You are on page 1of 11

PINAL NA AWTPUT

KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO (GEC KAF)


Unang Semestre, T.P. 2021-2022

Pangalan ng Kasapi: Kurso/Programa: Instraktor:


1. Fatima C. Siarza BTVTEd Dr. Arnel T. Noval
2. Jerome Torrejas
3. Desavil Jean Desuyo Seksyon: Petsa ng Pagpasa:
4. Joana M. Sumalinog 2- 12
5. Creslene C. Calimpusan

Unang Bahagi: Pagpapaliwanag (50 pts.)


Panuto: Magbahagi ng ideya hinggil sa mga katanungan na nasa ibaba.
Ipahayag lamang ang iyong sagot sa loob ng 3-5 pangungusap. Tiyakin din
na ang lahat ng mga kasapi ay nakapagbahagi ng kanilang tugon/sagot
sa bawat tanong.

1. Sa iyong palagay, anong kultura o kaugalian sa iyong baranggay ang


nararapat panatilihin at pagyamanin para sa susunod na henerasyon?
Magbigay ng mungkahi o kaparaanan sa pagpapanatili at pagpapayaman
nito.
Pangalan Sagot
ng Kasapi
K1 - Fatima  Ang kultura o kaugalian na ito ay ang pagtulong at
C. Siarza pagbibigay importansya sa mga PWD. Dapat itong
panatilihin at pagyamin pa dahil ito ay naging isang
malaking tulong sa mga pamilyang may kasamang
PWD sa kanilang bahay.
Mapapanatili at mapapayaman namin ito sa
pamamagitan ng pagpatuloy na pagbigay tulong sa
mga PWD at iwasan ang korapsyon sa pera.

K2 - Jerome  Isa sa mga kultura o kaugalian na dapat panatilihin at


Torrejas pagyamanin sa aming barangay ay ang
pakikipagbayanihan. Dito natin makikita o mababase
kung ang iyong barangay ay may magandang
naidulot sa lipunan. Ang pagtutulungan at pagkakaisa
ng mga tao sa barangay ay siyang nagpapaunlad at
nagbibigay pagmamahal sa kapwa tao. Lahat tayo ay
nagdaan sa krisis at kalamidad kaya dapat
magbayanihan tayo para mabilis tayong makabangon
sa sitwasyon na ating kinakaharap o haharapin pa.

K3 - Desavil  Ang mga kultura kaugalian sa aming barangay na


Jean Desuyo nararapat pang panatilihin at pagyamanin ay ang
pagkakaroon ng feeding program para sa mga bata,
pagbibigay ng help assist sa mga miyembro ng
barangay lalo na sa mga bata at mga matatanda,
pagbibigay rin ng mga libreng gamot sa lahat ng
member ng aming barangay. Dahil sa kaugaliang ito
nagagawang makatulong ng barangay sa mga tao ng
libre at di na kailangan pang gumawa ng malaki ang
mga tao para sa mga ganitong bagay.

K4 - Joana  Ang kultura o kaugalian sa aming baranggay na


M. nararapat panatilihin at pagyamanin para sa susunod
Sumalinog na henerasyon ay ang pagtutulungan sa kapwa tao o
kapit bisig. Sa amin ay nagtutulungan kami sa
panahon ng kagipitan. Noong bumagyo, maraming
bahay ang nasira at mga puno ay natumba. Tulong
tulong kami sa pag ayos ng mga bubong at pagputol
sa mga natumbang kahoy. Upang ito’y mapanatili at
mapagyaman sa susunod na henerasiyon ay dapat
turuan ang mga bata na maging matulungin sa
anumang unos na dumating.

K5- Creslene  Ang pagkakaroon ng paggalang sa mga matatanda,


C. pagdarasal bago kumain, pagkakaroon ng bayanihan
Calimpusan ito ang mga ilan na kaugalian na naging bahagi ng
kultura sa aming barangay na dapat panatilihin at
pagyamanin sa susunod na henerasyon.
Mapapanatili lamang ang mga ito sa pamamagitan ng
pagbahagi sa mga kabataan na dapat ipagpatuloy
ang mga ganitong kaugalian na naging kasanayan na
sa aming barangay upang ito ay hindi makakalimutan
at tuloy-tuloy paring ginagawa.
2. Anong katangian ng pagiging global citizen ang masasabi mong taglay mo
na. Pangatwiranan at patunayan ang iyong sagot.
Pangalan Sagot
ng Kasapi
K1 - Fatima  Ang katangian na meron ako ay may malawak akong
C. Siarza pag-iisip at alam ko ang tama at mali. Ito ay
importante sa pagiging global citizen ko para
maiwasan ko ang pang aabuso ng aking kapwa. Ang
katangiang ito ay mag -iiwas rin sa mga taong
gustong mag manipula ng aking pag-iisip.

K2 - Jerome  Pagiging independent at praktikal na taglay na meron


Torrejas ako bilang isang global citizen. Ito ang katangian na
madadala ko hanggang sa pagtanda, pagiging
independent, dahil nasanay ako na palaging mag isa
habang tinataguyod ko ang aking sarili at pagiging
praktikal sa buhay, dito mo masusukat ang isang tao
kung siya ay may malaking naiambag sayo at may
malaking nagawang maganda sa kapwa tao. Dahil
ang pagiging praktikal ay nasusukat sa paggamit ng
ating utak at pagiging (wise) kumbaga.

K3 - Desavil  Ang katangian ng pagiging global citizen na mayroon


Jean Desuyo ako ay ang kakayahan kong makipagsabayan sa iba
lalo na pag ang usapan ay tungkol sa trabaho,
nagagawa kong tumulong sa kanila lalo na kung ang
trabahong gagawin ay ang kaya ko rin, alam ko ring
makinig sa mga opinyon ng bawat isa at respetuhin
ito. Alam naman natin na tayong lahat ay may iba't
ibang opinyon at ito ay marapat lamang na ating
respetuhin upang magagawa natin maintindihan ang
bawat isa at sa gayon ay tayong lahat ay magkaroon
ng pagkakaisa.

K4 - Joana  Ang mga katangian na masasabi kong taglay ko ng


M. pagiging global citizen ay ang pagiging malikhain at
Sumalinog maagap. Masasabi kong malikhain ako sapagkat ang
mga basurang recyclable katulad ng mga bote at
newspaper ay ginagawan ko ng paraan upang silay
magamit ulit. Ang plastic na bote ay ginagawa kong
lalagyan ng mga tanim ang newspaper naman ay
ginagawa kung palamuti. Nasasabi ko ring maagap
ako sapagkat iniiwasan ko ang mga bagay na
magdudulot sakin at sa aking pamilya ng masama.
Sinisigurado ko na ang puspuro sa amin nakalagay
sa kung saan hindi maabot ng mga bata pati na ang
mga matutulis na bagay katulad ng kutsilyo.

K5- Creslene  Siguro ang pagkakaroon ko nang bukas na pag-iisip


C. kung saan mas maunawaan kung saan nagmumula
Calimpusan ang iba ay susi sa pag-unlad sa mga sitwasyon ng
pagkakaiba-iba at pag-aari sa komunidad ng mundo.
Ang isang bagay na kinikilala ng lahat ng
pandaigdigang mamamayan ay mas mahalaga na
magkaunawaan ang isa't isa kaysa magkasundo sa
lahat ng bagay.

3. Bakit mahalagang isaalang-alang ang kultura ng kausap upang maging


mabisa ang komunikasyon? Patunayan ang iyong sagot.
Pangalan Sagot
ng Kasapi
K1 - Fatima  Bakit mahalagang isaalang-alang ang kultura ng
C. Siarza kausap upang maging mabisa ang komunikasyon?
Patunayan ang iyong sagot.
Upang magkaroon ng mabisang komunikasyon may
dapat ka talagang e konsidera katulad nalang ng
kultura. Hindi mo pwedeng hindi e-respeto ang
kultura ng iyong kausap dahil may kanya-kanya
tayong kultura sapagkat tayo ay hindi nakatira sa
iisang lugar lamang. Ang kultura ay mahalaga sa
bawat lugar at sa mga taong nakapaligid dito dahil ito
ang kanilang mga paniniwala at mga nakasanayan.

K2 - Jerome  Lahat tayo ay may iba’t ibang kultura depende sa


Torrejas lugar sa relihiyon at iba pa kaya nirerespito ko lahat
ng tao na aking makakausap. Kung may makakusap
ako na iba din ang kanyang kultura ang mabisang
gawin ko para kami ay magkakaintindihan ay
hikayatin ko siya o tanungin ko siya kung ano ang
mas madali na lengguwahe na alam mo na alam ko
rin para maging mabilis ang aming komunikasyon.
Ang komunikasyon ang tulay kung saan lahat ng tao
ay magkakaisa.
K3 - Desavil  Mahalagang isaalang-alang ang kultura ng kausap o
Jean Desuyo kung sino man ang kaharap mo upang magkaroon ng
pagkakaintindihan ang bawat isa. Kung ang kausap
mo ay taga ibang lugar mas mainam na tanungin mo
siya kung saang dayalekto siya mas komportable
upang tayo ay mag ka intindihan at mag kausap ng
matiwasay. Mas epektibo rin ang pag uusapan ninyo
kung dahan-dahanin mo ang iyong pagsasalita upang
ang iyong kausap ay makaintindi ng maayos sa
bawat salita na iyong binibitawan.

K4 - Joana  Ang pagkakaroon ng kamalayan sa kultura ay


M. nagbibigay-daan sa atin na makipag-usap sa mga tao
Sumalinog nang mas epektibo. Sa pamamagitan ng pag-unawa
sa kanilang kultura ay nagkakaroon tayu ng
kamalayan kung ano ang tamang paksa dapat pag
usapan na hindi nakakasakit at hindi tayo maging
kwalang-galang sa ating kausap. Nakakatulong itong
ipaliwanag ang pinagmulan ng mga pagkakaiba sa
pagitan ng mga gawi, paniniwala, pagpapahalaga, at
kaugalian ng iba't ibang grupo at lipunan. Ang
halimbawa ay may kausap ka na Americano at
nagsasalita siya ng Ingles kaya ang dapat mong
gawin ay magsalita ka din ng Ingles upang kayo’y
magkaintindihan dahil kapag nagsalita ka ng bisaya
at hindi niya naintindihan ay baka isipin niya ay
pinagsasalitaan mo siya ng masama at vice versa.

K5 -  Ang komunikasyon ay isang mahalagang bagay na


Creslene C. mayroon ang bawat isa sa atin upang tayo ay
Calimpusan magkakaroon ng pagkakaintindihan. Magiging mabisa
lamang ang isang komunikasyon kapag ito ay
isasaayos, at sa pamamagitan ng pagsasaayos may
bagay na dapat isaalang-alang. Una ang lugar kung
saan nangyayari ang pag-uusap o
pakikipagtalastasan ng tao. Ang lugar ay isang
mahalagang salik sa pagkakaroon ng komunikasyon
ng tao. Pangalawa ay ang tao na
nakikipagtalastasan. Isinasa-alang din natin ang ating
kausap upang pumili ng paraan kung paano siya
kakausapin. Hindi natin kinakausap ang ating guro sa
paraang ginagamit natin tuwing kausap natin ang
ating mga kaklase o kaibigan. Dahil kapag tayo ay
nakikipag-usap sa ating guro sinisikap nating maging
magalang hindi tulad sa ating kaklase na kaswal
lamang kung tayo ay nakikipag-usap. At panghuli ay
ang layunin ng ating pakikipag-usap dapat nating
bigyan ng konsiderasyon ang pakay o layunin nito.
Samakatuwid, nararapat na isaalang-alang ang
layunin natin upang maiangkop natin ang paraan ng
ating pakikipagtalastasan.

4. Bilang mag-aaral, gaano ng ba kahalaga ang pagkakaroon ng mabisang


komunikasyon sa pang-araw-araw na buhay. Magbigay ng isang kongkretong
halimbawa.
Pangalan Sagot
ng Kasapi
K1 - Fatima  Bilang mag-aaral, napakahalaga talaga sa akin ang
C. Siarza epektibo/mabisang komunikasyon dahil dito tayo
natototo at naiintindihan natin maayos.
Halimbawa nalang ang pagkakaroon ng talakayan sa
klase na dapat naiintindihan ng mga mag-aaral ang
mga sinasabi ng kanyang guro. Mahalagang
maiparating nya ito ng maayos sa kanyang mag-aaral
para ito ay maipasok at maitatak sa kanyang isipan.

K2 - Jerome  Bilang isang mag-aaral, mahalaga talaga ang


Torrejas komunikasyon sa pang araw-araw na buhay.
Halimbawa nito ay ang pakikipaghalubilo sa kapwa
tao, dapat tayong gumamit ng senyales para
makipaghalubilo sa isang tao at ito ay ang
komunikasyon. Gamitin natin sa tama ang
pakikipagkomunikasyon dahil isa itong tulay upang
mas maparami ang iyong magiging kaibigan at
maigalang ka rin sa kapwa mo tao. Kaya mahalaga
ang komunikasyon sa pang araw-araw dahil may
matutunan karin na aral sa mga tao na iyong
nakahalubilo.

K3 - Desavil  Ang pagkakaroon ng mabisang komunikasyon sa


Jean pang-araw-araw na buhay ay mahalaga dahil sa
Desuyo pamamagitan ng pagkakaroon ng komunikasyon sa
iba ay nagtutulungan ito ang isang pamayanan na
umunlad. Kagaya na lamang sa pakikipag trade natin
sa ibang bansa ito ay nangangailangan ng
pagkakaintindihan sa bawat panig ng bansa. Mainam
na gumamit ng lenggwahe na siyang alam ng bawat
isa upang hindi ma uwi sa hindi pagkakaintindihan at
baka magdulot ito ng isang hindi kanais-nais na
pagkakalito ng bawat isa.

K4 - Joana  Bilang mga tao, tayo ay naaakit na makipag-usap sa


M. isa't isa sa iba't ibang mga kapasidad. Mayroong ilang
Sumalinog mga tungkulin na ginagampanan ng bawat indibidwal
araw-araw, depende sa konteksto ng isang pakikipag-
ugnayan. Ang pagkakatulad ng bawat pakikipag-
ugnayan ay ang pangangailangan para sa malinaw at
epektibong komunikasyon. Bilang mag-aaral ay
mahalaga ang pagkakaroon ng mabisang
komunikasiyon sapagkat nagbibigay-daan ito sa amin
na mas maunawaan ang proseso ng pagkatuto sa
pamamagitan ng pagbibigay-kapangyarihan sa amin
na magtanong, pag-usapan ang mga pagdududa at
pagbibigay ng sariling opinyon. Halimbawa, kung
mayroon kang hindi naiintindihan sa leksiyon sa klase
ay dapat mong ipahayag ang iyong katanungan sa
iyong guro upang kanya kang sagutin. Iyan ang
mabisang komunikasiyon.

K5 -  Sa pamamagitan ng pagkakaroon natin ng


Creslene C. komunikasyon sa bawat isa ito ay tayo ay nabigyan
Calimpusan ng pagkakataon na magbahagi ng ating nadarama sa
ating kapwa. Ang halimbawa nito ay ang pakikipag-
usap sa personal o kayay sa telepono.

5. Bakit mahalaga na makasabay ang isang mamamayan sa globalisasyon?


Magbigay ng kongkretong halimbawa ng mga adbentahe sa pagsabay sa
globalisasyon?
Pangalan Sagot
ng Kasapi
K1 - Fatima  Mahalaga sapagkat ito ay isang interaksyon sa tao,
C. Siarza mga kompanya, sa pamahalaan, kultura at iba pa.
Ang halimbawa dito ay dahil sa globalisasyon kahit
malayo ka sa iyong pamilya katulad ng OFW maaari
mo pa rin silang makita at makausap dahil meron
tayong teknolohiya.
Nakikisalamuha ka rin sa iyong kapwa sa inyong
mamamayan.

K2 - Jerome  Mahala ang globalisasyon dahil ito ay nagbibigay ng


Torrejas kabutihan sa kultura, pulitika, ekonomiya at lalo na sa
pag unlad sa ating lipunan. Dahil sa globalisasyon
nabuksan rin ang pinto para sa ating bansa na
mangalakal sa ibang bansa. At dito na umusbong ang
teknolohiya, komunikasyon at kultura. Halimbawa nito
ay ang pagdami ng mga produkto sa mga pamilihan.
Dahil sa globalisasyon mas lumawak ang mga
pamilihan at dumami ang mga pagpipiliang produkto.

K3 - Desavil  Mainam na tayong mamamayan ay makasabay sa


Jean Desuyo globalisasyon upang hindi tayo mapag-iiwanan ng
panahon. Nagagawa ng globalisasyon na makipag-
ugnayan sa iba pang mga bansa at sa mga
mamamayan nito. Dahil sa globalisasyon nagagawa
nating makipag palitan ng produkto sa iba't ibang
bansa at dahil rin sa globalisasyon na bibigyan ng
pagkakataon ang ating mga mamamayan na
makapag trabaho sa ibang bansa. Ang globalisasyon
ay napakalaking tulong sa atin dahil dito ang ating
bansa ay umusbong at umunlad.

K4 - Joana  Sa isang indibidwal na antas, ang globalisasyon ay


M. nakaapekto sa pamantayan ng buhay at kalidad ng
Sumalinog buhay ng mga indibidwal at pamilya sa buong mundo.
Ang pamantayan ng pamumuhay ay ang antas ng
kayamanan, kaginhawahan, materyal na kalakal, at
mga pangangailangan na magagamit sa isang tiyak
na sosyo-ekonomikong uri sa isang partikular na
heyograpikong lugar.. Ang isang halimbawa nito ay
ang vaccine para sa covid 19. Kung wala ang
globalization ay hindi tayo makakaangkat ng vaccine.

K5 -  Ang globalisasyon ay maaari ring tumukoy sa mga


Creslene C. larangan ng ekonomiya at kalakalan, teknolohiya,
Calimpusan politika, at kalinangan o kultura. Ito ay isang
pandaigdigang sistema na naglalarawan sa
pakikipag-ugnayan at mga pagbabagong
nagbubuklod-buklod sa mga tao, kompanya,
gobyerno, at bansa sa buong mundo. Tumutukoy ito
sa paraang pagdaloy ng impormasyon, produkto,
serbisyo at kapital sa pagitan ng pandaigdigang
lipunan. Sa ganitong paraan kumakalat at nagiging
global ang mga lokal o pambansang mga gawi. Ang
halimbawa nito ay mabilis na daloy ng komersiyo sa
mga bansa.

IKALAWANG BAHAGI: PAGBUO NG PANUKALANG


PROYEKTO (50 pts.)
Panuto: Bilang global citizens, mahalagang alam natin ang kung ano ang
mayroon tayo kabilang na ang mga isyung panlipunang kinasasangkutan ng
ating lipunan. Ang pakikisangkot sa mga isyung ito ay pagpapakita ng ganap
at malay na Pilipinong may kritikal at malawak na pag-unawa sa kanyang
mga pagpapahalaga at kaakohan bilang Pilipino. Kaugnay rito, bilang inyong
pangkatang gawain, magbagyuhang-utak at pag-usapan kung ano ang
nangungunang isyung kinakaharap ng inyong baranggay at bumuo ng
panukalang proyekto upang masolusyunan ang isyu/problemang ito. Nasa
ibaba ang pormat ng panukalang proyektong inyong bubuoin.

I. Pamagat ng Proyekto:

 Oplan Hakot Basura, Iwas Kalat sa Gilid ng Kalsada.

II. Mga Proponent: (Nagplano ng proyekto)

 Fatima C. Siarza
 Jerome Torrejas
 Desavil Jean Desuyo
 Joana M. Sumalinog
 Creslene C. Calimpusan

III. Kategorya: (Pagpapaliwanag kung tungkol saan ang proyekto)

IV. Plano ng Pagpapatupad/Implementasyon:


Petsa Mga Gawain Venue Mga Kalahok
February 20, 2022 paggawa ng sa basketball mga tanod
basurahan court
February 23, 2022 pagbili ng mga sa merkado mga membro ng
kailangang gamit sangguniang
sa paglilinis kabataan
February 25, 2022 sisimulan ang gilid ng mga lahat ng gustong
paglilinis kalsada mag boluntaryo
V. Deskripsyon ng Proyekto: (Ano ang isyu o suliranin ng baranggay? Ano
ang proyekto? Sino ang makikinabang? Bakit ito ang napiling proyekto? Ano
ang layunin ng proyekto? Paano ito isasakatuparan?)
 Ang isyu o suliranin ng baranggay ay ang basura. Hindi natin
maipagkakaila na ang basura talaga ang kadalasang isyu ng ating
baranggay dahil napapalibutan ito ng maraming tao at bahay. Ang
proyekto namin ay tungkol sa "Oplan hakot basura, iwas kalat sa gilid
ng kalsada." kung saan magkakaroon ng malawakang paglilinis sa
isang lugar sa baranggay. Ang makikinabang dito ay ang mga taong
nakatira sa baranggay dahil meron ng kukuha at maglilinis ng kanilang
basura. Napili namin ito dahil pare-pareho ang aming baranggay na
merong isyu tungkol sa basura. Layunin ng proyektong ito na
makatulong sa isang baranggay na may isyu o nahihirapang e
"dispose" ang kanilang basura. Sa pamamagitan ng proyektong ito
maiibsan ng kahit kaunti ang kanilang problema. Para sa amin
importante ang prpyekto na ito dahil alam natin ang panganib na dala
ng basura. Maisasakatuparan namin ito sa pamamagitan ng
pagtutulongan ng grupo at pag-iisip kung paano namin ito gagawin at
paano at saan namin makukuha ang mga materyales. Makikipag
ugnayan din kami sa kapitan ng baranggay at magkakaroon kami ng
diskusyon ukol dito.

VI. Kinakailangang Pondo/Badyet: (Talaan ng kinakailangang pondo at


mga kagamitan o pangangailangan sa pagpapatupad ng proyekto)
Aytem Bilang ng Aytem Presyo ng Bawat Aytem
1. Sako 120 10
2. Walis Ting- 30 35
ting
3. Garbage Truck 1 150,000
4. Dustpan 30 235
Kabuoang Pundo P 200, 000
VII. Pakinabang ng Proyekto: (Ano ang kahalagahan ng proyekto? Paano
ito mapakikinabangan ng mga tao?)

 Ang kahalagahan ng aming proyektong “Oplan hakot basura, iwas


kalat sa gilid ng kalsada” ay upang maiwasang mapuno ang mga kanal
ng mga basura na nagsasanhi ng pagkabaha. Nakatutulong din ito
upang maging malinis ang kalsada at maiwasang matambakan. Ang
pangongolekta ng basura at pagtatapon ng basura ay may
napakahalagang papel sa pandaigdigang kalinisan at umalalay sa
kalusugan ng mga tao. Ang pag-iingat ng mga mapagkukunan ay
responsibilidad ng bawat isa sa atin. Napakikinabangan ng mga tao
ang proyektong ito sapagkat dahil dito ay napapanatiling malinis ang
ating kapaligiran at upang magkaroon din ng malusog at masayang
buhay.

Paraan ng Pagmamarka:
Nilalaman - 15 pts.
Organisasyon - 10 pts.
Napapanahon at Kapakinabangan - 10 pts.
Estruktura at Gramatika - 10 pts.
Pagsunod sa araw ng pagpasa - 5 pts.
______________________________________________________________

ACCOMPLISHMENT REPORT
Isulat sa bahaging ito ang mga naiambag ng bawat kasapi sa pagbuo ng
panukalang proyekto.

Pangalan ng Naiambag Bahagi ng Panukalang


Kasapi Proyekto
K1. Polano Halimbawa: Sumulat sa Halimbawa: Deskripsyon
deskripsyon at ambag ng ng
panukalang proyekto sa Proyekto/Kapakinabanga
paglutas ng isyu sa n
barangay.
 K2. -Siya ang nagpangalan o -Pamagat ng proyekto /
Fatima gumawa ng pamagat ng Deskripsyon ng proyekto
C. Siarza proyekto.
-Siya gumawa ng sagot sa
deskripsyon ng proyekto.
 K3. -Siya ang gumawa ng -Kategorya
Jerome sagot tungkol sa kategorya
Torrejas na nagpapaliwanag kung
tungkol saan ang proyekto.
 K4. -Siya ang gumawa ng -Plano ng
Desavil plano kung paano ang Pagpapatupad/Implementa
Jean pagpapatupad/Implementa syon
Desuyo syon ng proyekto.

 K5. -Siya ang gumawa ng - Pakinabang ng Proyekto


Joana M. sagot tungkol sa ano ang
Sumalino kahalagahan ng proyekto
g at paano ito
mapakikinabangan ng mga
tao.
 K6. - Siya ang gumawa ng -Kinakailangang
Creslene talaan ng kinakailangang Pondo/Badyet
C. pondo at mga kagamitan o
Calimpus pangangailangan sa
an pagpapatupad ng proyekto.

K7.

You might also like