You are on page 1of 2

LEARNING ACTIVITY

Mula sa Baul ng Alaala


Gabay at Mga Panuto
1. Ang gawaing ito ay kawangis ng paggawa ng “salsila” o family tree.
2. Subalit ito ay nakatuon sa pagmimina ng ating dugong katutubo/pinagmulan sa kailaliman ng baul ng ating
alaala.
3. Kakailanganin mo ang tulong at gabay ng mga miyembro ng pamilya o angkan lalo na ang mga matatanda upang
magawa ang gawaing ito. Magsagawa ng pakikipanayam sa kanila.
4. Sa abot ng inyong alaala, isulat ang:
a. Pangalan, kaarawan, pangkat etniko (lahi o puli), at Lugar na pinagmulan ng mga magulang. Ang lugar na
pinagmulan ay tumutukoy sa kasaysayan ng migrasyon kung meron.
b. Pangalan, kaarawan, pangkat etniko (lahi o puli), at Lugar na pinagmulan ng mga magulang ng iyong mga
magulang (lolo at lola sa magkabilang panig).
c. Ibigay ang parehas na impormasyon sa lahat ng inyong “kanunununuan” na abot ng inyong alaala.
d. Hindi Kailangan. Hindi na kailngang isama ang mga kapatid, kapatid ng mga magulang at mga ninuno.
Magtuon lamang sa mga direktang pinag-ugatan.
5. Huwag piliting maglagay ng datus o impormasyon kung wala. Kung saan lamang ang abot ng alaala. Subalit
maaring mag “estimate” gaya ng sa taon ng pagkasilang.
6. Maglagay ng dokumentasyon tulad ng mga larawan kung meron o magawan ng paraan. HUWAG GAWIN! Huwag
gupitin at sirain ang mga lumang larawan sa pamilya para lamang sa gawaing ito. Bagkus itago at alagaan ang mga ito.
7. Maaring gamitin ang pormat (o template) na binigay. Maaring gumamit ng sariling paraan ng pag-oorganisa o
pormat. Hinihimok na maging maparaan at masining.
8. Huwag kalimutang ilagay ang mga impormasyon ng mga tagatugon o respondent. Kunan ng dokumentasyon ang
pakikipanayam at ilakip sa gawaing ito o ipadala online (kung magawan ng paraan.) Tignan ang gabay o template
para sa impormante.
9. Gabay sa Pagpupuntos

Template para sa Impormante Batayan Kaukulang Puntos


Puntos
Impormasyon ng Respondent
Petsa: _____________ Oras:_____ Nilalaman (kumpleto o kulang) 25
Pangalan: __________________________,
Edad:_______ Pangkat Etniko:___________ Organisasyon at kaayusan 20
Adres: ______________________________
Bilang ng Nakapanayam 15
Katungkulan sa Lipunan (kung meron):
______________________________. Dokumentasyon 10
Numero ng Telepono: _________________
LAGDA: _________________ Kabuuan ng Papel 15

Aga at Agap sa Paggawa at 15


Pagsusumite

Kabuuang Puntos 100


10. Think Piece. Maglakip ng pagbubuod at pagmumunimuni tungkol sa iyong lahi o dugong nanalaytay. Ano ang
napag-alaman? Paano nito binuo ang iyong pagkatao?

11. PAALALA: Isagawa ang gawain ng may ibayong pag-iingat. Salamat podda!

You might also like