You are on page 1of 2

Villasoto, Ira

ESFL 3-1

PANUTO: Bigyan ng interpretasyon ang larawang makikita sa ibaba. Bumuo ng isang editoryal
na nagbibigay impormasyon ukol sa paksang tinatalakay nito.

PANDEMYA+COMMUNITY QUARANTINE= ?

Isang bangungot sa marami ang pagpasok ng pandemya sa bansa dahil sa mga naidulot nitong
abala sa buhay ng bawat isa. Maraming establisyamento ang nagsara, maraming trabaho ang
nawala, at maraming hanapbuhay ang nalugi at tuluyang nahinto simula nang ipatupad ang
Extreme Community Quarantine kung saan ang bawat isa ay pinagbabawalang lumabas, lahat ay
ipinasara. Pahirap man ang kinahinatnan ay wala tayong magagawa kundi sumunod para na rin
sa kaligtasan ng bawat isa. Sa mga unang araw, at linggo ay nagmistulang ‘ghost town’ o
abandonadong lugar ang bawat kalye.
Ngunit ayon sa karanasan ng iilan, nagkaroon ng magandang dulot ang pandemyang ito sa
kanilang pamilya. Dati ay walang nagkakatagpong oras sa isang pamilya para sabay na kumain
sa hapag-kainan, dahil ang magulang ay may trabaho at ang anak naman kung minsan ay nasa
paaralan. Dahil sa Community Quarantine, napilitan ang bawat isa na manatili sa kani-kanyang
tahanan kung kaya’t nagkaroon ng pagkakataon ang bawat pamilya na muling magkasama-sama
at magkaroon ng oras sa isa’t isa. Maraming relasyon rin ng mag-asawa ang napabuti, maraming
bata ang mas nagagabayan na ng kanilang mga magulang. Nagawa ring bigyang pagkakataon ng
pandemyang ito na turuan ang bawat isa na tuklasin ang kanilang kakayahan at talentong hindi
pala nila alam na taglay nila. Mayroong mga natutong magluto, magtanim, magnegosyo at
magpinta.
Bukod pa sa mga ito, nagkaroon rin ng magandang epekto ang pandemya sa kalagayan ng ating
kalikasan. Nabawasan ang polusyon sa hangin dahil sa kabawasan ng mga sasakyang
bumabaybay sa pagkalawak lawak na kalsada, ang kabawasan sa polusyon sa tubig dahil hindi
na lumalabas ang mga tao ay nabawasan rin ang pagkakaroon ng kalat sa kapaligiran na
nagdudulot ng pagbaha at pagdumi ng ating katubigan. Ayon sa isang mananaliksik ng
University of Colorado Boulder, ang kalagayan ng ozone layer ay unti-unting nang bumubuti.
Ating tandaan na sa kabila man ng mga negatibong naidulot ng COVID-19 sa atin, ay mayroon
pa ring umusbong na mabuting dulot ito, ang pagbubuklod ng pamilya at ang paghilom ng ating
kalikasan.

You might also like