Bago pa man dumating ang mga Kastila’y may sarili nang kalinangan ang Pilipinas. Mayroon nang sariling pamahalaan (sa kaniyang barangay), may sariling batas, pananampalataya, sining, panitikan at wika. Ang bagay na ito’y pinatutunayan ng mga mananalasysay na kastilang nakarating sa kapuluan. Isa na sa nagpatunay sa kalinangan ng Pilipinas si Padre Perdro Chirino sa kaniyang Relacion de las Islas Filipinas (1604). Sinabi niyang may sariling wika sa Pilipinas at ang mga naninirahan dito’y may sistema ng pagsulat na tinatawag na Baybayin.
Sang-ayon din kay Padre Chirino, ang paraanng pagsulat ng mga
katutubo’y patindig, buhat sa itaas pababa at ang pagkakasunod- sunod ng mga talata ay buhat sa kaliwa, pakanan. Ang ginagamit na pinakapapel noon ay ang mga biyas ng kawayan, mga dahon ng palaspas o balat ng punongkahoy at ang pinakapanulat nila’y ang mga dulo ng matutulis na bakal o iyong tinatawag sa ngayong lanseta. Sa kasamaang palad, ang mga katibayan ng kanilang pagsulat noo’y hindi na matatagpuan sapagkat sinunog ng mga mananakop na Kastila dahil ang mga iyon daw ay gawa ng mga diyablo.
Mayaman sa mga kuwentong-bayan ang Pilipinas. Ito ang kabang-
yaman ng ating panitikan. Dito nasasalamin ang naging buhay ng ating mga ninuno. Ang panahon ng kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga (a) kuwentong- bayan,(b) kantahing- bayan (c)karunungang bayan, at isinasama rin dito ang (d) bulong. KABANATA II: PANITIKAN SA PANAHON NG KASTILA
Sa kabila ng makamundong layuning pagsupil ng mga Kastilang
mananakop sa mga Pilipino, hindi maikakaila ang malaking impluwensya ng nasabing Kanluraning bayan sa paghubog at pagtala ng ating panitikan. Ang relihiyon at iba pang institusyong kumakatawan sa kabihasnang Europeo ang nagpayaman sa wika ng mga taga-patag, nagpakilala sa mga dulaan gaya ng komedya, senakulo, sarswela at drama. Bagama't huli na nang dinala ng Espanya dito sa bansa ang ideya ng libertad at kalayaan, naging matagumpay pa rin ito sa paghihimok sa ilang Pilipinong intelektwal at manunulat upang intindihin ang tunay na kahulugan nito.
Layunin daw ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng Relihiyong Katolika
Apostolika Romano sa kanilang pangingibang-pook kaya unang ginanap ang misa at ang pagbibinyag sa mga katutubo. Hindi gaanong nabanggit na layunin din nilang mapalawak ang kanilang sakop at mapalawak ang mapagbibilhan nila ng kanilang mga produkto. Noong panahong iyon, wari’y hinati ng mga Kastila at Portuges ang daigdig upang kanilang magalugad at masakop. Napasama sa maaaring puntahan ng mga Kastila ang Pilipinas kaya sila ang nakapamayani rito. Isa pa sa dahilan nila sa paggalugad sa ibang panig ng mundo’y ang paghahanap ng mga sangkap na pampalasa (spices). Dahil sa layunin nila na pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng mga katutubo sa dahilang ang mga iyon daw ay likha ng demonyo. Pinalaganap nila ang tungkol sa pananampalataya nila. Nag-aral ang mga prayle ng mga wika sa kapuluan at sumulat sila ng mga gramtika at diksiyunaryo. KABANATA III: PANITIKAN NG PROTESTA (PROPAGANDA)
Panitikan sa Panahon ng Propaganda at Himagsikan (1872-1898
Ang panahong ito ay bahagi pa rin ng panahon ng Kastila. Sa panahaong ito unti-unting namulat ang kaisipang Pilipino. Ang mga dahilan ng kanilang pagkakamulat ay: ang pagpapahintulot sa pakikipagkalakalan ng pandaigdig nang buksan ang Suez Canal; ang pagpasok ng diwng liberal sa Pilipinas buhat sa iba’t-ibang bahagi ng Europa at Espanya; ang pagiging Gobernador Heneral ni Carlos Maria dela Torre na nagkaroon ng pantay na pagtingin sa mga mamamayan at ang pagkakagarote sa tatlong pari na sina Padre Gomez, Burgos at Zamora. Panahon ng Amerikano 1900-1941
Sa pagsapit ng ikalabinsiyam na dantaon ay dumating sa Pilipinas ang
mga Amerikano na siyang nagbigay sa mga Pilipino ng bagong Pag-asa. Bagamat nakadama ng bahagyang kalayaan ang mga Pilipino sa panahong ito, ang mga manunulat ay hindi pa rin nagkaroon ng ganap na kalayaang makasulat ng mga nais nilang sulatin sapagkat sa pamamgitan ng Batas Sedisyon ay pinagbawalan pa rin silang sumulat o pumaksa sa mga bagay na may kinalaman sa pamamahala ng mga Amerikano na maaaring makapapaalab ng damdaming makabayan sa mga Pilipino at matutong ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
Panahon ng Hapon:
Kung ang panahon ng mga Amerikano ay Panahong Ginto ng Nobelang
Tagalog, ang panahon ng mga hapones ay naging Gintong Panahon naman ng maikling Katha at dulang tagalog sapagkat nabigyan ang maikling katha ng pagkakataon sa Liwayway. Maikli man ang panahong sinaklaw ng panahong ito, nagkaroon ng kabutihan ang pagbabawal na gamitin ang wikang Ingles sa mga paaralan. Nabuksan ang pagkakataon na madagdagan ang mga manunulat sa wikang tagalog sapagkat ang mga manunulat na dating nagsisisulat sa wikang Ingles ay napilitang magsulat ng mga akda sa wikang Tagalog kaya sumigla ang wikang Pambansa na itaguyod ng Pangulong Manuel L. Quezon. Ang mga maikling katha sa panahong ito ay nagtataglay ng damdaming makabayan. Nabigyang-diin ang katutubong kulay sa mga maikling kwento at ang mga ito ay pumaksa sa uri ng pamumuhay noon na medyo may kahirapan. Isang magandang pangyayari sa panahon ng mga hapones ang ginawang panunuri sa maikling kwentong naisulat. Nanguna ang “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes, pangalawa ang “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo, at pangatlo ang Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan” ni N.V.M. Gonzales.
Sa panahong ito naisaaklat ang pinakamahusay na kathang Pilipino ng
1943 na binigyan ng pamagat na “25 Pinakamabubuting Kathang Pilipino ng 1943”. Sa panulaan, dalawang uri ng tula ang kinakitaan ng pagbabago sa anyo at paksa. Hindi na paksa ng pag-ibig at kaapihan ang pinaksa ng mga tula kundi mga obserbasyon sa mga karaniwang nagaganap sa pang-araw- araw na buhay. Ang mga tulang itnutukoy ay Haiku at Tanaga. Ang haiku ay isang uri ng tula na binubuo ng labimpitong pantig na nahahti sa talong taludtod. Dahil sa paglabas ng haiku na dala ng mga Hapones, nabuhay ang isang matandang tula na halos katulad din ng haiku, ang Tanaga. Ito ay binubuo naman ng apat na taludtod. Ang bawat taludtod ay may pitong pantig, at ito ay nagtataglay ng tugma at sukat.