You are on page 1of 3

http://harrybalais.

com/2013/08/the-myth-of-the-code-of-datu-kalantiaw/

Ang Istorya sa Likod ng Kalantiaw Shrine sa Batan, Aklan

ni Jasmine R. Bartolome

Ang kasaysayan ng isang lugar ay nagpapakita ng pagkakakilanlan ng mga taong nanirahan

at kasulukuyang nananahanan dito kaya ang mga kasulatan na sumasalamin nito ay itinuturing na

kayamanang pinagmamalaki ng isang lahi. Ngunit hindi maikakaila na ang pagtatala at pagsusulat

ng kasaysayan ay hindi isang eksaktong agham, maaari itong maapektuhan ng perspektibo ng

manunulat.

Isa sa mga kontrobersyal na isyu sa kasaysayan ay ang patungkol sa Kodigo ni Kalantiaw.

Noong taong 1917, ang dalubhasa sa kasaysayan na si Josue Soncuya ay naglathala ng pagsasalin

tungo sa salitang Espanyol ng mismong kodigo. Naghinuha si Soncuya na ang kodigo ay isinulat

para sa Aklan dahil sa natuklasan niyang dalawang salitang Aklanon sa teksto. Sa taong 1956,

idineklara naman ni Digno Alba sa kaniyang librong “Paging Datu Kalantiaw” na si Datu

Kalantiaw ay nagtatag ng kaniyang sariling pamahalaan sa Batan at ginawa itong kapital ng mga

sakup ng Aklan (Morrow, 2017). Noong buwan ng Hunyo, sa parehong taon, bilang pagtugon sa

kahilingan ng konseho ng municipal ng Batan, ang Philippine Historical Committee ay nagpatayo

ng isang pananda at sa sumunod na taon ay inaprubahan ng pangulong si Ramon Magsaysay ang


Executive Order No. 234 na nagdedeklara dito bilang “national shrine.” Naging bantog ang

Kalantiaw sa mga aklat-aralin sa buong bansa at naging daluyan ng karangalan ng mga naninirahan

sa Aklan at maging ng mamamayang Pilipino.

Noong 1968, sa disertasyon ni William Henry Scott na “Critical Study of the Prehispanic

Source Materials for the Study of Philippine History,” pinatunayan niya na walang ebidensiya sa

pamumuno ni Kalantiaw at ang pinagmulan ng Kodigo ay may mga kapintasan. Matagumpay ang

naging pagtatanggol ni Scott sa harap ng mga Pilipinong historyador. Tinanggap ng National

Historical Institute, ang naging kahalili ng Committee, ang kaniyang natuklasan at hiniling sa

presidente na ideklara ang kamalian ng mga kasulatan.

Bagaman nabahiran ng maling kuro-kuro ang mga paniniwala patungkol kay Datu

Kalantiaw, hindi maikakaila ang naging bahagi nito sa buhay ng mga Pilipino, lalong-lalo na ng

mga taga-Aklan. Sa katunayan, hindi pa rin nagtatapos ang panlilinlang na kaugnay ng pinagmulan

ni Kalantiaw kahit na sa mga kilala sa lipunan at pamahalaan. Hindi man nila ito sinasadya,

patunay ang mga web site tulad ng pinagmamay-ari ng Department of Tourism at Supreme Court

of the Philippines na kumakalat pa rin ito sa buong bansa.

Mga Sanggunian:

 Agoncillo, Teodoro C. (1990) [1960], History of the Filipino People (8th ed.), Quezon City:

Garotech Publishing, ISBN 971-8711-06-6.

 "Kalantiaw The Hoax". Paul Morrow. Paul Morrow. Retrieved 12 February 2017 from

https://web.archive.org/web/20061112173604/http://www.mts.net/~pmorrow/kalant_e.ht

m#post
 Scott, William Henry (1984), Prehispanic Source Materials for the study of Philippine

History, New Day Publishers, ISBN 971-10-0226-4

You might also like