Kung bibigyan ka ng papel na lukot at punit, itatapon mo lamang
ito. Dahil sa tingin mo ay hindi mo na ito mapapakinabangan pa. Ngunit kung ikaw ay bibigyan ng lukot at punit na pera ay magagawan mo pa ito ng paraan. Ipinapahiwatig nito na mahalaga ang pera sa atin at laging mayroong paraan tungkol dito.
Mayroon ngang kasabihang “hindi namumunga ng pera
ang mga puno.” Na siyang totoo. Dahil ang mga pera ay hindi basta-bastang pinipitas sa mga puno.
Ang kahirapan ay parte na ng ating lipunan. Ito ay araw-
araw na nararanasan ng mga taong kabilang sa mababang antas ng lipunan. Pilit na nilalabanan ng bawat indibidwal ang suliranin na ito upang mabuhay at makapagpayuloy ng bagong yugto ng buhay.
Maraming kabataan ang hindi nakakapag-aral dahil sa
kahirapan. Maaaring dahil sa kawalan ng trabaho ng mga magulang. Ngunit ang kahirapan ay hindi hadlang sa tagumpay. Bagkus, gawain itong inspirasyon sa pagkamit nito.
Ang mga pera ay hindi rin napupulot sa basurahan. At hindi ito
basta-basta itinatapon. Kailangan mo pa itong paghirapan. Kung mayroon ka naman nito, dapat ay hindi mo ito sinasayang o ginagamit sa hindi importanteng bagay. Kung sa tingin ninyo ay malabo na ang pag-asa na malagpasan ang paghihirap, ay nagkakamali kayo diyan. Marami pang paraan, para umahon at guminhawa. Para sa mata, kailangan lamang ng salamin para luminaw ang paningin.
Maraming kapos sa pera na hindi makabili ng
kanilang pangangailangan dahil sa pangungurakot ng ilan at ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Sana ay unahin ng gobyerno ang pagtulong at hindi ang kung anu-ano pang ginagawa. Kailangan lang natin maging matibay sa mga dadaanan nating pagsubok sa buhay. Pagsubok lamang iyan, huwag mong itigil ang laban! Pagsisikap ang tunay na sikreto ng tagumpay.