You are on page 1of 4

Villasoto, Ira Mhae D.

Barayti ng Wika
ESFL 3-1 G. Del Rosario

I. PAGPAPALIWANAG

1. Paano nakakaapekto ang Idyolek na pamamaraan na pananalita ng kilalang


personalidad sa ating lipunan? Magbigay ng isang halimbawa na ang idyolek at
nagkaroon ng epekto sa sosyolek, patunayan.

 Ang idyolek ay binigyang pagpapakahulugan bilang isang uri ng pormal


na salita na karaniwang ginagamit ng isang indibidwal sa isang natatangi o
yunik na pamamaraan. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang istilo ng
pananalita. Nakaapekto ang idyolek sa pananalita ng nakararami kapag
kilalang personalidad ang gumagamit nito, halimbawa na lamang ay si
Cong TV na pinauso ang sambitlang “Payaman!” na siyang kilala ng
karamihan partikular na ng mga kabataan sa kasalukuyan. Higit kanino pa
man, ang pangunahing may kakayahang makaimpluwensya o makaapekto
sa tao at isang lipunan ay ang mga kilalang personalidad dahil sa tulong ng
media ay malawak ang nasasakop o kanilang nararating. Sa tulong ng
social media lalo na ang Facebook at YouTube kung saan makikita ang
iba’t ibang bidyo ng mga vloggers na kung papansinin, bawat vlogger ay
gumagawa ng kanilang pagkakakilanlan halimbawa na lamang ang
naunang nabanggit na si Cong TV ang tawag sa kanilang grupo ay “Team
Payaman” at lagi niya nasasabi ang salitang “Payaman!”. Sa simpleng
mga salitang iyon ay nagagawa mong matukoy kung sino ang tao na
nagsasalita noon. Kung minsan natutukoy kung ang isang tao ba ay “fan”
kapag nababanggit nya, ginagaya niya ang pananalita ng kanilang idolo.
Bawat salitang pinauuso ng isang kilalang personalidad ay nagsisilbing
“icon” at siyang ring palantandaan na isa kang tagasubaybay, at kung
minsan ay dito nabubuo ang grupo ng mga tagahanga na siyang
maituturing ding lipunan na mayroon silang wika na sila lamang
nagkakaunawaan o mas kilala sa tawag na sosyolek.

2. Ang mga barayti na etnolek at pidgin ay mga klase ng barayti na bibihira


maapektuhan ang pagbabago ng wika. Ipaliwanag kung bakit.

 Ang etnolek ay ang tawag sa wika na gamit ng mga katutubo ang mga
tinatawag ng mga etnolinggwistikong mamamayan. Bahagi ng kasaysayan
ng isang bansa o komunidad ang pagkakaroon ng mga pangkat etniko. Sila
iyong mga mamayan na nasa dulo ng laylayan ng bawat lipunan. Malayo
sila sa kabihasnan at karamihan sa kanila ay hindi na halos
nakakatungtong sa mga paaralan. Sila ang mga grupo ng indibidwal na di
nakakaintindi ng iba pang uri ng wika, maliban sa kanilang sariling
dayalekto na kanilang nakagisnan. Ang pidgin naman ay isang bagong
wika na nabubuo kung mayroong dalawang tao na magkaiba ang wika at
naipagsasama ang paraan ng pagsasalita at paggamit ng wika. Ang
dalawang barayti ng wika na ito ay bibihira makaapekto sa pagbabago ng
wika dahil ito ang hindi gaanong makikita na ginagagamit. Ang etnolek ay
hindi basta basta matatagpuan sa kung saana lamang dahil sila ay
maaaring makita lamang sa mga pinakaliblib pa na sulok ng Pilipinas.
Sinasabi rin na sila ay hindi nakakaunawa ng iba pang wika kung kaya’t
hindi sila madaling maipluwensyahan at dahil na rin sa sila ay may
pagpapahalaga sa kanilang kultura o paniniwala kung kaya’t ang kanilang
wika ay hindi naibabahagi sa hindi kabilang sa kanilang tribo o lipunan.
Ang pidgin naman ay hindi na rin gaanong nakakaapekto sa pagbabago ng
wika dahil sa kasalukuyan, hindi na mahirap aralin ang ibang wika o
lenggwuhe at mayroon na rin tayong ”Universal Language” na tinatawag
na kung saan maaaring magkaunawaan ang dalawang tao na mayroon
kanya-kanyang wika na maaaring hindi maunawaan ng bawat isa. Sa
tulong ng ingles at lingua franca hindi na kinakailangan na bumuo pa ng
panibagong wika para lamang magkaroon ng pagkakaunawaan.

II. PAGLIKHA

1. Gamit ang Malaya at masining na kaisipan, lumikha ng Kwentong diyalogo na


nagpapakita ng iba’t ibang barayti ng wika. Siguruding lahat ng barayti ng
wika at makikita sa gagawing kwento. Siguruduhing hindi lalagpas sa
isanlibong salita (30pts)

Maestra

“Magandang magandang magandang morning!” bungad na bati ni Tanya sa kanyang ina


na naghahanda ng kanilang almusal.
“Anak, talagang hanggang sa pagbati ba naman tuwing umaga e ginagaya mo talaga si
Love Añover, ano?” tanong ng kanyang inay.
Sumagot naman agad ang anak, “Nay, you know naman na di’ba? gusto ko maging
reporter pero not that so formal like other newscaster diyan na seryoso. Mas bet ko po
‘yung chill lang, parang chikahan with your friends lang po.”
“Hay nako anak, oo na, alam ko naman bata ka pa lang ganyan na ang gusto mo.
Matanong lang kita ulit nak, saan mo naman natutunan ‘yang ingles sabay tagalog na
pananalita mo? Hindi ka naman ganyan noon, wala naman nag-iingles sa atin,” tanong
muli ng ina kay Tanya.
“Nanay, ganito na po talaga ngayon. Sa school po kasi namin halos lahat ay ganiyan po
magsalita. Mas pinagtatawanan pa nga po ako kapag malalim at panay tagalog lang po
ang ginagamit ko, kaya ayun nakikisakay po ako” paliwanag ni Tanya sa kanyang ina.
“Ayan iyong tinatawag na Conyo, Mamshie” singit ng nakatatandang kapatid ni Tanya.
“Kami nga nay ng mga frenny ko sa beks club namin, mas malaley pa diyan ang bini-
verse na salita lalo na po kapag naka-sight na kami ng b.y. magi na po kami mag talk ng
hindi beki words kasi baka ma-cardiac” dagdag pa nito.
Natatawa na at tila nagtataka ang ina sa sinabi ng kanyang anak. “Jusko! Ano ba namang
mga salita iyan? Si Tanya nga hindi ko na gaano maintindihan paano pa kaya ang mga
ganyang salita, anak” “O siya, magsikain na kayo bago pa kayo tanghaliin at mahuli sa
klase.” dagdag pa ng ina.
Mabilis na kumilos at naghanda si Tanya papasok ng paaralan. Manghihingi na sana siya
ng baon sa kanyang ama nang mapansing wala ito sa kwarto, “Nay, nasaan po si Tatay?
Hihingi na po sana ako ng baon” malakas na tanong ni Tanya sa kanyang ina na nasa
kusina. “Maagang umalis ang iyong ama, tinawagan siya ng amo niya at kailangan ng tao
dahil nag AWOL ang kasamahan niya. Humiram ka na lang muna ng sampu kay Ate
Mila at ibabalik na lang kamo pagdating ng iyong itay.”
“Nag- AWOL po? Ano po ibig sabihin ‘nun, nay?” tanong na naman sa ina. “Sis, ibig
sabihin ng AWOL ay Absent without Leave. Dami mo tanong ano? Tara na sabay ka na
sa akin” sabat ng kanyang kuya.
Habang naglalakad sila hindi na mawala sa isip ni Tanya ang mga nangyari sa umagang
iyon. Bukod tanging nabubuo pa lamang sa kanyang isipan ay maraming wika ang
umuusbong. Tulala hanggang sa jeep ngunit nagising muli ang diwa ng makasakay nila
ang bagong kaklase niya na kahapon lamang nila nakilala. “Hello Tanya!” bati nito sa
kaniya, agad naman siyang sumagot “Hello Gabby! Nagawa mo ba yung assignment
natin kay Ma’am?.”
Biglang natahimik si Gabby at napayuko. “Gabby, sabi mo ay walang binigay na
takdang-aralin ang ‘iyong maestra?” tanong ng ina ni Gabby sa kanya.
“Ay tita, hayaan niyo na po tutulungan ko na lang po si Gabby, maiintindihan naman po
ni Ma’am ‘yun” magalang na sabi ni Tanya.
Pagbaba ng jeep ay nagpaalam na si Tanya sa kanyang kapatid at tumuloy na sila ni
Gabby kasama ang ina nito sa kanilang classroom. Napaaga ata ang kanilang dating pero
hindi agad pinalampas ng ina ni Gabby na itanong sa ibang kamag-aral kung nariyan ba
ang maestra. At nang masagot ang tanong ay agad na nagpaalam ang ina na mauuna na
dahil ito’y may pupuntahan pa.
“Ma’am, may tinatanong po kanina ang mommy ni Gabby.” ito ang sumalubong na
pahayag pagpasok ng kanilang guro. “Ano daw ang itinanong, anak?” tanong naman ng
guro. “kung nariyan daw po ba ang maestra namin e sabi po ni kuya guard nariyan daw
po. Ma’am ano po pala yung maestra?” nagtatakang tanong ng mag-aaral.
“Ako yun, anak. Ang maestra ay guro, nasanay kasi tayo na ma’am, at teacher lang ang
tawag sa mga guro pero ang totoo anak ay maestra rin. Tagalog din naman iyon pero mas
madalas ginagamit ng mga taga-Quezon at iba pang bahagi ng katagalugan.” Paliwanag
ng guro.
“Wow! Ang galing naman po.” Tugon ng klase. “Mga anak, iyan ay nagpapatunay na ang
wika ay buhay, yumayabong, at nagbabago na siyang nagiging dahilan ng pagkakaroon
ng barayti ng wika.” Paliwanag muli ng guro sa kanyang mag-aaral. “May ipapanood
pala ako sa inyo na bidyo at pakinggan maigi ang kanilang wikang ginagamit” dagdag pa
nito. Tahimik na nanood ang buong klase sa bidyo kung saan itinatampok ang mga
Ivatan.
“Ma’am, ano po ‘yung Ivatan? At ano po yung wika nila?,” tanong ng isang mag-aaral.
Agad namang sumagot ang guro, “Ang Ivatan ay tumutukoy sa pangkat-etniko sa
Batanes, maaari ring ito ay tumutukoy sa tao mismo na napapabilang sa kanilang pangkat
at ang Ivatan ay tumutukoy rin sa kanilang wika.” “Ngayon tuturuan ko kayo ng
simpleng Ivatan tatanungin ko kayo ng ‘Ara ka mangu?’ At sasagot kayo ng ‘Tuku
mapya.’, okay?” “Ara ka mangu?” tanong ng guro, “Tuku mapya” sagot naman ng mag-
aaral. “Ang ibig sabihin ng aking tinanong ay ‘kumusta ka?’ at ang ‘tuku mapya’ ay
nangangahulugang okay lang o kaya nama’y mabuti naman.”
Napatingin si Tanya sa kanyang guro at habang tinatalakay ang patungkol sa etnolek na
isang barayti ng wika, doon niya unti-unting natukoy na ang mga salita na hindi
pangkaraniwan na narinig niya ngayong araw ay mga halimbawa pala ng barayti ng wika.

You might also like