You are on page 1of 6

College College: ARTS AND SCIENCES

Logo Campus : BAYOMBONG

DEGREE BSED COURSE SEC. LIT.


PROGRAM NO.
SPECIALIZATION FILIPINO COURSE SANAYSAY AT TALUMPATI
TITLE
YEAR LEVEL 2 TIME 3 WK 4 IM 2
FRAME NO. NO.

I. LESSON NUMBER: LESSON 2


II. LESSON TITLE: ANG SANAYSAY BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
III. LESSON OVERVIEW:

IV. DESIRED LEARNING OUTCOMES


V. LESSON CONTENT

Ang Mga Pinagmulan ng Sanaysay


Ang KODIGO ni KALANTIAW
José María Pavón y Araguro

Sa mga aklat ng kasaysayan ng pilipinas, si kalantiaw ay isang datu na


naghari sa isla ng negros noong 1433. Sinasabing si Kalantiaw ang
kauna-unahang datu na nagpatupad sa kauna-unahang listahan ng batas
na pinangalanang "kodigo ni kalantiaw." ang mga kodigong ito ay nakilala
sa kanilang karahasan sa pagparusa at magkakasalungat na batas at
kaparusahan. Isa sa mga batas...
"ang sinumang pumatay, magnakaw o manakit ng nakatatanda ay
maaring parusahan ng kamatayan. ang sinumang mahatulan na
maysala ay maaring bitayin sa pamamagitan ng pagtali sa kanya sa
malaking piraso ng bato at paglunod sa ilog o sa kumukulong tubig."
Noong 1968, ibinunyag ni william henry scott, isang dalubhasa sa
kasaysayan ng pilipinas, na si kalantiaw ay isang panlililang na nilikha ng
isang prayleng nag-ngangalang jose maria pavon.

ILANG MGA BATAS SA KODIGO NI KALANTIAW


1. Bawal pumatay, bawal magnakaw, bawal manakit ng matatanda. Ang hindi
makasusunod ay itatali sa bato ay lulunurin sa ilog o sa kumukulong tubig.

2. Kailangan magbayad ng utang sa


tamang oras. Ang hindi makasusunod sa
unang pagkakataon aylalatiguhin ng
isang daang beses. At kung ang
pagkakautang ay malaki, ilulublob ang
kanyangkamay sa kumukulong tubig ng
tatlong beses. At kung hindi talaga makababayad ay bubugbugin hanggang
sa mamatay.

3. Walang sinuman ang maaaring magkaroon ng asawang napakabata. Hindi


rin dapat mag-asawang higit sa kayang tustusan. Ang lalabag sa unang
pagkakataon ay kailangan lumangoy ng tatlong oras at sa ikalawa,
lalatiguhin ng may tinik hanggang mamatay.

4. Bawal gambalain ang katahimikan ng mga namatay. Dapat silang igalang


habang dumadaan sa kuweba o puno kung nasaan sila. Ang hindi
makakasusunod ay ipapakagat sa langgam olalatiguhin ng may tinik
hanggang mamatay.

5. Ang pagpapalitan ng pagkain dapat ay patas at matapat. Ang hindi tumupad


ay lalatiguhin ng isang oras. Ang umulit sa di pagtupad ay ipapakagat sa
langgam sa loob ng isang araw.
6. Dapat sambahin ang kagalang-galang na lugar at ang mga puno. Ang hindi
makasusunod saunang pagkakataon ay magbabayad ng ginto katumbas ng
isang buwang pagtatrabaho at sa ikalawa ay ituturing na siyang alipin.

7. Ang puputol sa puno na dapat igalang, ang papatay sa matatanda, ang


papasok sa bahay ngpinuno ng walang permiso, at ang papatay sa isda,
pating at buwaya ay dapat mamatay.

8. Ang may-ari ng aso na kakagat sa pinuno, ang susunog sa araruhan ng iba,


at ang magnanakaw sa babae ng pinuno ay magiging alipin sa loob ng ilang
panahon.

9. Ang mga kumakanta habang nagtratrabaho sa gabi, ang pumatay sa ibong


manaul, ang pumunitng dokumento ng pinuno, mga sinungaling at ang mga
naglalaro ng patay ay dapat mamatay.

Ang Pinagmulan ni Kalantiaw at ng mga Kasulatan ni Pavón

Ang pangalan ni Kalantiaw ay unang lumitaw noong Hulyo, 1913 sa isang


sanaysay na may pamagat Civilización prehispana na nalathala
sa Renacimiento Filipino.  Binanggit sa pitak ang 16 (hindi 18) na batas na
pinairal ni Haring Kalantiaw noong 1433 at ang kuta na itinayo niya sa
Gagalangin, Negros na nawasak ng lindol noong taong A.D. 435 (hindi 1435).
Ang lathalain ay sinulat ni Manuel Artigas, na isang taon bago isinulat ang pitak
ay siya ring may-akda ng annotation o mga paliwanag sa isang mahinang uring
sanaysay na sinulat ni José Marco, ang Reseña historica de la Isla de Negros. 

Nang sumunod na taon, 1914, lumabas ang iba pang mga detalye tungkol kay
Kalantiaw nang magkaloob si José Marco ng limang kasulatan sa Philippine
Library & Museum. Isa sa mga ito ay Las antiguas leyendes de la Isla de
Negros na binubuo ng dalawang aklat na may pabalat na katad.  Ito'y sinulat
umano ng isang prayle na si José María Pavón noong 1838 at 1839. Ang Kodigo
ni Kalantiaw, sa kabanata 9 ng unang aklat, ay isa sa anim na kasulatan na
isinalin na ang nakatalang petsa ay yaong panahon bago dumating ang mga
Espanyol sa Filipinas. Ang orihinal na Kodigo ay natuklasan umano sa kamay ng
isang datu sa Panay noong taong 1614. Nang sumulat si Pavon sa taong 1839,
isang Don Marcelio Orfila ng Zaragoza umano ang may hawak nito. Noong 1966,
hiniling ng pamahalaan ng Filipinas sa pamahalaan ng Espanya na isauli ng mga
inapo ni Marcelio Orfila ang orihinal na Kodigo ni Kalantiaw subalit ayon sa
Tagapamahala ng Pulisya roon, walang natagpuang anuman sa mga talaan
tungkol sa nasabing pamilya sa lungsod ng Zaragoza.

Ang Di-kapani-paniwalang Kodigo ni Kalantiaw

tinuro sa mga mag-aaral sa Filipinas noong ika-20 dantaon ang malulupit at


masasalimuot na batas na pinairal umano ng isang Datu Kalantiaw noong taong
1433 sa pulo ng Panay. Magkakasalungat ang marami sa kaniyang mga batas at
ang kaniyang mga parusa ay mararahas. Karamihan sa mga parusa ay walang
kaugnayan sa uri o bigat ng kasalanan.

Ang mga paglabag sa batas na nakasaad sa Kodigo ay maaaring kasinggaan


lamang ng pag-awit sa gabi hanggang sa mabigat na kasalanang tulad ng
pagpatay sa tao. Ang mga nagkasala umano ay ginawang alipin, binugbog,
hinagupit, binato, pinutulan ng daliri, inilantad sa mga langgam, nilunod, sinunog,
pinakuluan, tinadtad, o pinakain sa mga buwaya.

Pagdaragdag sa Alamat

Ang kasaysayan ni Kalantiaw ay unang kinathang-isip ni Jose Marco ngunit agad


itong nagkaroon ng sariling buhay. Ang ibang mga manlilinlang at mga pantas ay
tumulong sa pagpapalago ng isang bagong kasaysayan na ang pundasyon ay
isang huwad na alamat. Biglang nagkaroon ng tatak ng katunayan sina Marco at
Kalantiaw nang tanggapin ni James A. Robertson ang mga bagong "tuklas" para
sa Philippine Library and Museum sa taong 1914. Noong ika-20 ng Hulyo, 1915,
nagharap si Robertson ng isang sanaysay tungkol sa mga batas ni Kalantiaw
sa Panama-Pacific Historical Congress sa California at sinundan pa ito ng
paglalathala ng isang pagsasalin sa Ingles ng Kodigo noong 1917.

Noong 1970 isinulat ng kilaláng mananaysay na si Gregorio Zaide na ang tunay


na pangalan ni Kalantiaw ay Lakan Tiaw na ang ibig sabihin daw ay "Datu ng
Maikling Pagsasalita". Ang "Lakán" ay isang pangkaraniwang bahagi ng mga
pangalan ng mga Tagalog, na noong unang panahon ay nangahulugang
"pinakamahalagang pinuno". Nakapagtataka dahil bumanggit pa si Zaide ng
isang pariralang nagmula umano sa mga labi ni Kalantiaw: "Nakapangingibabaw
ang batas sa lahat ng tao." Ang nakalulungkot ay alam na ni Zaide na ang alamat
ni Kalantiaw ay napabulaanan at napatunayang hindi totoo may dalawang taon
na ang nakalipas bago niya ipinalathala ang kaniyang mga karagdagang palagay
tungkol dito.

Palaisipan

– isang uri ng libangan na naglalaman ng tuusing pang-aritmetika o suliraning


pangkabuhayan.
1. Ako’y may dalawang Kalabaw na nanganak ng tig-iisa. Pagka isang tao’y
nanganak uli ng tig-isa. Ilan ang kalabaw ko?

Sagot: apat.

2. Inilagay ni Dungnong ang isang bato sailalim ng kanyang salakot. “Makukuha ko


ang bato na hindi hinihipo ang salakot.” Papaano ito nagawa ni Dungnong?

Sagot: May butas ang salakot kaya nakuha niya ang bato sa ilalim ng salakot
na hindi ito hinihipo.

3. Ang isang matsing ay nagbabantay sa isang puno ng manggang hitik na hitik sa


bunga. Walang makakakuha ng mga bunga sapagkat napakamabagsik ng
matsing. Papaano ngayon ang ginawa ng isang binata upang makakuha ng
mangga?

Sagot: Binato ng binata ng bato ang matsing upang batuhin din siya ng matsing
ng mangga.

http://www.hawaii.edu/filipino/Lessons/Pamilyang%20Pilipino/Pamilyang
%20Pilipino.html https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-sanaysay/
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.asp
http://tl.wikipedia.org/wiki/Sanaysay
Francis, Shandy (2007). 

You might also like