You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY


Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE

IM No.3: IM- SEC. LIT : 1 ST Sem 2020-2021

College: ARTS AND SCIENCES


Campus : BAYOMBONG

DEGREE PROGRAM BSED COURSE SEC. LIT.


NO.
SPECIALIZATION FILIPINO COURSE SANAYSAY AT TALUMPATI
TITLE
YEAR LEVEL 2 TIME 6HRS WK 5-6 IM 3
FRAME NO. NO.

I. LESSON NUMBER : LESSON 3

II. LESSON TITLE : ANG SANAYSAY SA PANAHON NG KASTILA

III. LESSON OVERVIEW : Sa yunit na ito ay malalaman ang mga naisulat na


sanaysay noong panahon ng mga Kastila. Dahil ang layunin ng mga
prayle at mga Kastila ay palawakin ang relihiyong Kristiyanismo, makikita
na karamihan sa mga naisulat ay tungkol sa relihiyon. Maraming mga
Pilipino at mga Kastila ang naaliw sa pagsulat ng sanaysay lalo na ukol sa
relihiyon, pag-uugal at pagmamahal sa kapwa.

IV. DESIRED LEARNING OUTCOMES

 Malalaman ang kaligirang pangkasaysayang ng Panitikan.


 Makababasa ng mga iba’t ibang sanaysay na isinulat ng mga kilalang
Pilipino na ang karamihang mga paksa ay tungkol sa relihiyon. .
 Masusuri ang mga sanaysay sa panahon ng Kastila.
 Maramdaman ang mga emosyon na nais iparating ng mga manunulat
sa mga mambabasa.
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE

V. LESSON CONTENT

Kaligirang Pangkasaysayan ng Panitikan


Ang Panitikang Filipino ng Panahon ng Kastila ay nagsimula lamang ng opisyal
na maitatag ni Legazpi ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas noong 1565.
Kumulang humigit sa 44 na taon muna ang nakaraan simula ng makarating si
Magallanes sa Pilipinas noong 1521 bago opisyal na nasakop ang Pilipinas ng
Espanya.

Layunin daw ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng Relihiyong Katolika


Apostolika Romano sa kanilang pangingibang-pook kaya unang ginanap ang
misa at ang pagbibinyag sa mga katutubo. Hindi gaanong nabanggit na layunin
din nilang mapalawak ang kanilang sakop at mapalawak ang mapag-bibilhan nila
ng kanilang mga produkto. Noong panahong iyon wari’y hinati ng mga Kastila at
Portuges ang daigdig upang kanilang magalugad at masakop. Napasama sa
maaaring mapuntahan ng mga Kastila ang Pilipinas kaya sila ang nakapamayani
rito. Isa pa sa dahilan nila sa paggalugad sa ibang panig ng mundo’y ang
paghahanap ng mga sangkap na pampalasa (spices).
Dahil sa layunin nila ng pagpapalaganp ng Kristyanismo, sinunog nila ang mga
nakasulat na Panitikan ng mga Katutubo sa dahilang ang mga iyon daw ay likha
ng demonyo. Pinalaganap nila ang tungkol sa pananampalataya nila. Nag-aral
ang mga prayle ng mga wika sa kapuluan at sumulat sila ng mga gramatika at
diksyunaryo.

Mga Manunulat at Halimbawa ng Sanaysay sa Panahong ito


1. Doctrina Cristiana
- Ang librong ito ay siyang kauna-unahang aklat na panrelihiyong nailimbag
sa pamamagitan ng silograpiko noong 1593 dito sa Pilipinas. Ang mga
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE

may-akda ng aklat ay sina Padre Juan de Plasencia, O. P. at Padre


Domingo de Nieva, O. P. Ang aklat ay nasusulat sa Tagalog at Kastila.
Ang mga nilalaman ng aklat ay Pater Noster, Ave Maria, Credo, Regina
Caeli, Ang Sampung Utos ng Diyos, Ang mga Utos ng Santa Iglesia, Ang
Pitong Kasalanang Mortal, Ang Labing Pitong Pagkakawanggawa,
Pangungumpisal at Katesismo.

Narito ang ilan sa mga nilalaman ng Librong Doctrina Cristiana:

Ang Ama Namin


Ama namin nasa langit ka
ipasamba mo ang ngalan mo, moui sa amin ang pagkahari mo.
Ipasonor mo ang loob mo dito sa lupa parang sa langit,
bigyan mo kami ngayon nang amin kakanin, para nang sa arawaraw,
at pakawalin mo ang aming kasalanan, ya iang winawalan bahala namin
sa loob ang kasalanan nang nagkasasala sa amin.
huwag mo kaming aeuan nang di kami matalo nang tokso.
Datapouat yadia mo kami sa dilan masama. Amen, Jesus.

Ang Aba Ginoo Maria


Aba ginoo Maria matoua kana, napopono ka nang gracia, ang
panginoon dios, ae, nasayyo. Bukod kang pinagpala sa babaying lahat.
Pinagpala naman ang iyong anak si Jesus. Santa Maria ina nang dios,
ipanalangin mo kami makasalanan ngayon at kun mamatay kami. Amen
Jesus.

Ang Sumangpalataya

Sumasangpalataya ako sa dios ama, maka gagawa sa lahat, mangagawa


nang langit at nang lupa.Sumasangpalataya ako naman
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE

kay Jesuchristo iisang anak nang dios panginoon natin lahat. Nagkatauan


tao siya lalang nang espiritu sancto. Ipinanganak ni Sancta Maria
virgen totoo. Nasaktang otos niPoncio Pilato. Ipinako sa kruz. Namatay,
ibinaon, nanaog sa manga infierno, nang maykatlong araw nabuhay na
nagoli, naquiat sa langit naloloklok sa kanan nang dios ama, makagagawa
sa lahat. Saka parito hohokom sa nabubuhay, at sa nanga matay na
tao.Sumasangpalataya ako naman sa dios Espiritu sancto. At may sancta
yglesia katholica at may kasamahan ang manga santos. At may
ikawawala nang kasalanan. At mabubuhay na magoli ang na nga matay
na tao. At may buhay na di mawala magparating saan. Amen Jesus.

Ang Aba Po

Aba po sancta Mariang hari ina nang awa, ikaw ang ikinabubuhay namin,
at ang pinananaligan. Aba ikaw nga ang tinatawag namin pinapa panao
na tao anak ni Eva, ikaw din ang ipinagbubuntun hininga namin nang amin
pagtangis dini sa lupa bayan kahapishapis. Ay aba pintakasi namin,
ilingon mo sa amin ang mata mong maawayn. At saka kun matapos
yering pagpapanao sa amin. Ipakita mo sa amin ang iyong anak si Jesus.
Ay Sancta Maria maawayn, maalam, virgen naman totoo, ina nang Dios.
kami ipanalangin mo, nang mapatoloi sa amin ang panga ngako
ni Jesuchristo. Amen Jesus.

Ang pono nang sinasangpalatayanan nang manga christiano labin apat na


bagay. Ang pitong naona ang sabi ang Dios ang pagkadios niya. Ang
pitong naholi ang sabi, ae, ang atin panginoon Jesuchristo ang pagkatao
niya.

Ang pitong naona ang sabi, ae ang Dios ang pagka dios niya, ay yari.
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE

Ang naona. Sumangpalataya sa isang Dios totoo.


Ang ikalwa, sumangpalataya, yaring dios siyang ama.
Ang ikatlo. Sumangpalataya yaring Dios siyang anak.
Ang ikapat sumangpalataya, yaring dios siyang Spiritusancto.
Ang ikalima. Sumangpalataya, yaring dios siyang mangagawa nang lahat.
Ang ikanim, sumangpalataya yaring dios siyang nakawawala nang
kasalanan.
Ang ikapito sumangpalataya, yaring dios siyang nakalulualhati.

Ang pitong naholi ang sabi ay, ang ating pagninoon Jesuchristo ang


pagkatao niya, ay yari. Ang naona sumangpalataya ang atin
panginoon Jesuchristo, ipinaglehe ni sancta Maria lalang nang Spiritu
sancto.
Ang ikalawa sumangpalataya, ang atin
pagninoon Jesuchristo ipinanganak ni Sancta Maria virgen totoo, nang di
pa nanganak, nang makapanganak na virgen dintotoo.

Ang ikatlo, sumangpalataya, ang atin panginoon Jesuchristo nasaktan,


ipinako sa cruz, namatay sakop nang atin kasalanan.
Ang ikapat sumangpalataya ang atin panginoon Jesuchristo nanaog sa
manga infierno, at hinango doon ang kaloloua nang
manga sanctos naghihintay nang pagdating niya.
Ang ikalima sumangpalataya ang atin panginoon Jesuchristo, nang mag
ikatlong araw na-buhay na naguli.
Ang ikanim sumangpalataya ang atin panginoon Jesuchristo nakyat sa
langit naloloklok sa kanan nang dios ama makagagawa sa lahat. Ang
ikapito sumangpalataya ang ating panginoon Jesuchristo saka parito
hohokom sa nabu-buhay at sa nangamatay na tao. Ang banal na tao
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE

gagan-tihin niya nang kaloualhatian nang langit, ang nakasonod silla nang
kaniyang otos. Ang di banal pakasa samin sa infierno ang di sila sumonod
nang otos niya. Amen Jesus.

Ang Otos nang Dios, a, Sangpouo


Ang naona, ibigin mo ang dios lalo sa lahat.
Ang ikalawa, huwag mo saksihin ang dios kun di totoo.
Ang ikatlo, mangilin ka kun domingo at kung fiesta.
Ang ikapat, igalang mo ang iyong ama, at ang iyong ina.
Ang ikalima huwag mong patayin ang kapuoa mo tao.
Ang ikanim, huwag kang makiapid sa di mo asawa.
Ang ikapito huwag kang magnakaw.
Ang ikawalo, huwag mong pagawa gawa nang wika ang kapuoa mo tao,
huwag ka naman magsononggaling.
Ang ikasiam, huwag kang magnasa sa di mo asawa. Ang ikapolo, huwag
mong pag nasaan ang di mo ari. Y tong sang pouong Otos
nang Dios dalaua ang inouian. Ang isa ibigin mo Ang Dios lalo lalo sa
lahat. Ang ikalawa ibigin mo naman ang kapuoa mo tao parang ang
katawan mo. Amen.

Ang Otos nang Sancta Iglesia Ina Natin ay Lima


Ang naona, makinig nang misa huwag may lisan kun domingo at sa fiesta
pinangingilinan.
Ang ikalawa, magkonfesar miminsan man taon taon, at kun mey hirap na
ikamamatay.
Ang ikatlo, mag komulgar kun paskua na ikinabuhay na naguli nang atin
panginoon Jesuchristo.
Ang ikapat, magayunar kun magotos ang Sancta yglesia ina natin.
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE

Ang ikalima papamagohin ang Dios nang dilan pananim, at ang saey


kapouo ihayin sa dios. Amen.

Pito ang Mahal na Tanda Ikauauala nang kasalanan ang


Ngalan Sacramentos
Ang naona ang baptismo.
Ang ikalawa ang konnfirmar.
Ang ikatlo ang konfesar.
Ang ikapat ang comulgar.
Ang ikalima ang extrema uncion.
Ang ikanim ang orden nang sacerdote.
Ang ikapito ang pagkasal.
Itong daluan holi pinalolooban nang dios ang tao piliin ang balan
ibig. Amen.

Ang Ponong Kasalanan, Ikapapakasama nang Kaloloua aey Pito


Ang kapalaoan. Ang karamotan. Ang kalibogan. Ang kagalitan. Ang
kayamoan sa pagkaen at sa paginum. Ang kapanaghilian. Ang
katamaran.

Ang kawaan gawa labin apat ang pitong naona pakinabang nang
katawan, ang pitong naholi pakinabang nang kaloloua. Ang pitong naona
pakinabang nang katawan ay yari.

Dalauin ang may hirap. Pakanin ang nagogotom. Painumin ang nauuhaw.
Paramtan ang ualan damit. Tubsin ang nabihag. Patoloyin ang ualan
totoloyan. Ibaon ang namatay. Ang pitong naholi pakinabang nang
kaloloua ay yari.
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE

Aralan ang di nakaaalam. Aralan ang napaaaral. Ang taong sala, ae,
papagdalitain. Ualin bahala sa loob ang kasalanan nang naccasa sala sa
iyo. huwag ipalaman sa loob ang pagmomora nang tao sa iyo. Aliuin ang
nalulumbay. Ipanalangin sa dios ang nabubuhay at ang nanga matay
na christiano. Amen, Jesus.

Akoy makasalanan nagkokompesal ako sa atin panginoon dios


makagagawa sa lahat at kay Sancta Maria virgen totoo at kay Sanct
Miguel archangel, kay sanct Juan baptista sa sanctos apostoles kaysanct
Pedro, at kay sanct Pablo at sa lahat na sanctos at sa iyo padre,
ang naccasala ako sa panimdim, sa paguika at sa paggawa ako nga ae,
sala ako.i. may kasalanan, ako.i. salan lubha siyang ipinagsisisi ko
kaiangay ata nanalangin ako kay sancta Maria virgen totoo at kay S.
Miguel archangel, at kay S. Juan baptista, at sa sanctos apostoles, kay S.
Pedro at kay S. Pablo at sa lahat naSanctos, nang ako.i. ipanalangin nila
sa atin panginoon dios ikaw naman padre akoi.i. ipanalangin mo at haman
kahalili ka nang dios dito akoi kalagan mo sa kasalanan ko, at parusahan
mo ako. Amen, Jesus.
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.:_________________________________

Nuestra Señora del Rosario


- Ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Ito’y sa Tagalog nasusulat na akda ni
Padre Blancas de San Jose, O. P. noong 1602. Ang Nuestra Señora del Rosario ay
naglalaman ng mga talambuhay ng mga Santo, Santos Ehersisiyos, nobena at mga
tanong at sagot sa relihiyon.

Padre Modesto de Castro


- Ipinanganak sa Biñan, Laguna noong kalahatian ng ika-16 na raang taon. Sa
pagkakasulat niya ng Urbana at Feliza, siya ay tinaguriang Ama ng Klasikong Tuluyang
Tagalog. Sumulat din siya ng iba pang tuluyan, gaya ng Coleccion de Semones Tagalog
(1864), Exposicion de la Siete Palabras en Talalog, Novena de San Isidro en Tagalo at
iba pa.

Sa Katungkulan sa Bayan
ni: Padre Modesto de Castro

Felisa: Si Honesto, kung makatapos na nang pag-aaral, matutong bumasa ng sulat, sumulat,
cuenta at dumating ang kapanahunang lumagay sa estado, ay di malayo ang siya'y gawing
puno sa bayan, kaya minatapat ko sa loob na isulat sa iyo ang kanyang aasalin. Kung siya'y
magkakatungkulan, at ang sulat na ito'y ingatan mo at nang may pagkaaninawan kung maging
kailagan. Ang mga kamahalan sa bayan, ang kahalimbawa'y korona na di ipinagkakaloob kundi
sa may karapatan. Kaya di dapat pagpilitang kamtan kundi tanggihan, kung di mapapurihan;
ang kamahalan at karangalan ang dapat humanap ng koronang ipuputong. Ang karangalan, sa
karaniwan, ay may kalangkap na mabigat na katungkulan, kaya bago pahikayat ang loob ng tao
sa pagnanasa ng karangalan, ay ilingap muna ang mata sa katungkulan, at pagtimbang-
timbangin kung makakayanang pasanin. Pag-aakalain ang sariling karunungan, kabaitan at
lakas, itimbang sa kabigatan ng katungkulan, at kung sa lahat ng ito'y magkatimbang-timbang,
saka pahinuhod ang loob sa pagtanggap ng katungkulan, nguni't hindi rin dapat pagnasaan at
pagpilitang kamtan, subali't dapat tanggapin, kung pagkakaisahan ng bayan, at maging
kalooban ng Diyos.

Ang magnasang makamit ng kamahalan sa bayan, sa karaniwan ay hindi magandang nasa,


sapagka't ang pinagkakadahilanan ay di ang magaling na gayak ng loob na siya'y
pakinabangan ng tao, kundi ang siya ang makinabang sa kamahalan; hindi ang pagtitiis ng
hirap sa pagtupad ng katungkulan, kundi ang siya'y maginhawahan; hindi ang siya'y
pagkaginhawahan ng tao, kundi ang siya'y paginhawahin ng taong kanyang pinagpupunuan.

NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 9 of __


Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.:_________________________________

Ang masakim sa kamahalan, sa karaniwan ay hindi marunong tumupad ng katungkulan,


sapagka't hindi ang katungkulan, kundi ang kamahalan ang pinagsasakiman; salat sa bait,
sapagka't kung may iniingat na bait, na makikilala ang kabigatan, ay hindi pagpipilitan kund
bagkus tatanggihan, kaya marami ang makikitang pabaya sa bayan, walang hinarap kundi ang
sariling kaginhawahan; ang mayaman ay kinakabig, at ang imbi ay iniiring. Kaya, Felisa,
ingatan mo si Honesto, pagdating ng kapanahunan, tapunan mo ng magandang aral, nang
huwag pumaris sa iba na walang iniisip kundi ang tingalain sa kaibuturan ng kamahalan,
suknan, igalang at pintuhuin ng tao sa bayan.

Huwag limutin ni Honesto, na ang karangalan sa mundo, ay para rin ng mundo, na may
katapusan; ang fortuna o kapalaran ng tao, ay tulad sa gulong na pipihit-pihit, ang nasa-itaas
ngayon, mamaya'y mapapailaliman, ang tinitingala ngayon, bukas ay mayuyurakan, kaya hindi
ang dapat tingnan lamang ay ang panahong hinaharap kundi pati ng haharapin. Itanim mo sa
kanyang dibdib, ang pagtupad ng katungkulan, na sakali ng tatanggapin niya, sapagka't may
pagusulitan, may justicia sa lupa't may justicia sa langit; ang malisan ng justicia rito, ay di
makaliligtas sa justicia ng Diyos.

Huwag magpalalo, sapagka't ang puno at pinagpupunuan, di man magkasing-uri, ay isa rin ang
pinanggalingan, isa ang pagkakaraanan at isa rin naman ang kauuwian; Diyos ang
pinanggalingan, kaya magdaraang lahat sa hukuman ng Diyos at Diyos din naman ang
kauuwian.

Huwag magpakita ng kalupitan sa pagnanasang igalang ng tao, sapagka't hindi ang


katampalasanan, kundi ang pagtunton sa matuwid, at pagpapakita ng magandang loob, ang
iginagalang at minamahal ng tao. Mahal man, at kung malupit, ay di namamahal, kundi
kinalulupitan, at pagkatalingid ay pinaglililuhan ng kaniyang pinaglulupitan. Ang kapurihan ng
mahal na tao ay nasa pagmamahal sa asal, at pagpapakita ng loob, pamimihag ng puso ng tao;
nguni't ang pagmamalaki at pagmamataas, ay tandang pinagkakakilanlan nang kaiklian ng isip,
at pinagkakadahilanan ng pagkapoot ng kaniyang kapwa.

Kailan ma'y huwag lilimutin ng puno ang kaniyang katungkulang lumingap sa lahat, mahal man
at hindi, sapagka't ang paglingap niya ay laganap sa lahat, ay di lamang siya ang mamahalin
ng tao, kundi sampo ng kaniyang familia, at sa panahon ng kagipitan, ay di magpapabaya ang
kaniyang pinagpakitaan ng magaling.

Pakatatandaan, na ang isang ginoo, o mahal na marunong tumupad ng katungkulan, tapat na


loob sa mga kaibigan, mapag-ampon sa mga mabababa, maaawain sa mahirap, ang ganitong

NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 10 of __


Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.:_________________________________

mahal ay ligaya at kapurihan ng bayan, at hari ng lahat ng puso. Sa katagang wika'y ang tunay
na kamahalan, ay nasa pagmamahal sa asal, at paggawa ng magaling.

Unti-unti, Felisa, na ipakilala mo kay Honeto ang kahalagahan ng mahal na asal, ng pagtunton
sa matuwid at kagandahan ng loob. Itala mo sa kanyang dibdib, na ang baculo, trono, corona
ma't cetro ay walang halaga, kung di napapamutihan nitong mahahalagang hiyas. Ipahayag mo
kay ama't ina ang kagalangan ko sa kanila. Adyos, Felisa, hanggang sa isang sulat.—Urbana.

VI. LEARNING ACTIVITIES:

Nabasa mo ba ang mga sanaysay? Ibigay at ipaliwag ang nilalamn ng mga ito.
1. Ang Ama Namin
2. Ang Aba Ginoo Maria
3. Ang Sumangpalataya
4. Ang Aba Po
5. Ang Otos nang Dios, a, Sangpouo
6. Ang Otos nang Sancta Iglesia Ina Natin ay Lima
7. Ang Ponong Kasalanan, Ikapapakasama nang Kaloloua aey Pito

VII. ASSIGNMENT:

Maliban sa mga nabanggit na mga sanaysay sa panahon ng Kastila, magsaliksik pa ng limang


sanaysay sa panahong ito. Ipasa ang Gawain sa google classroom.

Eg: Pamagat ng Sanaysay


Awtor
Sanaysay

VIII. REFERENCES

Mula sa Aklat:
Casanova, Arthur P., Ligaya Tiamson Rubin, Teresita Perez Semorlan, at Olivia F. de Leon.
2006. Retorika. Wikang Filipino at Sulating Pananaliksik. Lungsod ng Quezon: Rex
Publishing House, Inc.

Evasco, Eugene., Ligya Tiamson Rubin, Arthur P. Casanova, at Joseph Salazar. 2010. Ideya at
Estilo sa Sanaysay. Lunsod ng Quezon: Rex Publishing House, Inc.
Salazar, Lucila A., Obdulia L. Atienza, Maria S. Ramos, at Anita R. Nazal. 2012. Panitikang
Pilipino. Unang Edisyon. Katha Publishing Co., Inc., Quezon City.

NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 11 of __


Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.:_________________________________

Rubin, Ligaya Tiamson, et. al., 2009Panitikan sa Pilipinas. Unang Edisyon. Rex Book Store,
Inc. 84-86 Plorentino, Sta. Mesa Heights, Lungsod ng Quezon.

NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 12 of __

You might also like