Code of Kalantiaw

You might also like

You are on page 1of 25

Code of Kalantiaw

KALANTIAW: ANG PANLILINLANG

Akala ng marami na ang kuwento tungkol kay Datu Kalantiaw ay isa sa


mga alamat na nilalaman ng isang napakaluma at mahiwagang kasulatan
na may titulong Maragtas. Subali't, sa katotohanan, ang Maragtas ay
isang libro na sinulat ni Pedro Monteclaro noong taong 1907 pa lamang. Tinipon niya sa librong
ito ang mga alamat na ikinukuwento pa noon ng mga matatanda at iba pang mga kuwentong
nakasulat na hindi naman lumang luma. Hindi binanggit ni Monteclaro ang pangalan ni Datu
Kalantiaw sa Maragtas.
May ilang alamat sa Maragtas na matagal nang naging bahagi ng kalinangan ng Bisayas at
hanggang ngayon ay pinapahalagahan pa rin ang mga ito ng maraming taga-Bisayas. Ang mga
kuwento tungkol sa sampung batikang datu ay isinasalaysay na noon pa man ng maraming
salinlahi at kapani-paniwala naman ang mga ito kung hindi natin bibigyan-pansin ang mga
bagong dagdag sa mga alamat tulad ng mga di-umano'y “orihinal” na kasulatan at ang mga
eksaktong petsa na walang pinagbatayan mula sa panahon bago dumating ang mga Espanyol sa
Filipinas.
Hindi naman mahirap isaisip na nakapaglayag ang mga tao mula sa Borneo upang manirahan sa
Panay noong unang panahon. Bakit hindi? Kahit wala tayong mga kasulatan na nagpapatotoo sa
kasaysayan ng isang datu Sumakwel at ng kaniyang mga tauhan, may mga ebidensiya sa
archaeology at sa mga banyagang sulatin na may naganap na pakikipag-ugnayan at
pakikipagkalakalan ang Filipinas at mga kalapit-bansa noon.
Gayunman, naging malabo ang pagkakaiba ng mga alamat sa Maragtas sa mga katotohanan ng
kasaysayan dahil sa sobrang pagkamakabayan ng may-akda at dahil sa lantad na
pagsisinungaling ng mga ibang manunulat. Subalit ang mga alamat tungkol sa tanyag na Datu
Kalantiaw ay hindi kabilang sa mga alamat ng Maragtas. Ang mga kuwento hinggil kay
Kalantiaw ay lalong nakababagabag sapagkat si Kalantiaw ay hindi kailanman naging bahagi ng
kasaysayang Filipino at hindi rin siya isang alamat. Ang kasaysayan tungkol kay Kalantiaw ay
isang ganap na panlilinlang.

Ang Di-kapani-paniwalang Kodigo ni Kalantiaw


Itinuro sa mga mag-aaral sa Filipinas noong ika-20 dantaon ang malulupit at masasalimuot na
batas na pinairal umano ng isang Datu Kalantiaw noong taong 1433 sa pulo ng Panay.
Magkakasalungat ang marami sa kaniyang mga batas at ang kaniyang mga parusa ay mararahas.
Karamihan sa mga parusa ay walang kaugnayan sa uri o bigat ng kasalanan. Ang mga paglabag
sa batas na nakasaad sa Kodigo ay maaaring kasinggaan lamang ng pag-awit sa gabi hanggang sa
mabigat na kasalanang tulad ng pagpatay sa tao. Ang mga nagkasala umano ay ginawang alipin,
binugbog, hinagupit, binato, pinutulan ng daliri, inilantad sa mga langgam, nilunod, sinunog,
pinakuluan, tinadtad, o pinakain sa mga buwaya.
Bakit hindi natin dapat paniwalaan ang kuwentong ito na itinuro nang maraming taon sa mga
paaralan bilang bahagi ng kasaysayan ng Filipinas? May tatlong mabuting dahilan.
Ang unang dahilan ay ang kakulangan ng nakatalang ebidensiya sa kasaysayan. Walang mga
sulatin o larawan na nakuha mula sa naturang panahon sa kasaysayan ng Filipinas. Wala ring
mga kasulatan mula sa ibang bansa na bumanggit sa di-umano'y dakilang Kalantiaw. At wala
ring katunayan o katibayan na nagkaroon ng napakalupit na batas ang kalinangang Filipino
noong unang panahon. Ayon sa naitala ng mga Kastila, ang kaugalian ng mga Filipino noon ay
multahan lamang ang mga nagkasala kahit gaanong kalubha ng kanilang kasalanan. May
pagkakataong ginawang alipin ang isang tao kung hindi siya nakapagbayad ng utang. Ayon sa
isinulat ng misyonerong si Francisco Colín noong 1663:
Sa pagpaparusa ng mga kasalanang marahas, may kahalagahan ang katayuan sa lipunan ng
taong pumatay at ng taong [kaniyang] pinatay. Kung ang taong pinatay ay isang datu, lahat ng
kaniyang kamag-anakan ay nakipagdigma sa taong pumatay at sa kaniyang kamag-anakan, at
nanatili [sila sa] ganitong kalagayan ng digmaan hangga't walang pasiya ang mga
tagapamagitan kung magkano ang halaga ng gintong dapat bayaran [bilang parusa] sa
pagpapatay... Ang parusang kamatayan ay hindi ipinataw ng may kapangyarihan maliban kung
ang taong pumatay at ang taong [kaniyang] pinatay ay kapwa pangkaraniwang tao, at hindi
kayang bayaran ng taong pumatay ang halaga ng multang dugo. K1
Hanggang ngayon, ang mga tribo sa Filipinas na hindi sinakop ng mga Kastila ay iniaayos ang
kanilang mga hidwaan sa pamamagitan ng mga tagapamagitan.
Ang pangalawang dahilan ay ang kakulangan ng ebidensiya na si Kalantiaw ay isang alamat.
Ayaw tanggapin ng masusugid na tagahanga ng Datu ang mga nagsilabas na salungat na
katotohanan ng kasaysayan at iginigiit pa rin nila na siya'y matagal nang naging bahagi ng
kalinangan at pamanang Bisaya. Ito ay hindi totoo. Walang naitala ang mga Kastila ng anumang
Filipinong alamat hinggil kay Kalantiaw. Kung sakali mang nakarating sa kanilang kaalaman
ang ganitong alamat, wala silang dahilan upang sugpuin ito. Kung alam ito ng mga Espanyol na
mababait sa Filipino, tiyak na itatala nila ang alamat ng Kodigo sapagkat ito ang magpapatunay
na may kabihasnan ang mga sinaunang Filipino gaya ng ginagawa ng marami ngayon. Sa isang
banda, iyon namang ibang nais lamang hamakin at pulaan ang lahing Filipino, kailangan lamang
na ituro ang baliw na Datu bilang katunayang mabangis ang mga katutubong Filipino.
Tiyak na hindi nagkaroon ng anumang alamat tungkol kay Kalantiaw bago ng ika-20 dantaon.
Ang Aklanong mananalaysay na si Digno Alba ay bata pa noong simula ng naturang siglo.
Hinanap niya si Kalantiaw sa mga alamat-bayan ng Aklan noong dekadang 1950 ngunit hindi
niya natagpuan ang Datu. Noong ika-5 ng Mayo, 1967 sinulatan si Alba ni William Henry Scott,
isa ring mananalaysay, at itinanong niya ang sumusunod:
Noong bata pa kayo, Don Digno, wala bang mga kuwento ang mga matanda sa Aklan tungkol
kay Kalantiaw bago natuklasan ang mga sulatin ni Pavón noong 1913? Wala bang mga kilaláng
alamat o kuwentong-bayan na isinalaysay ang matatanda sa kani-kanilang mga apo?
Tinugon ito ni Alba sa isang liham mula sa Kalibo, Aklan na may petsang ika-15 ng Mayo,
1967:
Sinikap kong makuha ang mga kuwento o alamat sa mga henerasyon ng mga Aklanon na
nabubuhay ngayon sa Batan... ngunit wala, kahit isang matandang lalaki, ang makapagsabi sa
akin ngayon. K2

Ang pangatlo at pinakamahalagang dahilan upang tanggihan ang alamat ni Kalantiaw ay ang
pinagmulan nito. Kung si Kalantiaw ay hindi isang tauhan ng kasaysayan at hindi rin isang
alamat, saan ba siya nanggaling? Marami sa mga mananaysay na sumulat tungkol dito ay hindi
man lamang binanggit kung saan nila nakuha ang kanilang kaalaman. Ilan, tulad ni Digno Alba,
ay pumitas lamang ng mga "katotohanan" mula sa hangin. Ang totoong pinagmulan ni Kalantiaw
ay natunton ni William Scott mula sa iisang tao lamang na tiyak na hindi buháy noong mga
taong 1400. Siya ay si José E. Marco ng Pontevedra, Negros Occidental at noong 1913, siya ang
nakatuklas umano ng mga sulatin ni Pavón na binanggit ni Scott sa kaniyang liham kay Digno
Alba. Sa katotohanan, gawa-gawa at kathang-isip lamang ni Marco ang mga kasulatang ito na
naglalaman ng Kodigo ni Kalantiaw. Si Kalantiaw ang naging pinakasikat na kasinungalingan ni
Marco sa kaniyang halos 50 taong karera bilang isang manlilinlang.

Ang Pinagmulan ni Kalantiaw at ng mga Kasulatan ni Pavón


Ang pangalan ni Kalantiaw ay unang lumitaw noong Hulyo, 1913 sa isang sanaysay na may
pamagat Civilización prehispana na nalathala sa Renacimiento Filipino. K3 Binanggit sa pitak
ang 16 (hindi 18) na batas na pinairal ni Haring Kalantiaw noong 1433 at ang kuta na itinayo
niya sa Gagalangin, Negros na nawasak ng lindol noong taong A.D. 435 (hindi 1435). Ang
lathalain ay sinulat ni Manuel Artigas, na isang taon bago isinulat ang pitak ay siya ring may-
akda ng annotation o mga paliwanag sa isang mahinang uring sanaysay na sinulat ni José Marco,
ang Reseña historica de la Isla de Negros. K4
Nang sumunod na taon, 1914, lumabas ang iba pang mga detalye tungkol kay Kalantiaw nang
magkaloob si José Marco ng limang kasulatan sa Philippine Library & Museum. Isa sa mga ito
ay Las antiguas leyendes de la Isla de Negros na binubuo ng dalawang aklat na may pabalat na
katad. K5 Ito'y sinulat umano ng isang prayle na si José María Pavón noong 1838 at 1839. Ang
Kodigo ni Kalantiaw, sa kabanata 9 ng unang aklat, ay isa sa anim na kasulatan na isinalin na
ang nakatalang petsa ay yaong panahon bago dumating ang mga Espanyol sa Filipinas. Ang
orihinal na Kodigo ay natuklasan umano sa kamay ng isang datu sa Panay noong taong 1614.
Nang sumulat si Pavon sa taong 1839, isang Don Marcelio Orfila ng Zaragoza umano ang may
hawak nito. Noong 1966, hiniling ng pamahalaan ng Filipinas sa pamahalaan ng Espanya na
isauli ng mga inapo ni Marcelio Orfila ang orihinal na Kodigo ni Kalantiaw subalit ayon sa
Tagapamahala ng Pulisya roon, walang natagpuang anuman sa mga talaan tungkol sa nasabing
pamilya sa lungsod ng Zaragoza.

Kahit nakalipas na ang maraming dekada ay hindi naitala ni José Marco kung saan niya nakuha
ang mga sulatin ni Fr. Pavón. Ngunit lagi siyang may handang paliwanag sa kaniyang mga
pakikipagkuwentuhan nang personal noon. Isinalaysay ito ni Henry Otley Beyer sa kaniyang
kasamang mananaysay na si Mauro Garcia noong bandang 1950. Ayon sa kuwento, si Pavón ang
pari sa bayan ng Himamaylan, Negros noong dekadang 1840. Noong dinambong ang bayan sa
himagsikan ng 1899, ang ama ni Marco ay isa sa mga mandarambong na nagnakaw ng isang
baul na sa akala nila ay puno ng salapi o alahas. Ngunit nang mahulog ito sa ilog, bumigat ito at
natanto nilang mga papeles lamang pala ang laman. Ito raw ang mga kasulatan ni Pavón.
Subalit kung totoo ang kuwentong iyon, dapat ay ipinaliwanag ni José Marco kung bakit hindi
niya ginamit itong kayamanan ng kaalaman o kung bakit hindi man lang niya binanggit ang mga
kasulatang iyon noong sinulat niya ang kaniyang Reseña Historica noong 1912. Marahil ay
nakita ni Marco ang kamalian sa kaniyang kuwento kaya noong ipinaliwanag niya ang
pinanggalingan ng mga kasulatan sa Philippine Studies Program ng University of Chicago noong
1954, sinabi niyang nakuha niya iyon mula sa isang matandang tagaluto na dati'y nagtrabaho sa
kumbento sa Himamaylan na tinirahan ni Pavón. Itong matandang kusinero raw ang nagnakaw
ng mga kasulatan noong 1899 at ipinagbili niya ang mga iyon kay Marco sa taong 1913.

Mga Kamalian sa Kasulatan ni Pavón


Bukod sa malabong pinagmulan ng Kodigo ni Kalantiaw at ng Leyendes ni Pavon na naglalaman
nito, ang mga kasulatang ito ay kapwa kahina-hinala rin. Ang pamagat ng Kodigo ay Ang 17
tesis, o mga batas ng Regulos [mga Datu] na ginagamit sa 150 mula pa noong 1433 (sic). Sa
katotohanan, 18 batas ang itinalang sumasaklaw sa humigit-kumulang na 40 kasalanan at hindi
16 na batas gaya ng inulat ni Artigas sa 1913. At madaling makita na walang katuturan ang mga
petsang binanggit sa pamagat. Noong siglo ng 1800 ay palasak pa rin ang kaugalian na tanggalin
ang isa o dalawang numero mula sa unahan ng isang taon upang paikliin ito ngunit hindi
tinatanggal ang mga nahuhuling numero. Samakatwid ang bilang na 150 ay hindi isang daglat ng
taong 1500. Ang maaaring kahulugan nito ay 1150 na wala ring katuturan tulad ng 150.
Ikinuwento sa ikalawang kabanata ng ikalawang bahagi ng Leyendes ang pagtatayo ng kuta ni
Kalantiaw sa 433. Bagama't tama ang numerong ito bilang daglat ng 1433, ang taon na sinulat
umano ni Kalantiaw ang kaniyang mga batas, ang petsang ito ay nasa isang sulatin na umano'y
isinulat sa taong 1137! Sa kabila ng katotohanan na ang mga sinaunang Filipino ay walang mga
relos at wala ring panukat ng panahon na katumbas ng isang oras, hinatulan ng ikatlong batas ni
Kalantiaw ang mga lalaki na lumangoy nang tatlong oras kung hindi nila kayang sustentuhan
ang kanilang mga asawa at ang parusa namang ipinataw ng ikalimang batas ay isang oras ng
paghagupit.
Maraming mga petsang di-kapani-paniwala sa mga
kasulatan na natuklasan umano ni José Marco. Isinalin
ng di-umano'y may-akda ng Leyendes, si José María
Pavón, ang Kodigo ni Kalantiaw at lima pang sulating
pre-Hispanic, ngunit hindi niya ipinaliwanag kung paano
niya kinalkula ang mga petsa ng mga ito. Isinaad pa niya
na hindi itinala ng mga sinaunang tao sa Bisayas ang
paglipas ng mga taon. Subalit ang kaniyang "eksaktong"
pagsasalin ng isang kasulatan na sinulat umano sa taong
1489, ilang dekada bago nagsimula ang pakikipag-
ugnayan sa Filipinas at kanluran, ay bumanggit ng
"unang Biyernes ng taon" at ng mga taon na may
"tatlong bilang na magkakatulad gaya ng 1777". "Eksaktong" pagsasalin ng isang
Binanggit din dito ang salapi na may larawan ng kasulatan ng taong 1489 mula sa mga
Haring Carlos V ng Espanya kahit wala pa noon ang sulatin ni Pavón ng 1838-1839.
hari na saka lamang ipinanganak nang dumating ang
taong 1500.
Ang mga kamalian sa mga petsa ay hindi lamang matatagpuan sa mga sinaunang kasulatan.
Maging si Pavón ay litung-lito rin kahit sa kaniyang sariling panahon. Nang matapos ang
kaniyang obra-maestra, inihandog ni Pavón ang Leyendes sa hari ng Espanya sa unang araw ng
Agosto, 1839. Subalit walang hari ang Espanya noong panahong iyon; ang batang reynang si
Isabella II na walong taong gulang pa lamang noon, ay nakalukluk sa trono mula pa noong 1833
sa ilalim ng pamamahala ng kaniyang inang si Maria Christina. Hindi nagkaroon muli ng hari sa
Espanya hanggang 1874.
Nang ilarawan ni Pavón ang isang lumang kalendaryo ng mga sinaunang Bisaya sa taong 1838-
39, sinabi niyang ang buwan ng Nobyembre ay itinuring na "isang masamang buwan dahil ang
dala nito ay hangin na hitik sa bulok na mikrobyo ng masasamang lagnat". Ang salitang
mikrobyo ay nalikha lamang sa taong 1878 at nabuo ni Louis Pasteur ang kaniyang teorya na ang
mga sakit ay nakahahawa sa pamamagitan ng hangin pagdating lamang ng dekadang 1850.
Itinanghal ni Pavón ang sinaunang alfabeto ng mga Bisaya na itinala umano ni Fr. Francisco
Deza sa taong 1543 ngunit ang pari ay ipinanganak noong 1620. May ibang sulatin na nilagdaan
ni Deza sa ika-23 ng Marso, 14. Itong petsa ay maaaring anim na taon bago ng kaniyang
kapanganakan o 94 na taon pagkatapos nito batay sa kung anumang siglo na tinutukoy sa
taong ??14. Itong kasulatan ay tinatakan din nang "Parokya ng Ilog ng Negros Occidental" at
sinulatan nang "R.S. sa naturang lalawigan at bayan sa ikadalawampu't isa ng buwan ng Hulyo sa
taong 17..." Wala pa ang lalawigan ng Negros Occidental sa mga naturang siglo o kahit na sa
kapanahunan ni Pavón. Ang pulo ng Negros ay hinati lamang noong taong 1890.
Ang mga halimbawa sa Leyendes ng sinaunang sulat sa Bisayas ay malaki ang pagkakahawig sa
ibang mga halimbawang natuklasan umano ni José Marco at magkakatulad din ang kanilang mga
kamalian. Bagama't ginamit ang mga lumang titik sa mga kasulatan, hindi isinulat ang mga salita
sa syllabic o papantig na paraan ng Filipinas kundi isinulat nang patitik-titik sa istilong Espanol.
Ang ibig sabihin nito ay parang pinalitan lamang ang bawat titik na Espanyol ng isang lumang
titik na Filipino. Ito ay mali dahil sa lahat ng ibang sinaunang paraan sa pagsulat sa Filipinas at
Malaysia, ang bawat titik ay kumatawan sa isang buong pantig o syllable samantalang ang mga
titik na Espanyol (ating mga modernong titik) ay kumakatawan sa mga payak na tunog lamang.
Bukod dito, wala rin ang mga tuldik, ang mga tanda sa itaas at ibaba ng mga titik na
nagpapahayag ng ibang vowel o patinig sa halip ng "A" at wala rin ang titik para sa pantig na
"NGa". Ito ay pinalitan ng dalawang titik na "N" at "G" na may isang malaking Espanyol na tilde
(~) sa itaas!
Pati ang pagsulat ni Pavón ay kakaiba. Madaling makita na ang mga pahinang pantitulo ng
Leyendes ay sulat kamay lamang na iwinangis sa mga inilimbag na titik. Pinaghalu-halo ang iba't
ibang istilo ng mga titik at tinuldukan pa ang malalaking "I". (Tingnan ang halimbawa sa itaas.)
Magulo rin ang ispeling o pagbabaybay ng mga salita sa dalawang bahagi ng Leyendes. Ang
pagkabaybay sa unang bahagi, na sinulat noong 1838, ay katulad ng istilo sa siglong 1500.Sa
ikalawang bahagi ng 1839, sinabi ni Pavón na tinanggap na niya "ang maraming pagbabago sa
pagbabaybay" na nasa pinakahuling talasalitaan ng Real Academia Española. Sa katotohanan,
ang istilo sa ikalawang bahagi ay tugma nga sa naturang panahon bagama't hindi kasang-ayon ng
nasabing diksiyunaryo. Hindi rin ipinaliwanag ni Pavón kung paano siya nakagamit ng mga
bagong ispeling sa isang kasulatan na sinulat niya sa taong 1837 samantalang hindi pa niya alam
ito noong taong 1838. Ang nasabing kasulatan ay Brujerías y los Cuentos de Fantasmas at
"natuklasan" din ito ni José Marco.

Sino ba si José María Pavón?


Kinilala ni Prayle José María Pavón y Araguro ang maraming pinanggalingan ng kaniyang mga
kabatiran: mga taong hindi matunton, mga di-kilalang kasulatan at mga manunulat na patay na o
hindi pa ipinanganganak o, sa ibang kadahilanan ay, hindi maaaring naging may-akda ng mga
sulatin na taglay ang kanilang panagalan. Kaya hindi nakapagtataka na ang sariling talambuhay
ni Pavón, iyong inilarawan sa kaniyang mga sulatin, ay nakapagdududa rin.
Sinabi ni Pavón na dumating siya sa Filipinas noong 1810 ngunit walang patotoong nakatala.
Isinulat din niya na nanirahan siya sa kumbento ng kaniyang parokya sa Himamaylan mula pa
noong ika-17 ng Hulyo, 1830 ngunit sa katotohanan, ayon sa Libro de Cosas notables ng
Himamaylan, nagsimula ang kaniyang pamamahala sa nasabing parokya 12 taon pagkaraan ng
petsang ito, sa ika-7 ng Setyembre, 1842. Sinabi niya na natapos niya ang Las Antiguas
Leyendes sa Himamaylan sa taong 1839 ngunit ang pangalan niya ay nasa talaan ng Guía de
Forasteros sa taong ito bilang Catedrático di Sínatasis y Retórica (Guro ng Palaugnayan at
Retorika) sa seminaryo sa Cebu. Ito ang kauna-unahang pagtatala ng pangalan ng totoong si José
María Pavón.
Ang Guía de Foresteros o "Patnubay sa mga Dayuhan" ay may talaan ng mga tauhan ng
pamahalaan at inilathala ito taun-taon noong panahon ng mga Kastila. Sa patnubay na ito may
nakasulat na "D." (daglat ng "Don") sa unahan ng bawat tala ng pangalan ni Pavón kaya
maipapalagay na ang gurong ito ay isang pareng seglar. Subalit nilagdaan ng manunulat na si
Pavón ang karamihan sa kaniyang sulatin bilang "Fray José María Pavón". Ito ay
nangangahulugang siya ay isang prayle sa isang orden. Binanggit din niya na minsan ay
nakapaglakbay siya sa Borneo kasama ng ilang "kaabito".
Sinabi ni Pavón na siya ay nag-aral sa Sevilla, Espanya sa taong 1788. Ang isang di-umano'y
kaklase niya noon ay si Fray Jorge G. de Setién na pangalang binanggit din ni José Marco sa
kaniyang Reseña histórica bilang may-akda ng isang aklat tungkol sa Filipinas sa taong 1779.
Kung ipapalagay natin na si Setién ay isang napakatalinong sanggol noong 1779, sila ni Pavón
ay hindi maaaring naging kulang sa siyam na taong gulang noong taong 1788. Ang ibig sabihin
ay hindi kulang sa 87 taon na si Pavón noong siya ay naitala bilang pare ng parokya ng Cebu sa
taong 1866.
Madaling makita na ang tunay na José María Pavón ay hindi siyang nagsulat ng mga kasulatan ni
Pavon. Malamang na kinuha lamang ang kaniyang pangalan mula sa mga talaan ng kasaysayan
upang gamitin sa isang napakalaki at ambisyosong padaskul-daskol na panlilinlang.

Pagdaragdag sa Alamat
Ang kasaysayan ni Kalantiaw ay unang kinathang-isip ni Jose Marco ngunit agad itong
nagkaroon ng sariling buhay. Ang ibang mga manlilinlang at mga pantas ay tumulong sa
pagpapalago ng isang bagong kasaysayan na ang pundasyon ay isang huwad na alamat. Biglang
nagkaroon ng tatak ng katunayan sina Marco at Kalantiaw nang tanggapin ni James A.
Robertson ang mga bagong "tuklas" para sa Philippine Library and Museum sa taong 1914.
Noong ika-20 ng Hulyo, 1915, nagharap si Robertson ng isang sanaysay tungkol sa mga batas ni
Kalantiaw sa Panama-Pacific Historical Congress sa California at sinundan pa ito ng
paglalathala ng isang pagsasalin sa Ingles ng Kodigo noong 1917.
Sa nasabing taon din, nalathala ang isang pagsasaling Espanyol ng Kodigo na ginawa ni Josué
Soncuya at ito ay tinalakay niya sa anim na kabanata ng kaniyang Historia Prehispana. K6 Si
Soncuya, na taga-Banga, Aklan, ang siyang naggawad sa dakilang mambabatas ng titulong
"Rajah Kalantiaw" at ipinalagay rin niya na ang Kodigo ay sinulat para sa Aklan, Panay dahil sa
nakita niyang dalawang salitang Aklanon sa kasulatan. Hindi niya binigyang pansin ang
katotohanan na ang pamagat ng aklat na naglalaman ng mga kuwento ni Kalantiaw ay Ang mga
Sinaunang Alamat ng Pulo ng Negros na sinulat daw ni José Pavon sa naturang pulo. Binale-
wala rin ni Soncuya na ang kinikilalang nakatuklas ng kasulatan na si José Marco ay taga-Negros
at ang nakasaad sa aklat na sa pulo ng Negros itinayo ni Kalantiaw ang kaniyang kuta.
Gayunman, ang pinagmulan ng alamat ni Kalantiaw ay inalis sa Negros at inilipat sa Panay.
Marahil ay inakala ng mga tagahanga ng datu na magiging mas kapani-paniwala ang kaniyang
alamat kung ito ay sasabihin nilang naganap sa Panay dahil ang mga kilalang alamat na isinaad
sa aklat na Maragtas ay doon din umano naganap. Sa taong 1949, isinama ni Gregorio Zaide ang
Kodigo ni Kalantiaw sa kaniyang Philippine Political and Cultural History. Ang pamagat ng
Kodigo ay dinugtungan niya ng mga salitang "Aklan, Panay". At kahit hindi natagpuan ni Digno
Alba ang anumang katibayan para sa pagiging alamat ni Kalantiaw, ipinahayag niya sa kaniyang
aklat na Paging Datu Kalantiaw (1956) na intinatag ng Datu ang kaniyang pamahalaan sa Batan
at ito ay naging punung-bayan o kapital ng sakup ng Aklan. K7 Noong ika-8 ng Disyembre,
1956 itinatag ang isang bantayog sa karangalan ni Kalantiaw sa nasabing bayan. Sa taong
sumunod, 1957, isang dating paaralan sa Batan ang ginawang Kalantiaw Shrine ng Philippine
Historical and Cultural Society at ang Kodigo ni Kalantiaw ay inukit sa isang plakeng tanso.
Nasa museong iyon ang di-umano'y "orihinal na kasulatan" ng Kodigo.

"Ang Kalantiaw Shrine sa Batan, Aklan.

Noong 1966 nalathala ni Sol H. Gwekoh sa Sunday Times ang mga bagong detalye kaugnay sa
buhay ni Datu Bendahara Kalantiaw, anak ni Rajah Behendra Gulah. Isinilang daw siya sa taong
1410 at naging ikatlong pinunong Muslim sa Panay noong siya ay 16 na taong gulang. Inaakala
ng maraming tao na si Kalantiaw ay isang pinag-apuhan ng maraming salinlahi ng mga pinunong
Muslim ngunit, makikita sa kaniyang Kodigo na siya ay hindi isang Muslim. Siya ay isang
animist sapagkat pinarusahan ng kaniyang mga batas ang sinumang nagkasala laban sa mga
anito, diwata, sinasambang punong kahoy at hayop, o sa mga idolo. Bukod dito, may
kabalintunaan ang bagong pangalan na ibinigay ni Gwekoh sa dinakilang Datu dahil ang
bendahara ay isang lumang salitang Bisaya na ang kahulugan ay "punong ministro" o
pumapangalawa sa kapangyarihan ng pinakamataas na datu. Ganito rin ang kahulugan ng
salitang ito sa wikang Malay ngayon.
Madalas na sinisipi sa iba't ibang Internet web site ang mga pahayag tungkol kay Kalantiaw mula
sa mga manunulat na hindi ipinakikilala. (Tingnan ang Pahabol.) Magkakasalungat ang marami
sa mga katha nila tungkol kay Kalantiaw. May mga nagsasabing siya ay hindi lamang
pangatlong pinuno ng Panay kundi pangatlo sa isang dinastiya ng mga haring may pangalang
Kalantiaw. Ang ama niya, ayon sa iba, ay hindi si Rajah Gulah kundi si Haring Kalantiaw I, ang
sumakop sa bayan ng Batan sa tulong ng mga Tsinong tulisan noong taong 1399. Mahirap
paniwalaan na ibinigay ng matandang Kalantiaw I ang pangalan niya sa kaniyang dalawang
anak, Kalantiaw II at Kalantiaw III. Si Kalantiaw II daw ay hindi ama ng mas sikat na si
Kalantiaw III kundi kaniyang kapatid! Lalong mahirap paniwalaan na natukoy pa ang eksaktong
petsa ng pagpapahayag umano ni Kalantiaw ng kaniyang kodigo ng batas - ika-8 ng Disyembre,
1433. Marami pang mga kuwento tungkol sa buhay ni Kalantiaw III; tungkol sa kaniyang mga
minahal, mga kaaway, mga pakikipagdigmaan at kaniyang kamatayan. Ang tawag sa kaniya sa
pamagat ng kaniyang Kodigo ay Kalantiaw, ika-3 "regulo" o pangkaraniwang pinuno lamang.
Pinarangalan si Kalantiaw ng Hukbong Dagat ng Filipinas noong Disyembre 1967 nang
tanggapin nila ang lumang bapor-pandigmang USS Booth mula sa Estados Unidos. Ang bapor,
na ginawa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay binigyan ng bagong pangalan, ang BRP
Datu Kalantiaw. Lumubog ito dahil sa bagyong Clara noong ika-20 ng Setyembre, 1981.

Ang DE-170 USS Booth ay binigyan ng bagong pangalan


na BRP Datu Kalantiaw sa 1967.
Noong 1970
isinulat ng kilaláng mananaysay na si Gregorio Zaide na ang tunay na pangalan ni Kalantiaw ay
Lakan Tiaw na ang ibig sabihin daw ay "Datu ng Maikling Pagsasalita". Ang "Lakán" ay isang
pangkaraniwang bahagi ng mga pangalan ng mga Tagalog, na noong unang panahon ay
nangahulugang "pinakamahalagang pinuno". Nakapagtataka dahil bumanggit pa si Zaide ng
isang pariralang nagmula umano sa mga labi ni Kalantiaw: "Nakapangingibabaw ang batas sa
lahat ng tao." Ang nakalulungkot ay alam na ni Zaide na ang alamat ni Kalantiaw ay
napabulaanan at napatunayang hindi totoo may dalawang taon na ang nakalipas bago niya
ipinalathala ang kaniyang mga karagdagang palagay tungkol dito.

Pinabulaanan ang Kasaysayan ni Kalantiaw


Ipinagpatuloy ni José Marco ang paggawa ng kaniyang mga huwad na kasulatan hanggang sa
panahong malapit na siyang pumanaw noong 1963 ngunit lumiit na nang lumiit ang kaniyang
mga tagumpay sa bawat bagong panlilinlang. Sa pagdating ng dekadang 1950, nawala ang
paggalang sa kaniya at hindi na siya pinaniwalaan ng mga tunay na pantas, ito'y sa kabila ng
patuloy na katanyagan ni Kalantiaw. Sa panahong iyon, ang bagong henerasyon ng mga
dalubhasa ay nagsimula na ring maghinala sa kasaysayang itinuro sa mga Filipino sa loob ng
nakaraang kalahating siglo.
Noong 1965, si William Henry Scott ay nag-aaral para sa kaniyang doctorate sa University of
Santo Tomas nang may iminungkahi sa kaniya ang mananaysay na si Mauro Garcia. Ayon kay
Garcia, ang dapat suriin ni Scott para sa kaniyang tesis ay ang kasaysayan ng Filipinas bago
dumating ang mga Espanyol. Nakatanggap si Garcia ng ilang huwad na kasulatan mula kay Jose
Marco at siya ay may hinala sa mga unang natuklasan ni Marco na alam niyang naging batayan
ng malaking bahagi ng sinaunang kasaysayan ng Filipinas. Kaunting huwad na kasulatan lamang
ang ipinakita ni Garcia kay Scott upang huwag maimpluwensiya ang pananaliksik na gagawin ni
Scott. Nang dumating ang panahong nagkaroon na si Scott ng sariling palagay tungkol sa mga
gawa ni Marco ay saka lamang ipinakita ni Garcia ang iba pang mas halataing panlilinlang ni
Marco.
Ipinako ni Scott ang kaniyang pagsasaliksik sa pagtunton sa pinanggalingan ng bawat pagbanggit
o pagtukoy sa sinaunang kasaysayan ng Filipinas na nasa pangunahing apat na aklat na
ginagamit noon sa mga kolehiyo. K8 Sinuri niya ang mga orihinal na sulatin at hinanap niya sa
maraming aklatan at museo sa iba't ibang pook sa daigdig ang mga bagay-bagay at kasulatang
maaaring makapagpatibay sa mga ito. Tinanong niya ang mga batikang mananalaysay tungkol sa
pinagkunan ng kanilang kaalaman. Kinapanayam niya ang mga kaibigan at kakilala ni José E.
Marco at sinuri rin niya ang mga liham nila kay Marco at mga liham ni Marco sa kanila. Ang
lahat ng kabatirang may kaugnayan kay Kalantiaw ay natunton ni Scott. Ang lahat ay may iisang
pinanggalingan lamang, si José E. Marco. Binuód ni Scott ang kaniyang ginawang masusing
pagsusuri sa dalawang payak na pangungusap:
Ang mga natuklasan ni José E. Marco na natala sa kasaysayang Filipino... ay lumalabas na
sinadyang pagsisinungaling at hindi totoong bahagi ng kasaysayan. Samakatwid, walang
katibayan o patunay sa kasalukuyan na mayroon ngang nabuhay na isang pinunong Filipino na
ang pangalang ay Kalantiaw o na ang kodigo penal ni Kalantiaw ay ginawa bago dumating ang
taong 1914. K9
Matagumpay ang pagtatangol ni Scott sa kaniyang tesis sa harap ng isang lupon ng mga batikang
Filipinong mananalaysay, ang ilan sa kanila ay sumang-ayon noong araw sa mga bahagi ng
kasaysayang Filipino na pinabulaanan niya. Ang lupong tagahatol na nagbigay ng gradong
"meritissimus" o "napakahusay" sa tesis ni Scott ay binuo nina Teodoro Agoncilllo, Horacio de
la Costa, Marcelino Forondo, Mercedes Grau Santamaria, Nicholas Zafra at Gregorio Zaide.
Inilathala ang kinalabasan ng masusing pagsisiyasat ni Scott sa kaniyang Prehispanic Source
Materials for the Study of Philippine History noong 1968 at magpahanggang ngayon, hindi ito
pinabulaanan ng sinumang mananalaysay.

Buhay Pa Rin Ang Kasinungalingan


Gayunpaman, hindi agad nagbigyan-pansin ng lipunang Filipino ang pagbubunyag ni Scott.
Noong ika-1 ng Marso, 1971 sinimulan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Order of Kalantiaw,
isang gantimpalang kumikilala sa "paglilingkod sa bansa sa
mga larangan ng batas at katarungan" (Executive Order No.
294). Noong 1971 rin, sa inaakalang petsa ng anibersaryo ng
Kodigo (ika-8 ng Disyembre), itinanghal ang isang
"Lakambini ni Kalantiaw" sa isang timpalak ng kagandahan
at noon din ay inilarawan ng pintor na si Carlos Valino Jr.
ang pagpapahayag ni Kalantiaw ng kaniyang mga batas
(tingnan ang larawan sa itaas). Sa ika-24 ng Enero, 1973,
inilabas ni Pangulong Marcos ang Presidential Decree No.
105 na nagpahayag na ang Kalantiaw Shrine, at ng
iba pang mga iginagalang na lugar sa bansa ay banal.
Pinagbawalan ng batas ang anumang paglapastangan
sa ganitong mga lugar pati ang anumang "hindi
kailangang ingay at hindi bagay na kagagawan".
Katulad ng Kodigo ni Kalantiaw, ang parusa sa
paglabag sa batas na ito ay mabigat. Ang parusa ay "pagkabilanggo nang hindi kulang sa
sampung (10) taon o isang multa na hindi kulang sa sampung libong (P10,000) piso o kapwa
multa at pagkabilanggo".
May mga Filipinong mananalaysay na winalang halaga ang alamat ni Kalantiaw bago pa man
nalathala ang tesis ni Scott. Palibhasa'y hindi matanggihan ang kaniyang mga katibayan, pati ang
mga pangunahing mananalaysay ay itinakwil na rin ang panlilinlang ni Marco. Sa kabila ng lahat
ay may isang kataliwasan; siya ang mananalaysay na si Gregorio F. Zaide na may-akda ng
katakut-takot na aklat-pampaaralan at naging kasapi ng mismong kalupunan na nagsuri ng tesis
ni Scott noong 1968. Ayon kay Scott,
Noong nagaganap ang revalida [pasalitang pagsusulit], wala, kahit sino, ang nagtanong
tungkol sa kabanata na pinamagatan kong "Ang mga Handog ni José E. Marco sa Pagtatala ng
Kasaysayang Filipino". K10
Sa kabila ng pagkakataong maaari niyang hamunin noon nang tuwiran ang tesis ni Scott tungkol
kay Kalantiaw, maipapalagay na nanahimik lamang si Zaide. Ipinagpatuloy pa rin niya ang
kaniyang pagsang-ayon sa alamat at pinalabukan pa niya ito sa kaniyang mga aklat tulad ng
Heroes of Philippine History (1970), Pageant of Philippine History (1979), History of the
Republic of the Philippines (1983), Philippine History (1984), at sa mga muling paglalathala ng
kaniyang mga dating akda. Nang pumanaw si Dr. Zaide noong 1986, ang kaniyang anak na si
Sonia M. Zaide ay nagpalathala ng mga panibagong labas ng mga dating aklat na sinulat nilang
dalawa at doo'y tinanggal niya ang karamihan sa mga bahagi, ngunit hindi lahat, na may
kaugnayan sa mga panlilinlang ni Marco.
Gayon pa man, hindi pa rin tuluyang nawawala sa kaisipan ng Filipino si Kalantiaw kahit
mahigit na 30 taon na ang nakaraan mula nang mailantad ang mga panlilinlang. Hanggang
ngayon, ang larawan niya ay nasa kisame ng dating bulwagan ng Senado at ang pamahalaan ng
Filipinas ay naggagawad pa rin ng Order of Kalantiaw sa mga hukom na nagreretiro. Ang
Central Philippine University sa Iloilo ay may sariling Order of Kalantiao, isang fraternity na
naugnay sa isang malubhang hazing noong Setyembre, 2001. Kahit ang National Historical
Institute (NHI) ay nagparangal din kay Kalantiaw noong 1989 sa kanilang Filipinos in History
(vol.4). Ang Gintong Pamana Awards Foundation, isang proyekto ng Philippine Time USA
Magazine, ay kinikilala ang mabuting pamumuno sa lipunan ng mga Filipino-American sa
pamamagitan ng Kalantiaw Award. Ginugunita pa rin ang kathang-isip na pinuno ng Panay sa
pangalan ng maraming gusali, lansangan at bulwagan sa iba't ibang pook sa Filipinas.
Mapupuntahan pa rin ng mga turista ang Kalantiaw Shrine sa Batan, Aklan at madadaanan din
ang isang paaralan doon, ang Kalantiaw Institute. Bagama’t may mga lumang aklat-pampaaralan
na ginagawang bago sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga kabanata tungkol sa mga bagong
pangyayari tulad ng People Power Revolution ng 1986, nananatili pa rin at hindi iniwawasto ang
mga bahagi tungkol sa mga huwad na batas ni Kalantiaw at ng Maragtas, gaya ng makikita sa A
History of the Philippines nina Leogardo atbp. (1986) K11 Sa mga bagong aklat-pampaaralan,
inuulit pa rin ng mga makalumang manunulat ang mga laos nang teorya at mga maling palagay
tungkol sa kasaysayan ng Filipinas. May ilan sa kanila na nagpapanggap na makabago at pantay
ang kanilang pananaw sa pamamagitan ng ilang maikling paunawa na hindi naman nagbibigay
ng karampatang halaga sa mga “palagay” na salungat sa kanilang kuru-kuro. Halimbawa, tingnan
natin ang mga susunod na linya mula sa aklat-pampaaralan ni Edgardo E. Dagdag, Kasaysayan at
Pamahalaan ng Pilipinas (1997):
Magandang suriin ang nilalaman ng Batas Kalantiaw, kahit na ito ay hindi pinapaniwalaan na
autentikong nakasulat na batas ng ilang istoryador tulad ni Propesor W. Henry Scott, dahil
makikita rito ang uri ng lipunan na nais mabuo ng mga sinaunang Pilipino.
…nais ng mga Pilipino na magkaroon ng isang lipunang relihiyoso, at may takot sa Diyos; may
respeto sa awtoridad, matatanda, kababaihan at kapaligiran; at may pagpapahalaga sa buhay
at binitiwang salita. K12
Gaano kasinsin kaya ang pagsusuring ginawa ng may-akda sa nilalaman ng Batas Kalantiaw
noong isinulat niya itong kaaya-ayang pagkakalarawan ng isang tila napakabanal na pamayanan?
Nanaisin ba ng isang lipunang "may pagpapahalaga sa buhay" ang ganitong di-makatwirang
kodigo ng batas na ang kaparusahang ibinibigay ng 14 na batas (sa kabuuang 18 batas ng kodigo)
ay karima-rimarim na kamatayan, pagpuputol-putol ng iba’t ibang bahagi ng katawan at iba pang
paraan ng labis na pagpapahirap? Maipapalagay na hindi gaanong nalalaman ni Dagdag ang mga
di-maikakailang katunayan ni Scott na nagpabulaan sa alamat ni Kalantiaw dahil hindi nakatala
ang anumang akda ni W. Henry Scott sa bibliograpya ng kaniyang aklat. Kung inalam lamang
sana niya ang mga ito, nabatid rin sana niya na ang Batas Kalantiaw, at lahat ng mga nakaugnay
na alamat, ay kathang-isip lamang mula noong ika-20 dantaon, kung kaya hindi "makikita rito
ang uri ng lipunan na nais mabuo ng mga sinaunang Pilipino."
Malamang na mananatili pa rin ang ganitong mga mababang uring aklat kung ang katiwalian
tulad ng textbook/bribery scandal, ang binalitang panunuhol sa Department of Budget and
Management noong 1999, ay isang halimbawa ng kalagayan ng pagtuturo sa Filipinas. Subalit
may pag-asa pa. Kahit mayroon pa ring naniniwala sa alamat ni Kalantiaw, natututuhan na ito ng
maraming mag-aaral bilang isang kasinungalingan at hindi totoong bahagi ng kasaysayan. Sa
ngayon ay unti-unti nang nakikita ang bunga ng bagong pagtuturo. Noong 1994, isinadula ng
manunulat na si Rene O. Villanueva ang buhay ni José E. Marco at ang kaniyang ginawang
panlilinlang sa Kalantiaw, Kagila-gilalas na Kasinungalingan. Ayon sa dula, ang sanhi ng mga
panlilinlang ni Marco ay ang kaniyang masidhing paghanga sa bayaning Dr. José P. Rizal. Ang
adhikain niya ay higitan pa ang mga ginawa ni Rizal para sa kalinangan ng Filipinas kung kaya
siya ay lumikha ng huwad na kasaysayan ng mga sinaunang Filipino.
Sapagkat yumao na ang mga pangunahing mananaysay ng ika-20 siglo, malaya na ang bagong
salinlahi upang ituwid ang mga dating kamalian sa kasaysayan. Sa taong 1998 pa lamang ay
inamin ng NHI na si Kalatiaw ay isang panlilinlang. Inamin nila ito noong humingi ang Chief
Justice na si Andres Narvasa ng payo sa Malakanyang tungkol kay Kalantiaw sa pagkakataon na
gagawaran siya ng Kalantiaw Award. Sa kabila ng hatol ng NHI, ibinigay naman ni Pangulong
Joseph Estrada ang Kalantiaw Award kay Narvasa.
Sa pumumuno ni Ambeth Ocampo, nilinaw ng NHI ang kanilang opinyon hinggil kay Kalantiaw
noong 2005. Nagmungkahi sila kay Pangulong Arroyo na bawiin ang status ng Kalantiaw Shrine
bilang isang pambansang bantayog at nagalit tuloy ang ilang Aklanon.
Sa kasalukuyan, ang katapangan at karunungan ni Kalantiaw ay nababanggit pa rin sa bawat
pagpaparangal sa huwad na datu at sa mga taong walang malay na binibigyan ng Kalantiaw
Award. Subalit kung babasahin natin nang makatwiran ang Kodigo ni Kalantiaw, makikita natin
na ang kaniyang hinahangaang katapangan ay kalupitan lamang at ang kaniyang di-umano'y
karunungan ay matinding kabaliwan. Iginigiit ng mga tagapagtanggol ni Kalantiaw na dapat
siyang ituring na totoo pati na ang kaniyang alamat dahil siya raw ang nagpapatingkad sa
kanilang kalinangan noon pa man. Hindi nila alam na ang kanilang pagdakila sa isang baliw na
datu bilang bayaning Filipino ay isang paninirang-puri sa kanilang kapwa Filipino. Mabuti na
lang at hindi kailangang harapin ng madlang Filipino ang kahihiyang ito dahil hindi totoo si
Kalantiaw at kahit kailan ay walang nabuhay na Datu Kalantiaw sa kasaysayan ng Filipinas.
ANG ALAMAT NG MARAGTAS

Paano kayâ nálaman ng mga mánanalaysáy ang mga pangyayaring naganáp sa Filipinas noóng
panahón bago dumatíng ang mga Kastilà? Paano kayâ nilá nalaman ang mga pangalan ng mga
tao noón at kung anú-anó ang ginawâ nilá kung halos walâ namáng totoóng kasulatan na naitalâ
mulâ sa naturang panahón?
Marami sa ating nálalaman tungkól sa unang panahón ay nakaratíng sa atin sa pamamagitan ng
mga alamát. Itó ang mga kuwentong hindî isinusulat kundî isinásalaysáy lamang ng bawat
salinlahì sa sumúsunód na salinlahì. Kadalasan, ang mga alamát ay mga kuwentu-kuwento
lamang tungkól sa paglikhâ ng daigdíg, káuná-unahang babae at lalaki at ibá pa na madalíng
makitang hindî dapat ituring na totoó. May iláng alamát na marahil ay nakabatay sa mga totoóng
pangyayari noóng unang panahón ngunit hindî maáasahan ang mga itó bilang mga tunay na
talaan ng kasaysayan dahil nababago ang mga alamát sa bawat pagsásalaysáy. Máaaring mahinà
o malî ang alaala ng taong nagkuwento o dî kayá’y pinalabukan niyá ang kuwento upang
pagandahín itó.
Ang lathalaíng itó ay tungkól sa isáng alamát na tinatawag na Maragtás ngunit hindî yaóng
Maragtás na dati’y itinuturò sa mga batang mag-aarál sa Filipinas. Ang sanaysáy na itó ay
tungkól sa isáng makabagong alamát na nakapaligid sa isáng aklát na ang pamagát ay Maragtás.
At tulad ng mga lumang alamát, “pinalabukan” din itóng bagong alamát. Ang pagkakáibá ng
kasong itó ay nagkahalu-halò ang mga alamát at ang kasaysayan. Makikita natin dito na kapág
inihahalò ang mga alamát sa kasaysayan, kadalasa’y gumagandá ang mga kuwento ngunit ang
katotohanan ay laging napapahamak.

Ang Mga Alamát sa Maragtás


Ang mga kuwentong nakilala sa pangalang Maragtás ay mga alamát na máaaring nakabatay sa
mga totoóng pangyayari noóng unang panahón. Ikinuwento rito ang sampúng datu na lumayas sa
kalupitán ni Datu Makatunaw ng Borneo at dumayo sa Panáy. Binilí nilá ang kapatagan ng pulô
kay Marikudo, ang pinunò ng mga Ayta roón. Ayon sa alamát, ang sampúng datu at kaniláng
mga kamag-anak ang siyáng nagíng mga ninunò ng buóng lahing Bisayà. Itó ang alamát na
ipinagdiriwang taún-taón sa pistang Ati-atihan sa Kalibo, Aklan mulâ noóng itó ay ginawáng
bahagi ng táunang kapistahan ng Santo Niño sa dekadang 1950.

Ang Maragtás ni Pedro Monteclaro


Bagamá’t matagál nang alám ng mga tagá-Panáy ang mga alamát na itó, ang salitáng maragtás
ay hindî náriníg bago itó ginamit sa pamagát ng isáng aklát ni Pedro Alcantara Monteclaro sa
taóng 1907. M1 Isinulat niyá ang Maragtás sa mga wikang Hiligaynon at Kinaray-á ng Panáy.
Ang kahulugáng ibinigáy ni Monteclaro sa salitáng maragtás ay "kasaysayan"; subalit hanggáng
ngayón, itó ay nakikilala lamang bilang pamagát ng kaniyáng aklát.
Sa tingín ni Monteclaro, mahalagá ang mga alamát sa pamanang Bisayà kayâ, tinipon niyá ang
ibá’t ibáng mga kuwento ng mga matandâ sa Panáy at ipinalathalà niyá ang mga itó sa kaniyáng
Maragtás. Mayroóng mga taong nagpahayag na ang Maragtás ay isinalin lamang ni Monteclaro
mulâ sa mga kasulatang isinulat noóng unang panahón bago dumatíng ang mga Kastilà
(prehispanic). Ngunit malinaw niyáng sinabi sa kaniyáng paunang salitâ ng aklát na siyá mismo
ang may-akdâ nitó. At kahit mayroón siyáng nábanggít na dalawáng lumang kasulatan, sinabi
niyáng hindî na niyá isinama ang mga itó dahil sa kaniláng hindî maayos na kalagayan. Hindî rin
niyá ipinahiwatig na isinalin niyá ang mga naturang kasulatan sa kaniyáng aklát.
Basahin ang buóng paunang salitâ ng Maragtás ni Monteclaro sa
Foreword to the Readers
Hindî binigyán ni Monteclaro ng anumáng petsa ang di-umanó’y mga napakalumang kasulatang
kaniyáng nábanggít. Ang isá raw aniyá ay galing sa kaniyáng lolo. Ang isá namán ay galing daw
sa lolo ng isáng 82 taóng gulang na lalaki na nákilala niyá sa bayan ng Miag-ao. Sinabi ni
Monteclaro na kinopya niyá ang mga kasulatang itó noóng 1901 bagamá’t halos hindî na niyá
mabasa ang mga itó.
Tiyák na ang mga kasulatang itó ay nagmulâ lamang sa panahón ng mga Kastilà dahil nakasulat
na ang mga itó sa papél at ang nasabing pinagmulán ay máaaring dalawáng salinlahì lamang
bago ng taóng 1901. (Ayon kay Monteclaro ang isá ay may limáng salinlahì na noón.) Isinaád pa
ni Monteclaro sa pangwakás ng Maragtás na kinailangan niyáng sumanggunì sa lahát ng
matatandâ sa bawat bayan dahil, ayon sa kaniyá,
…hindî malinaw at ganáp ang kaalamáng ibinibigáy ng aking mga kasulatan tungkól sa mga
bagay ng nakaraáng panahón. M2
Napuná ni Salvador Laguda, ang tagapaglathalà ng Maragtás, ang sumúsunód:
Ayon sa may-akdâ, ang Maragtás na itó ay hindî dapat ituring na isáng akdáng… pawang tamà
at totoó, dahil marami sa kaniyáng pinagbábatayang kaalamán ay hindî katulad ng mga
kuwento ng mga matandâ. M3

Malamáng na ibinatay ang malakíng bahagi ng Maragtás sa isáng akdáng isinulat noóng 1858 ni
Fr. Tomás Santarén, na inilathalà sa taóng 1902 sa ilalim ng pamagát na Historia de los primeros
datos. M4 Itó ang pagsasalin ni Santarén ng dalawáng kasulatan. Ang una ay mulâ sa bandáng
gitnâ ng siglo 1800 at ang ikalawá, ayon sa kaniyá, ay lumà ngunit hindî antigo. Hindî sinabi ni
Santarén kung anó ang wikang pinagmulán ng mga kasulatang itó. Makikita sa isá pang puná ng
tagapaglathalà ng Maragtás ang kaugnayan nitó sa Historia ni Santarén patí ang pinanggalingan
ng kaalamán ni Santarén:
Ang ibá’t ibáng pinagbábatayang kaalamán ng aklát na itó ay galing sa mga prayle na nagsikap
upang maitalâ ang kaniláng ginawâ at nákita sa pulóng itó. M5

Alamát Noón, Kasaysayan Ngayón


Sa kabilâ ng ganitóng malinaw na paliwanag, itinuring pa rin ng mga sumunód na mánanalaysáy
na parang tunay na lumang kasulatan ang aklát ni Monteclaro. Malamáng na ang sanhî nitó ay
ang maraming kasunód na pagsasalin ng Maragtás na sadyáng nakakálinláng.
 May mga mánunulát na sadyáng ginawáng malî ang pagsasalin ng paunang salitâ ni
Monteclaro lalò na ang bahagi tungkól sa dalawáng kasulatang nábanggít. Tingnán:
Foreword to the Readers.
 Hindî isinama ng maraming mánunulát ang mga kabanatà tungkól sa panahón ng Kastilà
at ang mga puná ng tagapaglathalà. Doón makikitang hindî isinulat ang Maragtás noóng
unang panahón.
 At ang lahát ng mánunulát ay tila nagbulág-bulagan sa paggamit ni Monteclaro ng mga
salitáng Kastilà tulad ng dios, junta, negrito at volcán sa isáng aklát na isinulat, ayon sa
kanilá, noóng panahón bago dumatíng ang mga Kastilà sa Filipinas.
Bukód dito, hindî binigyáng-pansín ng mga mánanalaysáy ang modernong istilo ng pagkákasulat
ng Maragtás. Ang mga kabanatà tungkól sa mga bagay-bagay at kaugalian ng sinaunang panahón
ay isinulat sa estilong ginagamit na ng mga modernong mánanalaysáy at hindî istilo ng
pagkakásalaysay ng isáng taong nabuhay noóng unang panahón. Halimbawà, náritó ang
ginawáng paglálarawan sa kasalanang katamarán na ang parusa ay gawíng alipin ang
nagkasalang batugan:
Ang pinakamasamáng kasalanan noón na may pinakamabigát na parusa ay katamarán. M6
Hindî kapaní-paniwalang ganitó itinalâ ang mga batás noón. Malî rin ang pangungusap na itó
dahil may mga binanggít sa Maragtás na ibá pang mga kasalanang ang parusa ay kamatayan. Sa
kabilâ nitó, may ibáng mga mánunulát na tila winaláng bahalà ang kahiná-hinalang
paglálarawan. Sa halíp ay tinipon nilá ang mga itó, tinawag na “Code of Maragtas” at saká
ipinahayag na itóng “code” ay umiral noóng taóng 1212!
Lalong napagtibay ang mga malíng akalà tungkól sa Maragtás nang sabihin ng batikáng
mánanalaysáy na si Dr. Henry Otley Beyer na itó ay isáng kasulatang prehispanic. Sa Philippine
Saga na isinulat nilá ni Jaime C. de Veyra noóng 1947, binanggít niyá isáng kasulatan galing sa
Panay na tinatawag na Maragtás “at ang antigong pagkákasulat ng orihinál nitó”.M7 At sa
kaniyáng Outline Review of Philippine Archaeology ng 1949 isinulat niyá ang sumúsunód:
Kapansín-pansín ang lumang kasulatang kilala bilang "Maragtás,” na marahil ay mulâ sa mga
taóng 1225, na inalagaan sa Panáy at isinalin sa romanong [sulat sa wikang] Bisayà noóng
simulâ pa lamang ng panahón ng Kastilà. M8
Tinanggáp tulóy ng ibá pang mga mánanalaysáy itóng mga malíng akalà nang waláng katanúng-
tanóng at inuulit pa rin ang mga itó ng maraming gurò nang waláng álinlangan hanggáng
ngayón.
Noóng 1957, isinulat ng anthropologist na si Tom Harrison ang paunang salitâ sa isá pang salin
ng Maragtás na ginawâ ni Manuel L. Carreon. Doón ay hindî niyá tinawag na may-akdâ ng
Maragtás si Monteclaro kundî isáng tagasalin lamang ng isáng lumang alamát ng Filipinas. M9

Ang Confederation of Madya-as


Isinalaysáy rin ni Monteclaro sa Maragtás ang pagbuô ng Confederation of Madya-as sa Panáy
sa ilalim ni Datu Sumakwel at ang mga detalye ng saligáng-batás nitó. Bagamá’t ma-detalye ang
ginawáng paglálarawan ni Monteclaro sa lumang saligáng-batás, at sa kabilâ ng kahalagahan nitó
sa kasaysayan, mapupunáng ni walâ siyáng binanggít na pinagmulán ng kuwentong itó. Ang
Confederation of Madya-as ay sa aklát ni Monteclaro lamang matatagpuán. Hindî itó naitalâ sa
ibáng kasulatan at hindî rin itó kasama sa mga alamát ng mga tribo sa Panáy na hindî nasakop ng
mga Kastilà.

Ang Code of Maragtás


Bagamá’t inilarawan ni Monteclaro ang mga ugalì at mga pátakarán ng pámayanán nina
Sumakwel, walâ siyáng tinukoy na Code of Sumakwel o Code of Maragtás. Sa totoó lang, ang
Maragtás ay pamagát lamang ng kaniyáng aklát at ang ibig sabihin nitó ay “kasaysayan”.
Samakatuwíd, sadyáng kahiná-hinalà ang anumáng kuwento tungkól sa isáng Code of Maragtás
na di-umanó’y umiral noóng unang panahón bago isinulat ni Monteclaro ang kaniyáng aklát.
Kung susuriin ang nakaraán, ang Code of Maragtas ay unang lumitáw sa isáng lathalaín ni
Guillermo Santiago-Cuino noóng 1938 na El Código de Maragtas. M10 Sinabi niyáng ang mga
batás na itó ay pinairal sa taóng 1212 at di-umanó’y isinalin niyá itó mulâ sa “antigong sulat ng
Filipinas”. Nátuklasán daw niyá itóng mga lumang kasulatan sa mga bundók sa Madya-as at
noón ay kasama raw niyá ang isáng obispo na si Gabriel Reyes. Subalit nang si Reyes ay
tanungín tungkól dito ng kaniyáng kamag-anak na si Jaime de Veyra ng National Language
Institute, sinabi ni Reyes na hindî niyá kilala si Santiago-Cuino at hindî siyá kailanmán nagpuntá
sa bundók Madya-as. Kaugnáy pa rin nitó, hindî ipinakita ni Santiago-Cuino kaninuman ang
orihinál ng mga lumang kasulatan at walâ rin siyáng naipakitang kapaní-paniwalang katibayan
para sa kaniyáng sanaysáy.
Malamáng na ang pinagkunan ni Cuino ng petsa para sa Code of Maragtás ay isáng gawâ ni
Josué Soncuya, ang Historia prehispana de Filipinas (1917). M11 Taóng 1212 ang petsang
ibinigáy ni Soncuya para sa pagdayo ng sampúng datu. Ibinatay niyá itó sa hindî nailathalang
dalawáng kasulatan mulâ sa Mambusao, Capiz at Bugasong, Antique na hindî kinikilalang
prehispanic ng sinumáng mánanalaysáy. Sa katotohanan, ang dalawáng kasulatang itó ay waláng
tagláy na petsa ngunit kinailangang lagyán ng petsa ng mga gurong pampáaralán na sumulat ng
mga kasaysayan ng kaní-kaniláng bayan para sa National Library noóng 1911. Bukód dito, hindî
maáasahan ang pagkakalkulá ni Soncuya. Halimbawà, sa kaniyáng tantiyá, ang taóng 1212 ay 16
na salinlahì mulâ sa taóng 1160. Madalíng makitang hindî máaaring magíng ganoón karami ang
salinlahì ng tao sa loób ng 52 taón lamang.

Ang Hatol sa Maragtás


Itinuwíd ni William Henry Scott ang pagkilala sa Maragtás bilang isáng aklát ng mga alamát at
hindî katotohanan noóng 1968. Sa kaniyáng doctoral dissertation sa University of Santo Tomás,
nagsagawâ si Scott ng isáng nápakaingat at masusing pagsisiyasat sa lahát ng pinanggalingan ng
mga kaalamán tungkól sa Filipinas noóng panahón bago dumatíng ang mga Kastilà.
Hindî kinopya ni Scott ang gawâ ng ibáng mga mánanalaysáy. Sa halíp ay sinurì niyá ang mga
orihinál na kasulatan at hinanap niyá sa maraming aklatan at museo sa buóng daigdíg ang mga
bagay-bagay at kasulatang máaaring makapagpatibay sa mga itó. Tinanóng niyá ang mga
batikáng mánanalaysáy tungkól sa pinagkunan ng kaniláng kaalamán. Sumanggunì siyá sa
maraming dalubhasà sa ibá’t ibáng larangan tulad ng wikà, geology, archaeology, at
anthropology. Sinaliksík niyá ang malawak na koleksiyón ng mga bagay-bagay at kasulatang
kaugnáy ng panahóng prehispanic na tinipon ng kaniyáng kaibigang si Dr. H. Otley Beyer.
Kinapanayám niyá ang mga kaibigan, kakilala at kamag-anak ng mga taong tulad nina Pedro
Monteclaro at Jose E. Marco na unang “nagbunyág” ng mga lumang kasaysayan at sinurì rin
niyá ang kaniláng mga liham.
Napatunayan sa dissertation ni William Henry Scott na ang Maragtás at ang Confederation of
Mady-as ay hindî mga tunay na lumang kasulatan mulâ sa unang panahón kundî mga alamát
lamang na tinipon, at sa iláng kaso ay máaaring gawá-gawâ lamang, ni Pedro Monteclaro na
inilathalà noóng 1907 sa kaniyáng aklát na ang pamagát ay Maragtás. Samantala, ang Maragtás
Code namán ay isáng katháng isip lamang ni Guillermo Cuino na isinulat niyá noóng taóng
1938. Malamáng na ibinatay niyá itó sa aklát ni Monteclaro.
Matagumpáy ang pagtatangól ni Scott sa kaniyáng dissertation sa haráp ng isáng lupon ng mga
batikáng Filipinong mánanalaysáy na dati’y sumang-ayon sa mga dî totoóng bahagi ng
kasaysayan ng Filipinas. Ang lupong tagahatol ay binuô nina Teodoro Agoncilllo, Horacio de la
Costa, Marcelino Forondo, Mercedes Grau Santamaria, Nicholas Zafra at Gregorio Zaide.
Inilathalà ang kinálabasán ng masusing pagsisiyasat ni Scott sa kaniyáng Prehispanic Source
Materials for the Study of Philippine History noóng 1968 at magpahanggáng ngayón hindî itó
pinabulaanan ng sinumáng mánanalaysáy. M12

Ang Bunga ng mga Nátuklasán ni Scott


Sa pagpasok ng dekadang 1960, pinag-álinlanganan na ng mga pangunahing dalubhasà ang
Maragtás kayâ hindî na nilá binanggít ang naturang aklát sa kaniláng mga akdâ. Pinatunayan ng
sanaysáy ni Scott na may katotohanan ang kaniláng mga hinalà. Subalit maraming taón pa ang
lumipas bago nápansín ng mga mánunulát ng mga aklát pampáaralán ang mga ibinunyág ni
Scott. Karamihan sa kanilá ay ipinagpatuloy ang paglilimbág ng dati niláng mga aklát. May ibá
namáng sumulat ng mga bagong aklát na tagláy pa rin ang mga kamálian. Náritó ang isáng
halimbawà mulâ sa Ang Pagsulong ng Payamanan (1981):
Ang Kodigo ni Maragtas ang pangunahing halimbawa ng isinulat na batas at itinuring na
pinakamatanda dahil ito ay umiiral noon pang 1250. M13
Bukód sa kamálian ng pahayag na itó, tila inakalà pa ng mga may-akdâ na ang Maragtás ay isáng
tao at hindî isáng aklát.
Ginamit ni Jose Villa Panganiban ang Maragtas upang tuntunín ang pinagmulán ng wikang
Tagalog sa paunang salitâ ng napakapopulár na English-Tagalog Dictionary ni Fr. Leo James
English noóng 1965. M14 Magpahanggáng ngayón ay hindî pa itó iniwawastô sa kabilâ ng
maraming panibagong limbág.
May isáng kasapì sa lupong tagahatol sa dissertation ni Scott na tila hindî nagmadalíng ituwíd
ang mga kamáliang nasa talaan ng kasaysayan. Ginamit pa rin ni Gregorio Zaide ang mga dating
kaalamán galing sa Maragtás sa mga akdâ, tulad ng Pageant of Philippine History noóng 1979,
History of the Republic of the Philippines sa taóng 1983 at Philippine History sa 1984 na isinulat
nilá ni Sonia Zaide, ang kaniyáng anák. M15
Nagsikap ang iláng mánanalaysáy upang iwastô ang mga kamalián ng nakaraán ngunit
masasabing nagkámalî rin silá nang sabihin niláng ang Maragtás ay isá sa mga panlilinláng sa
kasaysayan ng Filipinas at hindî isáng alamát lamang. Noóng ginawa ni Sonia Zaide ang
panibagong labás ng History of the Republic of the Philippines sa taóng 1987, inilarawan niyáng
malî ang Maragtás dahil itó aniyá ay isáng huwád na kasulatan:
Ang mga alamat na may kaugnayan sa paninirahan sa Pilipinas ng mga nandayuhang Malay ay
ipinagdiriwang sa pamamagitan ng ati-atihan at ginawang kuwento sa mga huwad na
dokumentong naglalaman sa Maragtas at sa kodigo ni Kalantiaw. M16F
Nilinaw ni Zaide ang kaniyáng palagáy sa kasunód na páhina:
Bagama’t dati nang tinatanggap ng ilang mananalaysay, kabilang ang mga kasalukuyang
awtor, naging maliwanag na ang Maragtas ay likhang-isip lamang ni Pedro A. Monteclaro,
isang Bisayang pinunong bayan at makata, sa Iloilo noóng 1907. Ibinatay niya ito sa mga
katutubong kaugalian at mga alamat, na isinalin sa mga sumusunod na salinlahi nang pasalita.
M17F
Hindî makatarungang hatulan si Pedro Monteclaro bilang isáng manlilinláng o na sabihing
huwád ang kaniyáng aklát dahil malinaw ang kaniyáng pahayag na ang Maragtás ay waláng ibá
kundî isáng aklát ng mga alamát. Kung may panlilinláng kaugnay sa aklát na itó, itó ay ginawa
ng ibáng mga manunulat na nagpahayag na itó ay isáng tunay na kasulatan mulâ sa unang
panahón.
TALASALITAAN:
Mananalaysay – (historian)
Kasulatan – (document)
Alamat – (legend)
Salinlahi – (generation)
Datu – (chief)
Kapatagan – (plain)
Prehispanic – (mula sa panahon bago sinakop ng mga Espanyol ang filipinas)
Saligang Batas (saligambatas)– (constitution)
Sanaysay – (essay)

Animist – (Animism is the belief that all beings and natural things such as rocks, streams and
winds have a living soul. An animist is a person who holds this belief. Most ancient Filipino
societies practised animism as well as ancestor worship)
FOREWORD TO THE READERS (MARAGTAS)
Pedro A. Monteclaro

Maragtas was written by Pedro Alcantara Monteclaro in 1907 as a collection of the legends of
the island of Panay in the Philippines. He wrote it in a mixture of Hiligaynon and Kinaray-a, the
languages of his birthplace, Miag-ao in the south of Panay. However, many translators of the
book have selectively mistranslated or omitted parts in order to make it appear that the book was
an ancient manuscript written at the time of the events described in it.
The full title of the book is:
Maragtás kon (historia) sg pulô nga Panay kutub sg iya una nga pamuluyö, tubtub sg pag-abut
sg mga taga Borneo nga amó ang ginhalinan sg mga bisayâ, kag sg pag-abut sg mga Katsilâ.
(Note: sg should be written with a tilde (~) above the word. It is short for sang.)
“Maragtas or (history) of Panay Island from the first inhabitants, until the arrival of the
Borneans from which the Bisayans are descended, to the arrival of the Spaniards”.

The Original Preface to Maragtas


Here is Pedro Monteclaro’s own foreword to Maragtas. It is a corrected translation taken from
William Henry Scott’s Prehispanic Source Materials for the Study of Philippine History (Revised
Edition, 1984). The underlining and bold typeface are added by the present author.

Foreword to the Readers


I wrote this Maragtas, a history of the first inhabitants of the island of Panay, with great
reluctance for fear I might be considered too presumptuous. I would therefore have refrained
from writing it but for my burning desire to reveal to the public the many data which I gathered
from records about the first inhabitants of the island of Panay, the arrival of the Datus from
Borneo, their possession and settlement of our land, their spread to different parts of the Island,
and their customs and habits until the Spaniards came and ruled the Philippines.
In order that readers of this Maragtas should not accuse me of having merely composed
this book from imagination, I wish to mention two manuscripts I found. One of these was
given to me by an 82 year old man, who had been the first teacher of the town and who said it
had been given him by his father, who in turn got it from his father, the old man’s grandfather.
The long years through which the manuscript must have passed wore out the paper so much that
it was almost impossible to handle. Worse yet, it was only written in a black dye and smeared
with sap which had burned the paper and made it almost useless. The other manuscript I found in
a bamboo tube where my grandfather used to keep his old papers. This manuscript, however, was
hardly legible at all, and was so brittle I could hardly handle it without tearing it to pieces.
Having located one manuscript, I concluded there would most likely be another copy
somewhere, so I decided to inquire of different old men and women of the town. My search was
not in vain for I then came across the afore-mentioned old man in the street, who even gave me
the manuscripts dealing with what happened in the town of Miag-ao from the time of its
foundation. I copied these records in a book on 12 June 1901, as a memoir for the town of Miag-
ao,but did not publish them for the reasons stated. Besides, I was waiting for someone better
qualified to write a history of the Island of Panay from the time of its first inhabitants.
I should like my readers to know that my purpose in writing this Maragtas is not to gain
honor for myself but to transmit to others what I read in the records I collected.

This corrected translation was prepared after Scott consulted with the eminent Ilonggo
anthropologist, Felipe Landa Jocano; Trinidad Molavin, granddaughter of Pedro Monteclaro; and
Dr. Juan C. Orendain. It was based on the following English translations:
1. H. Otley Beyer Collection: Visayan ethnography paper No. 25 by Encarnacion J.
Gonzaga, Natividad Rosado, Ramón P. Locsin and Ismael Golez, 1916.
2. , translated for the Research Commission from the vernacular version of Pedro
Monteclaro, Philippine Executive Commission, Department of Education, Health and
Public Welfare, Manila, typewritten, by Manuel Carreon, 1943.
3. A pre-Spanish history of the Island of Panay, Philippines Review, , vol. 2, No. 4 and No.
5 by Manuel Carreon, July and August 1944. Reprinted as Maragtas: pre-Spanish
history of the Island of Panay in Encyclopedia of the Philippines, by Zoilo M. Galang,
2nd edition, revised, Vol. 15, 1950.
4. Maragtas by Eva M. Bayoneta in Supplementary readings on A short history of the
Filipino people by Teodoro Agoncillo, 1960.

Sins of Omission
None of the translations listed above included the last chapter or the epilogue of Monteclaro’s
book where he gave a list of Spanish officials from 1687 to 1808 and mentioned various dates
from the 1700’s in the town of Miag-ao. The 1916 translation made for Otley Beyer (#1) did not
include Pedro Monteclaro’s foreword either.
The second work on this list did include these chapters in its original typewritten form but the
final chapters were suppressed when it was actually published in the Sarawak Museum Journal,
Vol. 8, 1957 under the misleading title, Maragtas: the Datus from Borneo (the earliest known
Visayan text). An introduction was added by the journal’s editor, anthropologist Tom Harrison,
where he referred to Monteclaro not as the author of Maragtas but merely the transcriber of an
ancient Philippine legend.

Deceptive Translations
Even when translators did include Monteclaro’s preface, they often took great liberties with the
text which only served to mislead readers. For instance, the phrase shown above in bold lettering,
...I wish to mention two manuscripts I found – is a faithful translation of the original phrase:
...akon diri igasambit nga duha ka talamdan ang akon naayap.
However, in Manuel Carreon’s article of 1957 this is translated as “the two manuscripts on
which I based my work”. And in The Ten Datus of Madiaas (1963) by Juan C. Orendain it reads,
“I am here presenting two writings which I have been able to find.” The truth is that Monteclaro
wrote in the foreword that one manuscript was “almost useless” and the other was “hardly
legible at all”. Thus he could not have “presented” or “based his work on" either of these
documents.
Orendain went on to write in the preface of his 1963 book that, “He [Monteclaro] claimed he
copied the Maragtas.” However, when William Henry Scott interviewed Orendain in 1966 he
admitted that Monteclaro’s foreword did not actually make that claim.
Kalantiaw, The Hoax
This is the text of Presidential Decree No. 105 issued by Ferdinand Marcos on January 24, 1973.
It declares that all national shrines are to be considered sacred places. Among the shrines
specifically mentioned is the Kalantiaw Shrine in Batan, Aklan. (Emphasis added by present the
author.) Marcos issued this decree five years after William Henry Scott proved irrefutably that
the entire Kalantiaw legend was a hoax.
MALACAÑANG
Manila
PRESIDENTIAL DECREE No. 105 January 24, 1973
DECLARING NATIONAL SHRINES AS SACRED (HALLOWED) PLACES AND
PROHIBITING DESECRATION THEREOF
WHEREAS, the Government of the Republic of the Philippines has declared certain places in the
country as National Shrines because they were the sites of the birth, exile, imprisonment,
detention or death of great and eminent leaders of the nation.
WHEREAS, among these National Shrines are the birthplace of Dr. Jose Rizal in Calamba,
Laguna, Talisay, Dapitan City, where the hero was exiled for four years, Fort Santiago, Manila,
where he was imprisoned in 1896 prior to his execution; Talaga, Tanauan, Batangas where
Apolinario Mabini was born, Pandacan, Manila, where Mabini's house in which he died, is
located, and Aguinaldo Mansion in Kawit, Cavite, where General Emilio Aguinaldo, first
President of the Philippines, was born, and where Philippine Independence was solemnly
proclaimed on June 12, 1898, Batan, Aklan, where the "Code of Kalantiyaw" was promulgated
in 1433, etc.
WHEREAS, it is the policy of the Government to hold and keep said National Shrines as sacred
and hallowed place.
NOW, THEREFORE, I, FERDINAND E. MARCOS, President of the Philippines, by virtue of
the powers vested in me by the Constitution as Commander-in-Chief of all the Armed Forces of
the Philippines, and pursuant to Proclamation No. 1081 dated September 21, 1972, and General
Order No. 1 dated September 22, 1972, do hereby declare said National Shrines and others which
may be proclaimed in the future as National Shrines to be hallowed places and the desecration of
the same in the form of disturbing their peace and serenity by digging, excavating, defacing,
causing unnecessary noise and committing unbecoming acts within the premises of said National
Shrines, is hereby strictly prohibited.
Any person who shall violate this Decree shall upon conviction, be punished by imprisonment
for not less than ten (10) years or a fine not less than ten thousand pesos (P10,000) or both fine
and imprisonment in the discretion of the court or tribunal concerned.
This Decree is hereby made part of the law of the land and shall take effect immediately. Done in
the City of Manila, this 24th day of January, in the year of Our Lord, nineteen hundred and
seventy-three.

You might also like