Sa mga aklat ng kasaysayan ng pilipinas, si Kalantiaw ay isang datu na naghari sa isla ng negros noong 1433. Sinasabing si Kalantiaw ang kauna-unahang datu na nagpatupad sa kauna-unahang listahan ng batas na pinangalanang "kodigo ni kalantiaw." ang mga kodigong ito ay nakilala sa kanilang karahasan sa pagparusa at magkakasalungat na batas at kaparusahan. Isa sa mga batas... "ang sinumang pumatay, magnakaw o manakit ng nakatatanda ay maaring parusahan ng kamatayan. ang sinumang mahatulan na maysala ay maaring bitayin sa pamamagitan ng pagtali sa kanya sa malaking piraso ng bato at paglunod sa ilog o sa kumukulong tubig." Noong 1968, ibinunyag ni William Henry Scott, isang dalubhasa sa kasaysayan ng pilipinas, na si Kalantiaw ay isang panlilinlang na nilikha ng isang prayleng nag- ngangalang Jose Maria Pavon.