You are on page 1of 2

Saint Anthony Academy

Batuan, Bohol, Philippines


Member: Bohol Association of Catholic Schools ( BACS)
Catholic Education Association of the Philippines (CEAP)

Mahabang Pasulit sa ARALING PANLIPUNAN 7


(Unang Markahan)
Pangalan:___________________________ Taon at Pangkat:______________________
Petsa:______________________________ Marka: _________________

I. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa
patlang. (10 pts)
_____1. Ano ang tunay na tunguhin ng kabutihang panlahat?
A. Kabutihan ng lahat ng tao
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
_____2. Alam ni Bea na mahalaga sa pakikipagkapuwa ang pagmamahal. Ano ang gagawin niya?
A. Igagalang ang mga mayamang tao.
B. Igagalang ang mga guro niya ngayon sa Baitang 9.
C. Tulungan ang mga taong makapagbigay ng anomang kapalit.
D. Tulungan ang mga nangangailangan na hindi naghihintay ng gantimpala.
_____3. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng isang mapayapa na lipunan?
A. Tahimik ang lugar ni Adam dahil kaunti lang ang mga tao dito.
B. Mapayapa ang lugar ni Lyka dahil sa curfew tuwing gabi.
C. Umiiral ang paggalang at katarungan sa lugar ni Melvin.
D. May presensya ng martial law sa aming lugar.
_____4. Ang sumusunod ay mga elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
A. Kapayapaan B. Paggalang sa indibidwal na tao
C. Katiwasayan D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
_____5. Aling sitwasiyon ang hindi nagpapakita ng kabutihang panlahat?
A. Ibinabahagi ni Art ang kaniyang mga sagot sa kaniyang katabi.
B. Nag-aaral si Allan upang makapagsilbi sa kaniyang lipunan bilang doktor.
C. Pina-iiral ang 4 P’s upang makatulong sa mga kababayang naghihirap sa buhay.
D. Isinakripisyo ng mga bayani ang kanilang buhay upang makamtan ang kalayaan.
_____6. Paano isasabuhay ni Rose ang pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat?
A. Itapon ang basura sa tamang lalagyan.
B. Magdasal araw-araw para patnubayan ng Diyos.
C. Tulungan ang mga magulang sa gawaing bahay.
D. Linangin ang sarili para umunlad bilang tao at maibahagi ang sarili sa iba
_____7. Bakit kailangan ng bawat isa sa atin na kumilos upang makamit ang kabutihang panlahat?
A. Dahil may kani-kaniya tayong kakayahan, katayuan at kinalalagyan sa lipunan
B. Dahil ayaw natin makaroon ng mga tamad sa lipunan.
C. Dahil hindi tayo mabubuhay na mag-isa lamang.
D. Dahil may karapatan tayong kumilos.
_____8. Ang tunguhin ng lipunan ay dapat tunguhin ng bawat indibidwal. Sang-ayon ka ba rito?
A. Oo, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
B. Oo, dahil sa ganitong paraan matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
C. Hindi, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat indibidwal.
D. Hindi, dahil ang bawat indibidwal ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.
_____9. Ano ang pinakamabisang solusyon sa problema ng kahirapan?
A. Education for All (EFA)
B. Sagip Kapamilya Foundation (SKF)
C. Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s)
D. Philippine Health Insurance Corporation (Phil. Health)
_____10. Misyon ng tao ang pagpapanatili ang kabutihang panlahat. Alin dito ang hindi totoo?
A. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan.
B. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
C. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya.
D. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan

II. PANUTO: Bilang isang responsable at mapanagutang kasapi ng pamilya, paaralan, pamayanan
(baranggay), at lipunan/bansa, mahalagang masimulan mo na ang personal na pakikibahagi sa
pagpa-iral ng Prinsipyo ng Pagkakaisa. (20 pts)
1. Itala o i-encode sa isang short bond paper ang tatlong konkretong kilos na sisimulang gawin bilang
pakikiisa sa pamilya, paaralan, pamayanan (baranggay), at lipunan/bansa.
2. Isulat ang panahong ilalaan ng pagsasanay sa pagsasabuhay ng mga ito.
3. Lagyan ng desinyo ang margin ng bond paper gamit ang art materials.
4. Gamitin na halimbawa ang pormat sa ibaba.

Pangalan:__________________________
Baitang at Seksyon: _________________
Panahong Ilalaan: __________________

Simula ngayon sisiguraduhin kong gawin ang mga sumusunod:


1. Sasanayin ko ang pagiging positibo at bukas sa mga pagbabagong nagaganap ngayong panahon ng
Bagong Normal at ang pagiging mapanagutan sa aking mga kilos tungo sa pagkakaisa.
2. Susundin ko ng buong puso ang mga alituntunin ng aking mga magulang at ng pamayanan.
3. Makiisa ako sa oras ng panalangin ng pamilya.

III. PANUTO : Bumuo ng sariling plano kung paano mo pauunlarin ang iyong buhay gamit ang mga
paraan na kaya mong gawin sa ngayon upang makatulong ka sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas.
Gamitin mong gabay ang pormat ng plano sa ibaba. (20 pts)

Plano ng Pagpauunlad ng Aking Buhay


Layunin: Mula ngayon tutulong ako sa pagpaaangat ng ekonomiya ng Pilipinas
A. Mga paraang gagawin ko ngayon sa aking buhay
(Halimbawa: Ayusin ang sistema ko ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
iskedyul sa mga kailangang gawin upang maiwasang matukso na maglaro
ng gadget at iba pang mga tukso na hadlang sa pag-aaral ko nang mabuti.)
1-5.
B. Mga taong gagabay at tutulong sa akin
(Halimbawa: Mary Yoldan – ate ko na tapos na sa kaniyang pag-aaral at may trabaho na)
1-5.
C. Mga kakailanganin kong kagamitan
(Halimbawa: Naka-encode na iskedyul sa bond paper, perang pan-laminate at pandikit ng naka-
laminate na iskedyul sa dingding na nasa harap ng mesang ginagamit ko sa pag-aaral.)
1-5.

D. Panahong ilalaan ko sa pagsasagawa ng bawat paraan


(Halimbawa: Isang buwan kong titingnan araw-araw ang iskedyul ko hanggang sa masanay akong
maging tapat sa oras ng mga gawaing nakasulat sa iskedyul ko.)
1-5.

IV. PANUTO: Pumili ng isang adbokasiya isusulong mo mula sa sumusunod (10 pts):
a. Katarungang panlipunan
b. Pag-unlad ng Kabuhayan
c. Pakikilahok sa pamayanan
d. Pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan
e. Kapayapaan
f. Espirituwalidad

You might also like