You are on page 1of 3

Para sa ika-27 na araw ng

#BuwanNgMgaAkdangPinoy

Narito ang napakagandang aklat tungkol sa pag-aaral sa makata ng bayan na si Francisco Balagtas.

HIMALAY Kalipunan ng mga Pag-aaral kay Balagtas.

Naglalaman ito ng labing isang iba't ibang uri ng pag-aaral o kritisismo tungkol kay Balagtas, sa kanyang
mga obra at ang kanyang naging silbi sa kalinangan ng panitikan at sa bayan noong kapanahunan niya at
hanggang sa ngayon. Ibabahagi ko ang ilan na sa tingin ko ay mahalaga.

Sa simula ni Teodoro A. Agoncillo sa Sa Isang Madilim: Si Balagtas at ang Kanyang Panahon, ang
manunulat o artista ay likha ng kanyang panahon at lumilikha ng kanyang panahon, sa kabila naman. Ang
tunay na manunulat ay hindi nagkakanlong sa likod ng makapal na pader upang di makita ang kapangitan
sa paligid-ligid. Sa ibigin ma't hindi ang manunulat ay bahagi ng kanyang panahon at sapagkat bahagi
nito ay hindi makaiiwas sa hamon ng mga pangyayari dahil dito ang mga manunulat at artista mg isang
panahon ay maituturing na mananalaysay ng kanilang panahon. Tulad ni Balagtas na nagbigay kahulugan
sa mga pangyayari sa kanyang panahon. Mababasa sa Plorante at Laura:

Sa isang madilim gubat na mapanglaw,

Dawag na matinik na walang pagitan,

Halos naghihirap ang kay Pebong silang,

Dumalaw sa loob na lubhang masukal.

Inilarawan ni Balagtas ang malungkot na kasaysayan ng Pilipinas sa kamay ng mga mananakop na Kastila.
Noong panahon niya dagdag pa ni Agoncillo, "ang kayamanan ay hindi nakaaabot sa karaniwang Pilipino.
Puno ng katiwalian at nakawan sa pamahalaan na nagpalubha sa kalagayan". Pinatunayan ito ni Tomas
de Comyn, isang Kastila sa kanyang akdang Estado de las Islas Filipinas en 1810 na buong tapang na
naglalarawan ng nakawan, pagdaraya, katunggakan, at paghahari-harian ng mga Kastila sa Pilipinas.
Naisulat pa niya na ang mga naitatalaga sa mga matataas na posisyon sa pamahalaang Kastila sa Pilipinas
ay mga walang alam at karaniwan ay mula sa mga alila ng gobernador kung saan hindi karapat-dapat.
Totoo ngang malungkot at madilim ang panahon ni Balagtas kung kaya't kanyang naisulat ang kanyang
daing at puna sa kanyang bayan. Nailathala ang kanyang Plorante at Laura sapagkat di nauunawan ngga
Kastila ang tunay na laman ng kanyang akda:

Sa loob at labas ng bayan kong sawi,


Kaliluha'y siyang nangyayaring hari,

Kagalinga't bait ay nalulugami,

Ininis sa hukay ng dusa't pighati.

Ngunit ang lilo't masasamang loob,

Sa trono ng puri ay iniluluklok,

At sa balang sukab na may asal hayop,

Mabangong insenso ang isinusuob.

Kaliluha't sama ang ulo'y nagtayo,

At ang kabaita'y nakayuko,

Santong katuwira'y lugami at hapo,

Ang luha na lamang ang pinatutulo.

At ang balang bibig na binubukalan

Ng sabing magaling at katotohanan,

Agad binibiyak at sinisikangan

Ng kalis ng lalong dustang kamatayan.

Gusto ko rin Ang Apat na Himagsik ni Francisco Balagtas ni Lope K. Santos.

Tinalakay ni Santos rito ang mga tema o kung tawagin niya'y himagsik na nahango sa awit na Florante at
Laura;

1. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan

2. Himagsik laban sa hidwang pananampalataya


3. Himagsik laban sa mga maling kaugalian; at

4. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.

Sabi pa niya: Ang "Florante at Laura", mahigit sa katipunan ng lahat ng mga sainete, komedya at iba
pang tulang sinulat ni Balagtas, ay siyang napagtiningan ng diwa niyang pasuwail sa kalakaran ng
panahon at ng kanang damdaming mapaghimagsik laban sa mga tuwas na kaugaliang naghahari noon sa
tinubuan niyang lupa. Bagaman napakaliit sa tingin ang Awit, at napakanipis na aklat sa pagbasa, nguni'y
naging isang batibot na suligi, isang napakahayap na balisong, na nakasugat nang malalalim na budhi at
kaluluwa ng malupit na pamahalaang pinaglaanan, hindi sa pamamagitan ng mararahas na saksak at
taga, kundi ng mga walang kalatis na ulos at iwa.

You might also like