You are on page 1of 4

SOSYEDAD AT LITERATURA

(PAN 2)

YUNIT 1
ARALIN 1 – Batayang Kaalaman sa Panitikang Filipino

Gawain sa Pagkatuto
A. Sa pamamagitan ng iyong malikhaing pag-iisip, iguhit ang larawang mabubuo sa iyong
isipan hinggil sa mga layunin kung bakit mahalaga ang pag-aaral ng panitikang Filipino.

B. Basahing mabuti ang mga sumusunod na salawikain at ipaliwanag ang aral na itinuro
nito at kung paano ito nagsilbing gabay sa ating pang araw-araw na pamumuhay.

1. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


 Tayo ay palaging nagdadasal at humihingi ng gabay sa Panginoong Diyos,
ngunit hindi ito nangangahulugang aasa nalang tayo na tutuparin ng nasa
taas ang ating mga gusto at mga idinasal. Ang salawikaing ito ay
nagpapaalala sa atin na dapat nating kumilos para makamtan ang mga
bagay na ating gusto o kailangan. Ang ating buhay ay hindi uunlad at gagaan
nang wala kang kilos o aksiyon na ginagawa. Ang ating kapalaran ay
nakasalalay sa ating sarili. Ang pananalig at pananampalataya ay isang
magandang kasanayan ngunit nasa atin padin ang desisyon at aksiyon kung
papaano natin gustong mabuhay.

2. Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin.


 Kung ano ang ating ipapakita at o gagawin sa kapwa ay babalik sa atin. Kaya
dapat ay kabutihan at kung ano ang tama ang siyang ating ipapakita o
gagawin sa kapwa sapagkat ito’y magbubunga nang mabuting gantimpala.

3. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.


 Sa kasalukuyang panahon, madali nang makasagap ng balita. Marami nang
paraan para ang balita’y makarating sa iyong paanan. Mapatotoong balita
man o usapang ‘marites’ lamang ang balita’y maari mong marinig mula sa
bibig ng isang tao, sa radyo o tawag sa telepono, makita sa iyong cellphone,
telebisyon, sa email, sa text o sa internet sa isang iglap lamang. Napakabilis
kumalat ng mga balita, and mga netizen ay sobrang active at madali mag
‘viral’ ang mga bagay-bagay. Kaya dapat ay maingat tayo sa ating mga
ikinikilos at sa pagtanggap at pagbatid ng balita dahil hindi ito basta-basta
mababawi at mababago.

4. Ang umaayaw ay hindi nagwawagi, ang nagwawagi ay hindi umaayaw.


 Ang pagkalas sa ating ‘comfort zones’ ay isang mabuting bagay sapagkat
ipinapahiwatig nito na tayo ay handang humarap ng mga bagong gawain at
makipagsapalaran sa malawak na mundong ating kinabibilangan. Kahit na
sinusubok tayo nang panahon ay dapat manatili tayong matatag at kaulanan
maabot natin ang ating mga tinatangi. Hindi tayo dapat susuko sa laban nang
ating buhay.

5. Ang taong nagigipit, sa patalim ay kumakapit.


 Dahil sa kahirapan, napakaraming taong napilitang gumawa nang
masasamang bagay at kumakapit sa ilegal na trabaho na alam naman nilang
mapapahamak sila sa gawain na iyon. Dapat nating tandaan na ito ay
masama at kailanma’y hindi makakabuti sa ating kabuhayan. Pilitin nating
wag makagawa nang bagay na ikakabaon natin sa utang. Maging edukado,
mag-aral, maging matiyaga at magtrabaho ng marangal, ‘yan ay iilan sa mga
bagay na dapat nating gawin upang maiwasang malagay sa isang sitwasyon
na huhulog sa atin sa bangin.

6. Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo.


 Ang ating ginagawa ay salamin sa ating pagkatao. Kahit na subukan man
nang iba na itago ang kanilang totoong pagkatao, lalabas at lalabas parin ito
dahil makikita ito sa kanilang kilos. Kaya dapat tayo ay magpakatotoo sa
ating sarili. Hindi natin kailangang maging mapanlinlang at magpakunwari sa
iba.

7. Aanhin mo ang palasyo, Kung ang nakatira ay kuwago? Mabuti pa ang bahay
kubo, ang nakatira ay tao.
 Aanhin natin ang isang napaka-engrande na bahay kung ang mga nakatira
naman dito ay mga walang respeto, masasama ang ugali, walang
pagkakaisa at lagi nalang nag-aaway. Ang kalakihan ng bahay at estado ng
pamumuhay ay walang kahalagahan kung ang mga tumitira rito ay mga
sakim at walang pagmamahal sa kapwa. Mas mabuti nang tumira sa maliit o
munting bahay na puno ng pagmahahal at pag-aalaga.

8. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.


 May mga tao na ugali nila ang pagiging ‘one-day-millionare.’ Aanhin mo ang
paggastos ng isang milyon ngayon kung bukas sa utang ikaw ay baon?
Importante na isipin natin ang ating hinaharap. Ang ating buhay ay hindi
nakatuon sa ngayon lamang, mayroon pang kinabukasan. Matuto tayong
magtipid at gumastos ayon sa ating makakaya at kinakailangan lamang.
Huwag na tayong bumili ng mga bagay na hindi masyadong makabuluhan.

9. Aanhin mo ang palasyo, Kung ang nakatira ay kuwago? Mabuti pa ang bahay
kubo, Ang naktira ay tao.
 Aanhin natin ang isang napaka-engrande na bahay kung ang mga nakatira
naman dito ay mga walang respeto, masasama ang ugali, walang
pagkakaisa at lagi nalang nag-aaway. Ang kalakihan ng bahay at estado ng
pamumuhay ay walang kahalagahan kung ang mga tumitira rito ay mga
sakim at walang pagmamahal sa kapwa. Mas mabuti nang tumira sa maliit o
munting bahay na puno ng pagmahahal at pag-aalaga.
10. Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo.
 May mga katangian ng mga tao na sadyang ‘di nila ipinapakita sa karamihan.
Ito ay ang pagkimkim nang mga emosyong nararamdaman nila tungo sa
isang indibidwal. Dapat nating tandaan na ang panlalait at pang-iinsulto sa
isang tao ay magbubunsod lamang ng malalim na galit, makita man natin ito
sa kanyang pisikal na ekspresyon o hindi. Huwag basta-basta lamang
magtiwala sa ipinapakita ng tao, baka may pagkapilyo itong tinatago.

PAGTATAYA

Panitikang Filipino sa Kasalukuyang Panahon

Iba na ang Panitikang Filipino sa makabagong henerasyon. Ang mundong ating


kinagagalawan ay naging modernisado, gayun din ang ating panitikan. Ang mga teknolohiya
kagaya nang cellphone, kompyuter, lalong-lalo na ang internet ang siyang nag-udyok nang
pagbabago sa mundo. Hindi na pasalin-dila ang pamamaraan ng panitikan, mayroon nang mga
akdang madali nang mabasa at marinig gamit ang internet gaya nang mga tula, spoken poetry,
kuwento sa Wattpad, podcasts, e-books, musika, online news aticles, balita na ini-live sa social
media at iba pa. Ang Panitikang Filipino ay nagpapalawak sa ating imahinasyon at karunungan.
Isa itong paraan sa pagpukaw ng damdamin ng mga Pilipino, isang paraan para lalo nating
mayakap ang ating kulturang kinagisnan.

Napakaraming suliranin ang hinaharap ng bansang Pilipinas mapa-sosyal, politikal,


ekonomikal, o kultural man. Iilan dito ay ang kahirapan, depresyon, dekalidad na edukasyon,
kakulangan ng trabaho at tirahan, polusyon, korapsyon, terorismo, paglobo ng populasyon,
pagkakautang ng bansa, kalusugan at pandemya. Ang panitikan bilang isang makabago’t
makabuluhang sandata ay labis na nakatutulong upang makahanap ng kalutasan sa mga
suliranin ng lipunan. Ang panitikan ang siyang humihimok sa mga damdamin ng mga
mamayang Pilipino. Sa pamamagitan ng panitikan, ang mga tao ay agad na may kabatiran sa
anumang pangyayari sa kung saang panig ng bansa at ng mundo. Dahil sa panitikan tayo ay
laging may alam at may gabay sa araw-araw na pamumuhay. Ang panitikan ay nakatutulong sa
mga Pilipino o kaninuman sa paghahanap ng trabaho, pagpapahayag sa sarili, paggawa ng
hakbang kung paano mapangangalagaan ang ating kalikasan, maaring libangan, pagbibigay
alam ng tamang impormasyon patungkol sa pandemya, mga vaccine, at mga politikal na issue
na syang nakakatulong sa paglutas ng mga maling akala sa kalusugan at sa gobyerno.

Ang panitikan ang siyang nagbibigay buhay at kulay sa isang lipunan. Dahil dito, tayong
mga mamamayan ay may pagkakaisa. Ang panitikan ay siyang sentro ng ating mga buhay at
damdamin. Lubusan ang kahalagahan nito sa’ting lipunan kaya’t nararapat lamang na ito’y ating
pagyamanin at palawakin.

You might also like