77 J.P Rizal St. Brgy, Mabini, Sta, Rosa, Nueva Ecija
PERFORMANCE TASK IN ARPAN 9
Submitted to: MRS. Mae Floresta
Submitted by: Marc Andrei G. Barcellano Grade 9 - Quezon Bilang isang estudyante mahalaga bang maging wais sa pag hawak ng pera upang matuto sa paghawak, paggasta at pagtipid ng pera. Dahil ito ay isa sa mahalagang asset natin ngayon dahil nagtataas na mga bilihin kaya maging wais sa paggastos ng pera at kailangan nating tipirin ang pera dahil ang pera ay hindi napupulot kung saan-saan at ito’y pinaghihirapan natin bago natin makuha, Ilagay mo ito sa alkansiya o sa bangko upang ma-protektahan, Huwag mo gastusin ang iyong pera kapag hindi mo naman kailangan ang bagay na iyon at kailangan din natin magtipid. Ang kahalagan ng pagtitid ay lubos dahil dito ay hindi ka naguubos ng pera sa mga hindi mahahalagang bagay at dahil rin sa pagtitipid mo kapag may darating na biglaang sakuna ay may magagastos ka dahil may ipon ka. Sa pagtitipid mababawasan ang iyong bayarin sa bahay at may mabibili ka pa ng sobra dahil mura at wais ka sa pagbili. Kung ikaw ay wais sa paghawak ng pera at hindi mo ito ginagamit sa mga bagay na hindi mo naman kailangan at sanay ka mag budget ng iyong pera mas mapapadali sayo ang paggamit ng pera dahil ito ay naka budget na. Sa panahon natin kailangan natin maging wais sa paggamit ng pera bagkus Sa panahon ngayon na kung saan patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahin natin pangangailangan mula sa mga produktong pagkain ihahain sa hapag kainan, damit, tubig, kuryente, renta ng bahay,gas atbp. Halos lahat sila nagsisipag taasan ang mga presyo. Walang katiyakan kung kailan baba o patuloy lang tataas ang presyo nito sa mga susunod pang araw. Mahirap isipin sa nangyayaring ito eh wala tayo magagawa kundi tangapin na yan ang katotohanan. Kailangan magtipid, mag impok at iwasan gumastos ng sobra-sobra para makaipon ng pera. Pero ang tanong nagagawa ba natin ito? Lalo na bilang isang mag-aaral. May oras na nakakalimutan at hindi na natutupad ito. Kapag nagkayayaan ang barkada na kumain sa labas o kaya naman ay may biglaang bayarin sa paarala. bilhin. Sabi nga ng matatanda “Ubos-ubos biyaya, Bukas nakatunganga“. Naisasantabi na ang mas prayoridad na mga bagay- bagay. Ngunit kung may gusto kang bilin kailangan mo mag impok ng pera dahil may gustong bilhin halimbawa ay mga sapatos gaya ng Jordan, Nike, at Adidas pero pagkatapos mabili ang gusto nakakalimutan ng ituloy ang nasimulang pag iimpok. Bakit nga ba mahalaga ang pag iimpok? Mahalaga ito sa kadahilanang ito ang magdadala sayo ng magandang buhay sa hinaharap o sa pagtanda mo. Kung nais natin umasenso at kalayaan sa pananalapi, mahalagang alamin din natin at pag aralan ang tamang paraan sa paghawak ng pera. Sa pag iimpok nagsisimula ang lahat patungo sa direksyon ng kasaganaan. Pero paano? yan ang madalas na tanong sa mga nagnanais makaipon. Kung tutuusin madaling sabihin,ngunit mahirap gawin. Sa kadahilanang di natin nakasanayan simula pa nun pagkabata. Alam naman natin na tumataas talaga ang bilihin dahil sa inflation kaya bilang isang estudante ay mahalaga na dapat matuto tayo kung paano ang tamang paghawak ng pera. Makakatulong ito ng malaki sa atin sa ating buhay ngayon at sa hinaharap. Maraming paraan kung paano tayo hahawak ng pera at hindi ito basta basta magastos sa mga walang kabuluhang mga bagay. Isipin kung ano ang mga kailangan sa pang-araw-araw ng buhay. Ilista ang mga ito kung maaari upang walang makalimutan at hindi magsama ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan. Maglaan ng sapat na pera at huwag ipasosobra upang hindi magastos. Kung may sobrang ipon na pera, mas maganda kung ilalagay ito sa bangko. Hindi lang sa mas advisable ng gawin ito, mas sigurado pa tayo na ligtas ang ating pera. Pairalin natin ang ating pagiging matipid. Makakatulong ng malaki sa atin ang mga naiipon nating pera dahil kung dadating man ang araw na mangangailangan tayo ng pera, ay hindi na tayo dapat pang mang-utang sa iba. Huwag ding uunahin ang ating mga luho at huwag na itong bilhin kung hindi naman talaga ito makakatulong sa ating buhay. Dahil ako ay estudante pa lamang ang aking pang-isang linggong baon ay aking binabudget para yung sosobra sa aking baon ay aking itatabi para kung may kailangan akong bayaran sa paaralan hindi na ako hihingi sa aking mga magulang. Dahil ako’y tinuruang paano magtipid sa aking baon kaya ako’y nakakaipon at nabibili ko ang mga gusto kong bilin nang hindi na nanghihingi sa aking mga magulang ng pera.