You are on page 1of 15

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino Baitang 11

I. Layunin

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. nauunawaan ang pagkakaiba, kahulugan, kakayahan ng wika at lingguwistiko;

2. nakapagpapahayag sa sariling pangungusap ng layunin, pananaw, at damdamin

hinggil sa wika; at

3. nakapagsasagawa ng isang panayam at nagagamit ang wika tungo sa

pagkakaunawaan.

II. Paksang Aralin

Paksa: Kakayahang Lingguwistiko at Wika

Sanggunian: Swann, J. and J. Maybin. Sociolinguistic and ethnographic approaches

to language and gender. in Harrington et al., 2008.

Swann, J., A. Deumert, T. Lillis and R. Mesthrie. A Dictionary of Sociolinguistics.

Edinburgh: Edinburgh University Press, 2004.


Taylan, Dolores R., Petras, Jayson D., Geronimo, Jonathan V. Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Maynila: Rex Book Store, 2016.

Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation, Laptop, HDMI, Telebisyon, Chalk at

mga Larawan

III. Pamamaraan ng Pagtuturo

A. Pangunahing Gawain

• Pagbati

Magandang araw sa inyong lahat! Magandang araw rin po, sir!

Ikinagagalak po naming makita

kayong muli.
• Panalangin

Tayo ay manatiling nakatayo para sa Iyuko po natin ang ating mga ulo

ating panalangin na pangungunahan ni Glaiza. at damhin ang presensya n gating panginoon.

Amang makapangyarihan sa lahat

kami po ay nagpapasalamat sa panibagong

araw na ipinagkaloob nyo sa amin ngayong

araw. Nawa Panginoon ay bigyan nyo ng talas

ng kaisipan ang aming guro upang maituro

nya sa amin ang aming aralin at gayon din po

bigyan nyo po kami ng lakas ng

pangngatawan at katalinuhan upang

magampanan namin ang mga gawain na

iniatang nyo sa amin. Ito lamang po ang

hinihiling namin sa inyong pinakamatamis na

pangalan, Amen.

B. Pagbabalik-aral

Noong nakaraan ay inyong tinatalakay

niyo ang Paggamit ng Wika sa Social Media.

Ngayon bilang pagbabalik-aral ay


tukuyin nga ang mga nakalagay na larawan sa

itaas at alamin kung ilang tao ang

nakagagamit nito noong taong 2019.

Nauunawaan ba?’ Opo!

Kung ganon at magsimula na tayo.

(Ipinakita ang larawan)

1. Ano ang larawan na ito? At ilang Sir Facebook po at may 75 milyong Pilipino

milyong Pilipino ang nakagagamit? ang nahuhumaling sa paggamit ng Facebook

noong 2019.

Tama! At ang sumunod naman.

2. Ano naman itong larawan na ito?

Sir Instagram po! May 11 milyong Pilipino

ang naabutan ng ads o patalastas sa paggamit

Mahusay! Dumako naman tayo sa ng Instagram noong 2019.

huling larawan.

3. Itong huling larawan na ito ano

kaya ito? Sir Twitter po at 5.08 milyong Pilipino na ang

nakagagamit nito noong 2019.

Magaling! Ngayong lubos niyo ng


nauunawan ang Paggamit ng Wika sa Social

Media ay magtungo na tayo ngayon sa ating

sussunod na gagawin.

May katanungan pa ba? Wala na po sir!

C. Pagganyak

Sino itong na sa larawan na aking Sir si Jose Rizal po! Ang ating pambansang

pinakita? bayani ng Pilipinas.

Tama! Alam niyo ba ang dalawang Sir ang kilalang nobela na kaniyang naisulat

kilalang nobela na kaniyang isinulat? noon ay ang Noli Me Tangere po at El

Filibusterismo.

Magaling! Kilala si Jose Rizal bilang

manunulat at linggwistang Pilipino sa ating

bansa.

Maari niyo bang tukuyin kung sino Sir hindi pamilyar sa amin ang taong ito.

ang sumunod na larawan?

Kung hindi pamilyar ay maari niyo Sir! Si Francisco Balagtas po!


siyang makilala dahil siya lang naman ang

gumawa ng tulang Florante at Laura.

Ayan! Mukhang natatandaan niyo na

siya. Siya lang din naman ang nagpasimula ng

balagtasan.

Itong huling larawan may ideya ba Sir wala po kaming ideya.

kayo kung sino siya?

Maaaring sa mukha ay hindi niyo siya

nakikilala ngunit kung ipapakita ko sa inyo

ang nagawa niya sa ating bansa ay siguro

maalala niyo kung sino siya.

Siya lang naman ang nagpakahulugan Ang wika ay isang masistemang balangkas na

sa wika maaari mo bang basahin ito. sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa

paraang arbitraryo upang magamit ng mga

taong kabilang sa iisang kultura.

Maraming Salamat! Natatandaan niyo na ba Sir natataandaan ko na po. Siya po si Henry

kung sino ang lalaking na sa larawan na ito? Allan Gleason.


Mahusay! Lahat ay magsitayo at One, two, three (2x) SHEEEESH!

bigyan ang mga sarili ng Sheesh Clap!

D. Pagtatalakay sa Paksa

Lahat ng pinakita kong larawan sa

inyo ay konektado sa ating tatalakayin

ngayong araw. Sila lang naman yung mga

kilalang manunulat at linggwista na umiral

noon sa ating bansa. At ang ating tatalakayin

para sa araw na ito ay ang Kakayahang

Linggwistiko at wika.

Ano ba ang kaibahan ng wika at Sir wala pa po.

linggwistiko? May ideya ba kayo tungkol

dito?

Kung wala pa ay tara na at talakayin Ang kahulugan ng linggwistiko/lingwistika ay

ito. Naibahagi na ang kahulugan kanina ng pag-aaral ng iba’t ibang wika.

wika ayon kay Henry Allan Gleason ngayon

ay maari nyo bang ibigay ang kahulugan ng

linggwistiko/linggwistika?

Maaari! Ngunit ang linggwistiko o

linggwistika ay hindi pag-aaral ng isang


solong wika o maraming wika dahil ito ay

isang pag-aaral sa kung ano ang gumagawa

ng wika, kung ano ang wika at paano ito

naiba sa Sistema ng komunikasyon ng hayop

sa tao.

Maaari mo bang basahin ang Noong hindi laganap ang agham ay nilikha

kasaysayan ng linggwistika. ang kaalaman upang masagot ang maraming

katanungan ng tao kung saan nagsimula ang

mga bagay-bagay. Ganun din ang pag-aaral

ng wika kung bakit iba-iba ang umiiral sa

bawat lahi.

Maraming salamat! Sa pahayag na ito,

rito papasok kung paano ginawa ang wika at

kung paano pinagalanan ang mga bagay-

bagay.

Alam niyo ba kung bakit Sir hindi po.

pinangalanang papel ang inyong sinusulatan?

Hindi niyo pa nalalaman dahil hindi

niyo pa alam kung saan nagmula ang wika

kaya tumungo na tayo sa unang teorya. Ang

teorya ng mga teologo tungkol sa pinagmulan


ng wika.

Maaari mo bang basahin kung ano ang Ang tawag sa isang taong nakikibahagi o

kahulugan ng teologo? dalubhasa sa teolohiya.

Alam niyo ba kung ano ang teolohiya? Hindi po sir.

Ang teolohiya ay mga taong

maraming alam tungkol sa salita ng diyos at

nagbabahagi ng mga salita nito sa mga tao.

Halimbawa na lamang nito kung Sir opo! Siya po yung laging nakikipagdebate

inyong nakikilala si Bro. Eli Soriano ng ang sa telebisyon at itinatama ang mga maling

dating daaan. turo ng ibang relihiyon.

Mahusay! Siya ay halimbawa ng mga

teologo sa ating bansa.

Sinasabi ng mga teologo na

nanggaling daw ang iba’t ibang wika ng mga

lahi dahil sa aklat ng bibliya na makikita sa

Genesis kapitulo 11. Nanggaling daw ang

ating wika dahil sa Tore ng Babel na makikita

sa bibliya.
Alam niyo ba ang kwento ng Tore ng Sir hindi pa po.

Babel ayon sa bibiliya?

Ang kwento ng Tore ng Babel ay

mayroon daw iisang wikang umiiral noon sa

sanlibutan at hindi nabanggit kung ano ito.

Nagkaroon ng pagsusuri ang mga tao noon

kung ano ang itsura ng langit kaya nagkaroon

ng pagpupulong ang mga tao na bumuo ng

templo na maaaring umabot ng langit ng hindi

pinapaalam sa Diyos. Dahil lubos silang

nagkakaintindihan dahil isang wika lang ang

umiiral noon ay sinimulan na nila ang pagbuo

hanggang umabot na ito sa kalaingitan. Nakita

ito ng panginoon at sinira niya ang templo at

sabay sabay na bumagsak sa lupa kasama ng

mga tao. Pinarusahan ito ng panginoon na

hindi na sila maaaring magkaintindihan dahil

hinihigitan nila ang kakayahan ng Diyos.

Kaya nagkaroon ng iba’t ibang wika at dito

nagsimula kung bakit nagkaroon ng iba’t

ibang wika ang mga lahi.


Saan na nga ulit nagsimula kung bakit Sir ayon sa bibliya nagsimulang magkarooon

iba’t iba ang umiiral na wika ayon sa bibliya? ng iba’t ibang wika dahil sa pagbagsak ng

Tore ng Babel.

Maraming salamat! Mukhang

nakikinig ang bawat isa sa ating talakayan.

Ang sumunod na teorya ay

pinangunahan ng mga pilosopong si Plato at

Socrates, Sinasabing hindi raw katanggap-

tanggap ang ganitong palagay.

Maaari mo bang basahin ang na sa Sinasabing ang kauna-unahang pangkat na

Power Point. kinilala sa larangan ng linggwistika ay mga

Hindu.

Maraming Salamat! Sa pagsusuring Sir ito ay Palatunugan (Ponolohiya) – pag-

kanilang ginawa ay natuklasan nila ang aaral ng wastong bigkas ng mga tunog

tatlong P. Kung ang gobyerno ay may 4P’s Palabuuan (Morpolohiya) – isang disiplina ng

ang mga pilosopo ay may tatlo ano ano ang linggwistika na nag-aaral ng kayarian ng mga

mga ito? salita. Ito rin ay pagsasama-sama ng mga

morpema upang makabuo ng isang wika


Palaugnayan (Sintaksis) – kumbinasyon ng

mga salita upang makabuo ng isang

pangungusap.

Ngayon ang pagsusuring sunod na

ginawa nila Plato at Socrates ay ang pagsusuri

nila sa wikang Griyego at Latin.

Maaari mo bang basahin kung ano ang Ito ang itinuturing na unang wika na

mayroon dito? nagkaroon ng anyo sa tunay na kahulugan at

lumaganap at nilinang sa Europa noong

panahon na iyon.

Maraming salamat! Sinasabi kung

pagbabatayan ang kasaysayan sa pagsusuring

isinagawa ng mga mambabalarilang Hindu ay

naging simula ng pag-aaral ng ibang wika sa

Europa. At ilang libong wika ng Griyego at

Latin umano ang umiiral dito.

Ano nga ulit yung mga wikang umiiral Sir ang mga wikang umiiral sa Europa noon

sa Europa noon?2 ay ang wikang Griyego at Latin.

Maraming salamat sa iyong pagtugon.


Ang huling teorya na umiral ay

pinangunahan ni Aristotle at pangkat ng mga

Stoics. Sinasabing kung saan unang nilinang

ang sibilisasyon ay doon din nagkaroon ng

anyo ng kauna-unahang maagham na

pagsusuri sa wika.

Si Aristotle at pangkat ng mga Stoics Ang tatlong panahon na sinuri ni Aristotle at

nga ang nanguna sa larangang maagham na pangkat ng mga Stoics ay ang Panahon ng

pagsusuri sa wika. Sinuri nila ang tatlong Kalagitnaang Siglo (Middle Ages), Panahon

panahon maaari nyo bang basahin ang mga ng Pagbabagong-Isip (Renaissance) at ang

panahon na ito? ika-19 na Siglo.

Maraming salamat!

E. Paglalahat

Magtaas ng kamay sa mga tanong

aking sasabihin at alamin kung ano ang

kasagutan ng bawat tanong.

1. Ano ang kahulugan ng Ito ay ang hindi pag-aaral ng solong wika o

Linggwistiko/Linggwistika? maraming wika.

2. Maaari mo bang ibigay ang kahulugan Ito ay mga taong dalubhasa o nakikibahagi sa

ng teologo? teolohiya.
3. Saan nagmula kung bakit nagkaroon Tore ng Babel

ng iba’t ibang wika ang mga lahi

4. Saang kontinente umiral ang wikang Europa

Griyego at Latin

F. Pagsasanay

PANUTO: Ibigay ang mga hinihinging sagot

sa bawat katanungan.

1. Ito ay ang hindi pag-aaral ng solong wika o


Linggwistiko/Linggwistika
maraming wika.

2. Ano ang tawag sa isang taong nakikibahagi


Teologo
o dalubhasa sa teolohiya?

3. Anong tore ang nabanggit sa bibliya kung


Tore ng Babel
bakit iba-iba ang wika natin ngayon?

4-6.)
Palatunugan, Palabuuan, Palaugnayan
Ano ang 3 P’s na sinuri ng mga pilosopong si

Plato at Socrates

7.) Magbigay ng isa sa dalawang wika na


Griyego o Latin
lumaganap noon sa Europa.
8-10.)

Ibigay ang tatlong panahon sa pag-aaral ng Panahon ng Kalagitnaang Siglo (Middle

mga wika ni Aristotle at mga Stoics Ages), Panahon ng Pagbabagong-Isip

( Renaissance), Ika-19 na Siglo.

Inihanda ni:

JOHN NOEL M. GARCIA

You might also like