You are on page 1of 10

SACRED HEART ACADEMY OF STA. MARIA (BULACAN), INC.

ILAN SA PARAANG GINAGAWA NG MGA MAG-AARAL SA

BAITANG 11 ABM UPANG MAKATIPID SA PANG-ARAW-ARAW

NA GASTUSIN SA SACRED HEART ACADEMY

Pinal na Gawain sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik 11

Andrade, Jalice Anne A.

Canencia, Angel Jhazyl Z.

Cataniag, Hershey Lhei

Geronimo, Jennilyn C.

Gutierrez, Jimuel F.

Pineda, Jallen Rose P.

Odiles, John Ezekiel R.

Marso 2020
SACRED HEART ACADEMY OF STA. MARIA (BULACAN), INC. 2

I. ILAN SA PARAANG GINAGAWA NG MGA MAG-AARAL SABAITANG 11

ABM UPANG MAKATIPID SA PANG-ARAW-ARAW NA GASTUSIN SA

SACRED HEART ACADEMY

A. Pagba-budget

1. Bilin lamang ang kailangan.

2. Maglaan lamang ng sapat na pera.

B. Maging Praktikal

1. Mag-ipon muna bago gumastos.

2. Iwasan gumastos ng sobra sa pagkain.

3. Planuhin ang gastusin.

C. Pag-iwas

1. Iwasan ang paggala

2. Iwasan gumastos ng walang kwentang bagay.

3. Iwasan ang mga kaibigan, wala munang tropa-tropa.

D.Resiklo

1. Gamitin yung gamit hangga’t puweda pa.

2. Maging wais, gawing kapaki-pakinabang ang mga lumang bagay.

E. Diskwento

1, Diswento pang estudyante

2. Sales promo.
SACRED HEART ACADEMY OF STA. MARIA (BULACAN), INC. 3
Layunin

Layunin ng mananaliksik na makapag-ambag sa tamang pamamaraan ng pag-

titipid at paggastos o tamang pag-budget ng pera na naayon sa panahon at

pangangailangan. Layunin din ng mananaliksik na mabigyan solusyon ang negatibong

epekto ng hindi tamang pagpaplano sa pagtitipid ng pera. Isa rin sa layunin ng mga

mananaliksik na mag bigay ng impormasyon sa mga mambabasa kung paano niya

gagamitin o gagastusin ang kaniyang pera upang siya’y makatipid

Rationale

Sa panahon ngayon ang bilang mga gastusin ay patuloy na lumaki. Kaya naman

nagiging suliranin para sa mga studyante ang pag titipid. Ayon sa JW.ORG, maling akala

na kapag masyado kang nag-aalala sa gastusin mo hindi ka magiging malaya. Bagkus

kapag kinokontrol mo ang paggatos mo, mas magiging malaya ka. Kung mas marami

kang alam tungkol sa pera, mas marami kang mailalaman para sa mga bagay bagay na

gusto mo. Ang pagtitipid ay isang magandang pamamaraan upang ang mga

pangangailangan ay mapunan at hindi masayang ang perang pinaghirapan.

Ang pagtitipid ay nagiging isang suliranin sa mga kabataan dahilan sa kawalan ng

disiplina. Lingid sa kaalaman ng nakararami ang maliliit na gastos sa araw-araw ay

naiipon. Kung susumahin ang maliliit na paggastos sa araw araw ay nagreresuta sa

malaking halaga sa luob lamang ng isang buwan. Ang pagtitipid ay isang magandang

kaugalian at ito ay nararapat na matutunan lalo na ng mga kabataan.


SACRED HEART ACADEMY OF STA. MARIA (BULACAN), INC. 4

Kaugnay na literatura

Ayon sa pag aaral ni Flores, J. (n.d), Ang konsepto ng pagtitipid ay pumapasok

kapag nag-iipon ang isang bata sa alkansya. Pangangasiwa naman ang tawag ang tamang

pagtimbang sa mga bagay na kailangan kumpara sa kagasatusan lamang. Ang paggastos

ay pwedeng iugnay sa mabisang paraan ng paglalaan ng bawat kusing sa loob ng bulsa.

Ayon sa pag-aaral ng UST College of Nursing (2009), ang pagba-budget ay isang

plano kung paano gagastusin ang kinitang pera. Ito ay nakatutulong sa kaayusan ng

paggastos at pagkamit ng mga pangarap na may kinalaman sa pera. Ang taong may

budget ay taong may control sa pera. Alam niya kung saan ito galling at alam niya kung

saan ito pupunta. Sa pagbabadyet inuuna muna bilhin ang mahahalagang bagay at ang

pangunahing bilihin kaysa sa mga luho.

Ayon kay Serina (2014), mas epektibo ang patuloy na pag-iimpok kahit malit na

halaga o barya lamang ang iniipon para ma-establish na habit ang gawaing ito. Dahil sa

lumalalang kahirapan sa pilipinas, sinisikap ng mga pilipino na gamitin ng mga pilipino

ang kanilang pera sa Pinaka wasto at pinaka sulit na pamamaraan. At isa sa

pinagtutuunang pansin ay ang pagtitipid ng pera.

Ayon naman kay Syc W. (2013), isang businessman, sa kanyang libro na Asian

Perspectives mapababagal ang paglaki ng kumpanya kung ang perang kinikita ay

kinukuha at ginagastos lamang sa mga gastusin na hindi kina kailangan. Ayon rin sa

kanya, ang oras ay pera kaya dapat lang ito ay organisahin.


SACRED HEART ACADEMY OF STA. MARIA (BULACAN), INC. 5
Ayon sa kay Colayco F. (2012), magandang sa simula pa lamang ay magtipid at

ang naipon na salapi sa pagtitipid ay gamitin naman para kumita ng salapi. Kapag may

credit card naman ang isang estudyante, iwasang bumili ng gamit na hindi mahalaga.

Nakalagay din sa kanyang aklat na hindi kailangan bumili ng isang tao ng mamahalin at

latest na bagay kung hindi naman talaga kaya ng pera.

Ayon kay Godfrey (2013), Ang mahusay na paghawak ng pera ay ang proseso ng

pagba-budget, pag-iipon, at pamumuhunan. Hindi tayo pinanganak na mayroon nito,

ngunit natutunan natin ito sa ating pagtanda sa pamamagitan ng tagumpay at ng

pagkabigo na rin.

Ayon kay Caldwell W. (2017), ang pagbabadyet ay ang susi ng tagumpay pang

pinansyal. Iniisip ng mga studyante na ang sagot upang makapagkolehiyo ay ang

mangutang, ngunit may ibang mga paraan tulad na lamang ng pagkuha ng scholarship at

pagtatrabaho habang nag-aaral. Bilang styande mayroon din silang nais pagkagastusan

gaya na lamang ng mga pangangailangan at kagustuhan.

Ayon kay Thompson D. (2007), maaring turuan ng mga magulang ang kanilang

mga anak kung saan maaari silang magdesisyon kung paano nila gagamitin ang kanilang

pera. Maaring ipaliwanag ng mga magulang kung gaano kahalaga ang mahusay na

paghawak ng pera at mahalaga na sa murang edad ay matutunan na ito.

Ayon sa Youth Employment Data Bank Indicator, Ang paghahanap ng trabaho ay

makatutulong sa mga studyante na makapag-ipon. Ang pagtapos sa nakatalagang oras ng

trabaho ay maaring makapagdagdag ng bonus sa pang araw-araw o lingguhang sahod.

Ang pagtatrabaho ay maaring makapagbigay ng mahalang karanasan para sa mga


SACRED HEART ACADEMY OF STA. MARIA (BULACAN), INC. 6
kabataan. Maari itong makatulong sa pagiging responsable at organisado ng isang

isdyante.

Ayon kay Buba P. (2015), ang pagtitipid ay isang esensyal na instrumento upang

mapalago ang pera na makatutulong sa paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng

pamumuhan gamit ang naipon. Maaaring gamitin ang perang naipon upang mas palakihin

pa ito.

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay sa mga sumusunod:

Mag-aaral ng 11 ABM

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay mapangasiwaang mabuti ng mga mag-aaral

ang perang kinikita ng kanilang magulang at ginagastos upang matugunan ang kanilang

mga panpid gangailangan.

Mga Guro

Makakatulong ito sa mga guro upang mas mapapaliwanag nila sa mga mag-aaral

kung paano ba talaga ang tamang pagtitid sa mga gastusin.

Susunod na mga Mananaliksik

Mahalaga rin ang pananaliksik na ito sapagkat hindi lamang ang mga

mananaliksik ang magiging mulat sa tamang pagtitipid, kung hindi na rin ang mga

mambabasa.

Lokasyon ng pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng pananaliksik sa Sacred Heart Academy

of Sta. Maria (Bulacan), Inc., na ang lokasyon ay sa Dr. Teofilo Santiago St. Santa Maria,
SACRED HEART ACADEMY OF STA. MARIA (BULACAN), INC. 7
Bulacan, Ito ay gaganapin sa buwan ng Marso. Sumasaklaw lang sa pananaliksik na ito

ay ang iilan sa mga estudyante ng 11 ABM.


SACRED HEART ACADEMY OF STA. MARIA (BULACAN), INC. 8
Bibliography

Buba, P. (2015) The Effects of Entrepreneurship Education on University

Students' Attitude and Entrepreneurial Intention. Kinuha noong : March 11 2020

https://www.researchgate.net/publication/301355044_The_Effects_of_Entrepreneurship_

Education_on_University_Students'_Attitude_and_Entrepreneurial_Intention/citation/do

wnload

Caldwell W. (2017) West Caldwell 2017 Budget Proposed Kinuha noong :

March 11 2020https://patch.com/new-jersey/caldwells/west-caldwell-2017-budget-

proposed-average-homeowner-would-face-65-tax-hike

Colayco F. (2012) Tips from on how to save, invest wisely Kinuha noong : March

11 2020 https://www.gmanetwork.com/news/newstv/content/256748/tips-from-francisco-

colayco-on-how-to-save-invest-wisely/story/

Flores, J, (n.d) Karunungang Pampinansyal: Binhi ng Tagumpay Kinuha noong :

March 11 2020 http://www.bsp.gov.ph/events/2015/essaycontest/2nd.pd

Godfrey (2013). Editorial introduction: Island Tourism. In Island Tourism.

Kinuha noong: March 11 2020

https://www.researchgate.net/publication/281558168_Baldacchino_Godfrey_2013_Edito

rial_introduction_Island_Tourism_In_Island_Tourism_Jeju_Korea_Jeju_Development_I

nstitute_pp_7-29/citation/download

Serina (2014) Epektibo sa pagimpok sa pera Kinuha noong : March 11 2020

https://www.coursehero.com/file/21592666/Pamanahong-Papel/

Syc W. (2013) Asian Perspectives Kinuha noong : March 11 2020

https://www.coursehero.com/file/21592666/Pamanahong-Papel/
SACRED HEART ACADEMY OF STA. MARIA (BULACAN), INC. 9

Thompson D. (2007) Financial Statement and Budgetary Kinuha noong : March

11 2020

https://www.barbadosparliament.com/uploads/document/7ed0a5e381cc18c66fbc25b9d9d

50927.pdf

UST College of Nursing (2009) Student Budgeting 101 Kinuha noong : March 11

2020 http://studentbudgetingustnursing.blogspot.com/2009/03/

Youth Employment Data Bank Indicator (n.d) Time Job For Everyone Kinuha

noong : March 11 2020 https://data.worldbank.org/indicator/SL.UEM.1524.ZS


SACRED HEART ACADEMY OF STA. MARIA (BULACAN), INC. 10
Mga Kumento:

 may ilang bahagi na hindi TNR ang Font

 hindi naka-Justify

 may kapangkat kayong hindi alam ang gamit ng gitling, pakitukoy at pakain sa pating.

 Pagtapos ng kuwit, mayroong space

 Pagtitipid, hindi pag titipid. Wag niyong ihiwalay ang pag at mag sa salitang-ugat!

 Hindi naka-hanging indent

Alokasyon ng puntos:

Nilalaman = 43/45

Gwastong gamit at baybay ng mga salita = 26/30

Format = 21/25

Kabuuang Puntos = 90/100

You might also like