You are on page 1of 10

WIKA

Preliminaries

I. Modyul Bilang 1

WIKA: Kahulugan at Kahalagahan Batay sa Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas


II. Pamagat ng Aralin
Wikang Filipino- Wika sa Globalisasyon

Sa modyul na ito matutunghayan ang kahalagahan ng wika at mismong gampanin nito hindi lamang sa
tao kundi pati na rin sa kung paano nito iniuugnay ang bawat isa. Sa aralin na ito lubos mong
III. Buod ng Panimula ng Aralin mauunaawan ang konsepto ng wika na s’yang kinabibilangan natin sa pang-araw-araw na
pakikipagkomunikasyon natin sa atiing kapwa. Kaakibat ng modyul na ito ang mga konstitusyon na
nagtataglay sa pagiging legal ng ating wika.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

      a. Matukoy ang kahulugan at kahalagahan ng Wika sa sitwasyong pangwika sa Pilipinas.

IV. Mga Layunin ng Aralin       b. Makapagbabahagi ng sariling interpretasyon batay sa        isang akdang binasa.

c. Maisasaalang-alang ang sariling opinyon sa kung gaano kahalaga ang wika sa sarili, kapwa at lipunan.

       d. Makabuo ng simbolikong interpretasyon na nakaayon sa akdang binasa.

Paglalahad ng Aralin
I. Panimula/Motibasyon

Ikaw bilang isang mag-aaral na may kabihasaan sa paggamit ng wikang iyong kinalakihan, sa paanong
paraan mo ito naibabahagi sa iyong kapwa, kapaligiran at maging sa iyong sarili? Gumawa ng ilustrasyon
na nagpapakita sa kung paano ginagamit ang wika ng isang tao sa kanyang kapwa, kapaligiran at maging
sa kanyang sarili. Gumamit ng isang maayos at malinis na bagong papel sa paggawa ng ilustrasyon.

II. Panimulang pagtalakay sa Nilalaman(kabilang ang pagproseso ng paksa at mga mungkahing


Gawain)

Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang indibidwal kaakibat na nito ang paggamit ng sariling wikang
kanyang kinagisnan sapagkat, ito ay kakambal na ng kanyang buhay simula pa lang ng siya ay isilang. At
maituturing din na parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay ay nariyan ito, palatandaan ito na
buhay tayo at may kakayahang umugnay sa kapwa Taliwas sa kaalaman ng lahat na ang bawat wikang
kanilang natutunan ay hindi lamang may iisang kahulugan kundi may ibang kahulugan mula sa iba’t
ibang lugar na kung saan ay kanilang napagkasunduan at hindi pinagtalunan, tinatawag itong arbitraryo.

Ayon kay Grace de Guna sa kanyang aklat na Speech: “Men do not speak simply to relieve their feelings
or to air views but to awaken a response in their fellows and to influence their attitudes and
acts”. Nangangahulugan lamang na ang tao’y nagsasalita hindi upang ihinga lamang ang kanyang
saloobin kundi nanghihikayat at naghihintay ng pagtugon o pagsang-ayon sa kanyang iniisip o palagay.
Bawat indibidwal ay may kanya-kanyang interpretasyon sa kung ano ang wika para sa kanila.
Wikang Filipino: Wika sa Globalisasyon

Mahalagang kasangkapang panlipunang Kapital ang wika na ang gamit ay gawing episyente ang mga
transaksyon sa isang ekonomiya. Ang wikang Filipino ay ang ating wikang Opisyal, wikang Panturo at
Wikang Pambansa. Gayunpaman di maikakaila na talamak na ang paggamit wikang Filipino sa lahat ng
transaksyong ating kinabibilangan. Kaalinsabay ng wikang Ingles ang paggamit ng mga tao sa wikang
tagalog ngunit masasabing hindi pa rin ganoon kabihasa ang lahat sa wastong paggamit ng sariling wika.

Sa kasalukuyan, naiimpluwensyahan ng mga dayuhan, ang mga tao na magsalita ng kanilang wika. Sa
paggamit ng wika, naeengganyo ang mga Pilipino na magsalita ng ibang wika sapagkat “cool” daw
pakinggan kapag iba ang wika na sinasabi.

Ayon kay Dr. Constantino, panahon na upang magbago ang pagtingin sa Filipino bilang wikang
pambansa, panturo at asignatura. Ang negatibo at mababang pagtingin sa sariling wika, bunga na rin ng
kolonyal na pag-iisip na hinubog ng ilang siglong kolonisasyon ang nananatiling hadlang sa pag-unlad ng
wika at ng lipunang pinaggagamitan.

Konsepto ng Wika

1.  Mula sa Kamalayan at Damdamin ng Tao - pagkakaroon ng kamalayan sa paligid na kanyang


ginagalawan at pagbibigay tugon sa bawat kanyang nararamdaman bunga ng kanyang pagmamasid sa
bawat kilos o gawi ng tao.
2.  Simbolo ng Nagtatanong - sa pamamagitan ng pagtatanong nagiging daan ito upang maibigay ang
mga impormasyon na dapat malaman upang mapaunlad ang sariling kakayahan.

3.  Buhay na Rasyonalisasyon - ang tao ay isinilang na rasyunal samakatuwid, alam niya kung paano
ipaliwanag ang isang bagay o iniisip kung ito ay makakabuti o makakasama sa kanyang sarili at ginagawa.

4.  Pook Tunggalian - dulot ng wika nagkakaroon ng ugnayan ang bawat isa sa kanilang lipunang
ginagalawan.

5.  Nagtuturo ng Pag-ibig - wika ang siyang gamit sa pagpapahayag ng kanyang iniisip at nararamdaman
sa kanyang kapwa at nagsisilbing bigkis ng mga taong nagkakaisa ang puso at isipan.

6.  Nagpapalaya - wika ang nagpapalaya sa mga taong nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.

7.  Sagradong Simbolo - ang wika ay nagmumula mismo sa ating sarili. Tayo ay hinugis ng Panginoon na
kanyang kawangis, samakatuwid ang ating sarili ang templo ng Diyos na may likha sa atin na dapat
nating ingatan at pahalagahan.

8.  May Mitolohiya - lahat ng bagay na nilikha dito sa mundo ay may pinagmulan at dahil dito, ang wika
ay may pangangailangan na hindi natin maitatatwa sapagkat, ito ay nakasulat sa banal na kasulatan kung
paano nagsimula ang wika.
9.  May Adaptasyon - dahil sa patuloy na pagpaimbulog ng ating wika at dala na rin ng ating kasaysayan
mula sa mga sumakop sa atin kung kaya ang ating mga salita ay naging mayabong.

10.   May Kapangyarihan - nagiging makapangyarihan ang wika sa paraang kung paano ito gamitin ng
tao na nagkakaroon ng maayos na pagkakaunawaan.

Kahalagahan ng Wika

Ayon kay Archibald Hill, ang wika ay simbolikong gawaing pantao, sentral na element sa lahat ng ating
gawain. Hindi magiging normal ang pagkilos ng tao kung wala ang wika. Wika ang nagsisilbing principal
na midyum na nagbibikis sa mga tao hindi lamang sa komunikasyon kundi maging sa pagkilala ng kultura
ng iba’t ibang lipunan. Nagsisilbi ang wika bilang tagapagkilala ng isang katayuan sa lipunan. Dahil na rin
sa wika tayo ay nakakakilala ng mga tao sa loob at labas ng ating bansa, maging sa pagkalap natin ng
mga impormasyon na magagamit natin sa pakikipag-komunikasyon gamit ang mga makabagong
teknolohiya.

Sa kabuuan napakahalaga ng wika sa ating lahat sapagkat, kung wala nito ay walang magaganap na
maayos na pagkakaunawaan ang bawat isa sa mundong ating ginagalawan.
Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

Muli nating balikan ang batas at batayan ng pagiging legal ng ating wika mula sa Konstitusyon ng
Pilipinas. Masakit mang aminin na tayo mismo ay hindi natin alam ang karapatan kung paano
ipagtatanggol ang sarili nating wika at hinahayaan nating pagsamantalahan ang ating kahinaan ukol sa
ating karapatan ng mga taong naghaharing uri sa lipunan.

Tunghayan ang malinaw na isinasaad sa ating Konstitusyon 1987, Mula sa artikulo XIV seksiyon 6
hanggang 9.

seksyon 6

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.  Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng
Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.

seksyon 7
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at,
hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehyon ay pantulong na mga
wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod
ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.

seksyon 8

Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehyon, Arabic, at Kastila.

seksyon 9

Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng
iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at
pagpapanatili.

Kaalinsabay nito linawin din natin ang pagkakaiba-iba ng TAGALOG, PILIPINO, FILIPINO upang maging
tiyak ang inyong pagkakaunawa batay sa Wikang Pambansa ng Pilipinas.

TAGALOG – isa sa mga dayalekto o wikain sa Pilipinas na sinasalita sa mga lalawiganin. Ito ay isang
wikang natural na mula sa wikang tagala na may katutubong tagapagsalita. At ang Tagalog ang siyang
unang naging Wikang Pambansa ng Pilipinas.

PILIPINO – tawag sa mamamayan ng bansang Pilipinas, isang monobase language sa taong 1959 ayon sa
kautusang pangkagawaran bilang 7 at ito ang piniling salita bilang representasyon ng mga wika sa
Pilipinas na nagging ugat satin upang kilalanin natin ang pagsisikap ni kalihim Jose Romero.

FILIPINO – ito ay hindi Tagalog, galing Ingles na Filipino bilang katawagan sa internasyunal na
pagkakakilanlan. Sumasagisag sa akomodasyong pampolitika at palatandaan ng isang umuunlad na
bansa tungo sa modernisasyon. Lingua Franca ng Pilipinas ang wikang Filipino na nagsisilbing
pangalawang wika ng higit na nakararami sa buong bansa.
Malaki ang naging hamon ng wikang Filipino maging sa mga gurong nagtuturo ng asignaturang ito sa
kasalukuyan dahil sa pagpasok ng K12 kurikulum sapagkat naging malaking kalituhan sa kolehiyo kung
ano ang ituturo dahil sa pagbaba ng asignaturang Filipino sa Senior High.

Taong 2013, nang opisyal na ipatupad ng Commission on Higher Education ang CHED memorandum
Order 20, s.2013 na naglalaman ng bagong listahan ng mga kurso ng General Education Curriculum
(GEC) sa kolehiyo. Dahil sa pagdaragdag ng dalawang taon ay kasabay nito ay ang pagbabago rin ng
asignaturang itinadhana ng CHED na mula 60 yunits na kurso ng GEC, ginawa itong 36 yunits na lamang.

Bunsod ng pagbabago ng panahon at pagtugon sa tinatawag na modernosasyon kinakailangan ding


sumunod ang paggamit ng wika batay sa pagbabago sa sitwasyon ng polisiyang pangwika sa edukasyon
at sa iba pang aspekto ng lipunan. Bunga ng pagtatanggol sa wika ay nabuo ang isang samahanna ang
layunin ay maipagtanggol ang pagtuturo ng sariling wika at binansagan itong TANGGOL WIKA na
binubuo ng mga propesor sa iba’t ibang unibersidad at ilan sa mga mag-aaral na nakiisa na tumututol na
tanggalin ang wikang Filipino.

Pangako ng mga nagpetisyon na patuloy silang magmamatyag lalo pa’t pansamantala lang ang pagtigil sa
memorandum habang inaaral pa ito ng korte. At dahil dito nagpanukala ang Tanggol Wika ng limang
asignaturang Filipino mula sa CHED Memo no. 57 s, 2017.

·      KOMFIL (Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino)

·      FILDIS ( Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina)

·      DALUMATFIL (Dalumat ng/sa Filipino)


·      SOSLIT (Sosyedad at Literatura)     
·      SINESOS (Pelikulang Panlipunan)

III. Paglalapat

Tunghayan ang isang Sanaysay patungkol sa Wika at bigyang interpretasyon kung ano ang mensaheng
nais iparating ng mismong may akda.

“Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging
kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa
dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at
mabuting pagsasamahan.

Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang
pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at
marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay
o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat
ng ito, kailangan ng tao ang wika.

Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang
pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang
panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan,
pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang displina. Maging ang
kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan ng wika.

Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang
kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang
intension, ang kaibuturan ng pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman.

Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at


komunikasyon.”

Interpretasyon:

You might also like