You are on page 1of 3

Ariana Kae Pinzon 8-Tuburan

Historikal na Pagsusuri sa Himagsik ni Balagtas

Ang akdang Florante at Laura ay tinaguriang obra maestra ni Francisco Balagtas


dahil sa apat na himagsik na nakatago sa mga saknong nito. Isa sa mga ito ay ang Himagsik
Laban sa Maling Pamamalakad ng Pamahalaan, kung saan makikita ang kalupitan ng mga
Kastila sa mga Pilipino sa panahon ng Pananakop ng mga Espanyol.

Mabigat ang impluwensiya ng mga kastila sa ating kultura at pananampalataya.


Pinalaganap ang mga ito sa pamamagitan ng dahas, kung kaya’t maraming pag-aaklas ang
nangyari sa higit tatlong daang taon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.

Sa panahon ng Batas Militar noong taong 1972 hanggang 1981¸sa ilalim ng


pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos, marami rin ang naging biktima ng
pagmamaltrato at pagkawala ng karapatan tulad ng mga nangyari sa panahon ng Pananakop
ng mga Espanyol. Kinontrol ni Marcos ang bansa sa pamamagitan ng karahasan, katulad ng
pamumuno ng mga kastila noon, na ang bawat utos ay dapat sundin o kamatayan ang kapalit.

Noong Panahon nga mga Kastila, itinatag ang KKK o Kataas-taasan, Kagalang-
galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan upang maghimagsik sa mga Espanyol sa paraan
ng. Binuo rin ang La Liga Filipina, isang grupo ng mga intelektual na naglalaban sa
pamamagitan ng payapang reporma tulad ng pagsulat. Isa na rito ang pagsulat sa akdang
Florante at Laura. Noong panahon ng Batas Militar, nagkaroon ng People Power Revolution
o Rebolusyon sa EDSA, na isang serye ng protesta ng mga tao laban sa diktaturyang
pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos. Sa bawat inhustisyang pinaslang ng di-
makatarungang pamumuno ng pamamahalaan, maraming paraan ng rebolusyon ang
nagaganap upang makipaglabanan para makamit ang katarungan.

Maihahalintulad ang mga pangyayaring ito sa mga kaganapan sa akdang Florante at


Laura. Ang pagkagapos kay Florante sa punong higera sa gitna ng isang madilim at
mapanglaw na gubat ay isa sa mga tinatagong mensahe ni Balagtas. Ang kanyang mga
pananambit ay nagpapakita rin ng kawalan ng pag-asa dahil sa sitwasyong idinulot ng
malupit na pamahalaan.

“Sa loob at labas ng bayan kong sawi

Kaliluha’y siyang nagyayaring hari,


Kagalinga’t bait ay nalulugami

Naamis sa hukay ng dusa’t pighati” 14

Sa saknong ito, hinahalintulad ni Balagtas ang kalagayan ng nasawiang bayan sa


kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng pamamalakad ng mga Espanyol. Walang pangalan ng tao
o lugar ang nasambit upang itago ang pag-aaklas.

“Ngunit ang lilo’t masasamang loob

Sa trono ng puri ay inululuklok,

At sa bawa’y sukab na may asal-hayop,

Mabangong insenso ang isinusuob.” 16

Ang trahedya ng bayang ito, ang Albanya, ay idinulot ng isang taksil na nagbabalat-
kayo sa simula, hanggang lumabas ang kanyang totoong mainggitin kaugalian. Ginawa niya
ang lahat upang siya’y umupo sa trono at maghiganti sa kanyang kapwa.

“Dito na minulan ang pagpapahirap

Sa aki’t ninasang buhay ko’y mautas,

At nang nabalitang reyno’y nabawi mo,

Ako’y hinatulang pugutan ng ulo,” 355

Makikita sa saknong ito ang pagkamalupit ng pamahalaan sa mga mamamayang ito.


Sa akda, hinatulan ng sultan ang sariling anak, na isang sikat na Morong gerero, na bayaran
ang pagkatalo nila kapalit sa kanyang buhay.

Ang apat na himagsik ni Balagtas ay lihim na nakatago sa pagitan ng mga saknong


upang hindi maiintindihan ng mga kastila ang pag-aaklas niya sa kanilang malupit na
pamamahala. Ang akdang Florante at Laura ay isa lamang sa mga nailathala upang
maghimagsik ngunit magkaiba ito dahil sa galing ng awtor sa pagtatago sa mga kawalang-
katarungan na dinanas ng kanyang kapwa Pilipino.
Mga Pinagkukunan:

"Batas Militar." Wikipedia. Wikimedia Foundation, 04 Apr. 2018. Web. 06 May 2018.
"Rebolusyong EDSA Ng 1986." Wikipedia. Wikimedia Foundation, 27 Dec. 2017. Web. 06
May 2018.
"Katipunan." Wikipedia. Wikimedia Foundation, 03 May 2018. Web. 06 May 2018.
"Anong Nangyari Sa Panahon Ni Marcos? Ano Ang Martial Law? Diktador Ba?" Buhay
OFW: Answers for OFW. N.p., n.d. Web. 06 May 2018.
"Ang Pilipinas Sa Ilalim Ng Martial Law." The Filipino Sentinel. The Filipino Sentinel, 21
Sept. 2011. Web. 06 May 2018.

You might also like