You are on page 1of 2

Cashcapades 2023

PAGIGING RESPONSIBLE, SIMULAN NA!


ANGELICA M. BALDERA - LA CASTELLANA ELEMENTARY SCHOOL

Ayon kay John Hope Bryant, “You can make money two ways – make more, or spend
less.” Nangahulugan ito na kung gusto mong dumami ang iyong pera maari kang gumawa ng
dalawang hakbang; paramihin ito o magtipid ka.

Bilang isang estudyante na wala pang trabaho, ang maaari nating gawin ay ang
magtipid tayo. Kapag sinabing pagtitipid, konektado ito sa responsable na paraang mas inuuna
natin ang mga mahahalagang bagay. Kapag naisapuso na natin ang kaalamang ito ay mas
magkakaroon tayo ng mas maganda at maayos na kinabukasan.

Ang pagiging responsable ay isang magandang katangian hindi lang bilang isang batang
mag-aaral kundi bilang tao at mamamayan ng bansang Pilipinas. Sa isang responsible
paggastos ay magkakaroon tayo ng magandang katangian tulad ng dIsiplina at pagiging
maalalahanin sa mga taong siyang nagbibigay ng baon at pangangailangan natin ang ating
mga magulang sa pag-alam kung ano ang dapat at di dapat unahin sa pagbili sa kung
kailangan at di kailangan at sa nakakabuti na kakasama sa ganitong paraan nagiging
responsible at makakatipid tayo katulad ko na imbis bumili ng softdrink at juice sa canteen ay
nagbabaon na lang ako ng tubig araw-araw. Hindi rin ako bumibili ng pagkain sa canteen
minsan sapagkat nagdadala rin ako ng makakain na kanin na niluto ng aking ina. Sa ganitong
paraan, makakatipid ako at mas nagiging malusog at malayo sa sakit. Isang patunay lamang na
nagdudulot ng magandang bagay ang pagiging responsable sa paggastos.

Hindi lang sa pagbili tayo pwedeng maging responsible pwede rin pagdating sa
pagsakay sa mga sasakyan patungo sa paaralan. Kung malapit lang naman ang bahay patungo
sa paaralan, ay maaari na lamang lakarin ito at mas magiging maganda pa ito sa ating katawan
dahil nakatutulong ang paglalakad sa sirkulasyon ng dugo patungo sa ating puso. Upang hindi
gaanong mainit ang paglalakad, matutulog at gigising tayo ng maaga kaya makakapahinga tayo
ng maayos at magiging gising ang diwa natin pagdating sa klase. Makakatulong din tayo sa
ating kalikasan upang mabawasan ang polusyon dulot ng mga sasakyang nagsusunog ng
gasolina. Isang magandang paraan ito hindi lang sa sarili kundi pati na rin sa ating kapaligiran
na mapabuti isipin mo nalang na sa isang kaisipan lamang na nais mong maging responsible at
magtipid ay isa ka na din sa mga kabataang tumutulong upang kahit paano ay mailigtas ang
mundo sa pagkasira. Isang patunay ito na dapat sinimulan mo na ang pagiging responsibleng
estudyante pagdating sa paggastos.

Sa ngayon, sinimulan ko ng gumawa ng sarili araw-araw na baon ko sa pagpasok sa


eskwela nais ko kasing bumili ng mga school supply sa susunod na pasukan upang kahit paano
makakatulong sa aking mga magulang marami pang paraan ang pwedeng gawin tulad ng hindi
pagsasayang ng papel at kung ano-ano pa.
Cashcapades 2023

Ngunit ang mga nailarawan ko ay napatunayan kong isang responsibleng paraan ng


paggastos upang makapagtipid ng pera. Hindi man maaaring bilhin ng pera ang kasiyahan ng
bawat isa ngunit sa ito sa makakatulong sa atin upang mapasaya natin ang mga taong
nagmamahal sa atin. Sa huli, ang pagtitipid at responsibleng paggastos ay hindi lang tayo
ginawang disiplinado sa buhay, malusog at mabuting tao, ginagawa rin tayo nitong handa sa
pagharap natin sa buhay.

You might also like