You are on page 1of 5

Kabanata I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO1.

Introduksyon Ang alawans ay maaaring ibigay ng mga magulang o kahit sino sa pamilya at ng gobyernosa mga magaaral na iskolar. Ang patuloy na pagtaas ng Matrikula sa bawat taon ay isa sa mgasuliranin. Ang ekonomiya ng Pilipinas sa panahong ito ay nagbigay-daan din sa pagkakaroon ngpag-aaral sa alawans ng mga mag-aaral. Sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pamasahe, at ibapa ay lubos na nakakaepekto sa kakayahan ng isang pamilya kung ilan ang ibibigay ng isangmagulang sa kanyang anak.Marami na rin ang pinaglalaanan o pinagkakagastusan ng mga mag-aaral lalo nat ito ay hindi maiiwasang mga bagay-bagay tulad ng pagkahumaling sa mga gadgets, pagkaadik sacomputer games at social networks, at iba pang mga kinahihiligan na nakakaapekto sa behaviorng mga kabataan.Sa pag-aaral na may pamagat na Pagsusuri sa Alokasyon ng Alawans ng Mga Mag-aaral saUnang Taon sa Kolehiyo ng San Luis ng Kursong Bachelor of Science in Accountancy aymasusuring tatalakayin ang alokasyon o kung saan nilalaan ang alawans ng mga magaaral.Aalamin ng pag-aaral na ito kung ilan ang kanilang natatanggap sa bawat araw ng pasukan sapaaralan. Ang pag-aaral na ito ay tatalakayin rin ang mga ibat ibang pamamaraan ng mga mag-aaral upang maibadyet ang gastusin at makapag-ipon ng pera mula sa alawans na binibigyan ngmga magulang sa kanila. 2. Layunin ng Pag-aaral Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito layunin ng mga mananaliksik na: Saan napupunta ang mga perang binibigay ng mga magulang ng mga estudyantengnasa unang taon ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA) sa Kolehiyong San Luis ng taong akademiko 2011-2012? Ano ang halaga ng alawans ng mga mag-aaral ng BSA-1 sa isang araw lamang? Paano nai-babadyet ng tama ang alawans sa pang-araw-araw na gastusin? Magkano ang ideal na alawans ng isang mag-aaral sa BSA-1? 3. Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pamanahong-papel na ito ay tumatalakay sa alokasyon ng alawans ng mgaestudyanteng nasa unang taon ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA) saKolehiyo ng San Luis. Layon nitong makatulong sa mga sumusunod: Sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong BSA, maari itong maging gabay upangsila ay magkaroon ng kaalaman upang magkaroon ng tamang pagbabadyet sa pera. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maari ding malaman ng mga instruktor angkanilang napakahalagang partisipasyon sa paggabay sa mga estudyante ukol satamang pagbabadyet ng pera dahil naibabahagi ng mga instruktor ang kanilangkaranasan sa pagbabadyet ng pera dahil naging estudyante din sila. Sa mga mananaliksik, na pawang nasa kolehiyo at nagbobordibang, upang silay magabayan din sa tamang paggastos ng alowans.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, lalo na sa lahat, inaasahan ang mgaestudyanteng kumukuha ng BSA na magkaroon ng sapat na kaalaman hinggil satamang paggamit ng alawans. 4. Saklaw at Limitasyon Ang sakop ng pag-aaral ay sa alokasyon ng alawans ng mga mag-aaral sa unang taon saKolehiyo ng San Luis ng kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA). Gumamit angmga mananaliksik ng isang talatanungan upang makapangalap ng datos.Sa sandaang respondente mula sa pitong seksyon ng kursong BSA sa kolehiyo ng San Luisang sumagot ng talatanungan. Nakapokus ang pag-aaral sa mga nakuhang sagot mula sa mgarespondente.Sapagkat kulang sa panahon ang mga mananaliksik, maaring makaapekto ito sa lawak ngpagaaral. 5. Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang mas maunawaan ng mga mambabasa ang pag-aaral na ito, narito ang ilan sa mgaterminolohiyang ginamit at ang mga angkop na kahulugan para rito. Badyet Ito ay ang pagtitipid mo ng isang bagay, gawain, oras at panahon. Behavior . Paraan ng behaving, kung mabuti o masama; mode ng pagsasagawa sakanyang sarili. Computer games . Mga laro pinapagana sa kompyuter; Software o program sakompyuter sa anyong laro; Bidyogeym sa kompyuter; Ilan sa mga kilalang mga computergames ang: Counter Strike, Star Craft, Call of Duty, Grand Theft Auto, atbp. Iskolar . Tawag sa pinagkakalooban ng libreng pag-aaral o edukasyon o tinatawag nascholarship dahil sa kanilang kahusayan o katalinuhan. Matrikula . Sisingilin sa pamamagitan ng mga pang-edukasyon na institusyon sa ibangbansa upang makatulong sa pagpopondo ng mga kawani at guro, kurso inaalok, labkagamitan, mga sistema ng computer, mga aklatan, pangangalaga ng pasilidad at upangmagbigay ng isang komportableng karanasan sa pag-aaral ng mag-aaral. Recycle . Paggamit muli ng lumang bagay. Malaki ang naitutulong nito sa atingkalikasan. Nababawasan ang mga tambak ng basura at nababawasan din ang pag-dumi ngating kapaligiran. Social networking . Ang pagsasama ng mga indibidwal sa tiyak na mga grupo, tulad ngmaliit na mga rural na komunidad o isang pangkat ng magkakapitbahay, kung ikaw ay.Kahit na ang social networking ay posible sa tao, lalo na sa lugar ng trabaho, mgaunibersidad, at mga mataas na paaralan, ito ay pinaka-popular na online.

Kabanata II ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Bilang isang estudyanye, mahalagang malaman kung papaano gagastusin ang kanyangbaong salapi, nagko-commute man o hindi. Nakakatulong ito sa kaayusan ng paggastos,kawastuhan ng pamamahala sa salapi, at kung lumaon, pati sa pagkamit ng mga pangarap namay kinalaman sa kayamanan. Matututong bigyan ng limitasyon ang paggastos at malalamankung saan nanggagaling ang salapi at saan ito dapat mapunta (mula sa isang pananaliksik na pinamagatang Isang Pag-aaral Tungkol sa Epekto ng Pag-ko-commute sa Kabuuang Pagbabadyet ng Allowance ng mga Estudyante ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng SantoTomaskolehiyo ng Komersyo at Business Administration). Mga Pangunahing Gastusin Kitang kita na ang pagkain ang may pinakamalaking bahagi sa tsart. Ibig sabihin nito aymalaking porsiyento ng kanilang baon o kita (kung may negosyo o trabaho) ay napupunta sapagbili ng pagkain. Isang dahilan kung bakit ay dahil ang pagkain ay mahalaga at nararapatlamang para sa kalusugan natin. Maaaring isa sa mga dahilan kung bakit malaking bahagi ngpera ang napupunta rito ay ang kamahalan ng pagkain at bilihin ngayon. Alam naman natinglahat na ang mga presyo ng bilihin ay patuloy na tumataas dulot ng krisis. Isa pa sa mgamaaaring dahilan ay ang kakulangan sa pagkontrol sa sarili. Minsan ay hindi natin mapigilangbumili ng mga pagkaing masasarap o matagal na nating hindi natitikaman.Pangalawang pangunahing gastusin ay ang transportasyon o pamasahe. Maramingestudyante ang bumabiyahe pa araw-araw mula sa malalayong lugar upang pumasok sa klase.Kahit may student discounts, malaki-laki pa rin ang perang napupunta rito.Ikatlo ang gastusin sa paaralan. Nabibilang dito ang gastos sa pagpapapakopya ng mgahandout mula sa mga propesor.Sumusunod sa listahan ang internet o kompyuter, hilig o gusto (gadgets), at sakasintahan. Mga Pamamaraan sa Pagbadyet at Pag-ipon Ngayong alam na natin ang mga hakbang sa pagbabadyet, nararapat ring malaman angilan sa mga pamamaraan tungo sa mabisa at epektibong pagbabadyet. Kailangan alam natin angmga pamamaraan upang lalo pa tayong maka-ipon o kumita ng pera. Ayon kay June Walbert dahil karamihan sa mga estudyante sa kolehiyo ay walang sapat na karanasan sa paghawak ngpera, responsibilidad ng mga magulang na ipaalam sa kanilang mga anak ang kahalagahan ngpaggastos ng pera sa wastong paraan (BetterBudgetingforstudents,http://www.msnbc.msn.com/id/94028721).Isa sa mga pamamaraan ay bigyang limitasyon ang mga gastusin. Ayon sa Young MoneyMagazine, magagawang limitahin ang gastusin sa pagkain sa pamamagitan ng pagbili ngpagkaing hindi mabilis maubos at mabulok tulad ng instant noodles, embutido, longganisa,tocino at iba pang mga ready-to-cook na pagkain . Pumili rin ng pagkaing madaling lutuin ogawin. Sabi naman sa artikulong Epektibong Pagbabadyet ni Jona than Poblacion, hanggatmaaari, magbaon na lamang ng pagkain sa paaralan at iwasang bumili sa mga restaurant o fastfood chains. Kung lalabas naman o may pupuntahang lakad kasama ang mga kaibigan, magdalalamang ng sapat na perang gagastusin. Kung malaking halaga ng pera ang dala, malaki rin angposibilidad na mapagastos sa mga bagay na hindi naman talaga kailangan (Budgeting tips for Students, http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm).Sa pagbili naman ng kagamitan tulad ng mga damit, sapatos at alahas, mas epektibo angpaglilimita ng gastusin kung maghahanap ng murang tatak subalit maganda rin naman angkalidad. Mag-ikot muna sa ibat ibang tindahan upang mapagkumpara ang mga presyo ng iyongbibilhin. Kadalasan, ang ibang tindahan o tindero/tindera ay mas mababa sumingil kumpara saibang tindahan o tindero/tindera. Pairalin din ang pagiging malikhain at resourceful. Hanggat maaari, matutuong magresiklo ng mga bagay-bagay. Nakatipid ka na, nakatulong ka pa sakalikasan (Budgeting tips for Students,http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm).Kung may sarili namang sasakyan,

nararapat na gamitin lamang ito kung talagangkailangan. Kung malapit lang naman ang iyong pupuntahan, mas makabubuti kung maglakad nalamang o gumamit ng bisikleta. Maari ring mag-carpool kasama ang mga iyong kaibigan upangmakatipid sa gas (http://www.youngmoney.com/aboutus/press/040824).Maging pamilyar rin sa mga diskwento na ibinibigay ng unibersidad. Kalimitan aynagsasagawa pa sila ng libreng mga konsyerto para sa ikalilibang ng mga estudyante nito(Budgeting tips for Students, http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm). Kung nakatira naman sa dormitoryo o apartment, bayaran ang mga bayarin sa tamangoras. Huwag nang hintaying magpatong-patong ang mga ito (http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm). Mabisa rin ang pagkakaroon ngsavings account o joint accounts sa mga magulang upang masubaybayan ang paggastos atmakasigurong nababayaran ang mga bayarin (http://www.msnbc.msn.com/id/94028721). Mabisang paraan din ang pagtatabi agad ng pera sa oras na ito ay nakuha o natanggap.Maaaring itabi ang 5-10% ng baon o kita para siguradong may ipon. Kung hindi naman masyadong nahihirapan sa paaralan at kung may sapat na oras, maaaring magkaroon ng negosyoo sideline. Mabisa rin ito dahil bukod sa iyong baong pera, may dagdag kita ka. Dahil rito,dadami pa ang iyong ipon (http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm).

ALAWANS NG MGA NAGRERENTA NG BOARDING Ang layunin ng alawans ng mga nagrerenta ay upang makatipid sa pamasahe kungmagmumula sa isang malyong lugar ang mag-aaral. Ang paaralan ay mas malapit na sa paaralan.Ang "malayo-mula sa-post" na edukasyon allowance ay maaaring gamitin upang magbayad parasa pagtuturo, kuwarto at board, walang kasama hangin bagahe at panaka-nakang transportasyonsa pagitan ng mga post at ang mga hinirang na paaralan ng boarding.

Kabanata III DISENYO AT PARAAN G PANANALIKSIK1. 1.Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa paraang deskriptiv. Sa maiklingpaglalarawan ito ay kumakatawan sa mga bagay na maaaring binibilang at pinag-aaralankaya tinawag rin itong statistikal na pananaliksik. Ang mga datos ng pananaliksik na itoaynababatay sa katotohanan, tumpak at maparaan. Sa mga mabilisang pag-aaral madalasginagamit ang pamaraang ito. Sapagkat ito ay nagbibigay lamang ng simplengpagbubuod sa kung ano ang nakalap na impormasyon. Kasama ng simpleng graf nabubuo ng isang makabuluhang interpretasyon at konklusyon. 2.Respondente Ang mga napiling respondente sa pananaliksik na ito ay isang daang (100) mag-aaral sa pitong seksyon na kumukuha ng kursong Accountancy sa Kolehiyo ng San Luissa ikalawang semester ng taong 2011-2012. Sila ang mga napiling respondente para sapananaliksik sapagkat ang kursong ito ay may kinalaman sa pera at sila angtagapagtaguyod at tagapagpanatili ngpinansiyal na mga talaan kaya sila ang angkop sapananaliksik na ito. 3.Instrumento ng Pampananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pasarvey. Ang mgamananaliksik ay naghanda ng sarvey-kwestyoner na naglalayong kumalap ng mga datoskaya nasuri ang damdamin, pananaw at kaalaman hinggil sa tamang paggamit ngallowans ng mga respondente. 4.Tritment ng mga Datos Ang pamaraang papel na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik sa loob ngmaikling panahon lamang. Sa pamamagitan ng survey, pag-tally at pagkuha ng porsyentonakuha ang mga datos sa pag-aaral na ito.

You might also like