You are on page 1of 5

Sofia Cinderella S.

Quimo BSED-1B 18/10/21


______________________________________________________________________

IV. LEARNING ACTIVITIES


1.1 Activity 1
1. Ipaliwanag ang pahayag
Bakit makapangyarihan ang wika ngunit walang angking superior?

 Sa palagay ko, makapangyarihan ang wika dahil ito ay isang tool


na ginagamit natin upang makipag-usap, makipagpalitan ng mga
ideya, at kahit na ipahayag ang damdamin at saloobin. Ito ay
makapangyarihan sapagkat nagbibigay-daan ito upang mas
maunawaan ang taong kausap mo. Maaaring sabihin ng isang tao
na wala itong kataasan sapagkat mayroong iba't ibang mga wika sa
mundo. Ang mga salita sa Filipino ay maaaring magkaroon lamang
ng kahulugan sa kanilang sariling wika, kaya ang mga simpleng
salita sa Filipino ay maaaring magdala ng higit na kahulugan sa
ibang mga wika. Halimbawa, ang mga dayalekto dito sa ating
bansa. Wikang pambansa ang wikang Filipino ngunit ginagamit din
ito sa maraming iba`t ibang dayalekto sa iba pang mga lugar. Ang
dalawang tao ay nagkakaintindihan sa pamamagitan ng
pagsasalita ng kani-kanilang mga dayalekto. Ang mga wika ay
pantay dahil sa paggamit ng mga salitang ginagamit sa bawat wika.
Ang pinakamahalaga ay ang pagpapahayag gamit ang wikang
noon pa man ay ginagamit or wikang umuusbong pa lang sa
pagsasaayos at pagpapalaganap.

2. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng sarili nating wika sa pag-unlad ng


ating bansa?

 mas makikilala ang ating wika at kultura. Makikilala rin ang ating
tradisyon dadagsa ang mga dayuhan sa ating pagkakakilanlan lalo
na't mayaman ang ating bansa sa natural resources, kagandahan
ng ating lugar at kagandahang loob ng mga pilipino..

3. Bilang mag-aaral, paano mo mabibigyang-buhay ang pagiging isang


Pilipino sa paggamit ng wikang Filipino?

 Bilang isang mag aaral maipapakita ko ang pag bibigay buhay sa


aking pagiging isang Pilipino sa pamamagitan ng pag gamit o pag
tatangkilik ng wikang Filipino, maari ko rin gamitin ang aking
napiling kurso sa pag papalaganap o pag papanatili ng wikang
Pambansa sa pamamagitan ng pag turo ng asignaturang Filipino
sa mga susunod na henerasyon. Sa ganitong paraan mas
malilinang at mas mapagyayaman pa ang ating kultura at wika sa
mahabang panahon.

4. Patotohanan kung gaano kahalaga ang wika.


SA SARILI SA KAPWA SA LIPUNAN
 Ang wika ay  Ang wika  Ang wika sa
mahalaga sa naman pag Lipunan. Ito
ating sarili dating sa ang may
sapagkat kundi kapwa ay labis pinaka
dahil sa wika ay ding mahalaga. malaking
hindi sana tayo Kung wala ang kakulangan
natutong mag wika walang kung wala ang
salita o komunikasyon wika kumpara
makisalamuha. na magaganap sa sarili at sa
Ang wika din ay sa kapwa. Mas kapwa.
isa sa mga mahihirapan Ihahalintulad ko
bumubuo sa tayong ang lipunang
kung sino at intindihin ang walang wika sa
ano tayo isa’t isa at isang taong
ngayon. maaring walang paa.
Napakalaking karamihan sa Maaring
bahagi o papel atin ay mas maipag patuloy
ng wika na pipiliin ang buhay
ginagampanan nalamang ngunit
sa ating buhay. mapag isa. mahihirapan ng
lubos at isang
malaking
kawalan ang
walang paa.
Gaya
nalamang sa
lipunan,
maaring
mabuhay parin
tayo sa isang
lipunan ngunit
sobrang hirap
na. Maaring
mawalan ng
komunikasyon
at mag
bubunga ng di
pag
kakaintindihan
o pag
kakaunawaan.
Dito nanga
papasok ang
kawalan ng pag
kakaisa sa
isang Lipunan.

5. Ipaliwanang:
“Busugin mo ng magagandang pangaral na
May kaakibat na aktwal na pagsasagawa
Asahan mo’t ito ay magiging mabuting
Mamamayan ng kanyang lipunan.”

 Sa aking pag kakaunawa, ang pangungusap ay sumasalamin sa isang


mabuting pinuno at mabuting nasasakupan o mamamayan. Ang mga
magagandang aral na nabubuhay, isinasaisip, at isapuso ng bawat tao ay
tiyak na magbubunga ng mabubuting mamamayan sa lipunan at ang
lipunang napapaligiran ng mabubuting mamamayan ay sumisimbolo na
ang namamahala dito ay isang mabuting halimbawa din.Ang bawat
mabuting aral ay nagdudulot ng pagbabago at nagdudulot ng mabuti sa
nakararami at kailangan ito ng lipunan upang magkaroon tayo ng isang
mapayapa at matiwasay na pamayanan. Ang mga taong isinasabuhay ang
magagandang aral na naririnig ay mga taong madaling natututo, Ang isang
taong may ganitong pagkatao ay bubuo ng isang mabuting buhay at
magdudulot ng kaunlaran sa hinaharap at ang isang mabuting mamamayan
ay handang tumulong sa kanyang kapwa tao at pamayanan pati na rin
igalang ang karapatan ng kanyang kapwa. Ang isang mabuting mamamayan
ay responsable para sa lahat ng kanyang mga aksyon at palaging iniisip kung
paano nakakaapekto ang kanyang ginagawa sa kanyang mga kapwa
mamamayan. Ang mabuting pangangaral na hindi ipinakita o naisasagawa ay
walang silbi, kaya't isa puso at tandaan ang lahat ng mga natutunan na aral
upang tayo ay maging ganap na mabuting mamamayan ng lipunan.

1.1 Activity 2
1. Magsagawa ng pananaliksik ukol sa isang sosyolohikal / kultura na isyu sa ating
lipunan.
Gumawa ng reaksyon batay sa mga sumusunod:
a. napapanahong isyu
b. pagkamalikhain
c. kabuuan ng kaisipang ipinapahayag
d. kalinawan ng mensaheng nais ipaabot
e. kasiningan ng mga salitang ginamit
f. kaayusan ng daloy

Ang aking napiling artikulo na nakailalaim sa sosyolohikal na isyu sa ating


lipunan ay tumutukoy sa kahirapang nagaganap sa Pilipinas. Ito ay may pamagat na
“Paano natin ipapaliwanag ang kahirapan sa Pilipinas?” isinulat at inilathala ni Philip
Emanuel Penaflor.
Ang sanaysay ay sinimulan ni Philip sa mga tanong na “Bakit ba mahirap tayo
kahit na umaangat daw ang ekonomiya ng ating bansa?  Ilang pangulo na ba ang
nagsabing umuunlad na ang ekonomiya ng bansa ngunit ito ba’y nararamdaman ng
karaniwang mamamayan?  Sino ba ang nakikinabang sa pag-angat ng ating
ekonomiya?  Babalik tayo sa tanong noon ng mga awtor o manunulat patungkol
sa human development na “Development for Whom?”   “Para kanino ba ang pag-
unlad”? dito pa lamang ay na ipapakita na ang pag kamalikhain ng awtor. Kaniyang
sinisigurado na mapupukaw kaagad ang atensyon ng mga mambabasa at mapapaisip
tungkol sa nilalaman ng kaniyang akda. Isa pa sa aking napansin ay ang istilo niyang
pag lilito sa mambabasa sa pangalawa hanggang pang anim na saknong. Pinunto niya
dito na ang katamaran ang ugat ng kahirapan ng mga Pilipino ngunit sa kabilang banda
ay pinunto niya din na ang mga mayayaman at kurakot na buwaya ng ating gubyerno
ang mga nag papahirap sa ating bansang Pilipinas. Dito palamang, napakarami ng
katanungan ang pumapasok at bumubuo sa aking isip kayat pinag patuloy ko ang aking
pag babasa upang makahanap ng kasagutan sa mga bagay at katanungang
bumabagabag sa aking isipan.
Sa patuloy na aking pag babasa, malinaw din na naipahayag ng awtor ang
kaniyang kaisipan o pinupunto sa kaniyang akda. Narito nga’t nag bigay din siya ng
mga halimbawa na susuporta sa kaniyang pinupunto tulad nalamang ng “Ugat ng
“katamaran” sa kasaysayan” at “Ang pagsakal ng mayayaman sa mahihirap” dahil sa
mga ito mas nabigyang linaw at kaayusan ang kaniyang paksa o ang mensaheng
kaniyang nais ipabatid sa mga mababasa. Gumamit din siya ng mga idiomatic
expression upang mas bigyang diin ang paksa tulad na lamang ng salitang “trapo” na
tumutukoy sa mga politikong laging nangangako na mayroong iisang plataporma ngunit
wala namang nagagawang pag babago.
Nais ko ding bigyan pansin ang ginawang pangwakas na talata ng awtor. Kung
saan nag bigay siya ng kongklusyon na kailangang baguhin ang pananaw sa buhay ng
mga tao.  Hindi swerte-swerte lamang ang buhay.  Kailangang maunawaan ng
maamayang Pilipino na may mga balangkas o istruktura sa lipunan na siyang dahilan
ng patuloy na pagkakalugmok ng mga tao sa kahirapan.  Kung tataas ang antas ng
ating kamalayan, mabubuwag ang oligarchy at patronage politics ng mga trapo at
mga political dynasty, hindi aasa na lamang sa kanila kundi magsusumikap na
makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagbabanat ng buto.   Kung ito ay
nabuwag maaaring magsama-sama ang mga Pilipino upang magtayo ng bagong uri ng
pamahalaan na tunay na para sa tao na tutugon sa kanilang mga karapatan at
pangangailangan bilang mga mamamayan ng bansa, at hindi pamahalaan para sa
interes ng iilan lang na naghaharing uri.
Source: https://ph.linkedin.com/pulse/paano-natin-ipapaliwanag-ang-kahirapan-sa-
pilipinas-penaflor-phd
V. ASSIGNMENT
1. Bumuo ng sariling islogan batay sa temang:
“Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino?

You might also like