You are on page 1of 6

Subukin

1. A 6. C 11. C

2. B 7. B 12. B

3. A 8. C 13. A

4. B 9. A 14. A

5. D 10. B 15. D

Gawain 1
Ako’y simpleng tao na may pangarap sa buhay, labingwalong taong gulang na ako, sa aking murang edad marami
na akong mga papanaw at napagdaanan sa buhay na alam kong ito’y pagsubok lamang upang mas makilala ko pa ang
aking sarili. Singkit ang aking mga mata, medyo may katamtamang tangos ang ilong, may malambot at mapulang labi na
hugis puso, itim ang aking mga buhok, makapal na kilay at katamtamang haba ng mukha. Ngunit hindi naman sa aking
mga parte ng katawan ay tila kanais nais sa lahat at maging sa sarili ko, sapagkat ako ay may problema sa ngipin kulang
ito ng isa sa bandang harapan at mapayat na pangangatawan, ito ang mga kahinaan na taglay ko ngunit hindi ito naging
hadlang sa akin sapagkat nagagawa ko parin ang aking mga kagustuhan at kahiligan dahil sa alam kong may tatanggap at
uunawa sa aking pagkatao. Ngunit hindi ako papahadlang dahil alam kong talentado akong tao, kaya kong sumayaw,
gumuhit at gumawa ng mga kaaya-ayang mga pagdedesenyo. At kung hindi niyo mararapatin ay mahilig ako sa maglaro
ng volleyball at badminton at dahil doon ay nawawala ang aking pagkabagot sa buhay. Mahaba rin ang aking
pagpapasensiya at may mabuting kalooban. Ito ang aking pagpapakilala sa aking pagkatao.

Gawain 2
Ang bansang tsina ay malaking bansa at may magagandang tanawin ngunit sa kabila ng kagandahan nito ay may
malaking pagsubok ang nangyari sa bansa at maging sa karating bansa sapagkat hindi malaman ng lahat kung saan, sino
ang gumawa ng kahindig hindig na pangyayaring ito sapagkat lahat ng bansa ay nakaranas nito, ito ang tinatawag na
nakakahawang sakit na tilay ba’y dahilan ng pagbagsak ng enomiya ng lahat ng bansa at mga taong nawalan ng mga
trabaho at pagkakahawa ng mga taong walang hinangad kundi ang mabuhay ng marangya ngunit dahil sa sakit na iyon
ay tila ba’y winakas na agad ang kanilang buhay. Dahil sa sakit na ito maraming tao ang nahawaan nito mapatanda at
bata ay hindi nito ipinagkawalang bahala. Kaya’t ang masasabi ko lang sa ngayon ay lumaban at magpatatag sapagkat
ang uri ng sakit na ito ay magwawakas rin.

Gawain 3
1. Oo, sapagkat ang awiting ito ay naipakita ang wastong kasangkapan na ginagamit sa malinaw na paglalarawan
dahil dito ay mas naunawaan at nabigyan ng malalalim na imahinasyon at mga papanaw sa buhay. At dahil ditto
ay naipakita rin ng mang await ang kanyang mensahe.
2. Ang mensahe ng awiting ito ay patungkol sa paglalarawan ng iba’t ibang uri ng bahay na may kanya kanyang
mga tungkulin upang may masilungan ang mga kagaya nating tao. At sistema ng buhay ng mga tao.
3. Oo, dahil sa malinaw at maayos na paglalarawan nito ay bumukas ang aking imahinasyon at damdaming aking
naramdaman noong ito ay napakinggan ko.
Gawain 5
OBHETIBO

- Damhin ang hanging dumadampi sa balat.


- Paraisong kay sarap tirahan
- Halaman at hayop ay naapektuhan
- Bukiring malalawak ay lumiliit na

SUBHETIBO

- Nagtataglay ng makukulay na kaanyuan


- Nagsisilbi at mapakinabangan ng tao
- Polusyon ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng sakit
- Kakayahang lumutas sa mga suliranin sa kapaligiran.

Gawain 6
KAHULUGAN:

- Maganda – ay ang pagkakaroon ng kaaya-ayang katangian na nakikita ng mata.


- Malawak – ay nangangahulugang maluwag o hindi masikip.
- Makulay – pagkakaroon ng marami o iba-ibang kulay; maliwanag.
- Lumutas – humanap ng isang sagot sa, paliwanag para sa, o paraan ng mabisang pagharap sa (isang problema o
misteryo).
- Mabilis – ay ang kakayahan o sitwasyon kung saan ang isang tao ay hindi mabagal, maliksi kumilos at natatapos
niya ang kanyang mga gawain sa mas maagang oras.
- Magsilbi – paglilingkod sa isang partikular na tao, bagay, hayop, pook at pangyayari.
- Masarap – ay malinamnam,katakamtakam sa panlasa.

MGA KATANGIAN:

- Maganda
- Malawak
- Makulay
- Lumutas
- Mabilis
- Magsilbi
- Masarap
Gawain 7
SARILI:

- Para sa akin an gang isang ina ay sobrang napakatatag, determinado at mapagpasensiya sa lahat ng bagay. Lahat
ay kaya nilang gawin maparamdam lang sa kanilang mga mahal sa buhay na hindi sila nakakalimot.

PAMILYA:

- Ang isang ina sa pamilya ay nagsisilbing ilaw ng tahanan lahat ng mga gawaing pambahay ay alam nito ngunit
hidni lamang sila magaling pagdating sa mga gawaing bahay bagkus kaya rin nilang iparamdam sa pamilya nito
na handa nitong gawin ang kahit ano.

KOMUNIDAD:

- Ang isang ina sa komunidad ay nagsisilbing halimbawa kung paano nito mag-aruga sa kaniyang mahal sa buhay
at hindi lamang sa kaniyang mga mahal sa buhay kundi sa komunidad rin ay naipapakita nito ang pagmamahal sa
ibang mga tao, handa silang maglingkod para sa ikabubuti ng isang komunidad.

BANSA:

- Ang isang ina sa bansa ay pawang likas na yaman ng lahat sapagkat kapag wala ang likas na yaman sa isang
bansa ay ito ay walang kabuhay buhay o nakakawalang gana at maging ang ina kapag wala ang ina sa pamilya
hindi kumpleto ang pamilya sapagkat walang nagsisilbing ilaw ng tahanan at tila ba’y walang kasabikan kapag
walang ina.

DAIGDIG:

- Ang isang ina sa daigdig ay isang malaking tulong sa taglay nitong ganda ay hindi matutumbasan ang
pagmamahal sa pamilya, komunidad at bansa katulad ng pag aala ng mga tao sa likas na yaman.

Gawain 8
- Ang wikang ginamit sa teksto ay patungkol sa tao, sapagkat inilalarawan nito ang mga katangian at mga gawain
ng isang ama. Mga karanasan nito noong ito ay nasa poder ng ama.
- Ang tekstong ito ay may maayos na pagdedetalye dahil sa ipinamalas ang maayos at magandang pagdedetalye
mabilis ko agad ito naintindihan at naunawaan. nagkaroon ako ng imahinasyon tungkol sa teksto.
- Ang papanaw ng tekstong ito ay mailahad ang makikitungo ng isang ama para sa kaniyang mga mahal sa buhay
at kung paano ito nagsilbing tulong sa lahat ng mambabasa o tagapakinig.
- Dahil sa isinawalat ng tekstong ito ay bumukas ang aking imahinasyon at nakaramdam rin ako ng bugsong
damdamin katulad ng galak at kasiyahan sapagkat ang ama ang nagpapatunay na sila ay may magandang
layunin sa pamilya kaya ako ay nagpapasalamat dahil lalong lumapit ang loob ko sa aking ama.
- Ang ama ay haligi ng tahanan; siya ang pundasyon ng pamilya sa pagpapanatili ng kaayusan at pagtatagumpay.
Ang haplos ng kamay na tila proteksyon na siyang nagpapatibay sa aking pagkatao.

Isa siya sa dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban at inaabot ang aking mga pangarap sa buhay.

Ang aking ama’y isang biyaya ng langit upang subukin at patatagin ang aking pagkatao.

Gawain 9
Natutunan ko na ang kahalagahan ng isang teksto o paksa, maayos na paglalarawan ng isang manunulat sa isang teksto
at paghubok ng mga damdamin sa binasang teksto.

Naging kawili-wili sa akin ang mga kasangkapan ng malinaw na paglalarawan, mga uri ng tekstong paglalarawan at
kahulugan ng tekstong destriptibo.

Ibig ko pang malaman tungkol sa iba’t iba pang daan para makami ang mahusay na paglalaraan, sentro sa pagpapatibay
ng paglalarawan at iba’t ibang talakayin na patungkol sa pagbasa at pagsusuri.

Gawain 10 POVERTY
Ang Poverty ay isang isyu na sumasakit pa rin sa maraming umuunlad na
mga bansa sa buong mundo. Ito ay sa kabila ng matagal nang mga
programa na nagtangkang bawasan ang problemang ito sa pamamagitan
ng paghahatid ng tulong pinansyal. Ang aking paniniwala na ang mga
programang ito ay kailangang suportahan ng mga kahaliling porma ng
tulong na mas malamang na magdala ng isang mahabang solusyon.
Maling sabihin na ang pananalapi na tulong ay walang epekto sa
paglaban sa kahirapan. Halimbawa, maaari itong maging mabisa sa
pagpapahintulot sa mga gobyerno na bumili ng pagkain o magbigay ng
pabahay para sa mga mahihirap, lalo na sa mga kaso ng natural na
sakuna. Karaniwan, gayunpaman, mayroon lamang itong panandaliang
epekto at hindi gaanong natutugunan ang mga pangmatagalang sanhi ng
kahirapan. Sa katunayan, maaari pa nitong mapalala ang sitwasyon kung
ito ay ibinigay sa anyo ng isang pautang na kailangang bayaran. Mayroong isang bilang ng mga kahaliling porma ng
tulong na maaaring gumana nang mas mahusay sa pangmatagalang paglaban sa kahirapan. Isa na rito ay para sa mga
donor na bansa at mga NGO na magbigay ng pagsasanay para sa mga mahihirap na bigyan sila ng mga kasanayan upang
makatakas sa trapiko ng kahirapan. Halimbawa, maaaring sanayin sila ng mga boluntaryo kung paano patakbuhin ang
kanilang sariling micro-business at sa gayon ay magsanay ng isang kultura ng enterprise. Isa pang praktikal na ideya ay
upang magtrabaho upang mapabuti ang mga kundisyon na sanhi ng kahirapan sa una. Maaaring mangahulugan ito ng
pagtatayo ng mga balon ng tubig o pagpapabuti ng mga sistema ng irigasyon dahil kapwa nagkulang sa pagkain at tubig
ang nag-aambag sa kahirapan. Alinmang uri ng tulong ang napili, gayunpaman, dapat itong gawing mas
mapagkakatiwalaan ang mga mahihirap, dahil iyon ang pinakamasisiglang paraan upang makahanap ng isang
pangmatagalang solusyon. Bilang pagtatapos, naniniwala ako na ang tulong sa pananalapi ay may limitadong papel na
gagampanan pakikipaglaban upang puksain ang kahirapan. Gayunpaman, kailangang dagdagan ito, ng mga patakaran na
patungo sa mas matagal na solusyon at higit na pagtitiwala sa sarili.
Tayahin
A.

1. K

2. M

3. M

4. K

5. M

B.

1. mas maayos at mas malinaw 6. pangungusap

2. paksang pinag uusapan 7. pang halip

3. sino o ano 8. Kohisyong Leksikal

4. parirala o sugnay 9. karanasan at saloobin

5. Substitusyon 10. masistemang pananaw

Gawain 11
Ang pinili ko ay ang unang larawan: Ang Pamilya

May ilang taong naniniwalang ang isang pamilya’y tulad ng isang magandang kahong puno ng mga bagay na
gusto nila: pagmamahal, katuwaan, pagkakaroon ng kasama at iba pang magagandang bagay; isang kahong
mabubuksan kailanma’t nais nila ng mga bagay na ito. Marahil, mas nakakatulad ng isang walang lamang
kahon ang pamilya. Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa rito ng mga tao.
Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng
pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod
at paghikayat sa isa’t isa. Ang mga ito ang nagpapatigib sa kahon. Ang paglalabas ng higit sa isinilid natin ay
magpapabasyo sa kahon sa malao’t madali.

Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa, sa pagiging
tapat, sa pagsasama-sama bilang isang pangkat, at sa pag-aalaga sa isa’t isa. Maraming paraan para maipakita
ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya. Kapag ipinakikita natin ang
pagpapahalaga sa pamamagitan ng mga salita at gawa, naipakikita natin sa ating pamilyang pinahahalagahan at
itinatangi natin sila. Maiging isipin kung gaano natin pinahahalagahan ang iba. Ngunit, hindi nila malalaman
ang nararamdaman natin hangga’t hindi natin sinasabi.
Maraming pamilya ang may espesyal na pagtitipon kung Araw ng mga Ina o Araw ng mga Ama upang
maipadama ang pagpapahalaga sa magulang. Maraming kultura ang nagdiriwang ng mga tanging araw para
parangalan ang mga bata. Gaano man kahirap, importante sa isang pamilyang magkaroon ng komunikasyon.
Kailangan nating kausapin, pakinggan, at unawain ang isa’t isa. Kailangang may makahati tayo sa ating mga
kaisipan at damdamin. Sa ganitong paraan tayo natututong magtiwala at umasa sa isa’t isa.

Gawain 12
Pulso ng Mag-aaral: Katamtaman!

Narito ang mga natutunan kong kaalaman sa aralin na ito.

 Ang Tekstong Deskriptibo ay nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa katangian ng isang tao, lugar, bagay, o
pangyayari. Ito ay laging sumasagot sa tanong na Ano at nakabatay sa pandama tulad ng mga bagay na nakikita,
naaamoy, nalalasahan, nahahawakan, at naririnig. Nakaramdam rin ito sa nararamdaman tulad ng bugso ng
damdamin o personal na saloobin ng naglalarawan. Ang pinakahuling batayan sa paglalarawan ay batay sa
obserbasyon ng mga pangyayari.
 Natutunan ko rin ang iba’t ibang katangian ng tesktong deskriptibo.
 Gayundin, ang iba’t ibang uri ng paglalarawan; Karaniwang Paglalarawan (Obhetibo) natumutukoy sa payak na
paggamit ng salita sa paghahalintulad; at Masining na Paglalarawan (Subhetibo) naman na gumagamit ng mas
malalalim at makukulay na salita.
 At ang huli, ang Apat na Kasangkapan na Ginagamit sa Malinaw na Paglalarawan, ito’y wika, maayos na detalye,
pananaw ng paglalarawan, at isang kabuoan o impresyon, at ang paraan ng paglalarawan.

You might also like