You are on page 1of 38

RIZALs life, works and writings

An Introduction Ang Mundo noong kapanahunan ni Rizal Liberalismo Ang kaisipan na naging popular sa Europa na nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng tao Sa Rusya Pinalaya ni Tsar Alexander I ang 22.5 milyong kasama ng lupain. Ang mga kasama ay nagkaroon ng karapatan sa batas na di nila nakamit noon Sa Mehiko Naging pangulo ng bansa si Benito Juarez ang kaunaunahang lider na mula sa lipi ng mga Zapotec Indian. Sinakop ito ng mga Pranses sa pamununo ni Napoleon III at itinalaga si Archduke Maximilian bilang emperador. Nakamit muli ng Mehiko ang kalayaan sa tulong ng Estados Unidos Sa Estados Unidos nagkaroon ng Digmaang Sibil na umabot ng apat na taon (1861-65) kung saan ang mga estado sa Hilaga ay lumaban sa kanilang mga kapatid sa Timog. Ang kaapihan ng mga Itim ang isa sa mga sanhi nito Sa Italya Ang mga bayan sa bansang ito ay dating hiwa-hiwalay at nasakop ng mga Pranses. Sa pinagsamang pwersa nina Count Cavour at Giuseppe Garibaldi (ang bayani ng mga Pulang Damit) ay kanilang nakamit ang kasarinlan at naging Hari ng pinag isang Italya si Victor Emmanuel Sa Alemanya Tulad ng Matandang Gresya at Italya sila rin ay mga watakwatak na mga siyudad-estado na sumailalaim sa kamay ng mga Pranses. Sa pamumuno ni Otto Von Bismarck, ang Bakal na Kanselaryo, kanilang naitaboy ang mga kaaway at naging hari si Wilhelm I

Sa Hapon Mula 1639 ay nanatiling ermitanyo ang Bansang Hapon sa modernisasyon. Ito ay sanhi ng rebelyon ng mga Kristiyanong Heneral na nais panatilihin ang kanilang relihiyon. Noong 1853, si Commodore Matthew Perry, isang Amerikano, ang dumating sa Edo (Tokyo) at ipinakita ang kalumaan ng kanilang kultura. Sa Inglatera Ito lamang ang tanging Imperyo na nanatiling makaluma ngunit nadagdagan ang mga kolonya noong ika-19 na siglo. Kanilang nakuha ang Tsina (Digmaang Opyo), India (Rebelyong Indian), at mga bansa sa Timog Silangang Asya Sa Espanya Ang Ika-19 na siglo ang hudyat ng kanilang paglubog. Karamihan ng kanilang nasasakupan sa Latin, Hilaga at Timog Amerika ay naging Republika. Sa pagtatapos ng siglong ito tanging Pilipinas, Cuba, Puerto Rico, Guam at Hawaii na lamang ang natira Ang Pilipinas sa panahon ni Rizal 1. Mahinang Administrasyong Kolonyal Ang Espanya mula 1834-1862 ay nagkaroon ng 28 Parliamento at 529 na Ministro kung saan ang Administrasyon na papalit-palit ay nagbunga ng paghina ng Imperyo. Ang Pilipinas ay di nakapagtatakang maapektuhan nito. Sa Pilipinas mula 1835-1897 ay nagkaroon ng 50 Gobernador Heneral. Sa sobrang igsi ng panahon ng Paglilingkod halos walang nagawa ang Lokal na Pamahalaan 2. Mga Tiwaling Opisyal ng Kolonya Ang Ika 16, 17 at 18 siglo ay tinawag na Siglo de Oro (Golden Age) dahil ito ang tinatawag na Gintong Araw ng Espanya kung kayat maraming prominenteng mga tao ang nagbigay katanyagan sa Pinakadakilang Imperyo noong panahong yaon. Kabilang sina: Miguel de Cervantes May akda ng Don Quixote de la Mancha Lope de Vega isang manunula Calderon dela Barca isang makata

El Greco (Domenico Theotocopuli) Pintor na bantog sa kaniyang relihiyosong paksa Diego Velasquez Alagad ng Sining na ang obra ay base sa kasalukuyang panahon Sta. Teresa de Avila Isang santa Noong dumating ang ika-19 na siglo naglaho na parang bula ang brilyo ng Espanya at lumutang ang mga katiwalian na nagsilbing signos ng kabulukan nito at ilan sa mga tiwaling opisyal ng Pamahalaan ay sina: Rafael de Izquierdo ang lumagda ng sintensiya ng kamatayan ng Gomburza Jose Malcampo Magaling na kawal ngunit napakahinang adminstrador Fernando Primo de Rivera Yumaman dahil sa mga suhol mula sa mga pasugalan sa Maynila Valeriano Weyler Dating pulubi na namunini sa Batas laban sa pagpasok ng mga Intsik sa bansa Camilo de Polavieja Lumagda ng Sentencia de Muerte ni Rizal 3. Walang representasyon sa Cortes ng Espanya Ang nasabing Cortes ay ang Lehislatura ng Imperyo kung saan ay nagkaroon ang Pilipinas ng representante na naging tinig ng mamamayan. Noong 1810-13 si Ventura Delos Reyes ang unang kinatawan. Dalawang bagay ang kaniyang ginawa ito ay ang a) paglagda ng makataong 1812 Saligang Batas b) Pagtigil ng Galleon Trade. Dalawa pang mga kinatawan ang humalili kay Delos Reyes ngunit sila ay mga inutil. Mula 1837 hanggang sa katapusan ng pamumuno ng Espanya ay wala nang naibalik na kinatawa sa Cortes. Dahil dito ay lalong nagibayo ang katiwalian at walang katarungan. 4. Pagkakait ng karapatang Pantao sa mga Pilipino si Sinibaldo de Mas, isang Kastilang senador at manunulat ay nagkomento dito aniya ano raw

ang karapatan ng kaniyang mga kababayan na espanyol ne humingi ng karapatang pantao gayong di naman sila marunong magbigay nito sa iba 5. Walang pagkakapantay-pantay sa pagpapatupad ng Batas Bukod sa 1812 Saligang Batas ay nandiyan pa ang Leyes de Indias, ang kalipunan ng karapatan ng mga taga-kolonya, pero ano ang silbi nito kung di pinapatupad. Ito ba ay mga palamuti lamang? 5. Tiwaling pagpapatupad ng Hustisya Ang hukuman ay siyang nagbibigay ng Katarungan pero ano ang halaga nito kung inhustisya ang binibigay nito? Isang halimbawa ay ang isang Juan dela Cruz, isang mangingisdang Caviteo na nakulong ng 12 taon (1886-98) sa salang pagpaslang na di naman niya ginawa. Ang masakit pa rito ay 12 taon siyang nakulong na naghahantay ng paglilitis! Mas lalong masaklap dito ay ang mga Amerikano pa ang nagpalaya sa kaniya noong kanilang nakubkob ang Maynila! 6. Diskriminasyon ng Lahi ang kulay ng balat ang nagiging basehan ng kahalagahan sa Lipunan. Si Rizal ay nakaranas ng panlalait dahil sila ay tinawag na Indios Chongos sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Relihiyon, ang mga sekular na prayle ay di pinapayagan na magpalakad ng mga parokya na nadomina ng mga Regular. 7. Paghahari ng mga Prayle Ito ay mas kilala sa katawagang Frailocracia o ayon kay Marcelo H. Del Pilar ay La Sobrenia Monacal. Ang kanilang impluwensiya sa Gobyerno ay nagpapatunay ng pagkakaisa ng Simbahan at Estado

Bukod sa kanilang pansimbahang repsponsibilidad ay mayroon silang kapangyarihan sa estado tulad ng: a) superbisor ng halalang lokal b) inspektor ng buwis c) tagapagpasiya ng moral d) sensura ng mga aklat at dula e) tagapangasiwa ng mga gawaing pampubliko at f) tagapagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan.Ilan sa mga masasamang prayle ay sina:

Padre Miguel Lucio Bustamante may akda ng aklat na Si Tandang Basiong Macunat Padre Jose Rodriguez nagsulat ng anti Noli na polyeto na Cuestiones de Sumo Interes Padre Antonio Piernavieja Kura ng Cavite na naging modelo ni Rizal kay Padre Salvi Hindi naman lahat ng prayle ay masama may mabubuti rin tulad nina: Padre Andres de Urdaneta kasama ni Legaspi sa pagsakop sa Pilipinas Padre Martin de Rada nagpakalat ng Kristiyanismo sa Tsina Padre Juan de Plasencia nagsulat ng Doctrina Cristiana sa wikang Kastila Obispo Domingo de Salazar Nagbigay ng parokya sa mga prayleng Pilipino Padre Francisco Blancas de San Jose Nagsulat ng Doctrina Cristiana sa wikang Tagalog Padre Miguel de Benavides ang nagtatag ng Pamantasan ng Santo Tomas 8. Sapilitang Paggawa Ito ay mas kilala sa tawag na Polo kung saan ang lahat ng kalalakihan idad 16-60 ay maglilingkod sa loob ng 45 araw. Sila ay madedestino sa malayong probinsiya para sa mga pampublikong gawain. Marami ang ayaw sa Polo dahil sa Falla (ang kabayaran para di magtrabaho sa Polo), panahon, distansiya ng paggawa at sweldo. 9. Mga asyendang pagaari ng prayle ito ay ang walang habas na pagkuha ng lupain ng mga maralita. Ito rin ang naging ugat ng mga pagaalsa sa bansa. Isang halimbawa ng ganitong pagmamalabis ay ang kasaysayan ni Kabesang Tales ng El Filibusterismo 10. Ang mga Guardia Civiles Ito ay ang kapulisan na itinayo noong 1852 upang sugpuin ang mga tulisan sa kanayunan. Nang kanilang nagawa ito, sila naman ang naging mga mandarambong na pumapatay, nagnanakaw,

nanggagahasa ng mga kababaihan, nananakit at nananakot sa mga sibilyan. Ang mga Guardia Civil ay mga karaniwan ding mamamayan ngunit para silang mga langaw na nakapatong sa kalabaw at nalimutan ang kanilang abang pinagmulan.

Kabanata I
Pagsilang ng Pambansang Bayani Ang kapanganakan ng Bayani Si Jose Protacio Mercado Rizal y Realonda ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Ito ay araw ng Miyerkules sa pagitan ng alas onse ng gabi hanggang hatinggabi. Ang ating bayani ay nang lumabas ay may kapayatan at mukhang sakitin. Tatlong araw pagkapanganak ay ipinagalan siyang Jose buhat kay San Jose ang patron ng pagbibiyahe Ang nagbinyag sa kaniya ay si Padre Rufino Collantes, ang ninong ay si Padre Pedro Casanas at ang lumagda ng partido de bautismo ay si Padre Leoncio Lopez Kaya siya agad na bininyagan ay sa paniniwalang ang sanggol ay malapit nang mamatay at para mailigtas ang kaniyang kaluluwa Ipinangako ni Don Francisco, ama ni Rizal, na kung ang anak ay mabubuhay kaniya itong isisimba taun-taon sa Antipolo Ang pagtungo sa Antipolo ay sa pamamagitan lamang ng balsa na delikado ang pagbiyahe Mga magulang ni Rizal Si Don Francisco Mercado ay ipinanganak noong 1818 Binan, Laguna at nagaral ng kursong Latin at Pilosopiya sa Colegio de San Jose. Rumenta siya ng lupa sa mga Dominikano upang isaka at nagtagumpay dito. Siya ay pumanaw noong 1898 Si Dona Teodora Alonzo ay ipinanganak noong 1826 sa Tondo Maynila at naging gabay ng ating bayani. Bilang parangal kay Rizal ng gobyernong Aguinaldo ay binigyan siya ng pensyon na kaniya namang tinanggihan. Namatay siya noong 1911

Mga kapatid ni Rizal Saturnina (1850-1923) Napangasawa si Manuel Hidalgo ng Batangas Paciano (1851-1930) Isang soltero ngunit nagka anak sa kaniyang nobya na si Severina Decena Narcisa (1852-1939) Napangasawa si Antonio Lopez (pamangakin si Padre Leoncio Lopez) isang guro sa Morong Olimpia (1855-1887) Naging kabiyak si Silvestre Ubaldo, isang operador ng telegrapo sa Maynila Lucia (1857-1919) Esposa ni Mariano Herbosa (pamangkin ni Padre Casanas) na nasawi noong 1889 na di nabigyan ng kristiyanong libing Maria (1859-1945) naging asawa ni Daniel Cruz ng Binan, Laguna Jose (1861-1896) Pambansang bayani na naging katipan si Josephine Bracken na nagkaroonng isang anak ngunit maagang pumanaw Concepcion (1862-1865) Maagang namatay sa edad na tatlo at naging unang kasawian ni Rizal Josefa (1865 -1945) Isang soltera na namatay sa edad na 80 Trinidad (1868-1951) Hindi nakapag asawa at namatay sa edad na 83 Soledad (1870-1929) Bunsong anak na napangasawa ni Pantaleon Quintero ng Calamba Ang mga ninuno ni Rizal Ang lahi ni Rizal ay may iba-ibang pingmulan sila ay may dugong Malay, Kastila, Intsik at Hapon Ang ninuno ni Rizal sa ama ay may lahing Intsik. Dumating sa Maynila noong 1690 at siya ay nag ngangalang Domingo Lam-Co mula Fookien. Napangasawa niya si Ines Dela Rosa at naging negosyante sa Binondo. Sa kautusang umiral na ang lahat ng Indio at Chinos ay dapat gumamit ng apelyidong Kastila ginamit niya ang apelyidong Mercado dahil siya ay negosyante at ibinuntot ang apelyidong Rizal dahil siya ay nagbebenta ng bigas

Sina Domingo at Ines ay nagkaanak na ang ngalan ay Francisco na nakaisang palad si Cirila Bernacha at nanirahan sa Binan, kung saan siya naging gobernadorcillo (alkalde ng bayan) Si Juan na anak nina Capitan Isko at Capitana Cirila ay napangasawa si Cirila Alejandro na naging gobernadorcillo rin ng Binan. Nagkaroon sila ng labing isang supling at ang bunso ay si Francisco, ama ni Rizal Pinakasalan niya si Teodora Alonzo noong Ika 28-ng Hunyo, 1848 at nanirahan sa Calamba Ang lahi ni Rizal sa ina ay may lahing Hapon. Noong 1690 dumating sa bansa ang isang Eugenio Ursua at naging esposa ang isang nagngangalang Benigna Napangasawa ng kanilang anak na si Regina si Manuel de Quintos, isang abogadong Intsik-Pilipino Sina Manuel at Regina ay nagka anak na ang ngalan ay Brigida at naging esposa ni Lorenzo Alberto Alonzo Nagkaroon sila ng limang anak na sina Narcisa, Teodora (ina ni Rizal), Gregorio, Manuel at Jose Alberto Ang bahay at buhay ni Rizal Ang bahay ng mga Rizal ay malapit sa simbahan at bahay-pamahalaan kung saan ang halaga ng lote ay napakamahal Ang tahanan ng mga Rizal ay napapaligiran ng isang malaking bakuran na napaliligiran ng mga punong kahoy, may isang maliit na bahay kubo, isang tindahan, garahe ng karwahe, babuyan, manukan at ang palikuran Ang bahay ay nahahati sa dalawang palapag. Ang ibaba ay gawa sa bato at naririto ang silid tanggapan, aklatan, kusina at paliguan. Samantalang ang itaas naman ay gawa sa kahoy, at naroon ang mga silid tulugan at komedor Ang mga Rizal ay rumerenta ng lupain sa mga prayleng Dominikano kung saan sila nagtatanim ng bigas, tubo at mais

Ang bigas ay kanilang ibinebenta sa kanilang lugar, ang tubo ay kanilang binebenta sa Negros at ang mais ay patuka sa kanilang mga alagang manok at bibe Mayroon din silang tindahan, pabrika ng hamon at pampublikong gilingan na kanilang pinaparenta

Kabanata II
Kabataan sa Calamba Ang bayan ng Calamba Ang Calamba ay isang asyendang bayan na pag aari ng mga Prayleng Dominikano Ang nasabing lugar ay napapaligiran ng magagandang lugar sa Timog ay ang Bundok Makiling na sa paglagpas nito ang probinsiya ng Batangas, sa Silangan ay ang Lawa ng Laguna at sa gitna nito ay ang isla ng Talim. Sa Hilaga ay ang bayan ng Antipolo Noong 1876 si Rizal ay sumulat ng tula na pinamagatang Un Recuerdo A Mi Pueblo (Ala ala ng aking bayan) Ang Unang kalungkutan Noong 1865 ay nasawi ang kaniyang kapatid na si Concepcion o Concha sa sakit na tigdas Labis na ikinalungkot ng batang Rizal ang kasawian at di na ito kumakain Para mabawasan ito ay niregaluhan siya ng isang aso at kabayo. Pinangalanan niya ito ang aso na Usman at ang kabayo na Venganza Sila ang mga kasama ni Rizal sa paglalakbay sa malalapit na pasyalan Talentadong Rizal Siya ay marunong na magbasa ng Alpabetong Kastila sa edad na tatlo Sa edad na walo ay nakapagsulat na siya ng unang tula ang Sa Aking mga Kababata Sa ganoong edad ay nakapagsulat na rin siya ng isang dula na ipinalabas sa kanilang kapistahan. Ang dula ay napanood ng gobernadorcillo ng Paete na binili ang iskrip sa halagang beinte pesos Sa edad na labing dalawa ay maalam na siya sa mahika blanka, at ang paggamit ng mga manika o puppet

Mga Impluwensiya sa kabataan ni Rizal Impluwensiyang Namana Ito ay ang lahi na kaniyang pinanggalingan ang lahing Intsik, Malayo, Hapones at Kastila Impluwensiya ng Kapaligiran Ang katahimikan ng bayan ng Calamba at ang kaniyang mga kapatid at kaanak Tulong ng Maykapal Ito ang tinatawag na Pinagtiyap ng Tadhana. Kung saan ang kaniyang kapalaran ay ang maging Pambansang Bayani ng Bansa

Kabanata III
Ang Pagaaral sa Calamba at Binan Ang pagaaral sa Calamba Ang kaniyang Ina ang una niyang naging guro ngunit hindi pa sapat ang kaniyang natutunan dito Ang sumunod niyang guro ay sina Maestro Celestino at Lucas Padua na kapwa mga uwian na guro Si Leon Monroy, ang huli niyang naging guro, ay dating kamag aral ni Don Francisco at isang soltero kayat kapisan nila sa tahanan. Anim na buwan lang niya ito naging guro dahil ito ay maagang pumanaw. Naisipan nilang ituloy ang pag aaral sa Bian Ang Pagaaral sa Bian Hunyo 1869 ay hinatid siya ni Paciano sa Bian upang mag aral sa paaralan ni Maestro Justiniano Cruz Siya ang pinakamagaling sa klase kayat marami ang nainggit sa kaniya. Isa sa mga nakaaway niya ay si Pedro, na anak ng guro na tinalo niya sa suntukan Isa pang maton sa klase ay si Andres Salandanan na tumalo sa kaniya sa sumping Tuwing hapon ay madalas siya magtungo sa estudyo ni Maestro Juancho ang biyenan ng guro kasama ang kaibigan na si Jose Guevarra Disyembre 1871, sinundo ni Saturnina si Pepe para umuwi at sumakay sila ng Bapor Talim Nakasakay nila si Arturo Camps, kaibigang Pranses ni Don Francisco 1872 Dalawang matinding sakuna ang nagbukas kay Rizal sa katotohanan Ang pagkamartir ng Gomburza Nagsimula ito noong Ika-20 ng Enero nang matanggap ng mga Pilipinong sundalo na naglilingkod sa gobyernong Espanya ang kanilang sweldo

Nagulat sila na may bawas na ang kanilang kinita at kalakip nito iskedyul ng kanilang paglilingkod sa Polo. Dati sila ay liban dito ngunit ito ay inalis ng kasalukuyang liderato ni Izquierdo Sa pamumuno ni Sarhento La Madrid ay nagaklas sila na nauwi Sa madugong katapusan, Sinabit ang mga paring Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora kung saan ang kanilang nais lamang ay ilipat ang kontrol ng mga parokya sa mga Pilipinong prayle Nagsilbing bulag na saksi si Francisco Zaldual upang maipit ang Gomburza sa tribunal militar Sila ay nabitay sa pamamagitan ng garrote noong Ika-17 ng Pebrero, 1872 Ang pagkakakulong ng ina ni Rizal Hunyo 1872, nahuli ni Doa Teodora ang maybahay ng kapatid niyang si Jose Alberto na may kalaguyo Nalaman ito ng Kapatid at binalak na hiwalayan ang taksil na asawa ngunit pinigilan ito ni Doa Teodora at sinabing patawarin na lang siya. Nagtanim ng galit ang hipag at nagbulid ng istorya na siya raw ay balak lasunin ng matanda Ang alegasyon ay madaling sinakyan ng gobernadorcillo ng Calamba na si Antonio Vivencio del Rosario. Ang alkalde ay may lihim na galit sa mga Rizal dahil madalas siyang humingi ng pabo ngunit sa isang pagkakataon ay di siya napagbigyan kaya siya nagalit Ang 45 anyos na matanda ay inaresto at pinaglakad mula Calamba hanggang sa kapitolyo ng Probinsiya sa Sta.Cruz Nakulong si Dona Teodora ng halos dalawang taon at napalaya siya noong 1874 Ang kaniyang paglaya ay dahil sa kaniyang mga abogado na sina Francisco sa Marcaida at Manuel Marzan

Kabanata IV
Ang Pagaaral sa Ateneo Ang Pagpasok sa paaralan Noong Ika-10 ng Hunyo, si Rizal ay kumuha nag pagsusulit sa Ateneo Municipal at sa Colegio San Juan de Letran na kapwa niya naipasa Mas pinili niya ang Ateneo dahil yaon ang gisto ng kaniyang ama Ang Paaralan ay dating tinawag na Escuela Pia na para lamang sa mga maralitang mag aaral. Nang maglaon ito ay nasa pangangalaga ng mga Heswita na naging Ateneo Municipal at ngayon ay Ateneo de Manila University Si Rizal ay di agad tinanggap ng Tagapagpatala na si Padre Magin Ferrando dahil nag uumpisa na ang semestre at lubha siyang bata para sa Mataas na paaralan. Maglalabing dalawang taon pa lang si Rizal noong panahong iyon Ngunit dahil sa imlpuwensiya ng pamangkin ng nasirang Padre Jose Burgos na si Manuel Xerez-Burgos na isa ring guro sa Paaralan ay nabigyan si Rizal ng eksepsiyon Si Rizal ay pansamantalang nanirahan sa tahanan ni Donya Titay sa Kalye Caraballo na may utang na P300 sa pamilya Rizal Ang sistema ng Edukasyon Ang mga mag aaral ay nahahati sa dalawang grupo mga Internos (residente sa Ateneo) at mga Externos na mas kilala rin sa mga Imperyo ng mga Romano at Carthago. Ang bawat kampo ay nagtatagisan ng galing sa mga leksiyon sa bawat klase sa bawat tanong na di masagot ng isang panig ay nangangahulugang pagkatalo nila na hinhudyat ng pwesto ng kanilang bandila sa silid-aralan Sa pagsisimula ng Taon ay ang dalawang bandila ay nasa harap ng mesa ng guro

Sa Unang pagkatalo ang bandila ay ilalagay sa kaliwa ng silid, sa ikalawa ay sa kanan, sa ikatlo ang bandila ay nakatagilid sa kaliwa ng silid. Sa Ika apat na pagkagapi ito ay lilipat sa kanan na nakabaligtad, sa ikalima nakabaligtad sa kaliwa at sa ika anim ay babalik sa mesa ng guro na mayroong pigura nga asno Ang bandilang may pinakamaraming pigura ng asno sa pagtatapos ng taon ay ang siyang nagaping Imperyo Hindi lang sa magkaribal ng Imperyo nagkakaroon ng tunggalian kundi doon din sa mga pinuno at sa mga nasasakupan Ang bawat Imperyo sa bawat silid-aralan ay may mga opisyal na emperador, tribuno, dekuryon, senturyon at tagadala ng bandila Kung nais ng isang tauhan na makopo ang nais na posisyon kaniya itong tatanungin ukol sa nakaraan, kasalukuyan at darating na aralin. Kung di ito masagot, ang nagtanong ang bagong hahawak ng pwesto Unang Taon sa Ateneo Si Rizal sa simula ng una niyang taon sa pagaaral ay isang sundalo sa Imperyo Carthago Sa loob ng isang buwan ay naging emperador at napanatili niya ang kaniyang posisyon hanggang sa katapusan ng taon Dahil dito ay binigyan siya ng larawan ni San Ignacio de Loyola na siyang nagtatag ng Samahang Hesuwita Ang uniporme nila ay isang pantalong hinabi sa abaka at ang amerikana ay gawa sa bulak na ang tawag ay rayadillo na siyang naging uniporme ng hukbong Pilipino noong Himagsikan Mga paboritong aklat The Count of Monte Cristo na isinulat ni Alexander Dumas na tungkol sa kabayanihan ni Edmond Dantes na siyang pinagbasehan ni Rizal ng Noli at Fili Universal History ni Cesar Cantu kung saan pinagbuhatan ng mga paksa ng mga tula ni Rizal na sinulat sa Ateneo

Travels in the Philippines na sinulat ni Feodor Jagor na nagtungo sa Pilipinas mula 1859-1860 at hinulaang ang Estados Unidos ang susunod na sasakop sa Pilipinas Ang Pagtatapos sa Ateneo at mga Samahang inaniban Tinapos ni Rizal ang pagaaral sa Mataas na Paaralan noong Ika-23 ng Marso, 1877 at binigyan ng markang Sobre Saliente Si Rizal ay naging Kalihim ng Kongregasyon ni Maria Naging Miyembro ng Akademya ng Literaturang Espanyol at Akademya ng Likas na Agham Mga guro ni Rizal Ang paborito niyang guro ay si Padre Francisco Paula de Sanchez dahil siya sumuporta sa pagsulat ni Rizal ng tula samantalang ayaw naman niya kay Padre Jose Villaclara Naging guro din niya sina Agustin Saez at Romualdo de Jesus sa pagpinta at iskultura ayon sa pagkasunod Ginawa niya ng istatwa ng Banal na Puso ni Hesus si Padre Domingo Lleonart mula sa kahoy na batikuling Ang istatwa ay kasalukuyang nasa Ateneo de Manila University

El Cautiverio y el Triunfo: Batalla de Lucena y Prision de Boabdil La Entrada Triunfal de los Reyes Catolices en Granada 1877 El Heroismo de Colon Colon y Juan II Gran Consuelo en la Mayor Desdicha Un Dialogo Alusivo a la Despedida de los Colegiales Unang Pagibig ni Rizal Si Segunda Katigbak ang unang nagpatibok ng puso ng ating bayani Ito ay kapatid ng kaniyang kaibigan na si Mariano Katigbak at kamag aral ni Olimpia Rizal sa La Concordia Para masilayan ang dalagitang taga Lipa, Batangas ay kunwari dinadalaw ang kapatid sa Lipa ngunit ang tunay na layunin ay si Segunda Hindi nailabas ni Rizal ang kaniyang damdamin kaya ang pag ibig ni Segunda ay nakamit ng isang Manuel Luz na kaniyang nakaisang dibdib

Mga Tulang isinulat sa Ateneo 1875 Felicitacion El Embarque: Himno a la Flota de Magallanes Y Es Espanol: Elcano, el Primero en dar la Vuelta al Mundo El Combate: Urbiztondo, Terror de Jolo 1876 Un Recuerdo a Mi Pueblo Alianza Intima Entre la Religion y la Buena Educacion Por la Educacion Recibe Lustre la Patria

Kabanata V
Pagaaral ng Medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas Ang Pagpasok sa Unibersidad Pumasok sa Unibersidad noong Abril 1877 Kumuha nang kursong Latin at Pilosopiya dahil ito ang gusto ng kaniyang ama at wala pa ring sagot si Padre Pablo Ramon Noong 1878 sumagot ang Rektor ng Ateneo at sinabing Medisina ang kaniyang kunin Dalawa ang kursong sabay niyang kinuha Pagbabalik sa Ateneo Kumuha ng kursong perito agrimensor at tinapos ito ng dalawang taon Tinapos niya ito sa edad na 17 ngunit nakuha ang Katibayan noong 1881 Pangulo ng Akademya ng Literaturang Espaol Kalihim ng Akademya ng Likas na Agham Miyembro ng Kongregasyon ni Maria Mga Pagibig ni Rizal Miss L. Isang babaeng taga Calamba na nanatiling lihim sa lahat. Leonor Valenzuela anak nina Capitan Juan at Sanday Valenzuela mga gobenadorcillo ng Pagsanjan, Laguna. Kapitbahay ni Doa Concha Leyva ng Intramuros Leonor Rivera 12 taong gulang na anak ni Antonio Rivera at may ari ng Casa Tomasina sa Calle Santo Tomas. Ang pagsali sa Patimpalak Literatura

Sumali siya noong 1879 at nagwagi ng Unang gantimpala sa tulang A La Juventud Filipina nakamit niya ang isang pilak na pluma na may gintong laso Nagwagi uli noong 1880 sa dulang El Consejo de los Dioses. Tinanggap ang gintong singsing na may imahe ni Cervantes. Isang Kastilang peryodista na si Domingo Del Puzo ang nagkamit ng ikalawang gantimpala. Iba pang mga isinulat Junto al Pasig isinulat noong Disyembre 8, 1878 bilang pag pugay sa Immaculada Concepcion A Filipinas isang sonata inialay niya sa mga artistang Pilipino Abd-el-aziz y Mahoma Tulang isinulat ni Rizal noong 1879 at binigkas ni Manuel Luz Al M.R.P. Pablo Ramon Tulang inialay sa kaarawan ng Rektor ng Ateneo Kampeon ng mga estudyanteng Pilipino Nagkamit ng labis na kaapihan sa pamantasan Nagtayo ng samahang Compaerismo kung saan si Rizal ang naging Pangulo at si Galicano Apacible ang Kalihim Mga miyembro ay tinawag na Kasamahan ni Jehu Tinawag silang Indios Chongos gumanti naman sila at tinawag na Kastila bangus Desisyong mag aral sa Ibang Bansa Naisipan niyang lisanin ang bansa dahil sa kaapihang nalasap Pinagisipan ito ng kaniyang Kuya Paciano

10

Kabanata VI
Sa Maaraw na Espanya Ang lihim na pag alis Ang pag alis ni Pepe ay lingid sa kaniyang mga magulang at ibang kaanak, hindi rin ito alam ni Leonor Rivera Ang mga nakakaalam nito ay sina Paciano, Neneng, Lucia, Tio Antonio Rivera, ang Pamilya Valenzuela, Kaibigang Pedro Paterno, pinsang si Jose Ma. Cecilio (Chengoy), Kumpareng Mateo Evangelista at mga Heswitang Pari. Lihim na layunin nila ni Paciano na pag aralan ang kultura sa Europa para sa kalayaan ng bansa. Ang Paglisan Umalis siya noong May 3, 1882 at sumakay ng Bapor Salvadora kung saan ang Kapitan ay si Donato Lecha na taga Asturias Nakarating ng Singapore noong May 9 at dinalaw ang estatwa ni Thomas Stamford Raffles ang nagtatag ng Singapore Sumakay ng Bapor Djemnah na naghatid sa kaniya hanggang Naples Doon niya nasilayan ang kastilyong Chateau d If kung saan nakulong si Edmond Dantes Sa Barcelona Sumakay siya ng tren mula Naples hanggang Merseilles at sumakay uli patungong Barcelona Tumambad sa kaniya and pangit na lugar nito ngunit kaniyang napagtanto na ito pala ang maruming distrito ng malayang lungsod Nagkaroon ng piging ang mga dati niyang kamag aral sa Ateneo sa restawrang Plaza de Cataluaat madalas niyang sadyain ang kalyeng Las Ramblas Ang Pahayagang Diariong Tagalog Si Rizal ay tumanggap ng paanyaya mula kay Basilio Teodoro Moran and patnugot ng Diariong Tagalog.

Si Rizal ay nagpaunlak at nagpadala ng tatlong pitak at iyan ay ang Amor Patrio, Los Viajes atRevista de Madrid. Ang ikatlong lathalain ay hindi nailimbag at ibinalik sa kaniya dahil ang pahayagan ay tuluyan nang nagsara. Mga Balita mula sa Inang Bayan Setyembre 15, 1882 mula kay Paciano ay inilahad nito ang epidemyang sanhi ng kolera kung saan misa at nobena ang kanilang naging lunas. Mula kay Chengoy kung saan inilahad ang pagkakasakit ni Leonor dahil sa pagkawala ng minamahal Mayo 26, 1882 mula kay Paciano kung saan pinagsabihan ang kapatid na magtungo sa Madrid at mag aral. Buhay Madrilenyo Nobyembre 1882 Si Rizal ay nagtungo sa Madrid mula Barcelona at nagpatala sa Universidad Central de Madrid para sa kursong Medisina at Latin at Pilosopiya Nagaral ng Sining sa Akademya ng San Fernando at pagbaril at eskrima sa Bulwagang Armas nina Sanz at Carbonell Kumuha ng serbisyo ng mga pribadong guro para sa Aleman, Pranses at Ingles Dumalaw sa mga galerya ng sining, museo at mga aklatan Ang tangi lang niyang bisyo ay ang paglalaro ng loterya sa Madrid kung saan siya ay lingguhan kung tumaya Nagtutungo sa Antigua Cafe de Levante upang makipagkaibigan sa mga estudyanteng Latino Amerikano. At tuwing Sabado ay naghahapunan sa tahanan ni Pablo Ortiga y Rey na naging alakalde ng Maynila noong panahon ni Carlos Maria dela Torre Consuelo Ortiga y Perez Ang ikalima na nobya ni Rizal at unang banyagang nililiyag. Anak ni Don Pablo Ortiga y Rey Lumikha si Rizal nang tulang pinamagatang A la Senorita C.O.y P Di sila nagkatuluyan dahil mahal pa rin ni Pepe si Leonor at ang kaibigan niyang si Eduardo de Lete ay nanliligaw dito.

11

Naging magkaibigan pa rin sila nang maglaon Si Rizal bilang mason Si Rizal ay naging miyembro ng samahang Circulo-Hispano Filipino at siya ay nagsulat ng tula naMe Piden Versos Bilang mason marami siyang nakilala na mga prominenteng tao kabilang sina 1. Miguel Morayta (propesor, manunulat at historiador 2. Francisco Pi y Margal (dating pangulo ng Unang Republika ng Espanya) 3. Manuel Becerra (Ministro ng Kolonya) 4. Emilio Junoy (mamahayag at kasapi ng Cortes ng Espanya) 5. Juan Ruiz Zorilla (Pinuno ng Partido Progresibo Unang umanib si Rizal sa Lohiya Acacia noong Marso1883 at lumipat sa Lohiya Solidaridad noong Setyembre 1890. Iginawad kay Rizal Punong Mason noong Pebrero 15, 1892 sa Le Grand Orient de France sa Paris. Unang Pagdalaw sa Paris Nagtungo siya sa Paris mula Hunyo hanggang Agosto 1883. Marami siyang dinalaw na lugar tulad ng: Champs Elysee (isang bulebard) Opera House Place de la Concorde (isang hardin) Arko ng Tagumpay Bois de Boulogne (isang napakagandang parke

10. Versailles (kastilyong tinayo ni Louis XVI 11. Louvre (pambansang museo) 12. Ospital ng Laennec (kung saan si Rizal ay naging panauhin ni Dr. Nicaise) 13. Ospital ng Lariboisiere (kung saan ginagamot an ibat ibang sakit pang kababaihan Mga balita galing Calamba Sumulat si Paciano at nagbabalitang bumagsak ang kanilang mga ani dahil sa mga salot na pumeste sa kanilang mga pananim. Ang pagtataas ng upa sa lupa na naging mga dahilan upang maantala ang kanilang padala Umaga noong Hunyo 25, 1884 ay sumali si Rizal sa patimpalak sa wikang Griyego hindi para manalo kung hindi para makakain. Isang pagsaludo kina Luna at Hidalgo Noon ding araw na yaon ay dumalaw si Rizal sa Restauran Ingles upang magdiwang sa pagkapanalo nila sa Patimpalak Sining ng Exposicion delas Bellas Artes. Si Luna ay nagwagi ng Unang Gantimpala sa kanyang obrang Spoliarium samantalang si Hidalgo ay nagwagi nang Ikalawang pwesto sa obrang Virgenes Christianas Expuestas Al Populacho Ang pagsali ni Rizal sa demonstrasyon Naganap ang demonstrasyon mula ika 2022 ng Nobyembre, 1884 Nag ugat ito dahil sa pahayag ni Propesor Miguel Morayta ng kalayaan para sa agham at sa mga guro Inalis siya sa puwesto kabilang ang Pangulo ng Pamantasan at ipinalit si Dr. Creus Tinapos ni Rizal ang pag aaral sa Madrid Natapos niya ang pag aaral sa Medisina noong Hunyo 21, 1884 ngunit di niya natanggap ang diploma kundi lisensiya lamang Tinapos niya and kursong Latin at Pilosopiya noong Hunyo 21, 1885 at lisensiya lamang ang kaniyang nakamit

6. Simbahan ng Madeleine 7. Katedral ng Notre Dame 8. Kolumna ng Vendome 9. Invalides (libingan ni Napoleon)

12

Kabanata VII
Paris Patungong Berlin Sa Masayang Paris Umalis si Rizal patungong Paris at nagtungo muna sa Barcelona upang makipagkita kay Maximo Viola, Eusebio Corominas at Miguel Morayta (ang may ari ng pahayagang La Publicidad) Naging ayudante ni Dr. Louis de Weckert mula Nobyembre 1885 Pebrero 1886 Sa kaniyang paglilibang ay dumadalaw siya sa mga Pardo de Tavera, Luna at mga Hidalgo Si Rizal bilang alagad ng Sining Si Rizal ay madalas magtungo sa estudyo ni Juan Luna kung saan siya gumanap na modelo sa mga obra nito Sa obrang Kamatayan ni Cleopatra si Rizal ay gumanap na isang doktor na Ehipsyo samantalang si Paz Pardo de Tavera ay gumanap na Cleopatra Sa Sanduguan si Rizal ay gumanap na Sikatuna, si Trinidad Pardo de Tavera ang gumanap na Legazpi Si Rizal bilang musikero Natuto siyang mag gitara, piano at solfeggio. Ngunit ayon sa kanya ang boses daw niya ay parang humihiyaw na asno Lumikha siya ng dalawang awitin ang una ay Alin mang lahi sa Paris at ang ikalawa ay ang La Deportacion na kaniyang nilikha sa Dapitan. Si Rizal sa Heidelberg Pebrero 1, 1886 nilisan ni Rizal ang Pransiya at nagtungo sa Heidelberg, Alemanya Naglingkod siya sa pamamahala ni Dr. Otto Becker sa Klinika sa mata sa loob ng Pamantasan ng Heidelberg kung araw At kung gabi siya ay nakikinig sa klase ni Dr. Backer at Prop. Wilhem Kuehne at kung linggo siya ay namamasyal sa bayan Isinulat niya ang A los Flores de Heidelberg dala ng kalungkutan Si Rizal at Pastor Ullmer

Tumanggap si Rizal ng paanyaya mula kay Pastor Karl Ullmer na magbakasyon sa kaniyang tahanan sa Wilhelmsfeld Dalawang buwan siyang nagbakasyon dito at nakilala niya ang maybahay at mga anak nito na sina Fritz at Etta Dito niya napagyaman ang kaniyang kaalaman sa Aleman at nakapagsulat ukol sa kaniyang nobela Ang unang liham kay Blumentritt Si Propesor Ferdinand Blumentritt ay ang Direktor ng Ateneo ng Leitmeritz na nais matuto ng wikang Tagalog Sa pamamagitan ni Pastor Ullmer nagpadala si Rizal ng liham pagpapakilala kalakip ang aklat naAritmetika na salin sa wikang Kastila at Pilipino. Ang aklat ay isinulat ni Rufino Baltazar Hernandez na taga Sta. Cruz Laguna Sa Leipzig at Dresden Nilisan ni Rizal ang Heidelberg noong Agosto 1886 at tumungo sa Leipzig kung saan niya nakilala sina Prop. Friedrich Ratzel (isang mananalaysay) at Dr. Hans Meyer (isang Antropolohista) Noong Oktubre ay nagtungo naman siya sa Dresden at nanatili lamang ng dalawang araw. Nakilala niya si Dr. Adolph Meyer ang direktor ng Museo Antropolohikal at Etnolohikal. Pagiging kasapi ng mga intelektwal sa Berlin Sa Berlin nakilala niya sina: Feodor Jagor ang may akdang Travels in the Philippines Dr. Rudolf Virchow antropolohista Dr. Hans Virchow propesor ng Panlarawang Anatomiya Dr. Wilhelm Joest heograpo Dr. Karl Ernest Schweigger optalmolohista at naging guro ni Rizal Naging kasapi si Rizal ng samahang Antropolohista at Etnolohista

13

Buhay Berlinerio Umaayuda kay Dr. Schweigger sa araw at nakikinig ng leksiyon sa Pamantasan ng Berlin sa gabi Nagsanay sa wikang Aleman, Pranses at Italyano sa ilalim ni Madam Lucie Cerdole Nagtungo sa mga gym para mag ehersisyo Uminom ng serbesa at makipagkaibigan sa mga taga Berlin sa kalye Unter den Linden Pinakamalungkot na Taglamig Dahil sa pesteng naranasan ng Calamba hindi nakapag padala ng salapi si Paciano Nagtipid siya sa pagkain na kadalasan ay nauuwi na lang sa matabang na sopas Ang damit niya ay marumi dahil wala siyang labandera Masyado siyang nagkasakit at malamang mabinbin ang paglathala ng Noli

KABANATA VIII
Nailathala ang Noli Me Tangere Ideya sa Pagsulat ng Noli Ang nobelang Uncle Toms Cabin ni Harriet Beecher Stowe ang nagudyok kay Rizal na sulatin ang Nobela Kanyang niyakag ang mga kapwa niya propagandista na magbigay ng tig isang kabanata ng nobela ngunit di naman ito natupad Ang kalahati ng nobela ay isinulat niya sa Madrid ang ikaapat na bahagi ay sa Heidelberg at ang natira ay sa Berlin Ang pagdating ni Viola Si Maximo Viola ay taga San Miguel Bulacan at magaaral ng Medisina sa Universidad Central de Madrid Balak niyang magbakasyon sa Berlin at kumustahin si Rizal Dahil sa kakapusan ng pananalapi siya ay nagpahiram kay Rizal at inabonohan ang pag imprenta ng Nobela Ang Berliner Buchdruckrei Action Gesselschaft ang lumimbag ng aklat sa halagang 300 piso para sa 2000 sipi Nalimbag ang nobela Noong Ika-21 ng Marso, 1887 ang mga sipi ng nobela ay ibinigay kay Rizal Ang mga unang tumanggap ng nobela ay sina Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez-Jaena, Mariano Ponce at Felix Hidalgo Samantalang ang orihinal na manuskrito, ang pluma na ginamit ni Rizal at isang kopya na may personal na dedikasyon ang ibinigay niya kay Viola Ang pamagat ng nobela Ang pamagat ay galing sa Bagong Testamento ng Banal na Kasulatan

14

Ayon kay Rizal ito ay hango sa Magandang Balita ni San Lukas ngunit ito ay galing kay San Juan Ito ay binanggit ng ating Panginoong Hesukristo kay Magdalena noong siya ay nabuhay na mag uli Batay sa katotohan ang Noli Ang mga tauhan ng Nobela ay galing sa mga taong nabuhay 1. Ibarra/Elias si Rizal 2. Maria Clara si Leonor Rivera 3. Padre Salvi si Padre Antonio Piernavieja 4. Kapitan Tiyago si Don Hilario Sunico 5. Sisa ang kaniyang ina at maaring ang Inang Pilipinas 6. Pilosopong Tasyo si Paciano Rizal 7. Crispin at Basilio ang magkapatid na Crisostomo ng Hagonoy, Bulacan 8. Dona Victorina si Doa Agustina Medel 9. Padre Damaso ang tipikal na prayleng Kastila na arogante, imoral at anti-Pilipino Ang Kabanata 24 na pinamagatang Sa Kakahuyan o Elias at Salome ay inalis ni Rizal para makatipid Ito ay tungkol sa pagiibigan nina Elias at Salome na sa tingin ng may akda ay di na kailangan sa nobela

KABANATA IX
Paglalakbay ni Rizal sa Europa kasama si Viola Nagsimula ang paglalakbay Umalis sina Rizal at Viola sa Berlin noong Ika-11 ng Mayo1887 at una nilang tinungo ang Dresden Dinalaw nila ang eksposisyon ng mga Bulaklak at kanilang nakatagpo sina Adolph Meyer at Feodor Jagor Binanggit nila kay Jagor ang planong dalawin si Blumentritt sa Leitmeritz ngunit binalaan na nerbyoso ang matanda at kailangan ng abiso. Nagpadala si Rizal ng telegrama kalakip ang kanyang ginuhit na larawan Sa Leitmeritz Dumating si Rizal at Viola at malugod na sinalubong ng Propesor Inihatid niya ang dalawa sa Otel Krebs Nakilala nila ang mga anak nito na sina Dora, Conrad at Fritz Naging kasapi sila ng Samahan ng mga Turista ng Leitmeritz at nagbigay si Rizal ng talumpati sa lengguwaheng Aleman Nakilala nila sina Prop. Carlos Czepalak (iskolar) Dr. Robert Klutschak (naturalista) Lumisan ang magkaibigan noong Ika-16 ng Mayo patungong Prague Paglibot sa Alemanya at Austria Sa Prague nagtungo ang dalawa at nakilala nila si Dr. Wilkomm propesor ng Likas na Kasaysayan. Dinalaw nila ang libingan ni Copernicus, ang libingan ni San Juan Nepomuceno, mga museo at laboratoryong baktereolohikal Ang Vienna ay kilalang Reyna ng Danube at nakilala nila si Norfenfals ang tanyag na nobelista sa Austria Namalagi sila sa Otel Metropole

15

Nakilala rin nila sina Masner at Nordmann Noong Ika-24 ng Mayo, iniwan nila ang Vienna at sumakay ng bapor upang tawirin ang Ilog Danube Bumaba sila ng Lintz at sumakay ng tren at tinawid ang Salzburg patungong Munich, ang kabisera ng Serbesa ng Daigdig Sa Nuremberg, nasilayan nila ang mga makinang pamparusa na ginamit ng Inkisisyon at ang pabrika ng manika ng lungsod Sa Ulm, nakita nila ang Katedral ng Ulm ang pinakamataas at pinakamalaki sa buong Alemanya Sa Bansa ng mga Swiso Noong Ikalawa ng Hunyo sila ay dumating sa Switzerland at dumaan sa mga lungsod ng Schaffhausen, Basel, Bern at Lausanne Sa Geneva pinagdiwang ang ika 26 na kaarawan ni Rizal at nagdaos ng isang masarap na piging Naghiwalay ng landas ang magkaibigan si Viola ay nagbalik sa Barcelona samantalang si Rizal ay tumuloy sa Italya

KABANATA X
UNANG PAG-UWI NI RIZAL Desisyong umuwi sa sariling bayan Mga Dahilan ng kaniyang pag-uwi 1. Operahan ang kaniyang ina 2. Pagsilbihan ang kaniyang mga kababayan 3. Alamin ang naging epekto ng Noli 4. Kumustahin si Leonor Rivera Sa liham ni Rizal sa kaniyang ama noong ika 29 ng Hunyo, 1889 sinabi niya na siya raw ay makakauwi sa pagitan ng ika-15 hanggang katapusan ng Agosto Ang biyahe pabalik ng Bansa Mula Roma, sumakay siya ng tren patungong Marseilles at sumakay ng Bapor Djemnah na nakarating ng Saigon noong ikalawa ng Agosto Lulan ng Bapor Haiphong patungong Maynila. Dumating siya noong ikalima ng buwan at pagkaraan ng tatlong araw narating niya ang Calamba Maligayang Pag-uwi Masayang sinalubong si Rizal ng mga kamag anak at agad siyang tinanong ukol sa kaniyang pagbiyhe sa Europa Una niyang ginamot ang kaniyang ina sa sakit na katarata Nagbukas siya ng klinika sa mata at nakalikom ng halagang P5000 kung saan ang isang pasyente ay nagbayad ng P900 Nagtayo rin siya ng gymnasium para sa kabataan kung saan sila natuto ng ehersisyo, pagbaril at eskrima Samantalang di siya pinayagang makita si Leonor na noon ay nasa Dagupan Kaguluhang likha ng Noli

Sa Italya Nagkaroon ng Eksposisyon sa Madrid at naging kinatawan ng Pilipinas ang mga Igorot. Dahil sa lamig sila ay nangamatay at nilait ng mga pahayagan maIiban ang El Liberal. Ang El Resumen ang nagbigay ng matinding panlalait. Dinalaw ni Rizal ang Turin, Milan, Florence, Venice at Roma Sumulat siya sa kaniyang ama at binaggit ang plano niyang bumalik ng bansa

16

Malaki ang naging epekto ng Noli na pati ang Gobernador Heneral na si Emilio Terrero ay nagutos kay Rizal na magtungo sa kaniyang Tanggapan Binigyan ni Rizal ang Gobernador ng isang kopya ng Noli na kanya namang ibinigay kay Arsobispo ng Maynila na si Pedro Payo Kaniya naman itong ibinigay kay Padre Gregorio Echavarria na sinuri ng mga Propesor ng Pamantasan ng Santo Tomas

Vicente Barrantes manunulat ng pahayagang La Espaa Moderna Ang Noli naman ay ipinagtanggol nina Marcelo H. Del Pilar, Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez Jaena at Mariano Ponce sa Madrid Mga intelektawal na sina Don Segismundo Moret (Ministro ng Korona), Miguel Morayta at Ferdinand Blumentritt At mga Alagad ng Simbahan na sina Padre Francisco paula de Sanchez at Rev. Vicente Garcia na gumamit ng alyas na V. Caraig Problemang Pang Agraryo Sa utos ni Gob.Terrero ay agad niyang pina imbestigahan ang iregularidad sa lupain ng buong Pilipinas Sa tulong ni Rizal ay kaniyang nadiskubre ang mga sumusunod: Ang buong bayan ng Calamba ay pagaari ng Ordeng Dominikano Ang di makatwirang pagtaas ng renta Di pagbibigay ng kontirbusyon sa bayan Pagkawala ng lupain na walang dahilan Mataas na interes sa mga di nakapagbayad ng lupa sa oras Pamamaalam Sa Calamba Si Rizal ay inudyukan ng kaniyang pamilya kabilang si Terrero na lumisan sa bansa agad naman siyang pumayag dahil 1) ang kaniyang pananatili ay maglalagy sa panganib sa kaniyang pamilya at 2) makalaban siya ng parehas kung siya ay nasa ibang bansa Sumulat siya ng tula para sa bagong tatag na siyudad ng Lipa at ito ay pinamagatang Himno Al Trabajo

Kanilang binanggit na ang aklat ay nakakasira sa Simbahan at sa Pamahalaan Di nasiyahan si Terrero at kaniya naman itong ipinasa kay Padre Salvador Font ang Permanenteng Komisyoner ng Sensura na agad namang nirekomendang ipagbawal ang pagbasa, pagkalat, imprenta at sirkulasyon ng aklat Nabahala ang Gobernador sa kaligtasan ng May Akda kaya kaniyang binigyan ito ng guwardiya sa katauhan ni Tenyente Jose Taviel de Andrade Ang mga pro at anti sa Noli Padre Jose Rodriguez isang Paring Agustino na nagsulat ng walong sunudsunod na polyeto na may pamagat na Cuestiones de Sumo Interes Porque no los he de leer? Guardaos de ellos, Porque? Y que me dice usted dela peste? Porque triunfan los impios? Cree usted que de veras no hay purgatorio? Hay o no hay infierno? Que le parece a usted de esos libelos? Confesion o Condenacion? Senador Jose de Salamanca Senador Luis de Pando Senador Fernando Vida

17

KABANATA XI
Sa Hong Kong at Macao Biyahe sa Hong Kong Lulan ng Bapor Zafiro nilisan niya ang Maynila noong Ikatlo ng Pebrero at pansamantalang huminto sa Amoy, Tsina. Di siya bumaba ng bapor dahil 1) siyay may sakit, 2) masama ang panahon, at 3) hindi magandang pasyalan ang lungsod Siya ay sinalubong ng mga Pilipinong residente doon na sina Jose Ma. Basa, Balbino Mauricio at Manuel Yriarte Doon siya sa Victoria Hotel nanuluyan Ang mga prayle ay nagpadala ng espiya na si Jose Sainz de Varanda para manmanan si Rizal Pagbisita sa Macao Dinalaw ni Rizal ang Macao sakay ng Bapor Kiu Kiang kung saan niya nakita sa Varanda. Hindi niya ito pinansin Ang Macao ay kolonya ng Portugal Naging panauhin siya ni Don Juan Francisco Lecaros, isang Pilipinong residente sa Macao Dinalaw niya ang mga simbahan, teatro, palengke at pasyalan ngunit di siya humanga dito Apat na araw lang siya dito at bumalik sa Hong Kong sakay ng bapor Kiu Kiang Mga karanasan sa Hong Kong Maingay na selebrasyon ng Bagong Taon Maingay at makahulugang teatrong Intsik Ang salu salong lauriat Ang pagaari ng Ordeng Dominiko Sementeryong Intsik na bukas sa lahat ng relihiyon Sakay ng Bapor Oceanic iniwan niya ang Hong Kong patungong Japan noong Ika 22 ng Pebrero

KABANATA XII
Romantikong Pagbisita sa Japan Ang pagdating sa Yokohama at Tokyo Nakarating siya ng Yokohama pagkaraan ng anim na araw na paglalayag at tumuloy sa Otel Grande Nilisan niya ang lungsod at tumuloy sa Tokyo noong Ikalawa ng Marso Siya ay tumuloy sa Tokyo Hotel at nagpalipas ng limang araw Dinalaw siya ni Juan Perez Caballero, ang kalihim ng Legasyong Espanya sa Tokyo, at inayang manirahan sa Legasyon pumayag si Rizal dahil wala naman siyang tinatago sa mga Kastila Sa kaniyang liham kay Blumentritt kaniyang inilahad ang kakatwang naranasan niya sa Tokyo na madalas na siya ay mapagtawanan dahil sa kaniyang kasuotan at kakaibang lenggwahe dahil napagkakamalan siyang Hapones Pinagaralan niya ang wikang Nippongo, ang dramang Kabuki ang sining, musika at judo. Dinalaw ang mga museo, aklatan, bantayog at galerya ng sining Pinuntahan niya ang magagandang siyudad tulad ng Meguro, Nikko, Hakone at Miyanoshita Ang Impresyon sa Bansang Hapon Ang kagandahan ng Bansa Kalinisan, kasipagan at pagiging magalang ng mga Hapones Magagandang damit at ang kasimplehan ng mga Haponesa Kakaunti ang magnanakaw sa Hapon Bihira ang mga pulubi sa lansangan Ang tangi lang niyang pintas ay ang mga karwaheng rickshaw na tao ang humihila imbes na hayop Ang pakikipagromansa kay O Sei San Si O Sei San o Seiko Usui ay anak ng isang retiradong mandirigma na madalas pumasyal sa hardin ng Legasyon

18

Marunong siya mag Pranses at agad nakilala ni Rizal na kaniyang naging ika-anim na nobya at ikalawa sa mga banyagang kumurot sa kaniyang puso Siyay naging guro ni Rizal sa Nippongo at naging kasama niya sa pamamasyal Ngunit di sila nagkatuluyan dahil sa personal na misyong ipagtanggol ang kaniyang pamilya Si O Sei San paglisan ni Rizal Nag antay si O Sei San nang siyam na taon sa pagbabalik ni Rizal at nang malaman sa isang pahayagan ang kamatayan nito siya ay ikinasal kay Alfred Charlton, isang Ingles na guro ng Kemistri sa Tokyo Nagkaanak sila ng isang babae na tinawag nilang Yuriko na nag asawa ng anak ng isang senador na Yoshiharu Takiguchi. Namatay si Charlton noon 1915 at tumira sa tahanan ng kanyang anak at manugang Namatay si O Sei San noong 1947 sa idad na 80 at inilibing sa sementeryo ng Zoshigawa katabi ng kaniyang yumaong kabiyak Si Rizal at Tetcho Suehiro Lumisan si Rizal sa Tokyo noong 13 ng Abril, 1888 at tumagal sa bansa sa loob ng 45 araw. Lumulan siya ng Bapor Belgic patungong Estados Unidos. Nakilala niya dito si Tetcho Suehiro na pinalayas ng kaniyang bansa dahil sa pagiging kritikal sa pagbabago ng bansa Nakasama ito ni Rizal sa Estados Unidos at Inglatera Bumalik siya ng bansang Hapon at nagsulat sa pahayagang Choya at gumawa ng dalawang nobelnang Nankai no Daiharan at O Unabara

KABANATA XIII
PAGBISITA NI RIZAL SA ESTADOS UNIDOS Pagdating sa San Francisco Dumating ang Bapor Belgic lka-28 ng Abril, 1888 at hindi agad ipinababa ang pasahero dahil umano sa pag iwas ng epidemyang sanhi ng kolera Ngunit ang tunay na dahilan ay ang mga trabanhanteng Intsik na tinawag na coolies Ang mga ito ay pinaniniwalaang mga botante sa darating na pampanguluhang halalan sa Nobyembre Si Grover Cleveland ang pangulo ng Amerika Rizal sa California Pinababa si Rizal sa barko noong Ika apat ng Mayo at nag pahinga sa Otel Palace Nakilala niya si Senador Leland Stanford at namasyal sa Kalye Dupont at Kalye Grant Pagkaraan ng dalawang araw ay naisipan niyang puntahan ang Silangang Amerika Nagtungo siya sa Oakland at nagtren patungong Sacramento at duon sumakay ng tren na magdadala sa kanya sa New York Ang pagbiyahe sa New York Mayo 7 Narating niya ang Reno Nevada, ang pinakamalaking munting lungsod Mayo 8 Ogden, Utah Mayo 9 Denver , Colorado Mayo 10 Omaha, Nebraska Mayo 11 - Chicago, Illinois Mayo 12 Niagara Falls, Canada Mayo 13 Albany New York Rizal sa New York Tatlong araw siyang namalagi sa nasabing siyudad na tinawag niyang malaking bayan

19

Dinalaw niya ang bantayog ni George Washington at lubos na humanga sa dating Pangulo ng Amerika Tumulak siya patungong Inglatera sakay ng Bapor City of Rome na siyang pangalawa sa pinakamalaking sasakyang pandagat sa mundo sunod sa Great Eastern Nang tinanong siya ukol sa Amerika, ang sabi niya ang Amerika ay bansa ng kalayaan para sa mga puti.

KABANATA XIV
RIZAL SA LONDON Pagdating sa Inglatera Narating ni Rizal ang Inglatera noong Ika-24 ng Mayo at namalas ang bayan ng Liverpool at nagpahinga sa Otel Adelphi Hindi siya nasiyahan sa daungang bayan kaya siya ay nagtungo sa London kinabukasan Pansamantala siyang nanirahan sa tahanan ni Dr. Antonio Ma. Regidor sa address na No. 37 Chalcot Crescent Primrose Hill Nakapili siya ng paupahang kuwarto na malapit sa Katedral ng St. Paul at sa Aklatan ng Ugnayang Panlabas Buhay sa London Ang may ari ng bahay ay si Paul Beckett na organista ng Katedral ng St. Paul Mayroon siyang anim na anak at apat rito ay babae sina Getrude, Blanche, Flory at Grace Madalas siya magtungo sa Aklatan ng Ugnayang Panlabas at naging kaibigan si Dr. Reinhold Rost ang tagapangasiwa ng Aklatan Nais niyang pasubalian ang mga maling impormasyon sa aklat ni Antonio de Morga na Sucesos de las Islas Filipinas Mga balita mula Calamba Ang Petisyong 1888 laban sa mga Prayle ito ay pinamunuan ni Doroteo Cortes kay Luis Centeno and Gobernador Sibil ng Maynila na layong paalisin si Pedro Payo Paguusig sa mga kasamang taga Calamba Panunuligsa nina Wenceslao Retana (Desengaos) at Pablo Feced (Quioquiap) Pagtapon ni Gob. Valeriano Weyler kay Manuel Hidalgo sa Bohol

20

Pagdakip at pagkakulong kay Laureano Viado, kamag aral ni Rizal sa Santo Tomas dahil sa pag aari ng isang sipi ng Noli Me Tangere Paganotasyon ng aklat ni Morga at Pagdalaw sa Paris Ang nasabing aklat ay nailimbag noong 1609 at nagsasabing ang Pilipinas ay walang kultura at nais niya itong pasubalian Kinumpara niya ito sa kaniyang kasabayan na isinulat nina Padre Chirino, Colin, Plasencia at Argensola Nagtungo si Rizal sa Paris at Madrid at doon siya tumagal ng dalawang buwan Sa Pransiya ay dinalaw niya si Juan at Paz Luna kung saan niya nakita ang panganay nilang anak na si Andres; samantala ay sa Madrid niya nakita nang personal sina Plaridel at Ponce. Pasko sa London Bumalik si Rizal sa Inglatera at nakarating siya bisperas ng Pasko Nirelaguhan siya ni Gng. Beckett ng isang medyas at isang aklat na pinamagatang The Life and Adventures Valentine Vox the Ventriloquist Gumawa siya ng dalawang busto nina Emperador Agosto at Julio Caesar na kaniyang ipinadala kina Blumentritt at Czepalak Ang Samahang La Solidaridad Ang Asociacion La Solidaridad ay itinatag noong Ika -31 ng Disyembre at ang mga pinuno ay sina Galicano Apacible (Pangulo), Graciano LopezJaena (Pangalawang Pangulo) Manuel Santa Maria (Kalihim), Mariano Ponce (Ingat Yaman) at Jose Ma. Panganiban (Tagapagtuos) Si Rizal ang kinuhang Tagapayo sinabi niya ang kahalagahan ng tolerensiya at katipiran Ang Pahayagang La Solidaridad Ang unang sipi nito ay nailimbag noong Ika-15 ng Pebrero at naging tinig ng samahang Propaganda Ang layunin nito ay ang mga sumusunod:

1. Makapagtrabaho nang mapayapa para sa repormang panlipunan at pampolitikal 2. Mailarawan ang kalunus-lunos na kalagayan ng Pilipinas para magawan ng remedyo ng Bansang Espanya 3. Labanan ang makalumang impluwensiya 4. Maitaguyod ang ideyang liberal at kaunlaran 5. Maging kampeon ng mga lehitimong aspirasyon ng mga Pilipino Mga naisulat ni Rizal sa London Los Agricultores Filipinos ang kaniyang unang artikulo sa La Solidaridad La Vision del Fray Rodiguez isang satirika sa porma ng maikling kuwento Liham sa mga Dalaga ng Malolos ang kaniyang paghanga sa mga kadalagahan ng Malolos na itinuloy ang pagtayo ng paaralan sa Wikang Espanyol kahit na ipinagbawal ng kura na si Padre Felipe Garcia Sa magasin na Trubners Record kung saan si Dr. Rost ang patnugot, dalawang artikulo ang naiambag: Specimens of Tagalog Folklore at Two Eastern Fables Ang pakikipagibigan kay Gertrude Beckett Si Gettie at 18 taong gulang at panganay na anak na babae ni Paul Beckett tinawag niya si Rizal na Pettie Siya ang ikatlong banyagang nobya ni Rizal at ikapito sa kaniyang naging kasintahan Madalas sumama si Pepe sa mga piknik ng mga Beckett at kung si Rizal ay lililok o pipinta si Gettie ang tagahalo ng kulay at tagahanda ng luwad Lumisan si Rizal noong ika-19 ng Marso patungong Paris

21

KABANATA XV
PANGALAWANG PAGLALAKBAY SA PARIS AT ANG EKSPOSISYONG UNIBERSAL NG 1889 Pahirapan sa paghahanap ng matitirhan Katulad ng larong pang Olimpiada, ang Eksposisyong Unibersal ay dinarayo ng Sangkatauhan taun-taon Nahirapang maghanap ng matitirhan si Rizal dahil puno ang mga otel at mga bahay paupahan Pansamantala siyang nanirahan sa tahanan ni Valentin Ventura sa #45 Rue de Maubeuge Nang makakita sila ng tirahan ay kaniyang nakasama sina Capitan Justo Trinidad dating gobernadorcillo ng Sta. Ana Maynila at si Jose Albert, isang estudyanteng taga Maynila Buhay sa Paris Patuloy siyang nagsiyasat ukol sa aklat ni Morga at duon niya itinuloy ang kaniyang pagaaral sa Pambansang Aklatan na Bibliotheque Nationale Madalas siyang naging panauhin ng mga Ventura, Luna at mga Boustead Nang isilang ang bunsong anak ni Juan at Paz Luna, si Rizal ang naging ninong ng batang babae at pinangalanan niya itong Maria dela Paz Blanca Laureana Herminigilda Juana Luna y Pardo de Tavera Sa kaniyang liham sa kaniyang Pamilya tuwing Miyerkules siya ay na kina Doa Tula, Huwebes sa mga Hidalgo, kinabukasan sa mga Luna at Linggo kina Doa Juliana Ang Eksposisyo ng 1889 Nagbukas ang makasaysayang Eksposisyon noong Ika-6 ng Mayo, 1889 Ang nasabing okasyon ay binuksan ni Pangulong Sadi Carnot ng Pransiya at tampok ang pasinaya ng Eiffel Tower na likha ni Alexander Eiffel. Ang nasabing pagdiriwang ay nagkakaroon ng 200 libong bisita araw-araw Mga Samahang itinatag ni Rizal sa Eksposisyon

Samahang Kidlat ito ay itinayo ni Rizal para lamang sa kasiyahan ng kaniyang mga kaibigan na katulad ng kidlat ito ay dali-daling lilitaw at mabilis ring magmamaliw Indios Bravos ito ay tinatag bilang paghanga kay Buffalo Bill Cody ng Estados Unidos na di nahiya sa kaniyang lahi Samahang R.D.L.M. isang lihim na organisasyon na hindi naipaliwanag ni Rizal hanggang sa kaniyang pagyao marahil ito ay Redencion de los Malayos Ang nasabing samahan ay tinayo na nainspira sa aklat ni Multatuli (Edmund Dekker) na ang pamagat ay Max Havelaar Nalathala ang aklat ni Morga Ang aklat na nabanngit ay inilimbag ng Garnier Freres sa Paris noong 1890 at si Blumentritt ang unang nakatanggap ng kopya Si Blumentritt ang nagbigay ng Paunang Salita sa aklat na lalong nagpaganda sa obra Si Baldomero Roxas na humihingi ng dagdag na kopya para ibenta sa Lipa Si Mariano Ponce naman ay humingi nang sampung kopya na ipadadala sa Pilipinas Si Rizal bilang Historiador Marami siyang nabasa na mga aklat na sulat sa ibat ibang salita tulad sa Unang Paglalakbay sa Palibot ng Daigdig na nasulat sa Italyano at gawa ni Antonio Pigafetta Mga aklat sa wikang Ingles na isinulat nina Marsden, Raffles, Lord Stanley at Wallace Mga gawa sa wikang Aleman nina Blumentritt, Jagor at Virchow Sa wikang Pranses na isinulat nina Jacquet, Mallat at Marche Sa wikang Kastila na sulat nina Pardo de Tavera, Paterno, Morayta at Pi y Margal Ilan sa mga nasulat ni Rizal ay ang mga sumusunod: 1. Ma-Yi at Tawalisi ni Ibn Batuta 2. Filipinas Dentro de Cien Anos

22

3. Sobre la Indolencia de los Filipinos 4. La Political Colonial en Filipinas 5. Manila en el mes de Diciembre,1872 6. Historia de la Familia Rizal de Calamba 7. Los Pueblos del Archipielago Indico Pandaigdigang Asosasyon ng mga Filipinohista Ang nasabing Samahan ay itinayo Ika 14 ng Enero, 1889 habang binabalak pa lang ng mga Pranses ang pagdaraos ng Unibersal na Eksposisyon Ang nasabing samahan ay pinaplanong magkaroon ng kumbensiyon sa Paris sa buwan ng Pebrero na malugod namang tinanggap ng mga kasapi. Ngunit hindi natuloy ang samahan dahil mahigpit na ipinagbawal ng gobyernong Pranses ang magkaroon ng pandaigdigang samahan habang ginaganap ang Eksposisyon Ang Samahan ay pinamumunuan nina: Ferdinand Blumentritt Pangulo Edmund Plauchut Pangalawang Pangulo Reinhold Rost Tagapayo Antonio Ma. Regidor Tagapayo Jose Rizal Kalihim Ilan sa mga nagpadala ng pangakong dadalo kung natuloy ang kumbensiyon ay sina Sir Henry Yule, Dr. Feodor Jagor, Dr. Adolph Meyer, Dr. Hans Kern at Dr. Carlos Czepalak Proyektong Pilipinong Kolehiyo sa Hong Kong Nabanggit ni Rizal sa isang liham kay Jose Ma. Basa ang plano niyang magtayo ng isang Kolehiyo sa Hong Kong

Ang nasabing paaralan ay hango sa sistema ng edukasyon sa Ateneo Ang proyekto ay nakatanggap ng suporta mula kay Ginoong Mariano Cunanan, isang Kapampangan na negosyante na nangakong magbibigay ng P40,000 Hindi natuloy ang proyekto dahil sa kakulangan ng panahon at naganap lamang ito nang matapon si Rizal sa Dapitan Por Telefono Pagkatapos tuligsain si Padre Rodriguez sa kaniyang maikling kwento ay kaniya naman binanatan si Padre Font ng isa ring maikling kwento na pinamagatang Por Telefono Ang nasabing polyeto ay sinulat niya sa Paris at muling nagpakita ng satirika kung saan si Font ay nasa Madrid ay nakausap ang Padre Provincial na nakabase sa Maynila at nakatanggap ng parunggit sa kaniyang Superyor Ngunit ang katangi-tangi dito ay nahulaan na niya na magkakaroon ng Telepono sa Mundo 12 taon bago pa ito maimbento

Pasko sa Paris Disyembre 25, 1889 kasama sina Justo Trinidad at Jose Albert ay naghanda sila ng simpleng Noche Buena na pritong manok, gulay at kanin Paglagpas ng Bagong Taon ay nagtungo si Rizal sa London upang makita ang kopya ng Sucesos sa Aklatan ng Ugnayang Panlabas at makita muli si Gertrude Beckett Bumalik muli si Rizal sa Paris at mabuti ay hindi nahawa sa epidemya ng trangkaso na kumalat noong panahong iyon.

23

KABANATA XVI
SA BRUSSELS, BELHIKA Buhay sa Brussels Kasama si Jose Albert sila ay nakahanap ng tirahan sa 38 Rue Philippe Champagne na pagmamayari ng magkapatid na solterang sina Marie at Suzanne Jacoby Ilang araw ang nagdaan ay umalis si Albert at pinalitan ni Jose Alejandrino na nagaral ng Inhenyeria sa Pamanatasan ng Ghent Doon nagsulat si Rizal ng kaniyang mga artikulo at ang kaniyang ikalawang nobela. Mga Artikulo sa Soli 1. A La Defensa Isang pagtugon sa pitak ni Patricio dela Escosura ng pahayagang La Defensa 2. La Verdad para Todos Ang pagtatanggol sa alegasyon na napakasama at ignorante umano ang mga opisyal na lokal 3. Vicente Barrantes Teatro Tagalo Pagbubunyag ni Rizal ukol sa pagiging ignorante ni Barrantes sa teatrong Tagalog 4. Una Profanacion Ang pagbalik tanaw sa kaniyang namayapang bayaw na si Mariano Herbosa na di binigyan ng Kristiyanong libing. 5. Verdades Nuevas Ang tugon ni Rizal sa artikulo ni Vicente Belloc Sanchez na tinuligsa ang mga Pilipinong humihingi ng reporma sa Pamahalaan 6. Crueldad Ang pagtatanggol kay Blumentritt laban sa kaniyang mga kritiko 7. Diferencias Sagot niya sa Pahayagang La Patria na nilait ang mga Pilipinong humihingi ng Reporma 8. Inconsequencias Pagtatanggol kay Antonio Luna mula kay Pablo Mir Deas na tinawag niyang Mierdas sa Pahayagang El Pueblo Soberano

9. Llanto y Risas Ang pagbalangakas sa insidenteng naganap sa kaniyang pagtanggap ng Parangal sa isang patimpalak Literatura noong 1880 10. Ingratitudes Tugon kay Gob. Weyler nang magtungo ito sa Calamba at sinabing huwag maniwala sa mga ingrato nilang mga anak. Samantala ay nakatanggap siyang balita kay Luna at Valentin Ventura na sinisira ng kanilang mga kababayan sa Madrid ang mabuting ngalan ng samahan. Sumulat si Rizal ng kaniyang opinyon na siya namang ikinagalit nila kaya imbes na Pepe ay tinawag si Rizal na Papa Mga karagdagang balita sa Calamba Dahil sa patuloy na pagtaas ng taunang renta sa lupa pinangunahan ni Don Francisco ang di pagbabayad ng renta na sinundan naman ng kanilang kababayan Naghabla naman ang Korporasyon ng mga Preyle para ilitin ang lupa na pinarerenta nila sa pamilya Rizal Ipinatapon naman sina Paciano, Antonio Lopez at Silvestre Ubaldo sa Mindoro samantalang si Hidalgo ay muling idinistiyero sa Bohol Paghahanda sa Pag uwi Labis na dinamdam ang sinapit ng kaniyang pamilya at nagpasyang bumalik para harapin ang mga asunto sa hukuman Humingi siya ng payo kay Ponce sa kaniyang planong pag uwi at kaniyang nabatid na nais ni Lopez-Jaena na magtungo sa Cuba para mamatay dahil sa may epidemya ng lagnat noon Sinabi ni Rizal na umuwi na lang siya sa Pilipinas dahil matamis daw mamatay sa sariiling bayan. Binalaan siya nina Ponce, Blumentritt at Basa na ang paguwi niya sa bansa ay ang magiging sanhi ng kaniyang kamatayan Desisyong magtungo sa Madrid Pinakinggan ni Rizal ang payo ng mga kaibigan kaya siya ay nagpasyang magtungo sa Madrid upang humingi ng hustisya

24

Si Marcelo H. Del Pilar ay kaniyang kukunin bilang abogado at kanilang pupuntahan ang Katastasang Hukuman para sa hustisyang kaniyang nais Ang kaniyang kalungkutan ay naipadama niya sa tulang A Mi Musa Pakikipagkaibigan kay Petite Jacoby Si Petite Suzanne Jacoby ang pamangkin ng mga solterang Jacoby. Siya ay 19 na taong gulang at nakasama ni Rizal sa kaniyang pagpunta sa mga karnabal na nagtataglay ng mga magagandang kasuotan at karosa Siya ang ikawalong nobya ni Rizal at pang apat na banyagang nagpatibok ng kaniyang puso Nilisan ni Rizal ang Belhika noong Hulyo 1890 upang magtungo sa Madrid

KABANATA XVII
MGA KASAWIAN SA MADRID Di pagkakamit ng Hustisya sa Pamilya Pagdating ni Rizal at Plaridel sa Madrid ay agad silang nagtungo sa mga pahayagang La Justicia, El Globo, L Republic at El Resumen ngunit wala ring nangyari Pinuntahan nila si Dr. Dominador Gomez ang kalihim ng Asociacion Hispano-Filipino at Seor Manuel Fabie ng Ministro ng Kolonya pero wala ring napala Sa sobrang pagkadesperado ay balak na niyang dalawin si Reyna Regente Maria Cristina upang humingi ng saklolo Parangak ni Rizal kay Jose Ma. Panganiban Nasawi ang 27-anyos na propagandista noong Agosto 19, 1890 na lubos na dinamdam ni Rizal Ang batang Bikolano ay namatay sa sakit na kolera Si Rizal ay nagbigay ng parangal at kaniya itong sinulat sa Soli noong Ika 21 at kaniyang binasa sa araw ng libing tatlong araw pagkamatay. Hinamon ni Rizal si Retana ng Duelo Si Retana na nagtatago sa pangalang Desenganos ay nagsulat sa pahayagang La Epoca ay sinabing kaya napaalis ang Pamilya Rizal sa kanilang tahanan ay dahil sa di pagbabayad ng renta Sumulak ang dugo ni Rizal nang mabasa ang mapanirang komentaryo at agad nagpadala ng kinatawan at hinamon niya ito ng duelo Pinagsabihan si Retana ng kaniyang mga kaibigan na wala siyang maipapanalo kay Rizal sa larangan ng armas Agad siyang humingi ng paumanhin at naging tagahanga ni Rizal Pagtataksil ni Leonor Rivera Disyembre 1890, nakatanggap si Rizal ng liham kay Orang na nagsasabing ikinasal na siya sa isang Inhinyerong Ingles na si Henry Kipping Ayon sa liham ang banyaga umano ay pinili ng kaniyang ina para siya malimutan

25

Labis itong ikinasama ng loob ni Rizal na kaniya itong nabanggit kay Blumentritt na sinabi naman niya na si Leonor ay para daw batang tinapon ang hiyas kapalit ng graba Di nagtagal ang relasyon nila dahil pumanaw si Leonor sa panganganak sa edad na 26 Hidwaan nina Rizal at Del Pilar Bago matapos ang 1890 at nagretiro si Lopez-Jaena at nagkaroon ng bakante sa puwesto bilang pinuno ng Samahang Propaganda Ang puwesto ng Responsable ay nangangailangan ng na boto para magwagi na pinaglabanan nina Rizal at Plaridel Si Rizal ang nagwagi sa tatlong botohan ngunit di niya naabot ang karampatang bilang ng boto. Di na lumaban si Rizal at pinaubaya na lang ang pamumuno kay Del Pilar at tuluyang iniwan ang samahang propaganda Adios Madrid Pagkatapos bitawan ang propaganda ay agad niyang naisipang magtungo sa Biarritz upang magpanibago ng lakas Nagtagal siya ng apat na taon sa Madrid at dalawang beses siya nanirahan dito (1882 -1885) at (1890 1891)

KABANATA XVIII
BAKASAYON SA BIARRITZ AT PAKIKIPAGKAIBIGAN KAY NELLIE BOUSTEAD Sa Piling nga mga Boustead sa Biarritz Si Rizal ay dumating sa Biarritz noong Pebrero 1891 at malugod na binati ng patriyarka na si Ginoong Edward Boustead, isang Pilipino, ang kaniyang maybahay na Pranses, mga anak na sina Nellie at Adelina at ang kaniyang hipag na si Tiya Isabel Ang Biarritz ay isang dalampasigang bakasyunan sa Pransiya na nakapagbigay halina sa nauupos na kalagayan ni Rizal Sa kaniyang liham kay Ponce ay inamin nito na ang kaniyang pisikal at sikolohikal na kahinaan ay unti unti niyang nabawi Pakikipagkaibigan kay Nellie Boustead Ang romansang Pepe at Nellie ay ipinagbunyi ng mga kasama sa propaganda at marami ang natuwa dito Si Marcelo H. Del Pilar ay nagbiro nang pangalanan niyang Neli me Tangere ang una niyang nobela, samantalang si Tomas Arejola ay nagsabing pakasalan na niya ang dalaga Ang dati namang mangingibig ni Nellie na si Antonio Luna ay binati sai Rizal para sa tagumpay nilang magkasuyo Sa kasamaang palad ay hindi sila ikinasal dahil sa pag ayaw ng ina ng dalaga. Una ay si Rizal ay hindi Katoliko, Ikalawa, siya ay maralitang doktor at awtor Hindi man naging mag asawa nanatili pa rin silang magkaibigan Ang pagdalaw sa Paris at Brussels Noong ika 29 ng Marso, 1891 ay natapos na niyang isulat ang ikalawang nobela at kinbukasan ay nagtungo sa Paris at nanuluyan sa tahanan ni Valentin Ventura

26

Doon ay gumawa siya ng liham para kay Jose Ma. Basa sa Hong Kong at ipinagtapat na nais niyang magbukas ng klinika doon. Ngunit humihiram din siya ng salapi para pambili ng tiket ng barko patungo roon. Kalagitnaan ng Abril ay lumuwas naman siya sa Brussels at muling nakipagkita kay Petite Suzanne at sa mga tiyahin nito Ang pagreretiro sa Propaganda Dahil sa intrigang bumalot sa mga kasapi sa Samahan ay naisipan niyang itigil ang kaniyang partisipasyon at iukol na lang ang panahon sa bagay na pwedeng pagkakitaan Sa liham niya kay Deodato Arellano (A.L. Lorena) ay inihayag niya ang hindi na niya pagtanggap ng tulong pinansiyal sa Samahan at ang kaniyang intensiyong permanenteng manirahan sa Pilipinas, Hapon o Hong Kong Malaking kawalan si Rizal kaya si Plaridel ay lumiham sa kaniya na bumalik sa pagsusulat, pero buo na ang isip ni Rizal at sinabing wala siyang hinanakit dito.

KABANATA XIX
NAILATHALA ANG EL FILIBUSTERISMO SA GHENT Katipiran sa Ghent Noong Ika 5 ng Hulyo, 1891 ay nilisan niya ang Brussels at nagtungo sa Ghent ito ay para doon mailimbag ang Fili at makaiwas kay Petite Suzanne Sa isang murang silid siya napadpad at nakasama niya sina Jose Alejandro at Edilberto Evangelista na kapwa magaaral sa Pamantasan ng Ghent Ayon kay Evangelista ay kumg pipili raw ng silid si Rizal ay tinatanong lya kung magkano ang walang kubeta, inilahad niya ang katipiran ni Rizal na pinagkasya niya ang isang lata ng biskwit sa isang buwan Suliranin sa paglimbag ng Noli Sa kaniyang paghahanap sa Ghent ay naihabilin niya ang palaimbag nag nobela sa F. Meyer Van Loo Press sa Numero 66 Kalye Viaanderen. Ang paunang hulog ay kaniyang naibayad mula sa pagsanla ng kaniyang alahas. Hindi pa sapat ang kaniyang salapi kahit na sina Basa at Rodriguez Arias ay nagpadala na ng tulong pinansiyal mula sa kinita ng Sucesos Ang tagapagligtas ng nobela ay si Valentin Ventura na nagpadala ng sapat na halaga para mailimbag ang nobela. Nailathala ang Nobela Noong Ika walo ng Setyembre, 1891 ay nailathala anh nobela at agad niyang pindalhan ng sipi sina Basa at Sixto Lopez sa Hong Kong at mga kaibigan na sina Blumentritt, Ponce, Lopez-Jaena, T. Pardo de Tavera at ang magkapatid na Luna Para kay Ventura ay ibinigay niya ang orihinal na manuskrito at isang kopya na may lagda ng may akda. Ang pahayagang La Publicidad ay nagbigay papuri kay Rizal na ang kaniyang galing sa pagsulat ay kawangis ni Dumas samantalang ang diyaryong El Nuevo Regimen ay naglathala ng buod nito

27

Sa kasamaang palad karamihan sa sipi ng nobela ay nakumpis ng mga Kastila kaya iilan lamang ang nabenta nito. Tumaas ang presyo nito sa halagang 400 piso Tungkol sa Nobela Ang nobelang ito ay inialay ni Rizal sa Gomburza na nabitay para sa kanilang bayan Ang manuskrito ng nobela ay may 279 Na pahina at ibinenta ito ni Ventura sa Filipiniana Division ng Bureau of Public Libraries ng Maynila Katulad ng Noli ang mga tauhan ng Fili ay mula rin sa totoong buhay. Si Padre Florentino ay wangis kay Padre Leoncio Lopez, si Isagani ay hinalintulad kay Vicente Ilustre, kaibigan ni Rizal at si Paulita Gomez kay Leonor Rivera Ang paghambing sa Noli at Fili Ang Noli ay nobela ng puso at may damdamin, may katatawan at may kislap ng isip Ang Fili ay nobela ng isip, pulitika, karahasan at kalungkutan Mismong si Rizal, Plaridel at Retana ay nagsabing mas superyor ang Noli kumpara sa Fili Samantalang sina Blumentritt, Lopez-Jaena at Rafael Palma ay nagsabing nakakahigit ang Fili kaysa sa Noli Pero ayon kay Ponce hindi dapat ikumpara ang dalawang nobela dahil sila ay magkatulong sa isat isa

KABANATA XX
SIRUHANO NG MATA SA HONGKONG Pamamaalam sa Europa Ika-1 ng Oktubre 1891 ng si Rizal ay umalis ng Brussels at nagtungo sa Paris upang magpa alam sa mga Luna, Boustead at mga Ventura Pagkaraan ng ilang araw ay sumakay siya ng Bapor Melbourne dala ang liham ni Juan Luna kay Manuel Camus, isang Filipino na taga Singapore, at 600 sipi ng Fili Sa bapor Melbourne ay marami siyang mga Heswitang banyaga na nakaibigan, isa rito si Padre Martini Fuchs na ayon kay Rizal ay isang Padre Damaso na walang malisya at kayabangan Pagating sa Hong Kong Dumating si Rizal noong Nobyembre 20 at sinalubong ni Basa at mga makabayang Pilipino. Tumira siya sa Kalye DAguilar Bldg. 2 Rednaxela Terrace. Lumiham siya kay Manuel Hidalgo at ibinalita nito ang pagpapalayas ng kanilang kaanak sa Calamba at ang kanilang panaghoy kay Reyna Regente ng Espanya o kay Reyna Victoria ng Inglatera Pasko noong yaong yaon ay dumating ang kaniyang mga kapatid, mga bayaw ama at ina at naidaos ang pinakamasayang pasko ng Bayani Siruhano ng mata sa Hong Kong Sa tulong ni Dr. Lorenzo Marques, isang Portuguese na espesyalista sa mata at tagahanga ni Rizal, ay nagbigay sa kaniya ng mga una niyang kliyente Sa kaniyang liham kay Blumenritt ay sinabi niya na nagkaroon daw ng epidemya sa Hong Kong at marami siyang pasyente mabuti na lang daw at hindi naapektuhan ang kaniyang pamilya Sina Ariston Bautista-Lin at Don Antonio Vergel De Dios na kapwa taga Paris ay nagpadala ng mga aklat at instrumento kay Rizal Proyekto ng Kolonisasyon sa Borneo

28

Dahil sa kawalang pagasa ng kaniyang mga kabayan sa Calamba sa ilalim ni Gobenador Weyler ay naisipan niyang magtayo ng Bagong Calamba sa Borneo Sa kaniyang pagdayo sa Ilog Bengkoka sa Lawa ng Maradu ay nakipag usap siya sa British North Borneo Company at bibigyan siya ng 100,000 ektaryang lupa at kasama ang magandang daungan at magaling na pamahalaang lokal ng 999 na taon. Ang mga kaibigan ni Rizal na mga Luna, Blumentritt, Bautista-Lin, at Lopez-Jaena ay nais magkaroon ng lupa dito maliban kay Manuel Hidalgo na lubos na ikinagalit ang plano ni Rizal Ang Bagong Gobernador-Heneral Noong taon ding yaon ay pinalitan ni Eulogio Despujol si Valeriano Weyler bilang Gobernador-Heneral ng Bansa Sa paniniwalang ang Konde ng Caspe ay isang caballero ay nagpadala si Rizal ng liham ng pagbati ngunit di man lang sumagot Nang sumunod na taon ay muli siyang nagpadala ng sulat at binaggit ang plano niyang Kolonisasyon sa Borneo Tumugon ang hambog na pinuno at agad inapakan ang kaniyang plano dahil sa kakulangan ng manggagawa sa bansa at hindi pagpapakita ng pagka makabayan ang dumayo pa sa ibang lugar para magtanim Mga isinulat ni Rizal sa Hong Kong Ang mga Karapatan ng Tao Isang pagsalin sa dokumentong Pranses noong 1789 A la Nacion Espaola Isang paghingi ng pagwawasto sa Espanya sa mga inhustisyang naganap sa Calamba Mga artikulo sa pahayagang Hong Kong Telegraph na ang patnugot ay si Frazier Smith na nakarating sa Pilipinas na ipinagbawalng mga Kastila Una Visita ala Victoria Gaol Ang deskripsyon ng mga kulungan sa Hong Kong Colonization du British North Borneo por de Familles de Illes Philippines Isang sulating Pranses ukol sa proyekto ni Rizal La Mano Roja Ang opinyon ukol sa madalas na sunog sa Pilipinas Konstitusyon ng La Liga Filipina

Desisyong bumalik sa Maynila Noong Mayo 1892 ay naisipan ni Rizal na bumalik na sa bansa at ang mga kadahilanan ay ang mga sumusunod: Makipagusap kay Despujol ukol sa kaniyang planong kolonisasyon sa Borneo Ang pagtatag ng La Liga Filipina Patunayan na mali si Eduardo de Lete na sinulat noong Abril sa Soli na si Rizal ay duwag, makasarili at oportunista. Sinulatan niya si Plaridel at sinabi ang kaniyang pag kainis sa maling komentaryo ni de Lete. Ang pagbabalik ni Rizal Noong Ika 21 ng Hunyo ay lumisan si Rizal sa Hong Kong pabalik ng Maynila kasama si Lucia ang balo ni Mariano Herbosa dala ang espesyal na pasaporte na bigay ng Konsul-Heneral ng Espanya sa Hong Kong Samantala ang nasabing Opisyal ay nagpadala ng telegrama kay doble karang Despujol at binanggit na ang biktima ay nasa bitag na. Habang payapang bumibiyahe si Rizal ay agad inatasan ni Despujol ang kaniyang kalihim na si Luis dela Torre na tingnan kung si Rizal ay may Alemang pagkatao para malaman kung ito ay may proteksiyon ng Alemanya

29

KABANATA XXI
ANG PANGALAWANG PAG UWI AT ANG PAGTATAG NG LA LIGA FILIPINA Pagdating sa Maynila Dumating sina Pepe at Lucia sa Maynila noong Ika 26 ng Hunyo at agad silang sinalubong ng isang pulutong ng mga karabinero at hinalughog ang kanilang mga dala. Pagkatapos nito ay nagtungo sila sa Hotel de Oriente at nagpahinga Nagtungo si Rizal sa tanggapan ni Despujol at sinabing bumalik sa ika pito ng gabi Nagusap sila ng Gobernador at pinatawad ang ama ngunit hindi ang iba niyang mga kaanak. Pagkatapos ng kanilang maigsing pagkikita ay lumisan si Rizal upang dalawin ang mga kapatid na sina Sisa at Neneng Kinabukasan ay dinalaw niya ang kaniyang mga kamag anak at kaibigan sa Bulacan, Tarlac at Pampanga ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay ang mga bahay na kaniyang dinalaw ay sinasalakay ng mga guardia civil Mga pakikipanayam kay Despujol Ika 29 ng Hunyo ay muli silang nagkita at ipinakiusap ni Rizal ang pagpapaalis ng parusang destiyero sa kaniyang mga kapatid na babae. Di agad siya nakasagot kaya maaga siya pinaalis dahil kapistahan nina San Pedro at San Pablo Ika 30 ng Hunyo ay muling inilabas ni Rizal ang proyekto sa Borneo at muling tinanggihan ng Pinuno Ika 3 ng Hulyo ay pumayag si Despujol na patawarin ang mga babaeng kapatid at tinanong si Rizal kung nais niyang manirahan sa Hong Kong na binigyan niya ng positibong tugon La Liga Filipina Noong gabi nang Ika 3 ng Hulyo ay nagtungo si Rizal sa Kalye Ylaya sa Tondo sa tahanan ni Doroteo Ongjunco

Sa nasabing pagpupulong ang mga prominenteng dumating ay sina Pedro Serrano Laktaw, Deodato Arellano, Teodoro Plata, Apolinario Mabini at Andres Bonifacio Ipinaliwanag ni Rizal ang layunin ng Samahan at sina Ambrosio Salvador (Pangulo), Deodato Arellano (Kalihim), Bonifacio Arevalo (Tresurero) at Agustin dela Rosa (Piskal) Ang layunin ng Liga ay ang sumusunod: Pagisahin ang buong kapuluan Proteksiyunan ang bawat sa kasapi Ipagtanggol an bawat kasapi laban sa inhustisya Paunlarin ang edukasyon, agrikultura at komersiyo Pairalin ang pagbabago Ang Liga ay nahahati sa tatlong grupo na Kataastaasang Konseho, Konehong Panlalawigan at Konsehong Popular Ang sinumang may pagmamahal sa Bayan ay maaring maging kasapi nito. At ang bawat kasapi ay mabibigay ng dalawang pisong kabayaran bilang kasapi at diyes sentimos bilang buwanang kontribusyon Ang pagdakip at pagkulong kay Rizal Noong Ika anim ng Hulyo ay muling nagtungo si Rizal upang makausap si Gobernador Despujol. Laking gulat niya nang ipinakita sa kaniya ang polyetong Pobres Frailes na nanlait sa mga Dominikano Ito umano ay nakita sa bagahe ni Lucia at mariin naman niyang itinanggi. Dahil dito ay agad siyang ipinanaresto at ikinulong sa Fuerza Santiago kasama ang pamangkin ng Gobernador na si Ramon Despujol Kinabukasan ay nalathala sa Pahayagang Gaceta De Manila ang pagkakakulong at maraming Pilipino ang nagalit dahil dito Pagpapatapon sa Dapitan Ayon sa Gaceta de Manila binaggit ni Despujol ang mga sumusunod na dahilan ng kaniyang pagka tapon sa malayong probinsiya sa silangan:

30

1. Sumulat si Rizal ng mga aklat at babasahin na Anti prayle at anti katoliko 2. Natagpuan sa kaniyang mga bagahe ang maraming kopya ng isang anti Dominikanong polyeto na Pobres Frailes 3. Sa kaniyang Fili ay inihandog niya ang huling aklat sa mga traydor na Gomburza 4. Nais niyang wasakin ang yaman ng Simbahang Katoliko Noong Ika 15 ng Hunyo ay lumulan si Rizal sa Bapor Cebu na ang nagtimon ay si Capitan Juan Delgras. Nakarating ang bapor sa Dapitan at kaniyang hinabilin ang prisonero sa kamay ni Capt. Ricardo Carnicero, ang komandante ng kolonya.

KABANATA XXII
ANG PAGKA DESTIERRO SA DAPITAN Simula ng Pagkakatapon Lulan ng Bapor Cebu ay dumaong ito sa Dapitan at mas pinili ni Rizal na tumira bilang bihag ng Komandante ng nasabing isla na si Kapitan Ricardo Carnicero kaysa sa kumbento ni Padre Antonio Obach, Katulad nina Gob. Terrero at Teniente de Andrade, liberal na Kastila si Carnicero at agad nakapalagayan ng loob, di naglaon ay naging matalik niya itong kaibigan at isang tula ang kaniyang inialay dito ang A Don Ricardo Carnicero Matindi ang pagkakaibigan ng dalawa na ang relasyon ng bantay at preso ay hindi alintana ng dalawa. Sa katunayan ay ipinagagamit pa ng bantay sa kaniyang preso ang kaniyang kabayo Ang pagwawagi ni Rizal sa loterya Noong Ika-21 ng Setyembre, 1892 ay dumating ang isang bapor na nag ngalan ay Butuan sa Dapitan na may hatid na magandang balita. Nagwagi ng ikalawang gantimpala sa isang bolahan ng loterya ang tiket nina Rizal, Carnicero at Francisco Equilor na taga Dipolog na nagkakahalaga ng P20,000, Pinaghatian nila ang salapi kung saan P2,600 ang napunta kay Rizal. Dalawang libo ang ibinigay niya sa kaniyang ama at P200 naman sa kaniyang kaibigan na si Jose Ma. Basa na siya namang ahente ng kaniyang mga aklat sa Hong Kong. Ang natitirang salapiay ibinili niya ng lupang sakahan at loteng pagtitirikan ng kaniyang tahanan at pagamutan sa Talisay, isang lugar na malapit sa Dapitan. Ang muntik nang pakikipag dwelo sa isang Pranses Bilang isang negosyante ay naging ahente siya ng troso sa pagtatayo ng mga gusali. Isa sa kaniyang kliyente ay ang Pranses na si Juan Lardet. Nagkataon na ang trosong dinala sa kaniya ay mahinang klase

31

Sa kaniyang pagkainis ay nakapagbitaw siya ng salita na pawang nagpapahiwatig ng pagiging mandaraya ni Rizal Nakarating sa kaniya ang komento at nagpadala ng paghamon sa isang dwelo ng kamatayan Sa payo ni Kapitan Carnicero ay agad siyang humingi ng tawad sa kadahilanang ekspesrto si Pepe sa eskrima at pagtudla Tinanggap ni Rizal ang paumanhin at kinalimutan ang insidente Ang pagdalaw ni Padre Sanchez Ang mga Heswita na naniniwala pa rin sa pagbabalik ni Rizal sa Simbahang Katoliko ay ipinadala si Padre Francisco Paula de Sanchez upang pagpaliwanagan ang naligaw nilang alagad Ngunit siyay nabigo dahil nanatili pa ring tapat si Rizal sa Masonerya. Gayunpaman ay tinulungan niya ang kaniyang dating magaaral na ayusin ang liwasan ng Dapitan. Nang maghiwalay ang dalawa ay niregaluhan niya ito ng manuskritong pinamagatangEstudios Sobre la lengua Tagala Ang pagdalaw ng kaniyang mga kaanak at ang espiya ng mga prayle Ang taong 1893 ay nagsilbing maganda para kay Rizal nang dumalaw ang kaniyang mga kapatid na sina Trinidad, Maria at Narcisa at mga pamangkin na sina Teodosio, Estanislao, Mauricio at Prudencio. Noong Nobyembre 1893 ay dumalaw ang isang umanong malayong kaanak na ang ngalan ay Pablo Mercado at nagboluntaryong dalhin ang kaniyang liham sa mga kamag anak Mabilis natuklasan ni Rizal na ang panauhin ay isang espiya ng mga prayle at ang tunay na ngalan ay Florencio Namanan Kahit siya ay kaaway ay pinayagan pa rin niyang magpalipas ng gabi ang salarin dahil malalim na ang gabi. Siruhano sa Dapitan Sa kaniyang lupain sa Talisay ay nagatayo siya ng Ospital kung saan karamihan ng kaniyang mga pasyente ay mga dukha na hindi niya sinisingil kunid hinatulan na lang niya ng halamang gamot Noong Agosto 1893 ay dumalaw ang kaniyang ina at muling ginamot ang kaniyang lumalamlam na paningin

Ang katanyagan ni Rizal ay nakilala sa buong kapuluan at ilan dito ay mga masalaping kliyente na nagbigay ng napakalaking halaga Ilan dito ay si Don Ignacio Tumarong na nagbayad ng P3,000 at isang banyagang Ingles na nagbayad ng P500. Si Don Florencio Azcarraga ng Aklan ay nagbigay naman ng isang kasko ng asukal bilang kabayaran Proyekton Pambayan ni Rizal Ang Dapitan ay isa sa mga pinakamahirap na kolonya sa bansa noong panahong yaon kayat si Rizal ay tumulong na paunlarin ito Ilan sa kaniyang nagawa ay ang patubig na ginamitan ng kaalamang inhenyeriya sa Europa na pinuri naman ng Amerikanong inhinyero na si Henry Cameron Ang nasabing patubig ay inabot ng ilang buwan ngunit kanilang nasugpo ang malaria na noon ay naging epidemya sa nasabing lugar Nagtayo rin siya ng pailaw sa pamamagitan ng langis na noong panahing iyon ay nagsisimula pa lang ang elektrisidad sa Maynila Ang Liwasan na kanilang ginawa ni Padre Sanchez ay napakaganda na magiging karibal sa mga plasa sa Europa Si Rizal bilang guro Sa Talisay ay nagtayo siya ng paaralan na nagtagal ng tatlong taon(189396). Nagsimula siya sa tatlong estudyante pero nang lumaon ay umabot ng 21. Hindi siya naningil ng matrikula ngunit bilang matrikula ay tumulong sila sa pangangalaga ng kaniyang bukid at halamanan at mga pagtulong sa kaniyang proyektong pambayan Nagsisimula ang klase mula alas dos hangggang alas kwatro ng hapon kung saan siya nagtuturo ng ibat ibang mga leksiyon Ang sistema ng edukasyon ay gaya ng sistema sa Ateneo Municipal. Kontribusyon sa Agham at Sining Kahit siya ay natapon sa malayong isla ng Dapitan ay patuloy pa rin siyang nakakapag ugnayan sa mga kaibigans siyentista sa Europa

32

Kapalit ng mga aklat at pang agham na kagamitan ay nagpadala siya ng mga insekto at mga hayop na siya namang inilagak sa Museo ng Dresden Kabilang dito ay mga hayop na ipnangalan sa kaniya tulad ng butiki, uwang at palaka Sa sining naman ay tinulungan niyang ililok ang imahe ng Birheng Maria sa para sa mga madre ng Kawanggawa at pagandahin ang altar ng kanilang kapilya Naglilok din siya ng isang estatwa na Paghihiganti ng Ina, Batang babae sa Dapitan, isang imahe ni Josephine Bracken at estatwa ni San Pablo na ibinigay niya kay Padre Pablo Pastells Si Rizal bilang magsasaka at negosyante Naglaan si Rizal ng 16 na ektarya ng lupa na kaniyang tinamnan ng kakaw, kape, niyog at mga halamang namumunga. Sa tulong ng kaniyang mga mag aaral at mga sistema ng agrikultura sa Europa at Amerika ay napagyaman nila ang lupain at umabot ng hangggang 60 na ektarya Sa kaniyang pakikipag sosyo kay Ramon Carreon ay nagbenta siya ng tela, alahas at abaka Sa pagbebenta ng abaka ay kumikita siya ng tatlong piso kada pikol. Nabanggit niya kay Blumentritt na kumita siya ng P200 sa isang transaksiyon sa kaniyang mga kliyente sa Maynila Sa pagtatatag ng Kooperatiba ng Magsasaka sa Dapitan ay para mapigil ang monopolya ng mga Intsik sa nga negosyo sa nasabing kolonya Si Rizal at Josephine Sagana man sa kaibigan at salapi ay hindi pa rin masaya si Rizal dahil sa kakulangan ng kapiling na minamahal at lalong nagibayo ang kaniyang kalungkutan nang mabalitaan ang pagpanaw ng dating nobyang si Leonor Rivera Taong 1893 ay dumating sa Dapitan si Josephine Bracken isang Iriish na taga Hong Kong kasama ang ama-amahan na si George Taufer, isang Amerikano at ang kanilang gabay na si Manuela Orlac

Si Jospehine ay anak ng nasirang James Bracken, isang Irish na sundalo at Elizabeth Jane McBride sa Hong Kong. Maagang naulila si Josephine at napunta sa pangangalaga ni Ginoong Taufer. Ang layunin nila ay uoang ipagamot ang nanlalabong paningin ng matandang si Taufer. Nagkaroon ng lihim na relasyon sina Josephine at Pepe at nang malaman ito ni Taufer ay nagalit ito at nagtangkang magpakamatay Hinatid ni Jospehine si Taufer sa Hong Kong at bumalik ng Maynila at pansamantalang nanirahan sa mga kaanak ni Rizal sa Maynila Nagtungo si Josephine sa Dapitan upang ituloy ang kanilang romansa Nagtungo sila kay Padre Antonio Obach ang kura ng Dapitan upang magpakasal ngunit ito ay tinanggihan at sinabing kailangan nila ang permiso mula sa Obispo ng Cebu Saksi ang dalampasigan ay nagsumpaan ang magsing irog na magiging mag asawa na naging isyu sa buong kolonya Nagkaroon ng supling ang dalawa na pinangalan nilang Francsico ngunit nabuhay lamang ito ng ilang oras Si Rizal at ang Katipunan Lingid sa kaalaman ni Rizal ay nagtayo ng isang lihim ng samahan si Andres Bonifacio, na dati niyang kasama sa La Liga Filipina at si Rizal ang kanilang naging idolo Ipinadala niya bilang sugo si Dr. Pio Valenzuela upang makausap ang kanilang inspirasyon Kasama ang bulag na si Raymundo Mata ay kanilang hiningi ang payo ni Rizal. Sinabi ni Rizal na hindi magtatagumpay ang rebolusyong kulang sa armas, salapi at magaling na namumuno Isang vinta ang nakahimpil sa dalampasigan na dadalhin si Rizal sa Hong Kong upang pamunuan ang nalalapit na himagsikan ngunit ito ay kaniya ring tinanggihan Ang pag alis sa Dapitan

33

Nang sumiklab ang Rebolusyon sa Cuba nong 1895 ay nagprisinta si Rizal bilang manggagamot sa panig ng mga Kastila dahil sa epidemya ng lagnat sa nasabing kolonya Tinugon ni Gob. Ramon Blanco ang kaniyang hiling sa pamamagitan ng telegrama noong Hulyo 1, 1896 Sa tuwa ni Rizal ay nagsulat siya ng tula ang Canto del Viajero Noong katapusan ng Hulyo, 1896 ay lumulan si Rizal kasama ang kaniyang katipan, kapatid na si Narcisa, mga pamangkin at anim na magaaral

KABANATA XXIII
HULING PANGINGIBANG BAYAN Pagdating sa Maynila Lulan ng Bapor Espaa ay umalis sila ng Dapitan at narating ang Maynila pagkaraang dumalaw sa Dumaguete, Cebu. Iloilo at Capiz Nang marating nila ang Maynila ay nakaalis na ang bapor na Isla de Luzon na papuntang Cuba Sa halip ay natigil siya ng isang buwan sa militar na bapor Castilla habang hinihintay ang bapor na magdadala sa kaniya sa Cuba Kaniyang naging kaibigan ang kapitan ng bapor na si Enrique Santalo na nagsabing siya ay panauhin at hindi bihag sa kanilang bapor Habang siya ay nagaantay ay sumiklab ang Himagsikan at siya ay kinutuban dahil mas malaking kapahamakan ang mararnasan ng kaniyang mga kababayan Paglisan patungong Singapore at Barcelona Pagkatapos ng matagal na paghihihintay, si Rizal ay inilipat sa Isla de Panay na taglay ang dalawang liham mula kay Blanco para sa Ministro ng Digmaan ng Kolonya na naglalaman ng papuri kay Rizal Ang hindi alam ni Rizal ay ang doble karang si Blanco ay may ipinadala ring mensahe sa pamamagitan ng telegrapo para sa dalawang ministro na agad dakpin ang mapanganib na Pilipino pagdating sa Barcelona Pansamantalang humimpil sa Singapore ang bapor at ito na sana ang pagkakaton na humingi si Rizal ng proteksiyon sa mga Ingles Dahil sa palabra de honor ay hindi ito ginamit ni Rizal na naging katiyakan ng kaniyang kamatayan Ang pag aresto sa Barcelona Nang umalis ang bapor sa Singapore at nakarating ng Suez Canal ay napansin niya ang bapor Isla de Luzon na naglalaman ng maraming sundalong Kastila

34

Nalaman niya rin ang pagbitay sa kaniyang kaibigan na si Francisco Roxas sa Bagumbayan, nagkaroon siya ng masamang kutob ngunit huli na ang lahat Lalong tumindi ang kaniyang pagsisisi nang malaman niya sa isang pasahero ang tungkol sa telegrama mula kay Blanco ang kaniyang napipintong pag aresto sa Barcelona at pagkakakulong sa Morocco Bihag sa Barcelona Dumating ang Bapor sa Barcelona at nanatiling nakakulong sa kaniyang karomata. Parang pinagtiyap ng pagkakataon na ang kaniyang nakausap sa kaniyang pagbaba ay si Eulogio Despujol na isa ring doble kara na nagtapon sa kaniya sa Dapitan Duon siya dinala sa bilangguan ng Montijuich at nakapanayam ng labinlimang minuto ang maangas na heneral Sinabihan siya na muli siyang ibabalik sa Maynila na bihag ng mga Kastila

KABANATA XXIV
Huling Pagbabalik ng Bayan at paglilitis Ang pagdating ng Martir Habang si Rizal ay naglalakbay pabalik ng Bansa ay umugong sa lahat ng pahayagan sa Madrid ang naganap na Himagsikan sa Pilipinas at si Rizal ang itinuturong pasimuno nito. Kay Rizal ang pagbabalik ng Pilipinas ay magandang pagkakataon na linisin ang kaniyang pangalan. Upang makahanap ng karagdagang ebidensiya ay kinumpis ang kaniyang tala arawan nang daumaong ang Colon sa Said, Ehipto Pagkaraan ng tatlong linggo ay ibinalik sa kaniya ito pagkatapos halughugin ang kaniyang mga bagahe. Lingid sa kaalaman ni Rizal ay ang kaniyang mga kaibigan na sina Antonio Ma. Regidor at Sixto Lopez ay nagpadala ng isang manananggol sa katauhan ni Hugh Fort nang humimpil ang barko sa Singapore. Ayon kay Fort ay walang karapatan si Rizal na mapiit sa Colon na isang Bapor pandigma gayong ang pasahero ay isang sibilyan Sa kasamaang palad ay nabigo sila dahil hindi sumang ayon ang hukom na si Lionel Cox Ang Pagdating sa Maynila at ang imbestigasyon Noong Ikatlo ng Nobyembre ay duamong ang Bapor Colon sa Maynila at agad siyang inilipat sa Fuerza Santiago Habang siya ay inililipat ay nagmalupit ang mga Kastila upang makapangalap ng ebidensiya at marami silang pinagmalupitang kaibigan, kabilang sina Paciano Rizal, Moises Salvador, Jose Dizon, Domingo Franco, Timoteo Paez at Pedro Serrano-Laktaw Limang araw siyang humarap sa presukusyon sa pamumuno ni Koronel Francisco Olive at nagpakita ng mga ebidensiya na nagdawit sa kaniya

35

Mga Paratang kay Rizal


1. Liham ni Antonio Luna kay Ponce na nagsabit kay Rizal sa

pagbabago ng bansa.
2. Sulat ni Rizal sa kaniyang pamilya na nagsabing ang deportasyon

ay magandang paraan para magalit ang tao sa namumuno. 3. Sulat ni Plaridel kay A.L. Lorena na nagsangkot kay Rizal bilang kasapi ng Kilusang Propaganda 4. Isang tula na pamagat na Kundiman na umanoy sinulat ni Rizal na may subersibong nilalaman 5. Sulat ng isang Carlos Oliver sa isang di kilalalang pinadalhan na binanggit si Rizal bilang Tagapagligtas ng Pilipinas mula sa mga Mapaniil na Dayuhan

13. Sipi ng Talumpati ni Pingkian (Emilio Jacinto) na dumakila kay Rizal bilang Pinuno ng Rebolusyon 14. Sipi ng Talumpati ni Tik-Tik (Jose Turiano Santiago) na dumakila kay Rizal at siya ring nagdeklara ng kamatayan sa Manunupil 15. Ang tula ni Rizal na Talisay kung saan ay kaniyang inudyukan ang mga kalalakihan na lumaban para sa kanilang karapatan

Ang Pagbuo ng Sandigan ng Luku-luko Noong Ika 26 ng Nobyembre ay ipinadala ni Koronel Olive ang kaniyang ulat kay Gobernador Ramon Blanco at inirekomenda si Kapitan Rafael Dominguez bilang espesyal na huwes na hahawak ng kaso Ang rekomedasyon ay agad ipindala kay Heneral Nicolas dela Pea upang mabigyang aksiyon Ang rekonendasyon ay nagsasabing 1) agad na litisin ang akusado 2) agad na ipakulong 3) ang pagkumpis ng kaniyang ari-arian na nagkakahalaga ng isang milyong piso bilang bayad pinsala 4) ang kaniyang manannaggol ay dapat magmumula sa hanay ng militar Sa dinami-dami ng pangalan na binigay sa kaniya para magsilbing abogado ay napiki niya ang pamilyar na pangalan: Luis Taviel de Andrade na nalaman niyang kapatid ng dati niyang bantay at kaibigan na si Jose, ang pagkakataon nga naman! Ang paghalili ni Camilo de Polavieja kay Blanco ay lalong nagdiin sa kasawiang nag aantay sa kaniya ito ay nagsilbi ring huli at pinakamalungkot niyang Pasko Kinabukasan ay nilitis si Rizal, isang sibilyan, ng Tribunal Militar na binubuo ng mga robot na sina Koronel Jose Togores Arjona (pangulo), Kapitan Ricardo Muoz Arias, Kapitan Manuel Reguera, Kapitan Santiago Izquierdo Osorio, Kapitan Braulio Rodriguez Nuez, Kapitan Manuel Diaz Escribano at Kapitan Fermin Perez Rodriguez

6. Isang dokumentong sinulat ng mga mason na kumilala sa kontribusyon ni Rizal sa Samahan 7. Isang liham ni Dimasalang (Rizal) kay Tenluz (Juan Zulueta) na umanoy nakapaghanda na siya ng lilikasan ng mga inapi 8. Liham ni Dimsalang sa di kilalang pinagdalhan na humihingi ng suporta sa isang makabayang simulain 9. Isang liham mula sa isang mamayan sa Hong Kong Telegraph na kumondena sa pagtapon ni Rizal sa Dapitan 10. Liham ng isang Ildefonso Laurel kay Rizal na tiningala siya bilang Tagapagligtas 11. Isa pang liham ni Laurel kay Rizal na nagbalita ng pagkakatapon nina Doroteo Cortez at Ambrosio Salvador 12. Isang sulat ni Plaridel kay Tenluz na nagrekomendang magtatag ng isang samahan bukod sa masonerya na tulungan ang simulain ng mga Pilipino

36

Si Andrade ang Tagapagtanggol ng Akusado, samantalang sina Dominguez at Teniente Enrique de Alcocer ang nagsilbing Tagapagtanggol ng Huwes at Taga usig, ayon sa pagkasunod Ang hatol ng mga limatik!!! Sa nasabing paglilitis, na nagsilbing isang sirko ng mga payaso at hangal, ay napagkayarian na ang akusado ay napatunayang nagkasala at hinatulan ng sentencia de muerte Nagbigay sina Rizal at Andrade ng magandang depensa ngunit nakasalang na ang iskrip sa isang baliw na palabas! Agad nilagdaan ng kengkoy na si Polavieja ang nasabing desisyon na tuluyang nagbulid kay Rizal nq makipagkita kay Pareng Jess at Ka Peter (Di bale, sila naman ay may reserba nang apartment sa Impyerno Village nina Taning at Luci!!! joke lang po) Ang target practice ay gaganapin sa Bagumbayan (Luneta) sa Ika 30 ng Disyembre, 1896 sa ganap na ika pito ng umaga.

KABANATA XXV
End naw de end is nir!!! Bente Kwatro Oras 6:00 AM - Binasa ni Kawatan (este Kapitan pala he he he!) Rafael Dominguez na si Rizal ay babarilin ng isang pulotong ng mga kuneho (este sundalo pala) sa likod. Ito ay utos ng Sakristan (este Gobernador pala) Heneral Polavieja 7:00 AM Dinala si Rizal sa kapilya ng mga preso at kasama niya dito ang mga pare sa Ateneo na sina Padre Miguel Sederra Mata at Padre Luis Viza 7:15 AM Umalis si Rektor Sederra at napagusapan nila ang munting estatwang kaniyang inukit sa Ateneo na dala naman ng pari. Natuwa si Rizal at ipinatong sa eskritoryo (dalanginan) 8:00 AM Humalili si Padre Antonio Rosell kay Padre Viza at kumain sa almusal na alok ni Rizal. Dumating rin si Teniyente Luis Taviel de Andrade na pinasalamatan ni Rizal dahil sa kniayang sakripisyong ipagtanggol siya 9:00 AM Dumating si Padre Federico Faura na guro ni Rizal sa Ateneo na hinulaang pupugutan siya ng ulo dahil sa kaniyang mga isinulat, nagbiro si Rizal at sinabi isa raw siyang propeta 10:00 AM Dumalaw sina Padre Jose Villaclara at Padre Vicente Balaguer at nakipagusap ng ilang sandali pag alis nila ay lumutang si Santiago Mataix ng pahayagang El Heraldo de Madrid upang makapanayam si Rizal 12:00 3:30 PM Siya ay nag isa sa kaniyang silid at pagkatapos mananghalian ay pinaniniwalaang isinulat niya ang kaniyang huling tula at ang huling liham kay Blumentritt 3:30 PM Bumalik si Padre Balaguer at hinimok si Rizal na bawiin ang kaniyang mga radikal na isinulat, at ang pagiging miyembro ng Masonerya 4:00 PM Dumating ang kaniyang ina ngunit di sila pinayagang magkalapit. Inihabilin niya ang isang kalan (na ang akala ng marami ay isang lampara) kay Trinidad na sinabi niya sa wikang Ingles na mayroon

37

daw laman, ang laman ay walang iba kundi ang Pahimakas na isa sa mga hiyas ng Panitikang Pilipino. Pag alis ng kaniyang ina at kapatid ay dumalaw naman sina Padre Villaclara, Padre Rosell at Padre Estanislao March 6:00 PM Dumalaw ang Dekano ng Katedral ng Maynila na si Don Luis Silvinio Lopez Tuon 8:00 PM Ang huling hapunan ni Rizal na kasama si Kapitan Dominguez (Bakit yata si Hudas lang ang kasama niya?) at pinarating na tanggap na niya ang kaniyang kapalaran at pinatawad na niya ang korte-militar na humatol sa kaniya.

Ang Liwasan ng Bagumbayan ay puno ng mga Indio at Kastila upang panoorin ang kamatayan ng traydor at bayani. Sa kanilang paglalakad ay namalas ni Rizal ang Ateneo Municipal at kaniyang sinariwa ang masasayang ala-ala. Ang Bihag ay dinala sa gitna ng dalawang poste.

9:30 PM Dumating si Dn Gaspar Cestao, piskal ng Royal Audencia (Korte Suprema) na humanga sa katalinuhan ni Rizal 10:00 PM Bumalik si Padre Balaguer dala ang retraksiyong gawa ni Arsobispo Bernardino Nozaleda. Hindi ito nilagdaan ni Rizal dahil ito ay napakahaba. Isa pang maigising bersiyon ang sinulat ni Padre Pio Pi na nilagdaan ni Rizal pagkatapos ng ilang pagbabago. Ito ay itinanggi ng ilang Rizalista na hanggang ngayon ay siya pa ring laman ng pakikipagtalastasan 3:00 AM Nakinig ng misa si Rizal at nangumunyon 5:30 AM Kumain si Rizal ng kaniyang huling agahan at gumawa ng dalawang liham sa kaniyang pamilya at kapatid na Paciano. Dumating din si Josephine Bracken kasama ang kaniyang kapatid na si Josefa. Pagkatapos ng isang malungkot na pagpapaalam ay binigay niya sa kasintahan ang aklat ni Thomas aKempis na Imitacion de Cristo 6:00 AM Naghanda na ang bihag at ang mga berdugo sa pagmartsa sa larangan ng katayan. Sa huling pagkakataon ay lumiham si Rizal sa kniyang mga magulang 6:30 AM Nagsimula na ang paglalakbay sa mundo ng Kaluwalhatian. Si Rizal ay napagitnaan ni Tenyente de Andrade at sina Padre March at Padre Villaclara. Sa kanilang harapan ay may apat na sundalong may mga baril at bayoneta

7:00 AM Sa huling pagkakataon ay kinamayan ni Rizal si Taviel at ang dalawang pari. Si Rizal ay yumuko upang halikan ang krusipiho. Lumapit ang Komedyante (este Komandante) at sinabing babarilin siya ng nakatalikod. Ngunit ang hiling ni Rizal na huwag siyang barilin sa ulo ay sinunod ng pinuno Ang manggagamot na si Dr. Felipe Ruiz Castillo ang kumuha ng pulso ni Rizal at nagulat ito na ito ay normal 7:03 AM Sa hudyat ng Komandante ay agad na pumutok ang mga baril at nakita ni Rizal ang Kawalang Hanggan. Pumanaw ang bansang bayani sa edad na 35 taon, limang buwan at labing isang araw.

38

You might also like