaral at para narin matugunan
ang mga pangangailangan, ito ang pangunahing dahilan kung bakit ninanais ng mga
istudyante na magkaroon ng pag kakakitaan Ngunit may kaakibat din itong masamang
epekto lalo na sa pag aaral, dahil minsan mas napagtutuonan na natin ito ng pansin esa
sa ating pag aaral. Palaging pinaaalalahanan ang ating mga kabataan na huwag
matakot makipag sapalaran at sumubok ng mPINANINIWALAAN ng nakararami na
ang pagiging entreprenyur o negosyante ang daan sa pag-unlad sa buhay. Kaga bagay-
bagay na makapagpapaangat sa kanilang pamumuhay. Sa pagnenegosyo kasi, aktibo
nilang binu buo ang kanilang mga pangarap at nag sisilbing direktor ng kanilang
buhay sila ang kanilang sariling amo, walang sinusunod na oras ng iba at hawak ang
mga desisyon para sa sariling ha napbuhay.Sila ang mga indibidwal sa likod ng maim
pluwensiyang lipunan na nagdudulot ng tagum pay upang maihatid ang produkto o
serbisyo sa publiko sa tamang panahon, lugar, pamilihan at maibenta sa tamang
halaga.Higit sa lahat, sa trabahong ito ay walang pinipiling edad pagdating sa
pagkatuto at kara nasan Bata pa lamang ay nabibigyan na ng magandang oportunidad
ang mga mag-aaral na masanay at mahubog sa entrepreneurship o pagnenegosyo. Sa
pamamagitan ng paggawa ng mga class project tulad ng paghahanda ng pizza,
biskwit, pagdidisenyo ng cake o kaya ay paggawa ng bracelet, nahahamon ang
pagiging malikhain at madiskarte ng mga estudyante na siyang ma katutulong sa
kanilang paglaki Kasama sa kurikulum ng mga elementary student ang pangangasiwa
ng negosyo kung saan ginagabayan sila ng kanilang guro sa mga pasikut-sikot nito.
Kabilang dito ay dapat pamilyar sila sa mga produktong ibinebenta, tinitiyak na
maayos ang presentasyon at kalagayan ng mga ipinagbibili at dapat marunong silang
magbigay ng tamang sukli at magkuwenta ng binili. Sa senior high school naman ay
itinuturo ang paksang Accountancy Business and Ma nage ment. Dito, lalawak ang
kanilang karanasan sa pag sa sagawa ng recording, costing, analyzing, in ter pre
tasyon ng mga numero at iba pang pangu nahing kaalaman tungkol sa pagnenegosyo.
Naniniwala tayo na lahat ng kanilang mga natututunan at nararanasan sa kanilang
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

pagdis kubre sa entrepreneurship sa loob ng klasrum ay may makabuluhang epekto


pagkatapos ng kanilang edukasyon. Isang magandang bunga nito ang mabilis na
pagkatanggap sa trabaho o kaya, kung nais pa nilang palawakin ang natutunan sa K to
12 kurikulum, kukuha sila ng kurso sa kole hiyong may espesyalisasyon sa business
ma nagement o entrepreneurship dahil labis na nilang naka hiligan at naengganyo na
sila sa pag tatayo ng negosyo dala ng mabuting naidudulot nito

Para sa kapakanan ng mga kabataang mag-aaral, kaisa tayo sa adhikaing ito.


Isa sa ating inihain sa Senado ay ang Senate Bill No. 1355 o Philippine Innovation
Act na kamakailan ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bi lang batas na
pinamagatang Republic Act No. 11293.Binuo ito ng mga mambabatas sa Senado
upang masuportahan at lalong mapalakas ang mga micro, small and medium
enterprise (MS ME) sa ating bansa at sa buong mundo. Base sa ating pag-aaral, 99.6
porsiyento ng mga negosyo sa Pilipinas ay parte ng MSMEs.

Dito pa lamang ay hindi na kaila ang papel ng inobasyon sa magagandang


potensiyal na hina harap ng ating bansa. Sa pamamagitan ng batas, magkakaroon ng
kompetisyong pandaigdig ang mga MSME at hindi lamang malalaking kumpanya ang
may kakayahang magtagumpay sa kanilang mga negosyo.Pagdating ng tamang
panahon na maaari na silang magnegosyo, umaasa tayo na magi ging aktibo ang mga
kabataan sa pagtatayo ng kani kanilang MSMEs Dahil labis na malaki ang papel na
kanilang ginagampanan sa pagkakaroon ng epektibo at makapangyarihang sistema ng
inobasyon para sa ating ekonomiya, ang kanilang malikhain at determinadong sarili
ay lubos na hinihikayat na maging parte ng rebolusyunaryong repor mang ito.

Kabanata III
PAMAMARAAN AT METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng hindi eksperimental o deskriptibong pananaliksik


na gumagamit ng mga sarbey upang mangalap ng datos tungkol sa pag-iiba-iba ng
epekto sa isang larangan ng negosyo. ito ay naglalayong malaman kung hanggang
saan ang iba't ibang kondisyon ay maaaring makuha sa mga paksang ito. gayundin
ang pananaliksik ay gagamit ng sarbey na talatanungan upang ilarawan at suriin ang
iba't ibang epekto ng pag nenegosyo bukod pa rito, ang deskriptibong disenyo ng
pananaliksik ay nangangailangan ng mananaliksik na ilarawan lamang ang posibleng
epekto ng negosyo ng mga mag-aaral na entrep saka ang mananaliksik ay walang
anumang kontrol, o kasangkot, kung bakit ang mga salik ay naging kanilang
kagustuhan sa nasabing pag-aaral. at gayundin, ang pananaw ng mga respondente
tungkol sa nasabing pag-aaral ay hindi eksperimental o manipulahin.

Populasyon at Respondente

Ang ating populasyon ay mga estudyanteng Entrepreneur 1-A ng


Marinduque State College. Sa mga studyante na entrep 1-A, nagdesisyon kami na
kumuha ng 10 respondente at sa gantong paraan makakakuha tayo ng opinyon at
sagot sa epekto ng pag nenegosyo sa pag aaral. Makatutulong din ito para malaman
kung paano nakakatulong ang pag nenegosyo sa kanilang pag aaral

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gagamit ng isang survey questionnaire bilang aming


instrumento sa pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga
negosyanteng mag aaral kung paano nakakapekto ang pag nenegosyo sa kanilang pag-
aaral. Ginamit ito sa pag-aaral upang malaman ang bentahe at disadvantage ng pag
nenegosyo habang nag aaral to sa bawat negosyo sa mga may-ari ng negosyo. Ang
survey questionnaire ay ibibigay sa mga Entrep 1-A ng Marinduque State College.
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

Ang pag aaral na ito ay gagamitan namin ng surbey kwestyuner para kumuha ng

mga impormasyon na aming kinakailangan. Gagawa kami ng surbey kwestyuner na

naglalaman ng mga katanungan kung saan ang mga respondente ay masasagot ng

tama at maayos ang aming kinakailangan sa pag aaral. Mag papaalam at magsasabi

muna kami sa mga respondente bago simulan ang pagpapasagot ng aming surbey

kwestyuner. Sa ganitong paraan maisasagawa naming ng ma ayos at tama ang

pagkalap ng mga mga datos o impormasyo na kinakailangan para sa aming pag aaral.

Kabanata IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Inilalarawan dito ang mga datos sa pamamagitan ng tabular o grafik na


presentasyon.
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

1. Nakakatulong ba ang pagnenegosyo sa iyong pag aaral?


x %
Oo 10 100%
hindi 0 0
Table 1. Pinapakita sa loob ng 10 respodente, 100% na nakakatulong ang
pagnenegosyo sa kanilang pag aaral
Base sa table sa itaas, Makikita dito na lahat ng respondente na nagnenegosyo
habang nag aaral ay nagsasabing nakakatulong ang pag nenegosyo sa kanilang pag
aaral.

2. Naging mabuti ba ang dulot sayo ng pag nenegosyo?


x %
Oo 10 100%
hindi 0 0
Table 2. Pinapakita sa loob ng 10 respondente, 100% na mayroon mabuti dulot ang
pagnenegosyo.
Base sa table sa itaas, Makikita dito na lahat ng respondente na nagnenegosyo
habang nag aaral ay nagsasabing Mabuti ang na idudulot ng pag nenegosyo.

3.Nadadagdagan ba ang iyong kaalaman sa pag nenegosyo ayon sa iyong kurso?


x %
Oo 10 100%
hindi 0 0
Table 3. Pinapakita sa loob ng 10 respondente,100% nadadagdagan ang kaalaman sa
pag nenegosyo ayon sa kanilang kurso.
Base sa table sa itaas pinapakita dito na ang kursong Entrepreneurship ay
nakakatulog para madagdagan ang kaalaman sa pagnenegosyo.
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

4.para saiyo nakakatulong ba ang pag nenegosyo para sa pang araw araw na
pangangailangan habang Ikaw ay nag aaral?
x %
Oo 8 80%
hindi 2 20%
Table 4. Pinapakita sa loob ng 10 respondente,80% nakakatulog ang kanilang
pagnenegosyo sa pang araw araw habang sila ay nag aaral at 20% hindi nakakatulong.

Base sa table sa itaas 80% ng mga negosyante ang nagsasabi na nakakatulong sa


kanilang pangangailangan ang pagnenegosyo, subalit 20% ang nagsasabi na hindi.

5. dahil naka experience kana mag negosyo napagisipan mo na ba na ituloy nalang ito
at ipagpaliban ang pag aaral?
x %
Oo 0 0%
hindi 10 100%
Table 5. Pinapakita sa loob ng 10 respondente, 100% Hindi napagisipan na lumiban
sa klase para ipagpatuloy ang pagnenegosyo.

Base sa table sa itaas pinapakita dito n lahat ng Entrepreneurship 1A ay ayaw


lumiban sa klase para lang ipagpatuloy ang kanilang nasimulan na negosyo.

6.naging maayos ba ang iyong grado simula nung Ikaw ay nag negosyo?
x %
Oo 6 60%
hindi 4 40%

Table 6. Pinapakita sa loob ng 10 respondente, 60% naging maayos ang grado simula
nung nag negosyo at 40% hindi naging maayos ang grado.
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

Base sa table sa itaas pinapakita dito na hindi lahat ng Entrepreneurship 1A ay


umayos ang grado simula nung nag negosyo.

7.Sang ayon ka ba na ang pag nenegosyo ay may malaking impact para sa iyong
kinabukasan?
x %
Oo 10 100%
hindi 0 0
Table 7. Pinapakita sa loob ng 10 respondente, 100% sang ayon na may malaking
impact ang pagnenegosyo para sa kinabuksan.

Base sa table sa itaas pinapakita dito na lahat sila ay sang ayon na may malaking
impact ang pag nenegosyo para sa kanilang kinabuksan.

8. para saiyo nahirapan ka ba magisip ng produkto na pwede mo I negosyo?


x %
Oo 6 60%
hindi 4 40%
Table 8. Pinapakita sa loob ng 10 respondente, 60% nahirapan sa pag isip ng produkto
na pwede i negosyo at 40% Naman Ang hindi nahirapan.

Base sa table sa itaas pinapakita dito na mas nahirapan sila magisip ng produkto
na pwede i negosyo at mayroon din iilan sa Kanila ang hindi nahirapan.

9. Sa mga karanasang iyong dinanas sa pagbebenta ,masasabi mo ba na maganda ang


epekto ng pagnenegosyo bilang isang magaaral pa lamang para sa iyong tinatahak na
kurso?
x %
Oo 10 100%
hindi 0 0
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

Table 9. Pinapakita sa loob ng 10 Respondente, 100% na sumasang ayon na maganda


ang epekto ng pag nenegosyo bilang isang mag aaral palamang para sa kanilang
tinatahak na kurso.
Base sa table sa itaas pinapakita dito na lahat ng Entrepreneurship 1A ay
naniniwala na maganda ang epekto ng pagnenegosyo.

10. Minsan, naging sagabal na ba ang pag nenegosyo sa iyong pag aaral at naging
sanhi ng iyong pagliban sa klase?
x %
Oo 6 60%
hindi 4 40%
Table 10. Pinapakita sa loob ng 10 respondente, 60% naging sagabal ang pag
nenegosyo sa kanilang pag aaral at naging sanhi ng pagliban sa klase at 40% hindi
naging sagabal ang pag nenegosyo para lumiban sa klase.
Base sa table sa itaas pinapakita dito na hindi lahat ng Entrepreneurship 1A ay
magiging sagabal ang pag nenegosyo para maging sanhi ng pag liban sa klase.

Kabanata V
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Dito tinatalakay ang buod, kinalabasan ng pag-aaral at ang mga mungkahing


solusyon, at rekomendasyon para sa mga suliraning natukoy/natuklasan sa pag-
aaral.

Buod
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

Sa kabanatang ito ay pinapakita ang mga inpormasyon na aming na kuha.


Ang surbey kwestyuner ay ibinigay sa 10 respondente. Ang kabanatang ito ay
naglalahad ng mga nakalap na datos mula sa mga surbey kwestyuner na ibinigay sa 10
respondente. Ang resulta ng istatistikal na analisis ay nagawa at ang interpretasyon at
nakalap tungkol sa “Epekto ng Pagnenegosyo sa mga Mag-aaral ng Entrepreneurship
1-A habang sila ay nag-aaral” sa Marinduque State College. Sa mga mag-aaral ng
Entrep 1-A na kumuha o nagsagot ng surbey, mayroong 10 babae na katumbas ng 10
respondente na binalak naming kapanayamin. Ang mga nakalap na datos ay
nagpapakita na 100% ng mga repsondente na ang isinagot na ang pag nenegosyo ay
may mabuti at malaking epekto habang sila ay nag-aaral. Ang mga talahanayan na
ipinakita sa Kabanata IV ay nagpapakita na ang pagnenegosyo ay may malaking
epekto sa kanilang pag-aaral na ginagawang mas madali at malakig tulong ang pag
nenegosyo. Kaya, hindi lamang nakakadagdag pinansyal sa pang araw-araw na gastos
at pangangailangan kundi dagdag baon sa eskwela at karanasan kaugnay sa kursong
tinatahak, nagreresulta din ito sa isang mataas na kita sa pagpapalago ng isang
negosyo balang araw. Ipinapakita din na ang pagnenegosyo ay may pakinabang at
mga disadvantages nito. Maraming produkto ang kanilang ibinenta sa pamamagitan
ng paglalako, computer, cellphone/tablet, software, networking, at gumagamit ng
ilang social media platforms para makipag-ugnayan sa mga customer tulad ng
Facebook, Instagram, messenger, youtube, shopee, tiktok at gmail. Ang mga bentahe
ay magagamit nila ito ng walang pagmamadali, madaling makipag-usap sa mga
customer o ito ay nagsisilbing kanilang daluyan ng komunikasyon. Nakatutulong sa
pagbili at pagbenta ng kanilang produkto, ginagawang madali ang trabaho at tumataas
ang produktibidad. Sa kabilang banda ang pagnenegosyo ay sakit sa ulo ngunit
nagagawa din naman tayong responsible at nadadagdagan at nasasanay ang ating
kakayahan sa pagbebenta at pag nenegosyo

Rekomendasyon
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

Para sa konklusyon ng pag-aaral “Epekto ng Pag-nenegosyon sa mga Mag-aaral ng


Entrepreneurship 1-A habang sila ay nag-aaral”

Sumusunod:
1. Ang mga mga-aaral ng Entrepreneurship 1-A ay dapat magkaroon pa ng
dagdag na kaalaman sap ag nenegosyo habang sila ay nag sisimula pa lamang
para sa susunod ay alam na nila kung paano humawak ng isang negosyo.

2. Ang bumibili ay dapat alam nila kung maayaos ang mga produktong kanilang
tinatangkilik para sa seguridad nila at ng lahat. Dapat din na siguraduhin na
hindi sila naaabuso sa presyo na itinalaga ng mga manininda.

3. Ang mga mananaliksik ay dapat makapagpalaganap ng tamang impormasyon


tungkol sa kanilang sinasaliksik.

Konklusyon

Bilang isang negsyanteng mag aaral ang pagtitinda o pag nenegosyo ay isang
experience para sa darating na hamon sa buhay. Pagiging isang masikap, masipag at
mahusay sa pag hawak ng pera ay isang talento na tinaglay ng isang mahusay na
negosyante. Maraming negosyanteng mag aaral ang nag sasabi na lubos na
nakakatulong ang pagnenegosyo sa kanilang pag aaral, lalu na sa panahon ngayon
kung saan kinakailangan mong kumilos upang ikaw ay magkaroon ng sariling pera o
dagdag pinansyal. Maraming negosyante ang sumabak na sa mga pagsubok sa
larangan ng negosyo at karamihan dito ay nalagpasan at nagpatuloy sa pagnenegosyo.
Naging mabuti naman ang pagnenegosyo sa kanila ayon sa mga respondente at
nagkaroon ng aral o dagdag kaalaman sa kanilang kurso. Nagging Maganda naman
ang dulot nito, dahil sakabila ng pagnenegosyo wala sa mga respondente ang naka isip
na ihinto ang pag aaral at ituloy na lang ang pag nenegosyo. Marami dn ang na sasabi
na nagging maayos naman ang kanilang grado at hndi ito naoabyaan, kahit na merong
ilan na nahihirapan sa pagpili kung ano ang nararapat na ibenta ay masaya sila sa
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

ginagawa nila. Nakaka sakit man sa ulo ang pagnenegosyo habang nag aaral ay
marami ang mga negosyante na positibo lang at patuloy sa pag laban sa buhay.

TALASANGGUNIAN

https://www.scribd.com/doc/452584694
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

KURIKULUM VITAE NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Sean Albert D. Laurel


Petsa ng Kapanganakan: Mayo 6, 2004
Lugar ng Tirahan: Tapuyan, Gasan, Marinduque
Mga Magulang: Aldrin A. Laurel / Lydia D. Laurel
Edad: 19

Pangalan: Genneveb Bajado


Petsa ng Kapanganakan: June 16, 2004
Lugar ng Tirahan: Botilao Santa Cruz Marinduque
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
College of Business and Accountancy

Mga Magulang: Dalisay Bajado


Edad: 18

Pangalan: Arvin S. Semilla


Petsa ng Kapanganakan: January 5, 2004
Lugar ng Tirahan: Bangbang, Gasan, Marinduque
Mga Magulang: Arnel M. Semilla Adora S. Semilla
Edad: 19

Pangalan: Wency M. Musnit


Petsa ng Kapanganakan:
Lugar ng Tirahan:
Mga Magulang:
Edad:

Pangalan: Rhea Marie C. Hirondo


Petsa ng Kapanganakan:
Lugar ng Tirahan:
Mga Magulang:
Edad:

Mensahe sa Guro:

You might also like