You are on page 1of 12

MGA URI NG TEKSTO

BENEDICT HUERTAS

XI-AMETHYST

A. URI NG TEKSTO: TEKSTONG IMPORMATIBO

PAMAGAT: BISYO NG KABATAAN, PAANO MAPIPIGILAN

MAY AKDA:Myla P. Moreno ABM A

SANGGUNIAN:http:/roelcama.blogspot.com/?m=1

1. Ano ang paksa ng tekstong nabasa?

- Ang tekstong aking binasa ay bisyo ng kabataan,paano mo mapipigilan

2. Paano mo maiuugnay ang kaisipang nakapaloob sa nasaliksik na teksto sa sarili,


pamilya,komunidad,bansa at daigdig?

B. URI NG TEKSTO: TEKSTONG IMPORMATIBO


PAMAGAT:GLOBAL WARMING!

MAY AKDA: Joshua P. Alarcon

SANGGUNIAN:https://tl.wikipedia.org/wiki/Pag-
init_ng_daigdig?fbclid=IwAR1ourK70sf057zH7EkUDAKDZAkl60mx5PFcOvIEgUbU
KyEZRt_7E7NngaQ

1 Ang tekstong aking binasa ay Global Warming?

2.
C. URI NG TEKSTO: TEKSTONG IMPORMATIBO

PAMAGAT: TUBIG POLUSYON

MAY AKDA: Maria Cristina Pilapil

SANGGUNIAN:https://www.translate.com/english/mga-sanhi-ng-tubig-polusyon-
1-maruming-tubig-sa-mga-bayan-at-lungsod/28366241

Ang tekstong aking binasa ay2

D.TEKSTONG DESKRIPTIBO
PAMAGAT: BITUING WALANG NINGNING

MAY AKDA:Unique Faye Dadis

SANGGUNIAN:

1 Ang tekstong aking binasa ay Bituing walng ningning

E.TEKSTONG DESKRIPTIBO
PAMAGAT: KASIYAHANG MULI KONG BINALIKAN
MAY AKDA:Marigold Clavo
SANGGUNIAN:

1 Ang tekstong aking binasa ay Kasiyahang muli kong binalikan


2.
F.TEKSTONG DESKRIPTIBO
PAMAGAT:SIKRETO NG DILIM
MAY AKDA: Kean Reid Encisco
SANGGUNIAN:

1. .Ang tekstong aking binasa ay sikreto ng dilim


2.

G. TEKSTONG NARATIBO
PAMAGAT: BISYONG NAKAKAMATAY
MAY AKDA:John Paul Vivit Eden
SANGGUNIAN:

1. .Ang tekstong aking binasa ay bisyong nakakamatay

2.

H. TEKSTONG NARATIBO
PAMAGAT: SA LIKOD NG MATIBAY NA AKO
MAY AKDA: Rona Jean M. Diaz
SANGGUNIAN:

1. Ang tekstong aking binasa ay sa likod na matibay na ako

2.
I.TEKSTONG PROSIDYURAL

PAMAGAT: PAANO MAKALIMOT?


MAY AKDA:Jeanne Tabile
SANGGUNIAN:

1 Ang tekstong aking binasa ay paano makakalimot?

2.

J.TEKSTONG PERSWEYSIB

PAMAGAT: UGALING WINALA

MAY AKDA:Lowel Marvega


SANGGUNIAN:

1 Ang tekstong aking binasa ay ugaling winawala

2.

K. TEKSTONG ARGUMENTATIBO

PAMAGAT: DROGA SA KABATAAN?


MAY AKDA:Cristine Castellio
SANGGUNIAN:

1 Ang tekstong aking binasa ay droga sa kabataan?


2.
.L. TEKSTONG ARGUMENTATIBO
PAMAGAT: KASALANAN BA ANG KASAGUTAN?
MAY AKDA:Sazon Wayne Francis
SANGGUNIAN:

1. Ang tekstong aking binasa ay kasalanan ba ang kasugatan.

2.

A BISYO NG KABATAAN, PAANO MAPIPIGILAN

Sa panahon ngayon,karamihan sa mga kabataan ay nahuhumaling sa iba't-ibang bisyo na siyang nagiging dahilan ng
paunti-unti nilang pagbabago.Ilan sa mga bisyong ito ay ang paninigarilyo,pag-inom ng alak,pagsusugal at mas masaklap ay ang
paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.Bakit nga ba nahuhumaling ang mga kabataan sa bisyong ito?Di ba nila inisip kung ano
ang maaaring maidulot ng mga ito hindi lang sa kanilang sarili pati na rin sa kanilang kalusugan?Sino na lamang ang makakapag
pigil sa kanila? Bilang isang estudyante at isang kabataan,nagtataka ako kung bakit ilan sa mga kapwa ko kabataan ay
nahuhumaling sa mga bisyong makakasira sa kanila. Marahil sa problemang kanilang dinadala o kaya naman impluwensiya lang ng
mga kaibigan nila.Gayunpaman kailangan din namang isipin nila at isaalang-alang kung ano ang kanilang kahihinatnan dahilan ng
kanilang kahumalingan sa bawat bisyo.Halimbawa na lamang ang paninigarilyo.Ayon kay Roel Calma,mula sa survey,ang
paninigarilyo ay ang una sa mga bisyong kinahuhumalingan ngayon ng maraming kabataan.Halos kalahating porsyento sa bilang ng
ating mga kabataan sa ngayon ang nakatikim o nakaranasan nang manigarilyo.Dito sa ating bansa,ang mga kabataan ay
nagsisimulang manigarilyo sa edad na pitong (7) taon.Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong
gulang.Isang tao kada 13 segundo,o isang milyong katao taun-taon ang namamatay dahil sa paninigarilyo.Ang paninigarilyo ay
sanhi rin ng mga sakit sa puso,baga,kanser,diabetes,osteoporosis at marami pang iba.Ito din ay madalas na sanhi ng pag-atake ng
hika.

B GLOBAL WARMING

Anu na ba ang nagawa mo para sa mundong ito? Sumira ng kalikasan? O kaya naman kasali ka sa mga taong may
pagmamahal sa mundong iyong kinalakihan? Mundo’ng sa ngayo’y namimiligro dahil sa kagagawan nating mga tao. Malamang isa
ka sa mga nakakaramdam ng mga pagbabago dito sa mundo, mga pagbabagong tila’y hahamakin ang katatagan mo. Mga
pagbaha, malalakas na mga bagyo, ulan- na tila’y walang katapusang papatak dito sa mundo. Ilan lamang yan sa mga sinyales ng
Pagbabago ng Panahon o mas tinatawag na Global warming. Anu nga ba ito? Bakit kailangan nating tuonan ng pansin ang
phenomena na ito? Anu ba ang mga epekto nito sa atin hindi lang sa tao pati na sa kalikasan? Tayo ay dapat lamang na magkaroon
ng ideya o kaalaman sapagkat napapanahon ang pagsagawa ng kilos para masulosyonan ang suliraning ito.
Ang Pag-init ng Daigdig o “Global Warming” ayon sa Wikipedia ay tumutukoy sa nararanasang pagtaas ng katamtamang
temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada. Ayon sa siyentipikong opinyon, “ang
nararanasang paginit nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”. Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse
gases na resulta ng mga produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao
ang mga pangunahing sanhi ng paginit ng mundo. Ang pagtaas sa pandaigdigang temperatura ay magdudulot ng malaking
pagbabago kasama na rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga paguulan. Ang mga
pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag tuyot,
bugso ng init, bagyo at buhawi. Ang paginit ay makaapekto sa bilang at tindi ng mga ito. Gayunman, ang mga pagaaral ay
nakatuon sa panahon hanggang taon 2100 na ang pag-init ay patuloy na mangyayari dahil sa ang CO2 o carbon dioxide ay may
mahabang buhay sa himpapawid.
Ang klima ay patago-tago sa pamamagitan ng mga prosesong “panloob” gayundin sa tugon sa pabago bagong panglabas ma
puwersang gawa at di-gawang tao kasama ang pagkilos ng araw, pagputok ng bulkan at ng greenhouse gases. Tanggap ng
klimatologo o mga nagaaral sa klima na tumaas ang temperatura ngunit ang sanhi ng pagbabagong ito ay kontrobersyal lalo na sa
labas ng komunidad ng mga siyentipiko. Sinasabing ang kasalukuyang klima ng mundo ay wala sa kapanatagan kasama ang
pwersang dulot ng pagtaas ng mga greenhouse gases dahil sa enersiyang termal ng mga karagatan at mabagal na pagtugon ng
ibang di tuwirang mga epekto- ito’y ayon sa Association of British Insurers Financial Risks of Climate Change noong Hunyo 2005.
Ang bansang Pilipinas ay isa rin sa mga nagkokontibusyon sa tinatawag na Global Warming sapagkat narito rin sa atin ang mga
aspetong nagdudulot ng pagtaas ng temperatura ng mundo –mga sasakyang dulot ay maitim na kausukan, mga pabrikang nagsisi-
pagkompitensyahang dulot ay pagdami ng Carbon Dioxide sa atmospere at mga aktibong Bulkan o mga likas na sanhi ng Climate
change. Ang pag pabaya sa kalikasan ay nagdudulot ng kapahamakan sa mundong ating kinalalagyan.
Ang Global Warming ay nagpapabahala sa ating buhay sapagkat ito ay pwedeng magdulot ng kapahamakan, mga mas kakaibang
mga pangyayari dito sa mundo, kagaya na lamang ng mga malalakas na bagyo at pag init ng matagal na araw. Masusugpo natin
ang bagay na ito kapag tayo ay nagkaisa, kapag magtutulong tulong ang lahat ng mga bansa upang paunti unting mabawasan ang
mga piligrong ating nararanasan. Masusulosyanan lang ito kapag mismong tayong mga tao ang gumawa ng paraan para ang
problema ay ating mawakasan.

C TUBIG SA POLUSYON

Malinis na tubig at bughaw ang kulay ng katubigan. Ito ang uri ng tubig mayroon tayo noon. Sa paglipas ng panahon ay
unti-unti itong nag-iba, ito ay dahil sa kapabayaan nating mga tao na naging dahilan at nagdulot ng pagkakaroon ng tubig
polusyon. Polusyon na sa ngayon ay atin ng nararanasan. Ngunit alam mo ba kung ano ang sanhi ng ganitong penomena sa ating
katubigan? Ang tubig polusyon ay ang anumang kontaminasyon sa tubig na may kemikal na mayroong masamang epekto sa
kalusugan ng tao, halaman, at hayop. Isa sa sanhi ng tubig polusyon ay ang mga kemikal sa agrikulturang lupain na kapag
nagpakawala ng tubig ay nakakapadami ng algae, na nagiging sanhi ng pag-ubos ng oxygen. Ang mababang antas ng oxygen ay
hindi magagawang suportahan ang mga pinaka katutubong organismo sa lugar at samakatawid ay mapataob ang natural ecology
balance sa mga ilog at lawa. Ang paliligo at pag-inom ng kontaminadong tubig ay sanhi ng pagkakaroon ng rashes sa balat, kanser,
reproductive problem, tipus, lagnat, sakit ng tiyan, at pagkakasakit sa mga kawani na tao. Isa rin sa sanhi ay ang industriyang
kemikal, ito ay maaaring maipon sa isda na kinakain ng mamamayan sa pamamagitan ng mga kawani ng tao. Isang sanhi rin ay
ang mga nagkalat na bagay tulad ng mga plastic bag. Ang tubig polusyon ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng pagbaha dahil sa
akumulasyon ng basura. Ang oil spill sa tubig ay isang sanhi ng pagkakaroon ng tubig polusyon na nagiging sanhi ng pagkamatay
ng hayop. Ang langis ay hindi nalulusaw sa tubig kaya ito ay nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga isda. Ang mga pangyayaring ito
ay maaaring makontrol sa pamamagitan ng mga simpleng bagay na dapat gawin, ito ay ang paghihiwalay ng mga basura,
materyales, recycle, domesti at wag itapon sa tubig. Paglilinis ng polluted na ilog at iba pang mapagkukunan ng tubig sa tulong ng
gobyerno, industriya at lokal na komunidad. Pagkakaroon ng programa sa mga tao tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan sa
pinagmumulan ng tubig, gamit ang board sign at slogans. Pagpapalago ng mga puno at iba pang mga halaman sa baybayin ng ilog,
lawa, ito ay hindi lamang upanh pagandahin kundi pati na rin makuha ang pollutants sa kapaligiran. Nasa huli ang pagsisisi. Ito ang
mga epekto ng ating kapabayaan. Ilang taon na ang nakalilipas mula ng magkaroon tayo ng malinis at kaaya-ayang tubig. Ngayon
ay hindi na natin pa ito maibabalik sa dati. Gawin natin ang makakabuti sa ating yamang tubig ng sa gayon ay maisaayos nating
muli kung ano man ang nabago at nasira.

D BITUING WALANG NINGNING

Mabaho, madumi, gusgusin, patay-gutom at hampas-lupa. Iyan na lamang kung matawag ang mga batang lansangan. Sa
panahon ngayon, di na bago sa ating panignin ang makakita ng mga batang palaboy laboy sa lansangan. Naliligaw ng landas,
walang matuluyan, kumakalam ang tiyan, salat sa kaalaman, walang sapat na panustos sa pangangailangan at tila ba’y nagaabang
na lang ng panganib sa gitna ng nanganganib na gabi. Taon–taon na lamang kung lumulobo ang populasyon ng mga kaawa-awang
kabataang ito. Karamihan sa kanila’y nagbabanat na ng buto na wala pa sa hustong gulang makaraos lang ng araw na makakain
kahit isang isang beses lang. Ano kaya ang mangyayari kung patuloy na lamang na madaragdagan ang mga batang malabo ang
kinabukasan? Kung iyong napapansin, karamihan sa mga batang lansangan na ito’y produkto ng wasak na pamilya o di kaya’y
produkto rin ng napariwarang landas. Hindi nila ginusto ang kinalakihan nilang buhay. Tulad ng iba, sila ay patuloy ring
nangangarap na makaahon sa hirap na dulot ng buhay. Umaasa na balang araw makaranas rin ng ginhawa sa buhay. Ngunit di
mapagbigyan ng pagkakataon. May mga pagkakataong sadyang mahirap unawain ang kanilang paguugali, dala ng lugar na
kinalang kinalakihan. Karamihan sa kanila’y lumaki ng walang ideya sa kung ano ang kanilang ginawa o ginagawa. Dahil sa
kakulangan sa atensyon at tamang paggabay ng magulang, sila’y madaling maimpluwensyahan. Marami sa kanila’y natututo na ng
mga bagay na di naaayon sa kanilang gulang, maging sa batas ng Diyos at ng tao. Sa murang edad pa lamang, sila’y natututo na
ng mga bisyo gaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, pakikipagpustahan, at maging pagmumura at pagnanakaw. Minsan, sa
paglalakad natin sa lansangan ay may kikilibit na lang bigla sa ating likuran. Iaabot ang kanilang munting mga kamay at
mamalimos, hihingi ng kaunting tulong. Kaawa-awa nga kung sila’y titingnan, ngunit nakakabahala rin. Ilan sa kanila’y hawak ng
mga sindikato. Pinaglilimos, pinagtatrabaho at kung minsan nama’y pinagnanakaw o pinaggagawa ng anumang krimen na may
kinalaman sa pagkita ng pera. Di man nila gusto, mapipilitan nalang silang gawin ang mga ito huwag lang mapagalitan, mabugbog
o mapagbantaan ang buhay. “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” ika nga. Kung kaya kailangan silang gabayan ng mabuti upang
maging mabuting ihemplo balang araw. Hindi ang kasulukuyang estado ng buhay ang magsasabi kung saan ang hangganan ng
kanilang maabot. Hindi ang kanilang kamusmusan o kaya’y kahirapan. Gaya ng ibang bata, sila’y nangangailangan ng pagkalinga at
pagmamahal mula sa pamilya, kaibigan o maging sa di kakilala upang mapabuti sa kahit anumang aspeto at di mapariwara ng
landas.

E KASIYAHANG MULI KONG BINABALIKAN

Lamig ng panahon na ating nadarama at ibat-ibang kulay sa bawat tahanan, parke, simbahan ay masisilayan. Maraming
paghahanda sa isang pagdiriwang na lubos na inaabangan ng lahat. Problema, kalungkutan at pighati ay bigla na lamang lalaho
kung malapit ng sumapit ang pag diriwang na ito. Kinagigiliwan ko ang pag sapit ng pasko. Buwang ng nobyembre pa lamang ay
nasa isiisip ko na ang mga paghahanda ko. Ang paggamit ng mga material na bagay ay nag sisimbolo na malapit na ang pasko.
Ang pag aayos ng aming tahanan sa pamamagitan ng pagtatayo ng christmas tree at pag lalagay ng mga christmas lights ay ilan
lamang sa aking mga preparasyon. Ngunit para sa akin hindi mahalaga ang magarbong dekorasyon, sapat na sa akin ang maayos
ang makulay na tahanan. Isang araw lamang ang pagdiriwang ng pasko, ngunit mahabang panahon ang nilalaan ko ditto sa
kadahilanang pinaka importante ang pinagdidiwanan nito. Marami akong nasisilayan na mga Gawain na may koneksyon sap ag
sapit ng pasko. Nariyan ang mga nangangaroling at pastora na kinabibilangan ng ibat-ibang lebel ng tao, mga matatanda o bata.
Kinagawian ko rin na mag bigay ng pera sa mga batang nangangaroling dahil itoy aking tulong at handog para sa kanila. Ang pag
diriwang na ito ay hindi lamang umiikot sa ganitong bagay. Isinasabuhay ko rin ang pag simba sa loob ng sampung araw na kung
tawagin ay misa de gallo. Kinasasabikan ko ang misa na ito, dahil sama-sama kami ng aking mga magulang sap ag simba upang
makapag pasalamat sa mga biyaya na ibinibigay ng puong maykapal. Sipleng salo-salo ay naka handa rin sa aming lamesa na
kadalasang tinatawag na noche Buena. Kasayahan ang aking nadara sa mga oras na iyon, dahil sa aming pagkakaisa mas lalong
nadarama ko ag totoong diwa ng pasko. Hisdo ko rin makakalimutan ang regalo sa aking mga kapatid at magulang maging material
amn ito o bukal sa aking kaluoban. Pagmamahalan, pagkakaisa, at kapatawaran ang layunin na aking tinatatak sap ag diriwang na
ito. Walang sawang pag bibigay sa kapwa ng kinagawian ko na rin. Pagpapasalamat sa mga biyaya at sa buhay na ibinigay ng
dakilang ama ang pinaka sentro ng pag diriwang na ito.

F SIKRETO NG DILIM

Kapag sinabi nating dilim iba agad ang pumapasok sa isip ng mga tao sa kadahilanang hindi nila pinapalawak ang
kanilang isip. Para sa ibang tao ang ibig sabihin ng dilim ay katahimikan. Dito ka lang namna kasi magkakaroon ng pagkakataong
magmuni-muni, sapagkat napakaginhawa sa pakiramdam ng katahimikan na dulot ng dilim. Maraming bagay ang "mae-enjoy" natin
sa dilim. sadyang napakakomportable naman kasi ng katahimikan dahil sa may oras ka nang mag-isa at gawin ang lahat ng iyong
nais na walang kumokontra at humuhusga. Sino nga ba naman ang aayaw sa tyansang magpahinga sa katahimikan? Kailangan mo
lang naman na alisin ang iyong takot upang makapagrelaks. Napakasimple nga naman ng dinudulot ng dilim ngunit lubhang
nakakatuwa ang katahimikang ito. Posible itong makatulong sa iyong pag-aaral sapagkat maaayos nito ang iyong isipan, maging sa
pag-ibig ay makakatulong ito. Katahimikang nakakabingi na hindi mo pagsisisihan dahil magagalak ka sa maitutulong nito sa'yo.
Hindi man kaaya-ayang pakinggan para sa iba, wala naman silang karapatang manghusga dahil wala ka namang ginagawang
masama. May posibilidad kasi na nag-iisip lamang ng solusyon sa problema ang isang taong nakatambay sa dilim. Mas napapalinaw
at napapalawak kasi ng katahimikan ang pag-iisip ng tao, at makakamtan lamang ito sa dilim, wala naman talaga kasing maglalakas
ng loob na mang-istorbo sa kagitnaan ng dilim. Malay ba nila kung anong meron ka kaya andun ka lang. Maaari kasing mayroon ka
lang ng napakasarap na pagkain na ayaw mong ipamahagi sa mga kasamahan mo kaya nagtatago ka sa isang madilim na sulok.
isang tyansa rin ang dilim para makapag "star-gazing" ang isang indibidwal o grupo ng magkakaibigan. Mahirap isa-isahin ang mga
bagay na maaaring gawin sa dilim na hindi sinasamahan ng kalibogan. Dumedepende naman kasi sa isip ng tao kung anong
papasok sa kanyang kokote pag narinig ang katagang "Sikreto ng Dilim." Dilim na kumakain sa liwanag pagsapit ng gabi, liwanag
na nagdudulot ng ingay. Liwanag na literal na kasalungat ng dilim. Dilim na hindi nakakasilaw ngunit may pag-asang dala. Ang pag-
asang padatinmg ng bukas ay maaayos na ang ating mga problema. Gabi na sobrang dilim na hindi man lang nila maaninag kahit
konting pag-aalala sa ating mukha. Katahimikan tinatago ang ating tunay na nararamdaman.

G BISYONG NAKAKAMATAY

Pagsusugal, paninigarilyo, pag-inom ng alak, paggamit ng droga at iba pang ipinagbabawal na gamot. Ilan lamang ito sa
mga masasamang bisyo na kinahuhumalingan ng ilan sa ating mga kabataan ngayon. Bakit nga ba nahuhumaling ang karamihan sa
mga bisyong ito? Bilang isang estudyante at kabataan, ano ang magagawa natin upang sila ay mapigilan at mailigtas sa hudyat na
kapahamakan? UNA, ang paninigarilyo. Ayon sa survey, paninigarilyo ang una sa mga bisyong kinahuhumalingan ngayon ng
maraming kabataan. Halos kalahating porsyente sa bilang ng ating mga kabataan sa ngayon ang nakatikim o nakaranasan nang
manigarilyo. PANAGALAWA, ang pag-inom ng alak.Ano nga ba ang kahulugan ng pag-inom ng alak sa ating mga kabataan? Ayon sa
aking mga naririnig at sa aking mismong karanasan, ito ang ginagawa ng maraming kabataan upang makalimot sa kanilang
problema at upang magkaroon ng lakas ng loob kung sila man ay may kaaway, o may gustong sabihin sa nililigawan, kaibigan at
maging sa kanilang pamilya. PANGATLO, Droga.Ang pagkalulong sa bawal na gamot (drug addiction) o ang pagkahumaling,
pagkaadik, o adiksyon ng isang tao sa mga pinagbabawal na gamot. Isa itong uri ng katayuan o karamdaman na mahirap tanggalin
at iwasan ng isang taong nasa ganito nang kalagayan, o ng taong nagumon na sa pagkasanay. Ang epekto ng labis na paggamit ng
droga sa mga kabataan ngayon, ay pagdami ng mga krimen, mga minor de edad na ang mga gumagawa ng kaharasan ngayon,
dumarami rin ang mga kabataan ang nasisira ang kinabukasan dahil sa paggamit ng droga. Maraming dahilan kung bakit nalululong
ang mga kabataan sa masamang bisyo. At ang pangunahing dahilan nito ay kahirapan. Dahil sa hirap ng buhay, walang trabaho,
walang pagkakakitaan, hindi makapag-aral at walang pagkakaabalahan matututo silang gumamit ng droga para pansamantalang
makalimutan ang kanilang mga problema. Maaari din nila itong gamiting pampalakas ng loob para gumawa ng krimen o
panandaliang pagkakakitaan tulad ng panghoholdap at pagnanakaw. Nandyan din ang kawalan ng suporta mula sa pamilya. Kulang
sila sa atensyon, pag-aalaga at pagmamahal mula sa magulang at sa lipunan. At hahanapin nila ito sa paggamit ng droga para
takasan ang sakit ng kalooban. Isa ring dahilan ay ang pagsama sa maling barkada o itinuturing na mga kaibigan. Sila ang
naglulugmok sa mga walang muwang na mga kabataan. Kaya marapat lamang na kilalaning mabuti at piliin ang mga taong
sinasamahan at kinakaibigan. Paggabay ng magulang at lipunan ay mahalagang kailangan ng bawat kabataan.

H SA LIKOD NG MATIBAY NA AKO

Maikli lang ang buhay, alam natin yan. Isang sangkap ng buhay ay ang problema. Ako si Alexa, isang huwarang kabataan
na sinubok ng panahon. Sa ngayo’y hinaharap ang hamon ng buhay ng may tapang at tibay ng loob. Kasalukuyang nag-aaral sa
isang pribadong paaralan sa kolehiyo at gumaganap sa trabaho ng isang mabuting anak. Sa bawat araw na dumadaan positibo
kong hinaharapo ang bawat bagay. Pero ano nga ba anag nagpatibay sa isang tulad ko? Isang pagsubok ang dumating sa buhay
ko, mabigat? Oo. Tumalikod ako sa liwanag at naghanap ng saya sa dilim. Natuto akong gumamit ng sigarilyo, sumali sa gang at
magkasyota. Oo, pagsubok yun sapagkat naapektuhan nito ang pag-aaral ko at relasyon ko sa aking pamilya. Natuto akong
magrebelde at tumakas. Bakit nga ba nagawa ko yun? Naransan niyo na bang lumaki sa iyong Lola? Ako oo, sa Lola ko ako lumaki
at hindi sa tunay kong mga magulang. Hindi madali sapagkat hinahanap-hanap ko ang kalinga ng aking mga magulang lalo na ang
atensyon. Sa barkada ko kasi naramdaman at naransan yun. Pinaramdam naman ng Lola ko ang pagmamahal niya sa akin pero
ramdam ko na may kulang pa. iba parin kasi pakiramdam paglumaki sa piling ng iyong magulang. Isang araw na mulat ako sa isang
mahabang bangungot. Namulat ako sa mga pagkakamaling nagawa ko. Sa unang linggo ng pagbabagong buhay ay hindi naging
madali kasi hindi na iyon ang naksanayan ko. Pero sa tulong ng akong mga kamag-anak napagtagumpayan kong magbago.

I PAANO MAKALIMOT?

Sa lahat ng ginagawa natin sa pang araw araw ay parang isang lutong ulam, ihahanda mo ang mga rekado, mga
kagamitang na gagamitin, mga proseso o mga hakbang upang matapos mo ang isang producto. Katulad sa buhay ng isang tao may
proseso kung paano tayo ginawa ng ama, paano tayo pinanganak, paano tayo pumasok sa paaralan, paano tayo maligo, paano
tayo kumain, paano tayo magpamahal, paano tayo masaktan at higit sa lahat paano tayo magmove on? Lahat ng mga yan may
proseso, may mga sangkap, may kagamitan upang patuloy mo siyang makalimutan. Patuloy mawala ang mga alala niyong
magkasama. O sa madaling salita mawala na siya sa buhay mo. Ang pinakamahirap gawing sa buhay ng isang tao ay kalimutan ang
taong minahal mo, pinahalagahan mo, pinagkatiwalaan mo, binigay mo ang lahat makunteto lang sya siyo. Kasama sa ilang taon at
gumagawa kayo ng masasayang bagay, bumubuo ng bagong memorya, nangakong walang iwanan at habang buhay magsasama.
Paano bang mabuhay ng wala siya? Paano bang maging independe sa pagmamahal mo sakanya, kung gaano ko sya kamahal,
ganun din kahirap kung paano ko sya makakalimutan. Sa bawat lungkot na dati’y saya na hinawi na kasabay ng hanggin.
Sinubukan ko na ang lahat ng paraan para makalimutan sya. Ang hirap pala talaga kapag wala na siya siyo. Yung may kulang sa
bawat araw mo. Yung may hinanap hanap ka. Ano ba ang kailangan kong gawin makalimutan lang sya. Kaytagal na pala, anim na
buwan na ang nakakaraan, di ko parin sya makalimutan, ginawa ko na ang lahat, di pa ba sapat mga yun. Linibot ko na ang lahat.
Naghanap ako sa internet, magazine at iba pa. Ngunit wala talaga! Pero sa isang telebisyon ko lang pala makikita ang sagot sa
kalahating buwan na sakit sa puso ko, yung kirot sa pakiramdam ko, at yung lito sa isip ko. Ang apat na mga hakbang para
makalimutan sya. Ang dalawang sangkap na kaylangan, ang puso at isip ko. Ang kagamitan na namumukud tanging sarili ko lang
pala. Ako lang pala kamamasagot sa mga tanong kung paano ko makakalimutan ang taong nagpahirap sakin ng sobra,
makalimutan lang siya. Tatawagin natin itong oplan makalimutan sya. Una, ihanda mo ang puso at isip mo bilang mga sangkap.
Ang sarili mo bilang kagamitan. Ingatan mo ang mga ito upang maging maayos ang ating plano. Isipin mo para sa iyo rin ang mga
ito. Pangalawa, alamin mo ang mga hakbang upang makalimutan sya. Pangatlo, gawin nyo na nga mga ito. Gawin mo ang unang
hakbang, Acceptance lang pala. Ibaon mo sa puso’t isipan ang pagtanggap na wala na sya. Tanggapin mo na tapos na ang lahat.
Isipin mo na dahil sa kanya di ka totoong naging masaya. Di ka bitter kapag ganun ginawa mo, kundi inisip mo lang ang ikabubuti
mo. Mahal mo sya pero kaylangang mong tanggapin na hanggang dun lang yun. Mahal mo sya pero wala na. Pangalawa, Forget.
Kalimutan mo na sya, katulad ng paglimot niya siyo. Isipin mo ang lahat ng bagay sa positibong paraan tulad ng: iniwan ka nga
kasi may taong mas karapat dapat para saiyo. May nagmamahal pa sayo na di nya katulad. Dapat mo syang kalimutan kasi ang
pangit nya. Lahat ng bagay na nagpapaalala sa kaniya, simula sa mga litratong magkasama kayo, sa mga konbersasyong nabuo
niyo nung masaya pa kayo, at higit sa lahat yung numero nya, kahit pa ito’y kabisdo mo pa.Pangatlo, Change. Magbago ka para sa
sarili mo, magbago ka hindi para sa kanila. Tandaan mo, sa huli ang taong mapapagkatiwalaan mo ay ang sarili mo lang, wala nang
iba. Magbago ka kasi mahal mo yung sarili mo at mahal mo ang mga taong nakapaligid sayo at nagaalala na bakit malungkot ka.
Magbago ka para makalimutan sya. Magbago ka kasi mahal mo sarili mo. Magbago ka kasi wala ng pakakataon mabalik sya sayo.
Pang-apat, Walk Away. Magsimula kang muli, maging masaya, ienjoy mo ang bawat araw mo. Bumuo ka ng panibagong journey,
mag isa ka? Ok lang yun, subalit mas masaya kapag kasama mo ang mga taong sumusuporta sayo. Maglakad ka patungo sa
kasiyahan mo. Maglakad ka hanggang sa walang hanggan. Ang mga hakbang na ito ay tungo sa paglimot mo sa kanya at para sa
ikakabuti mo. Sige lang, ipagpatuloy mo tungo sa ikakaganda ng buhay mo. Hindi lang sya ang nagmamahal siyo. Madami sila.
Huwag mong ipagsiksikan yung sarili mo. Sa taong di mo deserve. Maging masaya ka, okay na yun. Susuportahan kita. Ihandanda
mo ng maigi ang sarili, puso at isipan mo. Gawin mo ang lahat lahat para maging success at maayos ang plano natin. Ayos lang
masugatan ang puso mo dahil tama ang desisyon ng isip mo. Subukan mo lang, hindi masamang subukan, wala namang mawawala
sayo eh.

J UGALING WINALA

Sa pabago-bago ng panahon, maraming mga napapalitan, maraming nababago, ang ilan ay naalis o napapawi sa mundo.
Ang halimbawa nito ay ang mga bagay katulad ng teknolohiya na pawang gawa ito ng mga matatalinong imbentor sa mundo. Gaya
na lamang ng teknolohiya, pati na yata ugali ng mga tao ay waring nababago o naisasabay na rin lalong lalo na sa kasalukuyang
mga kabataan. Bakit kaya? isa ba ang pag-unlad ng bansa ang siyang kadahilanan ng pagbabago ng kaugalian ng kabataan? Ang
kabataan noon at ngayon ay may malaking pinagkaibhan lalong-lalo na sa kanilang pagkakalayo sa kilos, mga gawi, ugali,pati na
pananamit, maging ang mga damdamin at iba pang bagay sa mundo. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang,
hindi lamang magalang kundi masunurin sa lahat ng bagay at mabait na di-tulad ng mga kabataan ngayon wala na sa tamang
landas ang kanilang ugali. Sa kabilang dako nito, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin, ginugusto lamang
kung ano ang gusto nila. Kakaiba naman ang mga kabataan ngayon. Hindi na nila tinitingnan ang kanilang gagawin kung naayon
ba ito sa harapan ng iba. Mulat sila sa makabagong panahon nagsimula,lubhang na sa mga gawain at mahiligna sa maraming uri
ng paglilibang ang itinutuon ng mga kabataan ngayon. Ang ilan ay nasa uri na rin ng paglalabag o mga kalayawang mga gawa.
Kabila-kabilang mga krimen ang napapanood sa telebisyon, araw-araw. Ilan rito ay pawang bata pa ang nasasangkot sa gawang
ito. Mayroon ding nagkakaroon ng maagang pamilya na ang tutunguhan naman nito ay hindi maayos na pangangalaga sa bata.
Karamihan ay nalulong sa masamang mga bisyo tulad ng pag-iinom ng alak, paninigarilyo, paggamit ng bawal na gamut at iba pa.
Ngunit pareho parin ang mithiin ng bawat isa, ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa pa rin ng bayan ating bayan. Kapwa mga
makabayan pa rin ang ipinapakitang asal ng bawat isa, nagiging mapagmahal pa rin sa karamihan at sa sarili, matulunginpa rin sa
pamilya at mga nangangailangan. Ang pagkakaiba lamang ay ang lakad ng panahon, ang panahong dinadaanan ay pawang naiiba.

K DROGA SA KABATAAN

buti ayIsa sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng bansa ay ang kasalukuyang hindi maayos na gawain ng mga
kabataan. Mga gawang pawing nakakasira sa harapan ng iba katulad na lamang ng masasamang bisyo. Ang pagkalat at
pagpapabaya sa mga naiwang problema ay nagiging sanhi o mas lalo pang nagiging malaki itong problema na siyang kakalat pa sa
marami. Marami na akong nalalaman tungkol sa masamang gawaing gawa ng mga kabataan. dahilan na ng mga balitang naririnig
ko sa telebisyon at radio. Isa na rito ang pagkalulong sa droga. Ngunit masama ba talaga ito sa tao ? Pagkalulong sa droga. Marami
tayong nababalitaan na nangyayari na tumutukoy sa masamang bisyong ito. Maraming namamatay araw-araw dahil sa pagpatay sa
mga lulong sa bisyong ito. Oo, at naniniwala na ako na sobrang masamang-masama na ang naidudulot ng ilegal na droga sa
kabataan ngayon ay nakakagawa tayo ng maling gawain. Hindi maayos ang nagiging laman ng ating isip at lalong-lalo na hindi
sumasang-ayon sa tama ang tibok ng puso. Sa katunayan,ang droga, isa na itong kadahilanan kung kaya’t hindi nakakapagtapos ng
pag-aaral ang mga bata sa bansa. Ang ilan ay nalulong na rito at pawang dito na lamang nakatuon ang kanilang mga isip at pansin.
Ang droga ay masama dahil ginagawa niya tayong pabaya sa mga baga-bagay na dapat nating gawin. Ngunit mayroon nagsasabi
na hindi delikado ang paggamit ng droga. Ang droga ay nakaka adik lamang ngunit wala pang patunay na masama ito sa atin. Ang
mga sumusulpot na balitang katulad nito ay mga bagay-bagay lamang na sadyang nagpapatunay na ito ay walang masamang
epekto. Oo, marahil isipin ng iba na magulo ang sitwasyon ngayon tungkol rito. May mga positibo at negatibong ebidensya pero
hindi pa ito maayos napapatunayan. Ang totoong dahilan lang naman kung bakit ito ay ma nakakaadik at nagiging masama lamang
ito dahil sinasabing nakakasira ng buhay. Sabi nga nila, lahat ng masarap ay nakakaa

L KASALANAN BA ANG KASAGUTAN

Ang usapin ukol sa Death Penalty o Parusang Kamatayan ay hindi na bago para sa ating mga Pilipino. Dati na itong
pinapairal sa ating bansa mula pa noong panahon ng mga Kastila. Pagdating naman sa mga Pilipinong naging presidente ng bansa,
sa panahon ni Ferdinand Marcos naging popular ang parusang ito. Sa pagpalit ng administrasyon, sinuspindi ito ni Corazon Aquino,
mula 1987 hanggang 1999. Pagdating sa pamumuno ni Fidel Ramos, muling nanumbalik ang parusang kamatayan sa bansa bago
muling itigil noong 2006 sa pamumuno ni Gloria Arroyo. Naging papalit-palit ang pagpasa at pagbasura sa kaparusahang ito dahil sa
mga isyu ukol sa relihiyon, karapatang pantao, at mga di-inaasahang nangyari, sa loob ng bilibid at sa lipunan, noong pinapairal pa
ito.Ang mga pangulo ng Pilipinas ay may paiba-ibang paniniwala at kinakampihan pagdating sa usaping ito. Sa kasalukuyan,
supurtado at nais ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang parusang kamatayan bilang suporta sa kanyang adbokasiya laban sa
krimen at droga ngunit maraming Pilipino ang hindi sang-ayon sa pagpapanumbalik sa marahas na hustisyang ito. Isa sa
pangunahing rason kung bakit ibinasura ang parusang kamatayan ay dahil sa relihiyon. Bilang isang bansang may higit sa 80%
Katoliko, mahalaga at binibigyang pansin at respeto ang buhay ng bawat nilalang sa mundo. Isa pang rason sa pagbasura nito ay
ang karapatang pantao na nalalabag dahil sa batas na ito. Sinasabi ng mga nauna at kasalukuyang pangulo na mataas ang lebel ng
krimen sa bansa noong hindi na pinapatupad ang parusang kamatayan. Sinasabi nilang nawawalan na ng takot ang mga
masasamang loob na gumawa ng krimen dahil sa mababaw na kaparusahan para dito. Iniisip nilang ang pagbabalik ng parusang
kamatayan ang sagot sa kanilang problema sa krimen. Ngunit hindi lahat ng problema ay nadadaan sa dahas kung minsan ay lalo
pa lamang nitong napapalala ang sitwasyon. Ang pag-iisip ng solusyon sa ganitong klase ng problema ay dapat sa ugat nito hindi
kung kalian natapos na ang krimen ay doon pa lamang kikilos. Ako, kasama na ang karamihan ng mga Pilipino, ay tumututol sa
planong pagpapanunumbalik ng parusang kamatayan. Ang parusang ito ay sumasalamin sa masamang kinahinatnan ng mga tao sa
mundo ngayon. Naiiba na ang kanilang paniniwala sa sarili nila.Ang batas na ito ay hindi makatutulong sa problema ng mga tao sa
kasalukuyan, maaari lamang itong magdagdag ng komplikasyon sa proseso ng pagkamit ng hustisya. Isang halimbawa na lamang
nito ay ang kaso ni Marcial “Baby” Ama na nahatulan ng kamatayan gamit ang silya-elektrika noong 1961. Si Ama ay 16 na taong
gulang pa lamang nang bitayin dahil sa pagsaksak sa isang lalaki sa isang kaguluhan. Sa mata ninuman, hindi tama ang ginawa ni
Ama, pero tama bang pumatay ng isang menor de edad para sa hustisya? Ang pagsisintensiya ng kamatayan ay isang desisyong
hindi nakaatang sa kamay ninuman. Nasa Diyos lamang ang pagpapasya sa magiging kahihinatnan ng tao. Ang isang maling
pagdedesisyon ay kapalit ng buhay ng isang tao na kailanman ay hindi na maibabalik. Isang halimbawa nito ay ang nangyari kay
Eduardo Agbayani na ginahasa ang kanyang tatlong anak na babae. Sa araw ng pagbitay sa kanya ay sinabi ng tatlong biktima na
handa nilang patawarin ang kanilang ama at ipatigil ang pagbitay. Agad itong itinawag ng pangulo noong si Joseph Estrada noong
3:12 ng hapon ngunit hindi na umabot ang kanyang balita dahil nabitay na ang akusado sa ganap na 3:11 ng hapon. Hindi
kailanman magiging katanggap-tanggap ang ginawa ni Eduardo. Dapat lamang na harapin niya ang kanyang mga kasalanan at
pagsisihan ang mga ito lalo na’t handang magpatawad ang kanyang mga biktima. Ngunit, dahilan na lamang sa batas na ito,
nawalan na siya ng pagkakataong magawa ang mga ito. Hindi na maibabalik ang mga nakalipas na segundong lumipas. Ang
parusang kamatayan ay hindi naiiba sa krimen na ginagawa ng mga masasamang loob ngayon. Hindi ito nalalayo sa paraan na
pareho itong nagdudulot ng matinding kapahamakan at kasalanan, hindi lamang sa taong naaagrabyado, kundi pati na rin sa Diyos.
Bilang isang bansang binubuo ng mahigit tatlong-kapat na Kristiyano, kinikilala natin ang mga utos at turo ng ating Bibliya. Ang
ikalima sa “Sampung Utos ng DIyos” ay ang huwag kang pumatay nang kapwa mo tao. Sa pagpanig natin sa parusang kamatayan,
tayo ay sumusuway sa isa sa pinakamahalagang utos ng Diyos para sa atin. Sa paglabag sa kautusang ito, hindi ba’t nagiging
katulad na rin natin sila? Ano ang kinaiba nila sa atin? Sa kasalukuyan, pinaniniwalaan ng Pangulong Duterte na para sa ikabubuti
ng bansa ang muling pagbabalik ng parusang kamatayan. Inaasahan niyang mapapababa nito ang lebel ng krimen sa bansa,
mababawasan ang laman ng mga congested na mga kulungan, at maibibigay ang hustiya para sa mga biktima.Matatawag bang
tagumpay ang isang panukalang pambansa kung pinapairal ito gamit ang takot? Makokonsidera bang tamang rason ang dami ng
mga tao sa kulungan para isa-isahin sila upang lumuwag? Mahirap ang proseso ng hustisya, pero kailan nga ba masasabing
nakamit na ang hustisya?Hustisya ba ang maitatawag sa paglabag sa kautusan ng Diyos para lamang makaganti sa ibang tao?
Mapapagaan ba ang kalooban ng biktima kung makikita niyang wala ng buhay ang gumawa sa kanya ng masama?

You might also like