You are on page 1of 10

“MARUPOK”

By: Jane G. Villanueva

May Jowa ka ba? Di ba wala? Wala kang jowa!Di ka fusto ng gusto mo mo!
Hoy,wag kang assumera! Hindi ka niya inuuna at higit sa lahat hinding hindi
maging kayo.Yan lang naman ang narinig ko sa ibang tao.Isang beses,dalawang
beses,tatlong beses,apat na beses,lima,anim pito,walo,syam,samput,labing-isa-
Ilan pa ba!.Sandali lang na sinabi s aiyo na mahal ka niya pero hanggang
ngatyon nananatili ka pa rin na nag iisa.Tuwing gumigising ka sa umaga
tinitignan mo agad ang i yong telepono kung meron bang nakakaalala pero
iyong naalala,na meron na pala syang ibang inaalala.Hoy inday! Gumising
ka,buksan mo ang iyong mga mata

Magdadahilan ka bang hindi nagbago yung long sweet message niya.eh,Ingat ka


baka di mo alam kaya ma effort kasi sini-send nya sa lima.Dati kasi may nag
lolong sweet message sa akin tapos puro mga emojies pa,may kumain ka na ba?
Huwag kang magpapagutom ah, mamamatay ako pag nawaka ka, syempre tao
lang,natural lang na kiligin pero kahapon alam niyo ba nag babackread ako sa
mga chats namin dati,napag tanto ko “copy-paste” lang pala ginagawa nya.

Ganon pala yung pag ibig lakas makatanga.nasaan na sya?alam nyo ba?
ayon,iniwan ako nung bumalik nya ex nya tapos bumalik ulit sa akin nung di
nag work relasyon nila.Kaya ingat ka,lagi mong piliin yung taong pinipili
ka,lagi mong pipiliin yung taong nanantili kahit sobrang hirap na,piliin mo ang
taong titiisin at tatanggapin ka,hindi yung pipiliin ka kapag no choice sya.kaya
wag kang MARUPOK! TANGA!

Ernie Jane G. Villanueva BSA3_B


REAKSYONG PAPEL PARA SA KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG
FILIPINO

Noong nakaraang linggo tinalakay namin ang una naming paksa ay


tungkol sa RETORIKA, pero bago naming sinimulan magpapahayag, may
tanong na binigay ang aming guro “ Bilang isang Pilipino paano mo iangat
ang lenggwahe ng pilipinas? Syempre, bilang isang Pilipino mamahalin ko
ito at gagamitin ko ang palagi ang ating sariling wika.Huwag itong ikahiya
bagkos ay mamahalin mo ito sapagkat dito malalaman mong
pinapahalagahan mo ang ating sariling wika,kaya nga diba tuwing buwan
ng Agosto,nag diriwang tayo ng Buwan ng Wika Ito ay ginagawa upang
alalahanin ang kasaysayan, kilalanin, panatilihin at paunlarin ang wikang
Filipino. Ginagawa ito bilang pagsaludo at pagmamahal sa Pilipinas. 

Marami akong natutunan sa mga paksang tinalakay ng aming


guro.Alam niyo ba, na ang retorika ay isa itong masining at mabisang
pagpapahayag ng emosyon tungkot sa ibat ibang paksa sa pamamagitan
ng paggamit ng wika.Ito rin ay nangangailangang maging masining,klaro
at nakaka engganyo sa mga tagapakinig o tagabag-basa.Ito rin ay
maaring gamitin para sa paghimok o pag-sang-ayon sa isang paksa.

Dahil sa pagtatalakay ng paksang ito,nakakasigurado ako na


gagamitin ko ito saan man ako magpunta.Napagtanto ko na mahalaga
talaga ang retorika sa pang araw-araw dahil pag wala ito,nagging
matahimik ang mundo,walang inter-aksyon sa bawat isa,walang
komunikasyon at dahil hindi na natin magamit hindi tayo magkakaisa.

Ernie Jane G. Villanueva BSA3_B


REAKSYONG PAPEL PARA SA KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG
FILIPINO

Ang sumunod na paksa na aming tinalakay ay tungkol sa katuturan ng wika.Ano ba


ang Wika,bakit mahalaga ito?Ano ba ang mga katangian at kahalagan ng isang wika?
Ano ang mga antas nito o may teorya ba ito?Ngayon sasagutin natin ito base sa mga
nakalap kung impormasyon sa pagtatalakay namin.

Ano ba ang Wika? Ayon kay( webster,1974) Ang wika ay isang Sistema ng
komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pagsulat at pasalitang
simbolo.Meron din itong mga katangian,ito ang mga katangian ng isang wika.Ang wika
ay masistemang balangkas, sinasalitang tunog, arbitraryon simbolo ng mga tunog,
komunikasyon, pantao, kaugnay ng kultura, ginagamit, natatangi, dinamiko at
malikhain. Napakaraming kuro-kuro ang kumakalat tungkol sa kung ano nga ba ang
pinagmulan ng wika. Ngunit saan nga ba ito nag-ugat? Paano ito nabuo at umusbong?
Madami ang naniniwala na nabuo ito sa dahil sa kagustuhan ng Diyos. Madami rin
naman ang naniniwala sa mga siyantipikong paliwanag. Sa mga paniniwalang ito
nabubuo ang mga teorya. Naririto sa ibaba ang ilang teorya na pinaniniwalaan ng mga
eksperto: Teoryang Bow-wow, Teoryang Ding-dong, Teoryang Pooh-Pooh, Teoryang
Ta-ta, Teoryang To-he-ho,Teoryang Yum-Yum, and Teoryang Boom-De-Ay.Ilan
lamang ito sa mga teorya ng isang wika.

Ang Wika ay napakahalaga at ito ay ating magagamit. Sa pamamagitan nito ay


maibabahagi mo ang iyong mga kaalaman at maipahayag ang sarili, at
makaimpluwensya sa iba na maaring tama o nakabubuti at nakasasama sa kapwa.
Kailangan natin ang wika para magkaintindihan tayong mga tao dahil dito natin
maibabahagi ang mga nalalaman natin sa pamamagitan ng pagkukuweto sa mga
pangyayari
“KOMUNIKASYON SAA AKADEMIKONG FILIPINO”

TOPIC #1: RETORIKA TUNGO SA MASINING NA PAGPAPAHAYG

RETORIKA= isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining na


magandat kaakit akit na pagsusulat at pagsasalita.

RHETOR= Nagmula sa salitang griyego na it means “GURO AT MANANALUMPATI O


TAGAPAGSALITA SA ISANG PAGPUPULONG

SAYUSAY O RETORIKA= isang uri ng sining na naipakita sa pamamagitan ng paggamit ng


wika sa paraang pasalita o pasusulat.

TOPIC #2: KATUTURAN NG WIKA

WIKA= (Webster,1974) isang Sistema ng komunikasyon sa pagitanng mga tao sa


pamamagitan ng pagsulat at pagsasalitang simbulo

=(Henry Gleason) isang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinaayosnsa


paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

-Ito ay isang paraan ng kommunikasyon na kadalasang ginagamit ng tao sa isang lugar. Para
sa atin, ang wikang Filipino ay ang ginagamit natin para makausap ang katulad nating Pilipino.

Mga Katangian

1. Ang wika ay masistemang balangkas


(FONEMA-makabuluhang tunog
(MORFEMA-na kapag sinama sama sa makabuluhang sikwes ay makaklikha ng mga
salita
(SEMANTIKS-na bumabagay sa iba pang mga salita,
(SINTAKS- upang makabuo ng pangungusap

Ang ibig sabihin ng katangiang ito ay isinaayos ang mga tunog sa sistematikong
paraan para makabuo ng makahulugang bahagi tulad ng salita, parirala, pangungusap at
panayam.

2. Ang wika ay sinasalitang tunog


Ito ay sinasalita na galing sa magkasunud-sunod na tunog na humuhugis sa paraan ng
mga iba’t ibang kasangkapan sa pagsasalita na tinatawag na mga bahagi ng pagsasalita o
speech organs

3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos

Dahil ang wika ay may kakanyahan.Lahat ng wika ay may sariling set ng


palatunugan ,leksiyon at istrukturang pangramatika.

4. Ang wika ay arbitraryo

Sa katangiang ito, ang mga salita ay tumututok sa mga salitang simbolo. Napapaloob
sa katawagang ito ang dualismo na isang pananagaisag at isang kahulugan

Halimbawa: sa Ilocano balay dito namn sa filipino ,Bahay

5. Ang wika ay ginagamit

Kailangan itong gamitin na instrumento sa komunikasyon. Unti-unting mawawala ito


kapag hindi ginagamit.

6. Ang wika ay komunikasyon

Muli, ito ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang nag-uusap na mga tao.
Sa ganitong paraan, maipapahayag ang mga damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon,
layunin, at pangangailangan ng tao.

7. Ang wika ay nakabatay sa kultura

Nagkaiba iba ang mga wika sa daigdig dahil sa pagkaiba iba ng mga kultura ng mga
bansa at mga pangkat Halimbawa: ice formation sa English pero dito sa filipino ay yelo at
niyebe.

8. Ang wika ay nagbabago, dinamiko

Ito ay buhay at patuloy sa pagbabago nang dahil sa patuloy rin na nagbabago ang
pamumuhay ng tao at iniangkop ang wika sa mabilis na tkbo ng buhay na dulot ng agham at
teknolohiya.Halimbawa nito ay mga salitang balbal,pangkabataan at pamprdukto.
TEORYA NG WIKA

1. Teoryang Ding-Dong-
Ito ay katulad ng bow-wow kasali na rito ang mga bagay na ginawa ng tao tulad
ng doorbell, motor, tv, telepono atbp. Ipinalalagay nga ang lahat ng BAGAY sa
kapaligiran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga
tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay.
2. Teoryang Bow-wow
Ito ay ang panggagaya ng tao sa mga tunog na nalikha ng KALIKASAN. Ang
tunog na nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagaya ng tao. Hal. tunog
ng kulog, ihip ng hangin, "moo"
3. Teoryang Yum-yum
Naunang sumenyas ang tao kapag nagsalita. Lagi itong pinagsabay ang
pagkatango o pagsasabi affirmative na salitang tulad ng OO,Opo o kaya sige.
4. Teoryang Ta-ta
Sa mga kumpas at GALAW ng kamay na ginagawa ng mga tao sa mga partikular na
okasyon ay ginaya ng dila hanggang ito ay matutong magsalita(Musika)
5. Teoryang Pooh-Pooh
Ipinalalagay na TAO ay siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng
kahulugan. Dito ang tunog ay nagmula sa tao.Gaya ng pagkatakot sakit,labis na
katuwaan o kalungkutan at pagkabigla.
6. Teoryang To-He-Ho
Tunog na nalilikha sa pwersang GAMIT kung saan natutong magsalita ang tao
dahil sa nalilikha na nilang tunog kapag sila gumagamit ng lakas. Hal. nagbubuhat ng
malakas
7. Teoryang Tara-Boom-De-Ay
Galing sa mg RITWAL ng mga sinaunang tao ang naging daan upang matutong
magsalita ang tao. Ang mga sayaw, sigaw o incantacion at mga bulong ay binigyan
nilang kahulugan at sa pagdaan ng panahon ito ay nagbabago

TUNGKULIN NG WIKA

1. Personal- ito ang nagpapahayag ng sariling paninindigan at paniniwala hinggil sa mga


isyu tulad sa pormal o impormal na pakikipagtalakayn at iba pa.

Hal: Panliligaw,editorial,liham sa patnugot

2. Imajinativ- nakatuon ang gamit ng wika sa paglalahad ng sarili maharaya o malikhain


at masining na pamamaraan na maaring kaugnay ng panitikan

Hal:Pagsalaysay,akdang-pampanitikan (kuwento, nobela)


3. Interaksyunal- ginagamit ang wika sa pakikipag interaksyon sa kapwa o kayay sa
pagtatag ng mga ugnayan at samahang sosyal.

Hal: Pagbati,pakikipagkaibigan,liham-pangkaibigan

4. Informative/representasyunal- wika ang nagsisilbi o ginagamit bilang tsanelng


impormasyon, kaalama at kamalayan.

Hal: Pagbabalita,pag-uulat,pananaliksik-papel

5. Instrumental- ang wika ay ginagamit bilang instrument sa pagkamit ng mga layunin


nais isagawa o ipatupad sa pagtugon sa mga pangangailangan ng isang tao.

Hal: Sa palengke,layunin ng isang mamimili na mabigyan sya ng diskento kaya makikiusap sya
sa mabuting paraan gamit ang wika upang makamit niya ang kaniyang layunin

6. Regulatori- ang wika ay ginagamit upang kumontrol at gumabay sa kilos at asal ng iba

Hal: Kung hindi sinunod ng isang empleyado ang mga nakasulat sa patakaran maaring
magdahilan ito ng kaniyang pagkatanggal sa trabaho,pagbibigay-panuto o babala

7. Heyuristiko- ginagamit ang wika sa paghahatid ng impormasyon.Ang wika sa


aspektong ito ay nagsisilbing kagamitan sa pagtuklas ng mga mahalagang
impormasyon o datos.

Hal: pangtanong o survey

LIMANG ANTAS NG WIKA

1. Balbal-ito ang pinakamahabang antas,binubuo ng mga salitang kanto na sumusulpot sa


kapaligiran/ginagamit sa lansangan.
2. Kolokyal-ito ang sinasalita sa pangkaraniwang tao ngunit bahagya ng tinatanggap ng
lipunan.Ang ganitong salita ay phenomenon ng pagpapaikli ng mga salita upang
mapabilis ng daloy ang pagsasalita.
3. Lalawiganin-kabilang sa antas na ito ay ang mga saltang katutubo sa lalawigan
4. Pambansa- salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa.
5. Pampanitikan- Ito ang antas na pinakamayamang uri madalas ito ay ginagamitan ng
mga salitang may iba pang kahulugan.Idyoma,eskima,tayutay,at ibat ibang tono,tema
at punto ay ginagamit sa pampanitikan

You might also like