1. Ilahad ang pagpapaliwag sa kaisipang inilalahad ng bawat saknong.
Pagpapaliwag sa Kaisipang Inilalahad ng Bawat Saknong
Saknong 1 Ang bakal nasiyang ginagamit ng panday ay sumisimbolo sa kanyang lakas at bunga nito. Ang mga manggagawa ay napakahalaga. sila ay kayamanan ng bansa- yamangtao kung iturig. Ang kanilang lakas ay siya ring lakas ng bayan. dugoat pawis ang kanilang puhunan din man. Ano mang klase ng manggagawa ay kay laking tulong na. gamit angkanilang kamay, kay raming nagagawa. Saknong 2 Kung walang mangagawa ay walang gagawa ng mga kagamitan kung alang kamay na hahabi rin man. mportante ang mga manggagawa sa bansa. Napakalaking kawalan kung sila’y mawala. Saknong 3 sa likod ng pakinabang at halaga ng manggagawa, isang katotohanan ang sa lipunan ay umalingawngaw. Hindi natin maiwawaglit sa ating isipan na may mgamanggagawang patuloy na inaalipin. may mga manggagawang patuloy na sadlak sahirap. may mga manggagawang panay na kumakalam ang sikmura. may mgamanggagawang pinagkaitan ng karapatan. Saknong 4 Hindi na lingid sa atin subalit hanggang sa kasalukuyan ay nabubuhay pa rin angmga suliraning yaon. mababang sahod, palaging sobra ang oras sa pagtatrabaho, minsanay hindi pa pantay ang pagbibigay, hindi pa sa tamang oras ang pagbibigay sahod at higit sa lahat, minsan ay napapawalang bahala lang. ilan lamang ang mga suliraning ito ng mga manggagawa sa lipunan. Saknong 5 Hindi dapat natin maliitin ang manggagaa at ang kanilang lakas. ingidsa ating kaalaman kung ano pa ang kanilang maaaring magaa. Kung misan ay nakikitanatin silang naka-upo lamang, hindi lang natin alam, maghapon silang nakayuko.1amdam natin ang pagod na kanilang nararanasan. #atunay na riyan ang kay raming butilng pais na tumutulo mula sa kanilang kataan
Panuto: Punan ng hinihinging impormasyon ang mga kahon sa ibaba gamit ang tick-tack na metodo:
Ilahad ang O- Opinion hinggil sa mga Kabataang Manggagawa
Ilahad ang R- Reaksyon hinggil sa binasang akda Isa- isahin ang A- Aral na napulot mula sa binasa Iugnay sa S- Sariling kaisipan o karanasan
O Ang dapat sa mga kabataang mangagawa ay mag-aral sila para sa
kanilang kinabukasan para sa ganon hindi sa mga ganoong klaseng trabaho sila mapunta.at dapat sa mga magulang ng mga batang mangagawa ay pag-aralin nila ang kanilang mga anak para hindi sila matulad sa kanila na hindi nakapag-aral . at dapat lang sana na tulungan ng gobyerno ang mga batang makapag-aral at supportahan ng kanilang pangangailangan sa kanilang pag-aaral. R Ang aking reaksyon sa aking akdang binasa ay napakahirap ang kalagayan ng mga batang mangagawa dahil sa murang edad nila ay nagtratrabaho na sila para mabuhay at makatulong sa kanilang mga magulang kaya maraming kabataan ang naghihirap dahil sa kakulangan ng pera kaya maraming kabataan na napapariwara ng landas dahil sa kahirapan kaya dapat sana silang tulungan para sila ay makapag-aral at makapag-trabaho sa desenteng pamamaraan para hindi na sila maghirap ng maghirap. A Para saakin dahil isa na akong magulang ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para pag-aralin ang aking anak para hindi siya mag- hirap balang araw at hindi niya maranasan ang hirap na nararanasan ng mga batang mangagawa sa panahong ito at dapat lang nabago tayo bubuo ng pamilya ay dapat lang na may mga pauhunan na tayo at mga bahay at stable na trabaho para sa ganon ay hindi maghirap an gating mga anak. S Sa aking karanasan ay maraming beses akong na akong nabigo sa aking pag-aaral dahil narin sa pagsuway sa aking mga magulang dumating sa puntong ayaw na nila akong suportahan sa aking pag- aaral kaya wala akong nagawa kung hindi huminto nalang at doon ko narealize na ang hirap pala kung may pamilya kana at wala kamanlang mapagkukunan ng pangangailangan mo sa araw –araw kaya’t nagbalik ako sa skewla dahil ito lang ang naisip kong paraan para makaahon kami sa hirap at gusto kong patunayan na kahit ilang beses kang mabigo kung may pangarap ka sa buhay kakayanin mong lagpasan anglahat ng pag-subok na dumating sa ating buhay basta’t maniwala lang tayo sa plano ng ating Diyos na makapangyarihan.