Pormal Na Sanaysay LP

You might also like

You are on page 1of 3

1.

) Ibigay ang mga pagbabago sa wika

Sa kasalukuyan ang wika nating ito at mistulang nagbabago, hindi lang sa pagsasalita at pagbabasa pati na rin sa
pakikipag komunikasyon sa ibang tao. Halimbawa na dito ang mga balbal na mga salita, jejemon, bekimon, at
abbreviation na mga salita. Maraming tutol sa paggamit ng ganitong mga salita dahil sa di na maipapasa sa mga susunod
na henerasyon ang wikang Filipino. Marami ding nagsasabi dahil sa pag usbong ng teknolohiya kaya nawawala ang mga
kabataan at gamitin ang wikang hinirang sa ating bansa. Ito ang ontolohiya ng ebolusyon ng wika. Ang purismo o
paggamit at pagsalin ng wikang banyaga sa wikang Filipino ay mas naging mahirap para sa marami, maging sa mga
pantas. Sa ganoong kundisyon, naging limitado ang sana’y pagpapayaman ng wikang Filipino. Ang purismo ay
napakalayo sa likas na pag-unlad ng wika, kapagdaka’y nagmimistula itong banyaga sa tenga at dila ng mga Pilipino.

2.) Ano ang mabuting dulot ng pagbabago ng wika

Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon ay marami naring pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Naging madali
sa atin ang makasagap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga social networking sites, text messaging, mass media at
iba pa. Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng impormasyon ukol sa mga nangyayaring karahasan, kalamidad, at
kasiyahan sa bansa.

3.) Ano ang ibig sabibin ng ang Wika ay kalasag ng kakayahan ng isang bansa.

Ang nais ipadating nito ay ang Wika ay sumasalamin sa natatanging katangian at sumisilbolo sa kultura atlahi na umiiral
sa isang bansa at ang ating wika ay ang sumisimbolo bilang identidad ng ating bansa at nating mga Pilipino. Ang wika ng
isang bansa ay ang masasabing kaluluwang nagbibigay dito.

4.) Punahin at mag bigay ng kuro- kuro sa pag iiba ng wika sa estilo

Buhay at dinamiko ang wikang Filipino kaya naman nagkakaiba ang wikang ginagamit ng iba’t ibang pangkat ng mga tao
sa lipunan. Gayundin, ang patuloy na dokumentasyon ng mga datos ukol sa mga nabubuong barayti sa mga pasulat na
aklat dahil makatutulong ang mga ito upang makabuo ng pangkalahatang paglalarawan ng Filipino tungo sa
istandardisasyon ng wika. Maging sa intelektwalisasyon ng wika, mahalagang pagkunan ng batis ng mga baryasyon ng
mga salita ang pasulat at nakalimbag na mga kagamitang panturo at mga aklat.
Banghay Aralin sa Sanaysay na Pormal

I. Layunin
A. Matuklasan maibigay ang paksang susulatan sa katha.
B. Makapili ng paksa at makapagbigay ng talasalitaang angkop dito.
C. Makapagbigay ng angkop na pamagat.

II. Paksang Aralin


Kathang Pormal Blg. 1; Unang Araw
Paksa: Piknik at Salu-salo
Kagamitan: Mga larawan tungkol sa piknik at salu-salo
Istratukra: Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit at Pagbubuo

III. Pamaraan
A. Paglikha ng sitwasyon sa pagsulat sa pamamagitan ng larawan at pagkukwento
1. Pagpapakita ng mga larawan at pag-uusap tungkol dito.
a. Ano ang nakikita mo sa larawan?
b. Ano ang kanlang ginagawa?
2. Pagbibigay ng kwento o tula tungkol sa larawan at pagtatalakayan
3. Pag-uugnay ng sitwasyon sa karanasan ng mga bata
a. Nakapagpiknik na ba kayo? Saan kayo nagpunta? Sino ang kasama mo? Ano ang iyong ginawa? Ano
ang iyong naramdaman?
b. Nakadalo ka na ba sa salu-salo para sa kaaawan? Anu-ano ang inyong ginawa?
4. Pagkilala sa paksang susulatin
5. Pagbibigay ng talasalitaang gagamitin
6. Pagmumungkahi ng pamagat
Sa Bukid
Piknik sa Bukid
Natatanging Kaarawan
Ang Kaarawan Ko
7. Pagsipi ng piniling pamagat at ng bokabularyong angkop dito.

IV. Magdagdag pa ng mga talasalitaan/bokabularyong maaring gamitin.

You might also like